Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Araling Panlipunan 7

Easy
B_____1. Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng pananim na matatagpuan sa isang lupain o
rehiyon.
a.Klima
b.Vegetation cover
c.Steppe
d. Desertification

A_____2. Ito ang sukat ng timog-silangang asya.


a. 4,494,995 km.kw
b. 4,494,996 km.kw
c. 4,494,997 km.kw
d. 4,494,998 km.kw

C_____3. Ito ay isang heograpikal na proseso kung saan tinatangay ng tubig at hangin ang
ibabaw na patong ng lupa.
a. oil spill
b. polusyon
c. erosion
d. kaingin

B_____4. Ito ang sanhi ng labis na paggamit ng mga pataba, pestisidyo, at iba pang kemikal na
ginagamit para sa agrikultura.
a. desertification
b. pagkalason ng lupa
c. polusyon
d. polusyon sa tubig

A_____5. Ito ay proseso na nagdudulot sa mga lupain na magmistulang disyerto dahil sa


kawalan ng anumang halaman o punongkahoy dito.
a. desertification
b. oil spill
c. erosion
d. vegetation cover

Average
_A____1. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang
itinuturing na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa buong daigdig?
a. Matatagpuan ito sa Mesopotamia sa lambak ng Tigris at Euphrates na unang nahubog na
pamayanan
b. Sa Mesopotamia matatagpuan ang pinakaunang kabihasnan sa daigdig
c. Dahil ditto naitatag ang mga pamayanan at imperyo
d.  Ito ang naging tagpuan ng iba’t ibang pangkat ng mga tao
_A____2. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
a. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat na tao
b. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
c. Paninirahan sa malapit at maunlad na pamayanan
d. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

_D____3. Ang Caste System sa India ay sinaunang paghahati ng lipunan na may iba’t ibang
antas o pangkat ng mga tao. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay tungkol sa caste
system?
a. May mahahalagang gawain sa bayan ang bawat pangkat.
b.  Ang Sudras ang pinakamataas na uri sa lipunan.
c. May mataas na pinuno na bahagi rin ng Sudras.
d. Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kaniyang antas sa lipunan at
karapatan.

D_____4. Kung ang sistema ng pagsulat sa Shang ay Calligraphy, ano naman sa


Kabihasnang Indus?
  a. Cuneiform
b. Pictogram      
c. Steno
d. Pictograph 

_A____5. Sa China, ang footbinding ay ginagawa sa mga batang babae. Tinatanggalan sila
ng kuko, binabalian ng buto sa daliri at binabalutan ng bondage at metal ang mga paa.Ano
ang implikasyon nito sa kanilang kultura?
a. Naging pamantayan sa kagandahan ng lipunan ang ganitong kultura
b. Naging batas na ng lipunan ang ganitong gawain
c. Nakabubuti sa tingin ng mga kalalakihan ang ganitong tradisyon
d. Tataas ang kalidad ng pamumuhay kung gagawin ito.

Difficult
C_____1. Naghangad din ng kaniyang kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang isinagawa
nito upang matamo ang kaniyang hangarin?
a. Nakipag-alyansa sa mga kanluranin
b. Hindi tinangkilik ang mga produktong Ingles
c. Itinatag ang Indian National Congress
d. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng digmaan

C_____2. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi katanggap-


tanggap. Alin sa mga sumusunod ang isang pagbabagong hindi matanggap ng mga
Indian?
a. Pagpapalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayon sa pamantayang Ingles.
b. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying-dagat.
c. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan.
d. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon.
D_____3. Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Great Britain noon 1947, nahati ito sa
dalawang estado, ang kalakhang India at Pakistan. Ano ang naging epekto nito sa katayuan ng
bansa at mamamayan?
a. Nahimok na mag-isa ang mga Muslim sa mga Indian.
b. Nahati ang simpatiya ng mamamayan sa dalawang estado.
c. Nagsilikas ang karamihan ng mamamayan sa ibang bansa.
d. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno.

