Charot

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

1

Tsapter 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ayon sa kaunawaan sa kasulatan (2019) ang pagsasayaw ay maindayog na

mga pagkilos ng katawan, kadalasa’y sinasaliwan ng musika, na maaaring

mabagal o napakagulo. Ang pagsasayaw ay isang pagpapahayag ng mga emosyon

at mga saloobin. Kadalasan ito ay nagbabadya ng kagalakan at masidhing ligaya,

ngunit kung minsan ay may pagkapoot at paghihiganti (gaya ng ipinakikita sa mga

sayaw na pandigmaan). Ang mga emosyon at mga damdaming ipinakikita sa

sayaw ay higit pang pinatitingkad ng mga kasuotan na may angkop na mga

magagandang kulay o makasagisag na mga aksesorya. Ang pagsasayaw ay isang

sining na napakatanda na. Mula pa noong sinaunang panahon ay ginagamit na ito

ng karamihan bilang isang paraan ng pagpapahayag ng emosyon, partikular na sa

pagsamba. Sa Hebreong Kasulatan ay may ilang pananalitang isinalin bilang

pagsasayaw, paikut-ikot na sayaw, sumasayaw, at naglululukso. Ang pandiwang

Hebreo na chul, na pangunahin nang nangangahulugang uminog; bumaling, ay

isinasalin din bilang sumayaw.

Masisipat sa CCP Encyclopedia (vo1:19) na ang sayaw ay

pinangungunahan ng tinatawag nilang mambunong o katalonan sa hilaga at baylan

o babaylan sa katimugan. Sila ang mga namumuno sa mga ritwal ng paghahandog

upang makasiguro sa magandang ani at gumaling ang isang may sakit o

magtagumpay sa digmaan. Karamihan sa mga ritwal na ito’y naglalayong


2

makipag-ugnayan sa daigdig ng mga espiritu. Nagsasagawa ang mga taga-

Palawan ng pagdidiwata kung saan nag-aalay sila ng handog upang matugunan

ang hinihinging kaginhawaaan sa bukirin; ang pakikipag-ugnayan naman ng mga

Subanen sa diwata ng kagubatan ay lapal; dugso sa mga Higaonon. Ginagawa ang

mga ito hindi lamang sa paghingi ng mabuting ani kundi para na rin sa

pasasalamat. Isa na rito ang pagsilang ng isang anak na lalaki o natamong

tagumpay sa digmaan.

Ayon kay Lachica, (1996) ang sayaw ay nagsimula bilang isang ritwal na

humihiling ng pagpapala mula sa Bathala, o sa mga diwata at ada ng karagatan,

kabundukan at gubat para sa mga anito. Naniniwala ang ating mga ninuno na may

mga makapangyarihang kamay na maaaring magkaloob ng suwerte o kamalasan.

Upang makuha ang kanilang pagkalinga, kailangan magpakita sila ng tamang

pagsamba o handugan. Ang paraan ng kanilang pagsamba o handog ay sa pag-

aalay ng sayaw.

Ang sayaw natin noon ay hindi lamang indayog ng kamay, hakbang ng

mga paa, at galaw ng katawan. Kasaliw sa bawat pagkilos ang animo’y dalit sa

karangalan at kasiyahan ng mga espiritu. Ang sayaw ay hindi lamang nagpapakita

ng kahusayan ng ating mga katutubo sa pag-indayog ng katawan. Nagdudulot din

ito ng kasiyahan at katuwaan maging sa pagbibiruan o oras ng paggawa.

Nakagaganyak pa rin ito para sa sama-samang pagkilos tulad ng pagtatanim ng

palay kung saan maraming kamay ang kailangan. Kasabay sa kanilang sayaw na

ito ang pagpupunla, pagtatanim, paggiik, pagbabayo at pagluluto.


3

Sa sayaw ay may iba’t ibang uri. Isa na rito ang uri ng sayaw na tampok

pagdating sa pangkultura at pangrelihiyon na may ritwal. Mapapansin ito sa isa sa

mga festival na sikat sa Pilipinas. Sa bahagi ng Mindanao ay ang Sinakbang

Festival ng Sinacaban, Misamis Occidental. Ang Festival na karaniwan hindi lang

sa pambansang antas kundi sa bahagi rin ng mga Munisipyo. Ang Sinacaban ay

isa sa ika-limang klaseng bayan sa lalawigan ng Misamis Occidental na

matatagpuan sa bahagi ng Northern Mindanao.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kay Smith-Autard sa aklat na The Art of Dance in Education Second

Edition (2013: p. 1) Dance is a broad term which covers many varied activities

and is performed for many reasons. Ang sayaw ay may malawak na aspeto sa

iba’t ibang aktibidades sa iba’t ibang lugar. Ang sayaw ay itinatanghal at

ginaganap sa maraming dahilan, mula sa karanasan o kaugalian na patuloy na

umuusbong kahit saang bahagi ng mundo.

