Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mark Harry Olivier P.

Vanguardia
10-Diamond

Para sa akin, malaki ang epekto ng CoVid-19 o tinatawag din na Corona Virus Disease 2019.
Malaki ang epekto nito para sa aming pamilya, sa kapwa, at sa ating kalikasan. Pagkat ito ay isang
malalang Virus na madali na makuha ng ibang tao. Magsisimula ito sa sipon, namagiging lagnat at
maaring umabot sa pneumonia. Ito ay isang katakot-takot na sakit kaya masasabi ko na malaki ang
epekto nito sa iba’t ibang bagay. Iisa-isahin ko ang mga ito.

Una dito ay ang epekto sa aming pamilya.Nakakatakot ito para sa pamilya naming ngayon sa
bahay pagkat ang aking nanay ay muntik nang hindi makauwi dahil muntik na maabutan ng Enhanced
Community Quarantine. Galing sa Ilo-ilo ang aking nanay pagkat sya ay isang lecturer ng Nursing sa iba’t
ibang universities at Review centers sa buong Pilipinas. Bago sya makauwi siya ay nagkaroon ng
sintomas ng CoVid-19 kaya sya ay pinatigil muna sa pagturo at pinauwi sa Cavite ngunit dahil sya ay
nakauwi na ang aking nanay ay naging PUI (Person under investigation) kami ay nabilang din sa mga
PUM (Person under monitoring). Hindi natuloy ang pag swab sa aking nanay ngunit nawala na ang
sintomas niya. Natakot kami ngunit dinaan naming iyon sa pagdadasal at lalo pa lumalim di lang ang
relasyon naming sa isa’t isa ngunit ang relasyon din naming sa Panginoon.

Pangalawa naman ay angepekto nito sa kapwa. Marami ang nahihirapan sa ECQ o Enhanced
Community Quarantine pagkat dahil dito madami ang mawawalan ng trabaho at hanapbuhay kaya
mawawalan din ng kita. Mahirap ito pero ako ay naniniwala na ito ay para sa kaligtasan ng bawat isa.
Gawin sana nila itong oportunidad upang maksama ang pamilya at magtiwala sa gobyerno at higit sa
lahat ay ang mas malaking oportunidad na magtiwala sa ating Panginoon.

Pangatlo naman ay ang epekto nito sa kalikasan. Masasabi ko na hindi naman puro masasama
ang epekto ng CoVid -19 pagkat ito ay nagresulta ng mga home quarantine na naging dahilan upang
bumaba ang polusyon sa ating mundo. Isa sa resulta ng pagbaba ng polusyon nang mundo ay ang
pagaayos nang Ozone layer natin. Napatunayan ito pagkat bumabalik na ang mga dolphin sa isang
naturang lugar kung saan sira ang ozone layer.

Totoo na lahat ay nahihirapan dahil sa pandemic na ito. Marami na ang nahawa, nasawi, at
nagdaramdam dahil dito. Totoo na madami itong naidudulot na masama at negatibong mga bagay
ngunit huwag natin kalimutan na may positibo rin itong epekto. Tayong mga Pilipino ay dapat na
magkaisa, magtulong tulong, at sumuporta sa ating gobyerno pagkat kahit sila ay nahihirapan sa
ganitong situwasyon pagkat pag tayo ay nagkaisa mas mabilis matatapos at masusugpo ang Virus na ito.
Tayo ay magdasal at magkaisa bilang mga Pilipino na handing tumulong sa ating Inang Bayan at sa
kapwa nating tao.

You might also like