Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

HANNA HAGIKGIK

Ito si Hanna, Anak ni Aling Huli


at ni Mang Hugo, Si Hanna ay
nag-aaral na. Siya ay
kinagigiliwan ng lahat maging ng
kanyang mga guro dahil siya ay
mabait na bata. Madalas siyang
tawaging “Hanna Hagikgik” dahil
siya ay masayahing bata.

Sa tuwing inuutusan si Hanna


hindi mo siya maririnig na
nagrereklamo kahit siya ay pagod
na. Kaya naman natutuwa sa
kanya sina Aling Huli at Mang
Hugo.
Si Hiro ang nakababatang
kapatid niya, kapag wala silang
pasok madalas silang naglalaro.
Mabait si Hanna kay Hiro.
Sa tuwing maglalaro sila,
hagikgik dito, hagikgik doon ay
iyong maririnig kay Hanna.

Hula-hoop ang paboritong laruan


ni Hanna, samantalang holen
naman paborito ni Hiro.
Isang araw matamlay si Hanna,
ayaw niyang maglaro ngunit
sadyang mapilit si Hiro. Napilitan
siyang maglaro kasama ang
kanyang kapatid na si Hiro.
Subalit hindi ito nakayanan ni
Hanna bigla siyang nahirapang
huminga.

“Heh” “heh” “heh” “heh” “hehhh”


ang pagod na pagod na si Hanna.
Nalungkot si Hiro dahil may sakit
ang kanyang kapatid. Lagi niyang
ipinagdarasal na sana gumaling na
ang kanyang ate.
Maging si Hanna ay nais na ring
gumaling upang makapaglaro silang
muli ng kanyang kapatid.
Isang araw naging maayos na muli
ang pakiramdam ni Hanna.
He,he,he,he,he ang masayang
hagikgikan nina Hanna at Hiro.
Maya-maya pa’y tinawag sila ng
kanilang ina upang kumain na,
Masaya silang nagsalo-salo.

Pangkat 1

Kaya ko Ito !!!


Sino-sino ang magkapatid sa ating kuwento?

Ano ang pangalan ng nanay at tatay ni Hanna at Hiro?

Pangkat 2

Iguhit ang paboritong laruan ni Hanna? Hiro?

Pangkat 3:

Ilarawan ang magagandang katangian ni Hanna.

Pangkat 4:

Ano ang nangyari kay Hanna ?

Bakit malungkot si Hiro?

Pangkat 5: ARTISTA AKO !!

Pagsasadula ng isang tagpo sa kuwento(Noong napagod si Hanna)

Mabigay na mga salitang binanggit sa kuwento na nagsisimula sa titik Hh.

Ipabigkas sa mga bata ang simulang titik. Muling balikan at ipagaya ang pagod na hininga ni Hanna upang
iugnay ang tunog niyo sa titik Hh.(upang madaling matandaan ng mga bata ang tunog ng titik Hh).

You might also like