Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Nagsimula ang kwento sa pagkalumabay ni Tandang Julio Madarang habang nakaupo sa

tumba-tumbang nasa tabi ng bintana. Napatingin siya sa munting altar sa ibabaw ng estante sa
sulok.

Dumungaw siya sa bukas na bintana. Sa tapat na iyon ng papawirin sa kanluran ay


naaaninag ang kakaibang sabog ng liwanag. Alam niyang iyon ang bahagi ng kabayanang
kinaroroonan ng liwasang-bayan. Alam niyang may nagaganap na malaking sayawan doon
ngayong gabi. Naging tradisyon na ng bayan ng San Juan ang pagkakaroon ng sayawan sa
liwasang-bayan sa bisperas ng Bagong Taon. Dumarating din sa kanyang pandinig ang manaka-
nakang pagputok ng mga luses at rebentador.

Nag-iisa nang nabubuhay si Tandang Julio sa loob ng kubo niyang ito. Nagsimula ito
noong mamatay ang solo niyang anak na si Salacnib. Ibig sabihin ay, kalasag, Tagapagtanggol,
Tagapagligtas.

Natingala ni Tandang Julio ang altar, sagrada Familia ang nakatanghal dito. Ama, Ina at
Anak. Tuwing makikita niya ito, naalala niya ang pamilyang itinayo niya. Siya, bilang ama. Si
Felisa, bilang ina. At si Salacnib, bilang anak. Ngunit patay na sila. Kaya siya nalang nag-iisa.

Sa ibaba ng larawang medya kuwerpo ni Salacnib, may dalawang bagay na nakatanghal.


Isang itim na rosary at isang nakakalubang tabak. Mahalaga ito sa buhay ni tandang Julio. Ang
itim na rosaryo ay galling kay Felisa, minana sa yamaong ina. Ang tabak ay kanya, mana niya sa
kanyang ama. Dating insurekto ang kanyang ama. Ito raw ang tabak na ginamit ng kanyang ama
noong magrebolusyon ang San Juan sa panahon ng Kastila.

Susubo na sana siya nang marinig niya ang kahol ng aso. Nagmumula sa malayong
timog-kanluran. Sinundan ng mga putok. Mga rebentador ba iyon o mga baril?

Muli nagsayaw ang ningas sa timsim ng lampara. Mula sa kung saan may napansing
gamugamo ang matanda sa may kinaroroonan ng lampara. Nilibot nito ang dila ng apoy.

Mula noong maulila sa asawa at anak, nagmukmok na si Tandang Julio sa dampa niyang
iyon na nakatayo sa ilang na bahagi ng nayon sa paanan ng Bundok Gidda. Bihira na siya
lumuwas. Medyo may edad na siyang nag-asawa. Panahon ng giyera noong magkakilala sila sa
Bakwitan. Saka lamang sila nagpakasal noong liberasyon na. Tatlo sana ang anak nila ni Felisa
kung hindi namatay ang unang dalawa. Patay na ang mga ito ng ipanganak. Si Salacnib lamang
na bunso ang nabuhay. Mahigit sampong taon silang naghintay bago dumating si salacnib.

Mataas ang pangarap niya kay Salacnib. Matalino ito. Balediktoryan nang matapos sa
Elementarya, salutaturyan naman noong hayskul. Balediktoryan sana ito kung hindi kamag-anak
ng alkalde sa bayan ang kalaban.

Sabi niya sa anak na nagdamdam dahil sa nangyari: Pag-aaralin kita. Igagapang kita sa
hirap anak. At patutunayan mo sa iba na hindi hanggang hayskul lamang ang pag-aaral.

Abugasya ang piniling kurso ng anak. Palibhasa’y matalino, naging iskolar ito kalaunan.
Naging lider-estudyante sa pamantasang pinapasukan. Ngunit isang araw, naulanan si Felisa sa
bukid. Napulmonya at namatay. Hindi na siya muling nag-asawa.

Nang panahong iyon, uso na ang mga demonstrasyon at rally sa siyudad. Isa si salacnib
sa mga lider. Binabatikos ang kabulukan ng lipunan. Ilang ulit binugbog at ikinulong. Ngunit
hindi ito sumuko. Lalong naging matapang.

Noon hindi niya naiintindihan si Salacnib. Ipinadala niya ito sa siyudad upang mag-aral
at hindi manggulo. Ngunit matigas si Salacnib. Sabi nito nang minsang magbakasyon. Itay, hindi
ko itinatangging anak niyo ako. Ngunit hindi na ninyo ako pag-aari, ako ay pag-aari na ng bayan.

Hanggang sa ibaba ang batas military sa buong bansa. Isa si Salacnib sa mga ikinulong sa
istaked ng mga sundalo.

Isang araw, nakatanggap siya ng telegram: patay na si salacnib. Ayon sa military,


nagtangka itong tumakas. Napilitang barilin ito. Ngunit iba naman ang bersyon ng mga kaibigan
ni salacnib, sinalbeyds daw ito ng mga military.

Duguan ang bangkay ni Salacnib nang iuwi siya. Tadtad ng bala ng armalayt ang
katawan. Gayon pa man hindi niya itinapon ang suot na damit ni Salacnib ng mabihisan ito bago
ilibing. Itinago niya iyon sa malaking baul sa sibi.
Hanggang ngayon nagbilang siya. Labing-apat na taon! Muli may narinig siyang kahol
ng mga aso. Parang papalapit. May hinahabol ang mga aso.