Para naman kay Arrogante (2002), imitasyon ng kalikasan, mga aksyon o

ang masisilakbong damdamin ng tao ang sining sa mga tradisyunal na teorya na

napakaimpluwensya ng sayaw. Ang sayaw ay isang matapat na kamukha ng

magandang kalikasan [Copeland at Cohen, 1983:2]. Napakatotoo nito sa Pilipinas

sa etnik nitong tradisyon ng sayaw na bukod sa trabaho o pakikidigma, ang mga

hayop sa kanyang kapaligiran ang isa sa mga karaniwang ginagaya sa mga sayaw,

palarawan man o pasagisag. Isa sa mga faboritong sabjek ng mga pinturang sayaw

ay sina Edgar Degas (1834- 1917), Dance Practicing at the Bar (1877) (langis sa
4

kamvas), at Ballet Scene (1907), (pastel), at Henri de Toulouse-Lautrec (1864-

1901) Jane Avril at the Jardin de Paris (1893) (lithograpgh), at The Dance at the

Moulin-Rounge (1890). Impresyunista si Degas at ekspresyunista si Toulouse-

Lautrec, parehong naniniwala sa malayang ekspresyong pansarili ng artist. Sabi

nga ni John Martin, isang kritik ng New York Times, ang sining ng sayaw ay

ekspresyon at transferens sa pamamagitan ng midyum ng paggalaw ng katawan

ng mental at emosyunal na mga karanasan na hindi maihayag ng indibidwal sa

paraang rasyunal at intelektwal [Copeland at Cohen, 1983:3]. Sumasayaw ang

mga tao sa layuning pangkomunikasyon – makapagsalaysay ng pansariling

kwento, mailabas ang tensyon sa katawan, maibahagi ang mga nasasaloob, tuwa,

galit, lungkot, kahangkugan, kawalang-magawa at iba pa at pangkagalingang-

pisikal at mental.

Ang layuning pangkalingan ng sayaw noon pa man bago dumating ang

mga Kastila hanggang sa panahon ng kolonisasyon ay nakalakip na sa ispiritwal at

kumyonal na ekspresyon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga ritwalistiko at

pambansang sayaw. Karaniwan nang mga pagsasaakto nito bilang bahagi ng siklo

ng buhay. Halimbawa ang mga sumusunod: pagdiwata ng Tagbanua, hinaklaran

ng Bukidnon, pinaubanat bawi-bawi ng Tinguian, anituan ng Aeta, anitobaylan

ng Mandaya, buklog ng Subanon; gayundin ang turumba sa Pakil Laguna para sa

Nuestra Senorade de los Dolores , pandango sa Ubando, Bulacan para sa Nuestra

Senora de Salambao, Santa Clara at San Pascual, sinulog sa Bohol at Cebu, ati-

atihan sa Aklan at Subli sa Sta. Cruz, Batangas para sa Santo Nino, pastores de
5

Belen sa Bikol at Cebu, bate para sa Birhen Maria at Kristo sa kanilang salubong

tuwing Domingo de Pascua, at iba pa (Villarus, 19).

Isinasayaw ng mga ninuno ang kanilang buong buhay. Hindi lamang ito

isang pampalipas-oras na diversyon o pangkasiyahang aktibidad, kundi isang anyo

ng pagdodokumento ng kanilang mga saloobin, paniniwala, at mithiin. Kabuuan

ito ng kanilang kasaysayan bilang mga taong may pagpupunyaging mabuhay at

makipamuhay sa lipunang kinabibilangan. Kaya naman sa kanilang mga sayaw

nakadambana ang pananampalataya, at nakaprograma ang mga pang-ara-araw na

gawa.

Sinasabi naman ni Highwater [1992: p.14] sa aklat na Dance Rituals of

Experience Third Edition, Ritual sustains the life of a people by reshaping

“nationalistic” experience into a significant form unique to the culture which

produces it. Ritual is not a product of primitive people. Rather, it is produced

by all peoples still in touch with the capacity to express them in metaphor.

Ang ritwal ay sumasalamin sa iba’t ibang kulturang pinagmulan na nakikita sa

iba’t ibang anyo at proseso ng pagbabago, pag-unlad, o aktibidad ayon sa mga

karanasan ng tao. Ritwal na may kinalaman sa mga karanasang

pampananampalataya. Ang ritwal ay natutuklasan at nakilala ang kultura at

pagkatao ng isang lahi, ang kanilang mga interes, kaugalian at paniniwala. Ang

ritwal ay rin ay nagpapahayag ng makabuluhang pangyayari na siyang sumasalin

sa buhay ng isang tao o lipunan. Bukod pa nito, sa pagsasayaw ng ritwal, dito

humuhubog ang talento ng isang tao kun saan makikita ang ekspresyon ng bawat

isa na may malaliman na ibig pakahulugan.


