Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MAIGSING SALAYSAY UKOL KAY KA ELOY OCAMPO(SHARED BY:ESTO DEL VIDA)

Sa pagaaral ng spiritual na papanahon na para ihayag ang maiksing kasaysayan ni Ka Eloy maraming
kumakalat ukol sa kanya, kuro kuro at kwento ika nga Deadman cannot talk. Sa aking pag research at
pag explore sa Pampanga nakausap ko ang mga kamaganak nya, naging studyante nya at mga taong
nakakita ng kanyang pagmimilagro. Si Ka Eloy ay taga Sta Felomena, Guagua, Pampanga isang retired US
Navy at kabilang sa USAFE kasama din sya sa last defender of Bataan during WWII nakasama din sya sa
death March ngunit nakatakas naman. Isa sa trademark nya ay laging nakasukbit ang 45 nya na gold
plated ay nka display ang YTjHS . Sya ay ngkaroon ng mga studyante ayun sa akin nalaman sila Peles
Roman ngtatangan ng genuine TM porma 9 sa unang ikot lihis ang bala, sa pangalawang ikot ndi
puputok, at sa pangatlo laglag ang bala, Si Joe Libut retired US Navy kilala sa pguubra takbuhan ng my
problema sa lugar nila, Si Boy Garcia na ngtatangan ng Tuldok at Kudlit (PARU PARU), C Roger na inaanak
nya na nagtatangan ng TUVO isa sa nagsilbing closein security ni Marcos, C tito Lope na nagtatangan ng
Y sa pguubra, at kilalang sumubok ky luxbel , C Uncle Edilberto Diala na ngtatangan ng AAA 45 na ihagis
ang bote umuusok lng ndi nabasag sya din ang nakita nilang ngpalutang ng baso sa ere, Si Lolo Goyot na
ama ni Nael “Aka Apong Bong BULLET PROOF” na gumawa ng tower ng bahay ni ka elo at nagtagal sa
Guam, Danilo Carbungco na my hawak ng ibang klaseng ANIMA SOLA, Y na umikot at Magkapatid na
Libut, sa kapatid ni Alvaro ay takluban na Suso ngayon ay US Navy at C Engr Alvaro Libut na ibat ibang
testamento ang tangan master ang tanungan na Alpha Omega ni Ka Elo biro nya itanung mo sa
BULAKLAK habang pumipintig ay pasok ang grasya, na naging tapat kong kaibigan at kasama. Bukod sa
turo ni ka elo sa kanila ito mga studyante nya ay my kanya kanya na talagang iniingatang gamit at
pangalan na hinahawakan galing sa kanilang angkan. Nakausap ko ang pamilya ng iba dito ang habilin
nung silay pumanaw ay tama na isa sa pamilya ang matutu. Bkit kaya nasabi ito? Kagaya ng asawa ni
peles roman bago pumanaw ganyan din sinabi sa akin. Ndi ko nman nakitang malas sa buhay kasi ng
puntahan ko mga bahay ng mga ito ay malalaki at masasabi mong may kaya, ang mga anak nila ay nasa
abroad at maayos ang pamilya.

Saan nga ba nanggaling ang matitinding gamit ni ka elo? Bukod sa sariling gamit na mana sa pamilya nya,
Noong sya ay nasa Bataan nagpahinga sa isang kagubatan nagicing sya my libreta na pumatong sa
kanyang dibdib na kulay ginto ang sulat at sumasayaw ang letra dala nya ito hanggang Pampanga kapag
pinagaaralan nya ay nawawalan sya ng malay or comatose ng 3 days kaya ngpatulong sya sa kaibigan
nya na c pareng MENTE, na kinalaunan nalaman ko ito pala c Clemente Pascual. Nagusap at ngkasundo
sila “gentleman talk” kapag kinaya na ni ka elo ay ibabalik ni mente ang libreta. Dito ay ngpasya subukan
ng dalawa e testing ang libreta binaril ito ng Garan ndi matamaan at minsan ndi putukan ang libreta na
nangangahulugan na buhay ang libreta kapag nahulog naman ay kusang bumabalik sa may ari.

