Ang Parabula NG Sampung Dalaga

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

FILIPINO 10 – UNANG MARKAHAN

Pangalan: ___________________________________ Antas/Seksiyon: ____________ Petsa: ________ Iskor: _________


FA____ Ang Parabula ng Sampung Dalaga / Berbal, Di-Berbal, at Pasulat na Pakikipagtalastasan / Pang-ugnay

G1: Panuto: Ayusin ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ang mga nakagawian sa paghahanda ng kasalan ng mga
Hudyo. Isulat ang titik ng sagot sa patlang.
_____1. Sunod na pinag-usapan ay ang detalye ng kasalan.
_____2. Sinundan ito ng pagtanggap ng dalaga sa panunuyo ng kanyang mangingibig.
_____3. Nagsimula ito sa pag-uusap at pagkakasundo ng ama ng binata at ama ng dalagang ikakasal.
_____4. Sa gabi ng kasal, unang pupunta ang lalaking ikakasal sa tahanan ng kanyang kasintahan upang ito ay sunduin at
saka sila tutuloy sa tahanan ng binata upang doon idaos ang kasalan.
_____5. Nang matapos ang kasunduan ay lalayo muna ang binata upang maihanda ang kanilang magiging tahanan.

G2: Panuto: Tukuyin kung nakapaloob sa akda ang mga sumusunod na kaisipan. Lagyan ang patlang ng markang tsek.
Markang ekis naman ang ilagay sa patlang kung wala sa akda ang kaisipan.

_____1. Ang kasalan ng mga Hudyo ay karaniwang ginaganap sa madaling-araw.


_____2. Sa tahanan ng binata idinadaos ang kasalan.
_____3. Ang lahat ng dalagang nakatalagang maghintay sa binatang ikakasal ay matatalino.
_____4. Naubos ang langis ng ilawan ng limang dalaga dahil hiningi ng lima pang dalaga.
_____5. Umabot hanggang hatinggabi ang paghihintay ng mga dalaga sa ikakasal.
_____6. Ang limang hangal na dalaga ay hindi nakapasok sa pinto dahil wala sila nang dumating ang lalaking ikakasal.

G3: Panuto: Kilalanin kung A-berbal, B-di-berbal, o C-pasulat ang mga sumusunod na paraan ng paghahatid ng mensahe.
Isulat ang kaukulang titik sa patlang.
_____1. Pakikipag-usap sa telepono _____6. Short messaging system
_____2. Video call _____7. Pagsasalita sa telebisyon o radyo
_____3. Pagtango _____8. Pagkumpas ng kamay
_____4. E-mail _____9. Pagkunot ng noo
_____5. Pagngiti _____10. Pagkomento sa Facebook

G4: Panuto : Punan ng wastong pangatnig ang bawat puwang.


1. Tandaan ninyo, ang ganda ay kumukupas _________________ ang pagkatao ay hindi lumilipas.
2. _________________ iyo, nais kong mabuhay.
3. _________________ tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito.
4. _________________natapos ko ang aking pag-aaral, disin sana’y mayroon na akong dangal.
5. __________________ nakita ka, ako’y nahihiya.
6. Mayaman ka man ______ mahirap, may karapatan kang dapat pangalagaan.
7. Maganda nga si Diane _______________ matapobre naman.
8. Maraming babae ang humahanga kay James. ___________________ mahusay siyang makisama.
9. Nanalo siya sa paligsahan _______________ sintunado ang boses niya.
10. Mahirap ang pagsusulit na ibibigay ko ______________ dapat kayong mag-aral nang maigi.
11. ____________ sakaling mawala ako sa piling mo, huwag kang makalilimot sa akin.
12. Ang mag-asawa ay naghanda ng almusal _________________ natutulog ang mga anak.
13. Ang panganay na anak ay nagwawalis sa bakuran _______________ ang bunso naman ay nagdidilig sa mga halaman.
14. Si Peter, _____________ si Mark ay sabay na magtutungo sa unibersidad na papasukan.
15. Ginawa niya ang pagsosorbetero sa araw, _______ ang pagbebenta ng balot sa gabi upang madagdagan ang
kanyang kita.

G5: Panuto: Punan ng wastong pang-ukol ang bawat pahayag.


1. Likas sa bawat tao ang magsikap ______________________ kanyang sariling kagalingan.
2. Ang isang magulang ay palaging nag-iisip _______________________ magiging kinabukasan ng kanyang anak.
3. ________________________ kagustuhan ng isang ama ang masangkot ang isang anak sa anumang kasamaan.
4. ___________________________ mga nakatatanda, hindi kayang bayaran ng isang anak ang lahat ng sakripisyo
at pagpapakasakit ng magulang ___________________ kanya.
5. Ang pagpapakabuti ng isang anak sa kanyang pag-aaral ay ________________ mga pangarap ng isang magulang.
6. Hindi tayo dapat magsalita ng anuman __________________ mga magulang.
7. Ang bawat anak ay dapat mag-isip ng anumang makabubuti ___________________kanyang pamilya.
8. “ May bukas pa ang iyong buhay”, _____________________ isang awitin, kaya hindi tayo dapat
mawalan ng pag-asa .
9. _________________________ mga responsibilidad ng mag-asawa ang pinag-usapan sa seminar.
10. Makabubuti ______________________mga kabataan ang pagdalo sa mga gawain sa pamayanan.

You might also like