6

Dagdag pa nina Gonzales, Marin at Rubin (1982) may mga ritwal noon na

ang pinakanamumuno’y ang tinatawag na baylan. Ang kanyang mga mahiyang

mga awitin, sayaw,tagulaylay (chant), pag-aalay o imbokasyon at mga espesyal na

mga kagamitan ay siyang nagiging bukal ng lakas ng mga taong dumaranas ng

kahirapang dulot ng kalikasan, na kinakatawan ng mga masamang ispiritu at mga

pagbabawal o taboo, ng mga diwata at anito. Walang tiyak na pook para sa

pananampalataya noon. Bagama’t maari itong ganapin sa mataas at maluwang na

pook ng pamayanan ng tribo. Maaari ring sa pinakalawasan upang ang buong

tribo’y makasaksi at makisangkot sa ginagawang ritwal. May sayawan at awitan

sa ritwal.

Ang panitikang ito ang nagpapahayag ng paniniwala ng mga tao noon, ng

kanilang tradisyon. Ito ang pinalabalangkas ng mga pakahulugan at

pagpapahalaga nila sa pagpapaliwanag nila ng kanilang karanasan na siyang

patnubay sa pang-araw-araw na buhay.

Sang-ayon kay Padre Plasencia (1589) labindalawa ang matatawag na

baylan sa Pilipinas. Ito ay ang mga sumusunod; (1) catalonan, (2) manggagaway,

(3) manyisalat (nag-iiwan ng asawa), (4) mangkukulam, (5) hocloban, (6) silagon

(kumain ng atay), (7) manananggal, (8) aswang, (9) sonat (parang Obispo), (10)

pagatohojan (manghuhula), (11) bayoquin.

Ayon kina (Zinnbauer et al.1997)

Filipinos are known to be religious. Religiously is


commonly associated with spiritually but nowadays, the
difference between the two is also being explored in the Filipino
culture, scholars like Enriquez (1994), Covar (1998), and
7

Obusan (1998) have already emphasized that even before


different colonizers brought their religion to the Philippines,
rituals have already existed which can be related to religion.

Ang mga Filipino ay kilala bilang relihiyoso pagdating sa spiritwal na

aspeto. Mula sa karanasan at kaugalian ng mga ninuno na hanggang ngayon

nanatiling buhay sa puso at patuloy na tinatangkilik ng mga Filipino na kahit

magkaiba ang relihiyon at kultura, daladala parin ang mga paniniwala sa Pilipinas.

Mula sa mga minanang kaugalian ay hinahandugan ng sayaw na ritwal, na may

kaugnayan sa napabilang na relihiyon Ang mga Pilipino ay likas na mapagmahal

sa kinagisnang kultura at ang minana’y susi ng bansa. Isa na rito ang sikat ngayon

sa maraming lugar dito sa pilipinas ang tinatawag na festival. Ang festival ay

isang uri ng pagdiriwang na binibigyang kulay sa pamamagitan ng kulturang ating

kinagisnan at minana mula sa ating mga ninuno. Sa bawat araw ay may iba’t

ibang klase ng festival ang masasaksihan.

Ayon naman kay Vick Aquino (2019) higit pa sa kasiyahan, ang

kapistahan ay pagpapakita rin sa pananampalataya ng mga tao at

pagpapahalaga sa kultura at pagkakakilanlan ng isang bayan. Ang kapistahan ay

nagpapatatag sa lipunan dahil sa kaugalian na patuloy na tinatangkilik at minana

ng tao, na nagpapahalaga lalo sa mga paniniwala at kultura sa iisang lugar o

bayan.
8

ANG IBA’T IBANG FESTIVAL SA PILIPINAS

Sa paglipas ng mga taon ang mga Pilipino ay patuloy pa ring naniniwala at

nagdiriwang ng iba’t ibang uri ng kapistahan o festival dito sa Pilipinas dahil ito

ang nagsisimbolo sa kani-kanilang kultura at maging ang kanilang paniniwala.