Muli, napansin ni Tandang Julio ang gamugamo na palibo-libot sa dila ng apoy. Ito rin
ang gamugamo sa kusina kanina. H’wag kang lalapit sa apoy. Tahimik niyang kinausap.
Masusunog ang pakpak mo. Hindi moa lam nakikipaglaro ka sa kamatayan!

Naghikab siya. Tumayo at pumasok sa sibi. Kinuha niya ang banig, unan at kumot. Sa
sala siya naglatag. Ang sibi ang dating kwarto ni Salacnib. Magmula ng mamatay, wala nang
natulog sa katreng iyon.

Hihiga n asana siya may kaluskos. Kapagkuwan may kumatok sa pinto. Mahina
hanggang palakas nang palakas ito. Kinuha niya ang lampara. Sumunod ang gamugamo sa ilaw.
Nagtungo sa may hagdanan. Binuksan niya ang pinto.

Kabataang lalaki ang nasa paanan ng hagdan. Duguan ang kanang balikat at mayhawak
na armalayt. “Sino ka? Taga saan ka amang?” Tanong ni Tangdang Julio. “Dayuhan ho ako rito.
B-baka ho p’wedeng magpahinga ako rito sandal?” Natitiyak ni tandang julio: na ang kabataang
iyon ang hinahabol ng mga aso.

Parang may ibang lakas na nagtulak sa kanya upang patuluyin ito. Nilagyan ng gamot
ang sugat.

“Salamat po, Tata”. “Kumain kana?” “Hindi pa hio”. Kumuha ng pagkain at tubig at
ibinigay sa kabataan. Kumain ang kabataan. Gutom na gutom. Sumandal uli ang kabataan sa
haligi pagkatapos kumain, pumikit. Ngunit bigla rin nagmulat nang marinig ang kahol ng mga
aso di kalayuan. “Sila siguro iyon” wika nito. “sinong sila?” “Yon hong mga humahabol sa
akin.” Pinapasok niya muna sa sibi ang kabataan.

“Happy New Year, Tata,” Bati ng kabataan. Tumango lang si tandang Julio. “Ano nga ba
ang pangalan mo?” tanong ni tandang Julio. “nakita ko sa dingding ang larawan ng anak niyo.”
“’di ho ba’ng anak n’yo si Salacnib Madarang?”

Isinalaysay ng kabataan: hindi man nito nakita ng personal si Salacnib. Ngunit kilalang-
kilala raw ang pangalang iyon sa pamantasang pinapasukan nito noong nag-aaral pa. Sa kampus
may tinatawag dawn a Madarang Park at may munting estatuwa si Salacnib. Itinayo ng kilusang
itinatag ni Salacnib.

May nasaling sa dibdib ni Tandang Julio. At nagbalik ang mga alaala. Nagkwento na rin
tungkol sa kanyang pag-iisa at inilabas sa lumang baul ang duguang t-shirt at pantalon. At sinabi
ang pagkamatay na ito ay sinalbeyds nila.

Ganon din daw ang gagawin sa kabataan. Ngunit napilitang manlaban hanggang sa
makaagaw ng armalayt at nakatakas. Ibinigay niya sa kabataan ang itim na rosaryo at
nakakalubang itak.

“Alam ko, mahalaga ang mga ito sa inyo. At kung ano man ang kahulugan ng mga ito sa
buhay niyo ay hindi ko na itatanong. Sapat nang sabihin kong kaisa niyo ako ng damdamin!”
“Sige, amang magpahinga kna!”

Kinuha niya ang lampara at ipinatong sa may altahan, at sumunod ang gamugamo.
Matagal pinagmasdan ang gamugamo at nakikipagharutan parin sa dila ng apoy. Nakaidlip siya,
ngunit nagising siya sa kahol nanaman ng mga aso.

Umalis ang kabataan ng hindi namalayan ni Tandang Julio. Nagising siya, unang
sumaksak sa isip niya ang kabataang lalaki. Bumangon siya at sumilip sa sibi, wala na ang
kabataang lalaki. Kinuha niya ang lampara, napansin niya wala na ang Gamugamo. Hinanap niya
sa ibabaw ng altahan baka nalaglag pagkatapos masunog. Ngunit wala.

Pagkabukas niya ng bintana sa kanluran, may kumalabog sa hagdanan. Sinisipa ang


pinto. Bago makakilos ay nakapasok na sa dampa ang apat na lalaki. Nakilala niya ang isa
tserman ng barangay. Armado ng armalayt ang tatlong lalaki. “Nasaan si Crisostomo
dimasupil?” “patungo rito ang dugo”.

“Wala akong kilalang Crisostomo Dimasupil” “Pero marahil ay katulad din siya ng anak
ko na inyong sinalbeyds” tadyak, suntok ang kanyang natatanggap. Hanggang sa maging manhid
na ang kanyang nararamdaman.

“bratatatat!”
Naramdaman ni Tandang Julio na parang Nasunog ang kanyang dibdib. Patihaya siyang
bumagsak. Ngunit bago siya nagpikit ng paningin, napansin niya ang gamugamo na naglalaro
parin sa palibot ng apoy ng lampara.

“Buhay pa rin ang gamugamo,” nawika niya. Kapagkuwan lumipad ang gamugamo
palabras sa bukas na bintana.

You might also like