A_____4. Ang dahilan ng patuloy na paglalaban ng India at Pakistan ay ang kapwa nila nais
angkinin ang teritoryong Kashmir. Ano ang naging epekto ng sigalot na ito sa kanilang
nasyonalismo?
a. Naniniwala ang dalawang magkalabang bansa na pag-aari nila ang Kashmir.
b. Nais ng dalawang bansa na patunayang makapangyarihan sila.
c. Umaasa ang mamamayan na malulutas din ang sigalot na ito.
d. Tumanggi ang dalawang bansa sa pakikialam ng United Nations Organization (UNO) sa
paglulutas ng kanilang suliranin.

A_____5. Noong sinakop ng mga Ingles ang India, nagsimulang pinakialaman ang politika ng
bansa sa pamumuno ng British East India Company. Naging mababa ang pagtingin ng mga
Ingles sa kultura ng Indian. Maging ang pamamahagi ng mga lupain ay binago rin ng ga Ingles.
Dahil dito, napilitan ang mga manggagawang Indian na mag-aral ng Ingles upang mapaunlad ang
sariling kakayahan sa paghahanapbuhay. Anong implikasyon ang mabubuo sa ganitong
kaganapan?
a. Ang pananakop ng mga dayuhan ay nagsilbing aral sa mga Indian.
b. Ang pananakop ng mga Ingles sa India ay nakatulong sap ag-unlad ng kulturang India.
c. Ang pananakop ng mga Europeo ay lalong nagpahirap sa kabuhayan ng mga INdian.
d. Ang pananakop ng mga Europeo ay hindi nakaapekto sa anumang aspekto ng
pamumuhay ng mga Indian.

Clincher
B_____1. Ano ang dahilan ng paglaganap ng matinding kagutuman sa mga kolonya ng mga
Pranses sa French Indochina?
a. Itinago ng mga Pranses ang mga pagkain tulad ng mga bigas upang makontrol ang mga
kolonya nito.
b. Pinilit ng mga Pranses ang mga magsasaka na magtanim ng mga cash crops at ang mga
bigas na naaani sa mga kolonya ay iniluluwas sa Europa.
c. Nakaranas ng matinding pagbaha sa malaking bahagi ng Indochina na sumira sa mga
sakahan dito.
d. Dumaan ang malakas na bagyo na nagdulot ng pagkasira ng maraming bayan.

B_____2. Bakit ginamit ng mga kolonisador ang pamahalaan, simbahan, edukasyon at iba pang
mga institusyon sa mga kolonya?
a. Upang makayanang maging independente ng mga kolonya
b. Upang matuto ng Kanluraning kaisipan ang mga katutubo
c. Upang mabuo ang nasyonalismong pagkakilanlan ng mga katutubo
d. Upang mahubog ang kaisipan ng pangingibabaw ng mga Europeo

C_____3. Ano ang pangunahing motibasyon ng mga Europeo sa pagtaguyod ng mga kolonya sa
Asya?
a. Upang mapaunlad at mapaganda ang buhay ng mga katutubong Asyano
b. Upang mapalawak ang kanilang pananampalataya
c. Upang makontrol ang kalakalan ng mga pampalasa
d. Upang mapigilan ang paglakas ng mga bansang Asyano

C_____4. Alin sa mga sumusunod ang nagdulot ng paghina ng Imperyo ng Tsina noong panahon
ng kolonyalismo.
a. Pag-unlad at paglakas ng Imperyong Hapon
b. Pagbubukas ng Suez Canal
c. Malawakang kaguluhang internal at presyur na military ng mga Europeo
d. Pagbabago ng ekonomiya ng Timog Silangang Asya
B_____5. Alin sa mga sumusunod ang dahilan upang tumindi ang impluwensiya ng mga
Kanluranin sa Asya?
a. Telenobela dahil, mahilig ang mga Asyano magbasa
b. Telegraph dahil, ito ay isang aparatong ginagamit upang makipag-ugnayan sa isang
distansya sa isang kawad
c. Telegram dahil, isa itong apparatus na ginagamit upang magpadala ng mga mensahe sa
malayo.
d. Telebisyon dahil, ito ay isang larawan na gumagalaw at nagbibigay ng impormasyon at
tuwa sa atin

You might also like