Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BAKA SAKALI LANG, KALAWAKAN

By: Wendel Nuguid

1st verse:
ikaw ang buwan
na ayaw kong pakawalan
kasama mo'y mga bituin

1st refrain:
at ako rin ay nahuhulog sa iyo
unti-unting pumipikit
1st chorus:

sa aking pagtulog
ikaw ang katabi
ikaw ang kapiling
at sa aking panaginip
ika'y isasayaw
walang bibitaw
walang aayaw
dahil ikaw ang aking kalawakan
sayo'y hindi na lilisan
2nd verse:
sa aking pagmulat
gusto ko'y ikaw ang bubungad
ang iyong angking liwanag
ibuhos sa'kin lahat
2nd refrain:
dahil ako ngayon ay napapaibig sa iyo
unti-unting gumigising
2nd chorus:

baka sakali lang


sa aking pagbangon
ikaw ang kasama
ikaw ang kapiling
at sa aking paggalaw
ika'y isasayaw
hindi na bibitaw
hindi na aayaw
dahil ikaw ang aking kalawakan
at sayo'y hindi na lilisan
bridge:

pero dumating ang gabing


nagbago ang lahat
wala na ang buwan
pati na rin ang mga bituin
at ang iyong liwanag
ay hindi na para sakin
3rd chorus:
baka sakali lang
sa muling paggising
ay nariyan ka na
sa aking tabi
at sa aking panaginip
muling isasayaw
ika'y bumitaw
ika'y umayaw
dahil ikaw ang aking kalawakan
at ngayon at tuluyan nang
lumisan

You might also like