Pagsusuri Sa Pelikulang Buybust

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagsusuri sa pelikulang BuyBust

Tauhan

1. Nina Manigan
2. Rico Yatco
3. Biggie Chen
4. Detective Alvares
5. Manok
6. Chongki
7. Teban

Tagpuan

Gracia, Tondo, Manila

Tema

Aksyon , Thriller, Apocalypse

Isyung Panlipunan

Ipinagbabawal na droga, korapsyon, extrajudicial killing, kahirapan

Buod ng Banghay/ Istorya

Nang makaligtas sa pagkamatay ng kanyang iskuwad si Manigan dahil sa drug raid na


pinagplanuhan ng mga masasamang pulis, pinili ni Manigan na makipaglaban sa mga drug
cartels na humahawak sa Manila. Ngunit nang hindi naisakatumparan ang kanyang bagong
misyon, nanlaban ang mga galit na sibilyan. Naipit ang kanyang bagong iskuwad sa pagitan ng
mga galit na sibilyan at brutal na gang cartels at ang tanging paraan para makaalis sila dito ay
walang iba kundi makipaglaban.

Cinematograpiya

Ang mabilis na kapaligiran ng pelikula ay nagaakma sa kwento at mensahe nito. Madalas


na nakapokus ang cinematograpiya sa karakter na sina Manigan at Yatco. Maari nga na may
buhay ang mga tao na nasa pelikula pero parang zombie apocalypse ang mga nangyayari dito.

Musika

Nakaayon ang musika sa bawat eksena ng pelikula. Bawat musika ay nagbibigay ng


tamang tinig sa bawat pangyayari at nagpapalakas ng emahinasyon ng pelikula.

Rekomendasyon

Ang pelikulang BuyBust ay isa sa pinakamagandang aksyon thriller na napanuod ko.


Dito natin makikita ang iba’t ibang problema na hinaharap ng ating bansa lalong lalo na ang
paglaganap ng ipinagbabawal na droga at korapsyon. Nais ko rin irikomenda ang mga
kagalingan ng mga gumanap lalong lalo na ang mga stuntman na buwis buhay ang ginawa upang
maging isang epektibong pelikula ang buybust. Nirerekomenda ko din ang cinematograpiya,
choreograpiya at musika na isinagawa sa pelikula sa dahilang binigyan nito ng intense na buhay
ang pelikula.

Sa pelikulang ito, siguradong may mapupulot na aral ang manunuod at maliliwanagan din
ang mga manunuod tungkol sa dumi na nangyayari sa pulitika.

You might also like