Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Romel John M.

Moit Marso 17, 2015

Reaksyon sa Maikling Kuwentong “Ambo” ni Wilfredo Pa.


Virtusio

Lutang na lutang ang realidad ng buhay sa maikling kuwentong “Ambo.” Si Ambo, na


siyang pangunahing tauhan sa kuwento, at ang kaniyang pamilya ay kumakatawan sa milyun-
milyong Pilipinong nagdaranas ng labis na kahirapan at gutom ay nagtulak sa kaniyang gumawa
nang hindi nararapat lalo pa’t ang ugat ng kaniyang pagdurusa ay ang pagwawalambahala ng
pamahalaan gayundin ang korupsiyon o mga katiwaliang nangyayari sa pamahalaan.

Ang mga pangyayari sa kaniyang buhay ay isa lamang pag-uulit sa mga pangyayari sa
tunay na buhay ng napakaraming Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa. Hindi rin maitatatwa
ang katotohanang laganap ang korupsiyon at pagsasamantala ng mga nakaupo sa pamahalaan
kaya’t ‘di nab ago sa pandinig ng madla ang realidad na may mga pulitikong gumagastos ng
milyon sa isang marangyang kainan gayong maraming Pilipino ang namamatay sa matinding
gutom, sakit, at kahirapan.

Ayon sa pagsisiyasat ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Hunyo 19


hanggang 22, 2009 ay sinasabing may 50% o tinatayang 9.3 milyong pamilyang Pilipino ang
nagpapalagay na sila’y mahirap, 27% ang nagpapalagay na sila’y nasa gitna lang, at 22% naman
ang nagpapalagay na sila’y ‘di mahirap.

Ang korupsiyon at katiwalian sa pamahalaan ay nagbubunga ng labis na kahirapan sa


marami nating kababayan sapagkat ang salaping dapat sanang mapunta sa kaban ng bayan upang
magamit sa ikabubuti ng mga mamamayan ay napupunta at pinakikinabangan lamang ng iilan.

Matapang dapat nating mailantad ang katotohanan; nang sa gayon, ating masugpo,
maiwasan o mapigilan ang pag-aalsa ng kagahaman – ang pagkayamot – na matagal nang
umaaligid sa bawat isa sa mga mamamayan.

Ang kahirapa’y isang talamak na sakit ng lipunan ngunit maaaring malunasan kung
bawat isa’y magbabahaginan.

You might also like