Noong natutunan ni ka elo ang laman ng libreta dito na namayagpag si Ka elo dumadayo sa ibat ibang
lugar kasama c kumpareng mente nya. Ngtagal si ka elo sa pgtuturo sa Sto Felomena at c pareng mente
nya sa manila. Doon sa bahay nya sa sto felomena nasaksihan ng mga tao doon nung pinasabog ni ka elo
ang baril kalasan ang piyesa tumalsik ang slide at ngsalita kaya nga ako nagwalis para madali mong
mapulot ang piyesa using YTM kaya nya ginawa ito dahil my isang pulis ang nanubok at gusto makasaksi
ng milagro at dito nya din ginawa ang ngpagapang ng piso using OCAM. Nahirapan kami makipgusap sa
mga nkasaksi dito kasi matatanda na sila at kapampangan pa need ko pa ng translator. Bakit dito sya
ngtagal magturo? My kasabihan at tradisyon kasi sa pamilya nila na ang mga gamit spiritual ay bawal e
turo or isalin ang karunungan sa babae. Gayunpaman naturuan pa din at naiwan ang libro ni ka elo sa
kanyang anak n c Dada sa Maypajo.

Panu nga ba magturo c ka elo? Kapag ikaw ay baguhan at nagaral sa kanya ang una nyang bungad ay bkit
gusto mo matutu ng demonyo? Handa k bang pumatay? Alam mo bang isang libo pinatay ko sa TM.. sabi
nila dinidiscourage lng para umatras ka, pero sa isang banda my katotohanan ang sinabi nya. Kapag
mahal na araw ngdaratingan mga studyante nya dito ngpapaluto sya lage ng pancit at malagkit sa
malaking kawa nya at sinasara ang pinto ika nya lage “walang nakasaradong pinto sa isang magaling na
lalaki” at kapag ngbibigay ng pera ang studyante nya ang wika nya “Binibili mo ba ako?” sa madaling
salita ndi sya tumatanggap ng pera. Kapag nagumpisa na sya magturo ang kanyang patakaran ay walang
magsusulat at dito my nkasubo sa kanyang tobacco ngunit walang sindi magdamagan ang aral doon
kung ikaw ay salawahan sa ibat ibang gamit ay wala kang matutunan dapat pokus k muna sa isang gamit.
At kung my makuha kang pangalan ingatan mo dahil sa susunod na taon pgkita nu ulit yun pa din ituturo
nya. Gusto nya cguro Makita panu mo pahalagahan pangalan na ibinigay nya. Kapag nagturo sya ay
halos walang latin na dasal, tanung nga ng isang studyante nya anu po bang dasal bagay dito sa pangalan
na ito? Ngbiro at ngsabi Kapampanganin mo n lng mas maintindihan ka pa ng dios kaysa latin na ikaw
mismo ay hindi mo naintindihan ang dasal mo sabay tawa hahaha…