Kaamulan Festival

Ang Kaamulan Festival ay isa sa mga taunang selebrasyon sa probinsya ng

Bukidnon. Ang katawagang kaamulan ay mula sa sa wikang binukid na amul na

nangagahulugang pagtitipon. Ito rin ay ritwal ng mga datu tulad ng seremonya sa

kasal, piyesta ng pasasalamat gaya ng pag-aani, kasunduang pangkapayapaan, at

iba pa. Ipinagdiriwang ito ng ng pitong etnikong tribo ng nasabing lugar: ang

Bukidnon, Higaunon, Talaanding, Manobo, Matigsalug, Tigwahanon at

Umayamnon. Ang nakaagaw-pansin sa puso ng karamihan ay ang tunay na tatak

ng mga katutubo o mga nagpapakita ng kanilang mga kultural na gawain (Official

Website of the province of Bukidnon, 2015)

Diyandi Festival

Diyandi Festival ang tawag sa taunang selebrasyon na makikita sa Syudad

ng Iligan bilang paggunita sa kapistahan ng kanilang patron na si Senyor San

Miguel tuwing ika-29 ng Setyembre. Ang kapistahang ito ay isang paraan ng

pagpapakila sa kultural na aspeto mayroon ang syudad.

Ipinapaabot ng poklor na si Senyor San Miguel Arkanghel ay

tagapagtanggol laban sa kasamaan. Malaki ang paniniwala ng mga Iliganon na


9

walang mangyayaring masama sa kanila dahil nariyan ang kanilang patron na

handang ipaglaban sila laban sa mga mananakop. Ayon sa mga kwento- kwento

may grupo ng mga mananakop na gustong sumakop sa Syudad ng Iligan ngunit

hindi nila ito makikita at matatagpuan dahil naging lawa ang Syudad.

Ang Diyandi ay isang ritwal na sayaw na ipinipresenta ng mga babaeng

mananayaw sa labas ng katedral sa kasagsagan ng Pagpakanaug, bago paman

magsimula ang novena at komedya (Comedia de San Miguel). Ipinapakita ng

Diyandi ang pagliligawan ng lalaking Maranao sa babaeng Higaonon at pag-aalay

ng kanilang pasasalamat dahil sa masaganang ani kay Senyor San Miguel

Arkanghel. Ipinapakita ng ritwal na ito ang pagkakaisa ng mga tribong Maranao.

Kadayawan Festival

Ang Kadayawan Festival ay sikat sa buong mundo.Ang sentro ng

selebrasyon ay pasasalamat sa kalikasan para sa magandang ani. Ipinagdiriwang

ito tuwing ikatlong linggo ng Agosto. Ang kadayawan ay galing sa salitang

dayaw na nangagahulugang mainit at mabuting pagtanggap. Nagdadala ng

suwerte ang ibig ipakahulugan ng dayawan sa Mandaya at pagdiriwang ng pag-

aani upang mapasalamatan ang kanilang Diyos. Ayon sa nakatatanda, ang

pagdiriwang na ito ay puno ng kasiyahan, kantahan, sayawan at pag-aalay sa

kanilang Diyos.

Ang kapistahan ay ipinagdiriwang na may float ng mga sariwang bulaklak,

prutas, indak-indak sa kadalanan o street dancing na may makukulay na kasuotan.

Ang iba’t ibang tribo ay nagpaparada na suot ang kanilang tribal costumes at
10

alahas. Ang kalye ay pinalalamutian ng prutas at gulay habang ang mga tao ay

nagsasayaw.

Sinimulan ang kapistahan ng gobyernong panglungsod ang tinatawag na

Unlad Proyekto Davao noong 1986. Naisipan ng mga Davaoenos na magkaroon

ng pagkakaisa pagkatapos ng magulong panahon ng martial law. Ang tawag na ito

ay galing sa sikat na bundok na Mt. Apo, durian ang hari ng prutas, at waling-

waling ang reyna ng mga orchids. Sa kasalukuyang panahon, ang Kadayawan ay

engrandeng pagdiriwang sa lahat ng kapistahan sa pagbibigay-pugay sa rehiyon.

Ati- Atihan Festival

Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong lingo ng Enero kada

taon ang pista ng Ati-Atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakia sa Santo Niño.

Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang

patuloy ang ritomo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala bira!”

Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahainan ng pagkain at inuman, at

isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na

pagtatagpo ng mga katutyubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang

pagsamba sa Santo Niño na malimit hinhingan ng milagro.

Noong ika 13- siglo (c. 1212AD), ipinag bili ng isang grupo ng nga Ati

ang isang maliit na lupain sa mga Malay datus. Ang mga Ati ay ang mga orihinal

na naninirahan sa Panay Island. Sa sobrang katuwaan, ipinagbunyi nila ito sa

pamamagitan ng pagpinta sa kanilang mukha gamit ang uling upang maging

kahawig ang mga Ati. Ang mga Ati ay kilala sa pagkakaroon nila ng maitim na
11

balat at kulot na buhok, at ang salitang “Ati- Atihan” ay may ibig sabihin na

“Maging katulad ng isang Ati. Ang Ati-Atihan dati ay isang pagan festival at ito

ay unti-unting nagkakaroon ng kahulugang pang-kristiyano noon dumating ang

misyonaryo. SA ngayon, ati-atihan ay ipinagdiriwang sa pagbibiay bunyi kay

Santo Niño.

Sinulog Festival

Ang Sinulog ay isa, kung hindi man, ang pinakamalaking selebrasyon na

inaabangan hindi lang ang mga Cebuano kundi lahat ng mga deboto ng Senor

Santo Niño. Ito ay ginaganap taon-taon sa pangatlong lingo ng Enero bilang

pagbibigay-pugay sa mapaghimalang imahe ng Sto. Niño at tumatagal ng siyam

na araw at ito ay kadalasang sikat ang pagdiriwang sa Cebu City.

Ang pista ay binubuo ng isang napakahabang parade kasama ang iba’t

ibang grupo ng mananayaw na may makukulay na kasuotan na nakasakay sa

pitong karosa na sumisimbolo sa pitong magkakaibang panahon ng kasaysayan ng

Cebu.

Ang salitang Sinulog ay nagmula sa Cebuanong pang-abay na sulog, na

nangangahulugang “like water current movement”na inilarawang ang urong-

sulong na paggalaw ng Sinulog dance. Ang pista ay binubuo ng isang

napakahabang parade kasama ang ibat-ibanggrupo ng mananayaw na may

makukulay na kasuotan na nakasakay sa pitong karosa na sumisimbolo sa pitong

magkakaibang panahon ng kasaysayan ng Cebu. Habang sumasayaw, sumisigaw

ang mga tao ng “Viva! Pit Senor! Santo Niño” bilang pasasalamat at paghingi ng
12

kanilang mga kahilingan. Ang pagsigaw ay kailangan dahil gusting makasiguro ng

mga tao na maririnig sila ng Santo Niño.

Moriones Festival

Ang pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng

Marinduque. Ang Morion ay nangangahulugan “maskara”, na parte ng armor ng

Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay

ang taong nakasuot ng maskara at nagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa

loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Ang isang linggong

pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw ng lunes Santo at nagtatapos sa Pasko

ng Pagkabuhay.

Uumpisa pa lamang ng Lunes Santo, ang mga mamamayang nagtitika ay

nagsusuot ng mga damit na mistulang sundalo sa sinaunang Roma o senturyon.

Ang kanilang matitingkad na costume gayun din ang makukulay na mga maskara

ay nakakapagbigay ng paniniwala na sila ay matatapang at malulupit na mga

sundalo. Sa kanilang paglibot, sila ay gumagawa ng mga practical jokes sa mga

local o di kaya ay tinatakot ang mga bata. Ang iba naman ay nag-iiba ng boses na

mistulang tinig ng ibon. Kasama sa pagpepenitensya nila ay ang pagtitiis na

maglakad at maglibot sa buong bayan sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Ang

kagawiang ito ay ang pagsasadula sa paghahanap ng mga senturyon kay Longinus.


13

Sinakbang Festival

Ayon kay Vanissa Mae Mahilac-Julio, kasalukuyang Municipal Tourism

Officer ng Sinacaban, isa ang lungsod ng Sinacaban na may festival na kung saan

dito nila maipagmalaki ang kanilang pagkakakilanlan ng kanilang lungsod. Ang

tawag sa festival na ito ay Sinakbang Festival na nagmula sa tinatawag nila noo’y

Sakay- sakay Festival.

Ayon naman kay Grejesbric E. Brioso isang lumad na nasa limampung

walong taon naninirahan sa lugar at opisyalis sa lugar ng Sinacaban na isa sa mga

nakasaksi sa unang paglathala ng nasabing Festival, na ang Sinacaban ay

pinangalan noon ng mga Espanyol na “Sinacbang Alimango Senor” at umabala

rin ang mga gwardiya sebel “ah Sinacbang” na ibig sabihin sacuban ng alimango.

Ang sacuban ay isang uri ng kagamitan na ginagamit sa pagkuha ng alimango sa

dagat upang mapadali ang pagkuha nito. Paglipas ng maraming taon ang

Sinacbang ay tiyak na tinatawag na Sinacaban. Dagdag pa niya na gagsimula ang

pagdaraos sa Sinakbang Festival sa pangrelihiyong gawain. Ang sakop ng

relihiyon na ito ay ang Inglesia Filipina Independiente (IFI) na unang nagsaggawa

sa Sinacbang Festival at ipinagdiriwang ng IFI ang sayaw sa dagat matagal na

ngunit ang isaktong taon na napansin ang Sinakbang Festival ay sa taong 2008.