Anu anu milagro ang nagawa ni ka elo na aking narinig sa lugar nya? C ka eloy ay hilig mag OBRA na
ngturo nman sa mga tapat na studyante nya dito master nila ang LABAHADA DEL SPIRITO SANTO ang
bilin pa nga nila kay kaibigang Alvaro bakit panggagamot pinagaaralan mo? Walang pera dyan sa OBRA
andyan ang pera, in short sa kanila gamutan or panggamot masama maningil at quotahan ang pasyente
pero sa OBRA my karapatan ka maningil dahil problema ng iba kinukuha mo. *Isa din sa kilalang ginawa
nya ay minsan nguusap sila dumating ang isa sa mga studyante nya my problema at nagwika “Tulungan
ninyo ako sa problema ko ang gagaling ninyong lalaki pauwiin ninyo yung anak kong c BABY na naging
amasona at kasama ni kumander dante NPA ng porac, kapag ndi ninyo napauwi sayang lang
pinagaaralan natin” dito na challenges si ka elo kumuha ng papel pinasulat ang pangalan sabay OBRA at
pgtapos nag wika mamayang gabi ganitong oras uuwi yan at ihahatid pa ng kasamahan nya. Noon gabi
na iyon umuwi sa bahay si baby sa Maquiapo,Guagua, Pampanga kasama c Kumander Dante inihatid pa.
Pgtapak sa bahay agad binitawan ang baril na UZI at niyakap ang nanay nya at umiyak agad nman umalis
si kumander dante at dinala na yung baril ni baby buhat noon hanggan ngayon ndi na bumalik at
dumalaw ang NPA ky baby. Naalala ko tuloy lately ang ginawa ni Ka Alvaro sa situation ni JC MAC “
Libreto ni Lolo” 10 taon na ndi umuuwi ate nya nagawan ng paraan ni Ka Alvaro. * Minsan din ginawa ni
ka elo ay sinulat ang pangalan ng studyante nya sa papel at pinagapang ang unang makakarating sa
kanya ay tuturuan nya. * dahil c Roger isa sa closein security ni Marcos ay pamangkin ni ka elo at
naniniwala sa spiritual c marcos. dito ng invite ang marcos mg show sa pinas c david copperfield at
nangyari nman dito sa manila. After ng show nya pinagtapat ngayon ni marcos c david at ka elo kasama c
pascual sa isang resort sa tagaytay kasama piling PSG security. Ngpakita ng ibat ibang milagro c david
maliban sa kanyang illusion. Ang grupo din ni ka elo ngpakita ng milagro na kinamangha ni david my
lumakad sa sinag ng flashlight at pinatigil ang bala sa ere dahil my kayabangan c david dito pinaglaruan
ni ka elo at pascual using 2 candles gamit testamento ng EGOTE SUSPENDAT 72 coeles kinahon c david
sa madaling salita suspendido na gamit nya tinigalpo nman ng pascual dito nahubaran c david tanggal
ang damit sa kahihiyan ni david buhat noon ay ndi na nabalita ang kanyang magic maliban sa illusion nya
at hindi na bumalik sa pinas. *Ang tanungan ni ka elo minsan ay pagalaw ng karayom dito my sinulid at
karayom tuturo sa YES or NO. My mga iba pa akong narinig at nakitang testamento sa ngayon ay ito
muna.

May tradition ang pamilya nila na lalaki dapat magtangan ng karunungan kaya bago pumanaw si ka elo
ay naturuan nya ang inaanak nya na c Flor “Kuntil” Pascual at naiwan dito ang Libretang Buhay at maleta
ng karunungan dahil kanya itong inaanak at noong pumanaw c ka elo hinabilinan ito na ibahagi ang mga
libro sa kinauukulan kasi ang mga libro ay my kanya kanyang pangalan or dapat pagbigyan. Gayunpaman
naturuan pa din ni Ka Elo ang anak nyang babae na c DADA.

Ito pong maikling nilahad ko ay hango sa aking pagresearch sa ibat ibang kamaganak at naging studyante
nya sa tulong ng aking kaibigang c Engr Alvaro “Ver” Libut na studyante, nakasaksi, at pamangkin ni
Ginoong Cirilo Ocampo. Wala po kaming grupo at wala kaming balak mg recruit kami po ay Free Lancer
open sa ibat ibang aral at nirerespeto ang ibat ibang paniniwala no religion involve. Marami kaming
natuklasan na katotohanan sa ibat ibang kwento na kumalat na pinagka perahan ng iba pinaniwala ang
gusto magaral na sila dw kuno ang gumawa nito. Sa mga naging studyante at kamaganak ni ka elo amin
pong iingatan ang mga natagpuang original na testamento at pagaaralan ng husto. Maraming salamat
po naway makatulong sa inyo ito.

CONCLUSION: Bukod sa pamilya, estudyante, at kamaganak ni Ka elo my iba pa din ngtatangan ng


genuine at aprobadong gamit spiritual sila ay nanahimik lang at iniingatan para sa kanilang pamilya.
Kayo pa rin mgpapasya kung anu paniniwalaan nu.

You might also like