Ito’y sinasayaw sa dagat bilang pasasalamat sa isang patron o santo ng lalawigan

sa mga natanggap na biyaya sa kanilang buhay.

Dumating ang taong 2013 sinupurtahan ng Munisipyo ang Festival upang

maging pagkalahatang gawain sa Sinacaban na tanging ang munisipyo ang

namamahala na sa nasabing Festival, kaya ang Sinacbang na noo’y isinasayaw sa


14

dagat ay nailipat sa harap ng Munisipyo. Noon ipinagdiriwang ang sayaw sa

buwan ng Pebrero sa taong 2008 kaya at nailipat sa buwan ng Marso ngunit dahil

komplikado ito sa kapistahan ng lugar sa buwan ng Marso naisipan nilang ilipat

ito sa dalawang araw bago ang pista.

Sa taong 2013 dito sinimulan nilang baguhin ang lugar kung saan

idinaraos ang sayaw, na ngayon ay lumipat na samay lakip na korte malapit sa

kapitolyo. Ang mga kalahok sa Sinakbang Festival ay nakadepende sa desisyon

ng mga opisyalis sa lugar, dagdag pa ni John Kenn Dominguez isang opisyalis

sa lugar na noon ang mga kalahok ay lahat ng pangkat na lugar na sakop ng

Sinacaban ang kalahok. Ngunit ngayon hinati nila ito nang tig-dalawang cluster,

o di kaya’y tatlo-tatlo na baranggay ang magpresenta. Bukd diyan naging

tanyag na ito sa iba’t ibang lugar ng Misamis Occidental kay ginawa nila itong

pang-anyaya na paligsahan. Kung saan bukas sa iba’t ibang lugar na gustong

sumali sa Sinacbang Festival. Upang maging malinaw sa mambabasa ang

talakay sa papel na ito, ang mga sumusunod na termino ay binibigyang

paliwanag.

Sinakbang Festival. Ito ay seremonya na taunang ipinagdiriwang sa

buwan ng Marso sa lugar ng Sinacaban, Misamis Occidental. Sinakbang hango

sa pangalan ng kanilang lugar na Sinacaban. Sinakbang Festival ay tinatawag

rin na Sakay- sakay Festival, na sinasayaw sa noon sa dagat at doon

pinapaliguan ang isang patron bilang pasasalamat sa mga biyayang natanggap

at pagsagip sa mga tao sa lugar na may malubhang karamdaman.


15

Naratibo. Nakasulat o pabigkas na salaysay ng pangyayari, sining ng

pagsasalaysay (UP Diksyunaryong Filipino, 2001). Ito ang naging batayan sa

pag-aaral ng mga mananaliksikupang makuha ang mga naratibo sa likod ng

mga sayaw sa Sinakbang Festival.

Sayaw.Ayon kay John Martin, isang kritik ng New York Times, ang

sining ng sayaw ay ekspresyon at transferens sa pamamagitan ng midyum ng

paggalaw ng katawan ng mental at emosyunal na mga karanasan na hindi

maihayag ng indibidwal sa paraang rasyunal at intelektwal ( Copeland at

Cohen, 1983:3). Sa pag-aaral na ito, sinisikap ng mga mananaliksik na kukunin

ang naratibo sa likod ng mga sayaw sa Sinacbang festival.

Tradisyon.Pagsasalin ng mga kaugalian, paniniwala, at iba pa mula sa

isang henerasyon hanggang sa susunod na henerasyon. Sa pagaaral, tumukoy

ito sa paniniwala ng ga tao sa Sinacaban.

Ritwal. Ayon sa aklat na Panitikan sa Pilipino (1993) Seremonya ng

panrelihiyon na kaugalian ng Sinacaban. Ang kanilang kabuhayan, pang-araw-

araw na Gawain ay nakaangka sa ritwal. Ang ritwal ay maaaring paghahandog,

pagdarasal at may pagsasayaw dahil as paniniwalang magiging matagaumpay at

mabiyaya ang buhay kung nagririrtwal.

Kultura. Sinasabi ni Romilia (2009), ang kultura ay yaman ng isang

bayan. Ito ay sumasalamin sa mga paniniwala at mga nakasanayang gawain ng

mga ito. Ito ay pamana ng mga ninuno na nagmula sa sinaunang panahon


16

hanggang sa kasulukuyan. Ito rin ay sumasalamin sa pagkakakilanlan ng isang

tao at lugar.

Kilos o galaw. Ayon sa aklat sa Pagpapahalagang Sining sa Filipino

(2002) Hindi basta kilos o galaw sayaw kailangang malikhain ang bawat kilos o

galaw ng katawan. Disiplinado, oraganisado, motibado dapat ang katawan sa

pagkilos. Sa pag-aaaral, pinsg-aralan ang mga naratibo sa likod ng mga galaw

sa sayaw ng mga kalahok sa Sinakbang Festival.

San Jose. Ang patron ng Munisipyo ng Sinacaban, na si San jose ang

patron ng pamilyang Pilipino. Patron siya ng mga karpintero at manggagawa at

pinagdarasalan para sa isang masayang kamatayan, pinaniniwalaan na siya ang

nagpagaling sa mga tao ng Sinacaban na may malubahang karamdaman. Sa

pag-aaral, inaalam ang kwento ng buhay ng isang patron kung may koneksyon

sa mga sayaw sa Sinakbang Festival.

Sinacaban. Ito ang isa mga nasabing lugar sa Pilipinas sa bahagi ng

Misamis Occidental na nagdaraos ng Festival bawat taon at isa sa mga tampok

na Festival ang Sinakbang Festival.

Relihiyon. Ayon kina Hill (2000), galing ang relihiyon sa religiona

ang ibig sabihin ay pag-iisa ng sangkatauhan sa ibang kapangyarihan na higit pa

sa tao. Sa pag-aaral ng mananaliksik, tumutukoy ito sa kabibilangan ng mga tao

sa Sinacaban.
17

Bunga nito, nabuo ang pagnanais ng mga mananaliksik na magsagawa ng

pag-aaral na tutuklas kung ano ang Sinacbang Festival at kung ano ang mga

naratibo sa likod ng mga sayaw na itinanghal tuwing kapistahan.

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Narito ang ilang mga pag-aral na bagama’t malawak ang sakop ng genre

ng panitikan na masasabing may malaking kaugnayan sa kasulukuyang pag-aaral.

Kinuha ang mga impormasyong ito mula sa tesis, na naglalaman o tumatalakay na

katulad sa paksa. Malaki ang maitutulong nito upang lalong maunawaan ang

ginagawang pag-aaral.

Kaugnay na Pag-aaral

May ilang pag-aaral na may malawak ang angkop sa mga Festival na

masasabing may malaking kaugnayan sa pag-aaral na ito. Ang isa sa may

pinakamalapit na kaugnayan ay pag-aaral na isinagawa ni Palabrica (2019) na

pinamagatang “Ang Naratibo sa Likod ng mga piling sayaw sa Tribong Higuanon

sa Impasugong, Bukidnon. Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na mailahad ang

mga naratibo sa likod ng tampok na walong (8) sayaw na itinanghal sa Araw ng

Impasug-ong. Dagdag pa rito, masuri nang malaliman ang mga kahalagahang

kutural sa mga materyal na kultura sa padyak, kilos at galaw at disenyo ng

kasuotang Higaunon habang ipinapakita ang mga ito sa walong (8) sayaw. Dagdag

dito, matugunan ang semiotic at sikolohikal na aspekto ng pagsasayaw para sa

preserbasyon, at pagpapaunlad sa mga sayaw na ito na itinuturing na kayamanan

ng bansa.
18

Ang pagmamalasakit at pagpapahalaga ng mananaliksik sa mga sayaw

kultural Higaunon sa Impasug-ong, Bukidnon ay may malaking ambag ang

anumang impormasyon tungkol sa mga sayaw ng higaunon. Natatanging

pantulong sa pagtuturo ang pagbabahagi ng tumpak na kilos, galaw, indak at

padyak sa pagtatanghal ng sayaw sa Higaunon.

Nilayon ng kanyang pag-aaral na makilala (1) ano-ano ang mga piling

sayaw ng mga higuanon sa Impasug-ong Bukidnon, (2) ano ang bahagi ng

kulturang Higaunon na nasalamin sa mga naratibo at ipinapakita sa mga piling

sayaw, (3) paano napatili ang mga piling sayaw sa preserbasyon ng kulturang

Higuanon. Deskriptib-evalwatib na analisis ang ginagamit sa pagsusuri upang

maiugnay ng mga kwento sa likod ng mga sayaw ng mga Higaunon, sinuri at

binigyang interpretasyon ng mga kwento na siyang nagging daan upang

maunawaan ang mga sayaw ng mga Higaunon. Maging ang Historikal na lapit ang

ginamit sa mananaliksik upang masiyasat ang mga naranasan na mga nkaraan,

kultura ng Higaunon, ang kanilang katangiann pati narin ang kanilang mga kultura

at paniniwala.

May kaugnayan ang pag-aaral ni Palabrica sa kasalukuyang pag-aaral

sapagat nagging batayan sa pag-aaral na ito kung ang indak, padyak, at ritmong

mga sayaw Higaunon ay sumasabay tuwina sa saliw ng buhay. Magkalapit din

ang pag-aaral na ito sa kasulukuyang pag-aaral dahil parehong naratibo sa sayaw

ang pukos sa pag-aaral at ang nagiging pananaw ng mga tao mula sa mga

pangyayaring nasaksihan ng mga ito. Malaki rin ang pagkakaiba ng dalawang

pag-aaral dahil kakaiba ang tribo ng kanilang sinasayaw.


19

Isa pa sa pag-aaral na isinagawa nina Tagala, Balagtas at Kilat (2018) na

tungkol sa Festival na nagmula Clarin, Misamis Occidental na pinamagatang

“Maglagani Festival: Ang kwentong sumasalamin sa Lipunan ng Tudela. Nilayon

ang kanilang pag-aaral na alamin kung (1) ano ang Maglagani Festival, (2) ano

ang kahulugan o simbolo sa bawat kagamitang ginamit sa Maglagani Festival; (3)

ano-ano ang kwentong pumapaloob sa likod ng bawat sayaw na ipinapakita sa

Maglagani Festival. Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng ng kwalitatibong uri

sa pag-aaral at gumamit ng interbyu ang mga mananaliksik upang suriin ang

kwentong sumasalamin sa Tudela mula sa festival.

Natuklasan na mayroong labinlimang kagamitan ang ginagamit sa

Maglagani Festival ito ay ang mga sumusunod: (1) gong, (2) bukag, (3) basket, (4)

bara, (5) sundang, (6) kawit o sag-ub, (7) urok, (8) bungkal, (9) nigo, (10)

pagaspas, (11) colon, (12) sanggot, (13) sabot at (14) gitara, (15) at smataas na

basket. Napagkaalaman din na ang bawat kalahok sa Maglagani Festival ay

pinangkat sa klaster, at bawat klaster ay may ibat’ibang produktong pinagmalaki.

Ang bawat kagamitang ginamit sa Maglagani Festival ay may tiyak na simbolo na

bumabase sa kaugalian ng mga tudelanhon at ang ga kwento ay nakabase din sa

mga pang-araw-araw na gawain at pangkabuhayan ng mga tudelanhun.

Sa nagawang pag-aaral natuklasan na ang Malagani Festival ay isang

seremonya na idinaraos sa Tudela bawat taon. Ang Maglagani ay isang Subanen

na salita na ang ibig sabihin ay masaganang ani. Ang selebresyon na ito ay bilang

pasasalamat sa Poong Maykapal dahil sa magandang ani at mangingisda.

Nakapaloob sa Maglagani festival ang iba’t ibang uri ng sayaw ayon sa kanilang
20

hanapbuhay na may naratibong nakatago. Tudelanhon ang tawag sa mga tao na

nakatira sa Tudela. Malaki ang tudela at may nabibilang na mga subanen na

naninirahan sa lugar. Lalong-lalo na sa mga naninirahan sa mabundok na lugar

May kaugnayan ang Maglagani Festival sa Sinacbang Festival sapagkat

ang dalawa ay matatagpuan sa bahagi ng Mindanao, at inaalam din sa pag-aaral sa

Maglagani Festival iba’t ibang uri ng mga sayaw na may naratibo ding nakatago

at kagaya sa kasulukuyang pag-aaral ang layunin ng Sinacbang Festival ay alamin

ang naratibo sa likod ng mga sayaw, at ang bawat sayaw ay hinahandugan ng

ritwal. Pinangkat din ang kalahok ng dalawang nasabing Festival bawat klaster.

Ngunit malaki rin ang pagkakaiba ng dalawa sapagkat ang Maglagani Festival ay

nagpapatungkol sa kung ano ang kahulugan ng bawat kagamitan na ginamit. Ang

bukod doon ang selebresyon ng nasabing Festival ay isang pasasalamat sa

Panginoon dahil sa masaganang ani at mangingisda. Sa Sinakbang Festival naman

ay pasasalamat sa isang patron nag lalawigan sa mga biyayang natanggap. Lalo na

sa milagrong ginagawa ng isang patron na sinasabing nagpapagaling sa mga taong

may malubhang karamdaman sa lugar.

Ang pag-aaral naman nina Arabe at Talibong (2015) na Sakay- sakay

Festival: Proposed Promotional tool. Nilayon sa kanilang pag-aaral na malaman

kung (1) what is the history of Sakay-Sakay Festival as remembered by the

participant of the study, (2) what tool was considered the best way in promoting

the Sakay-Sakay Festival..


21

Natutuklasan na ang ginagamit ng mga mananaliksik ay interbyu gamit

ang camera at tinatayang tatlumpu (30) ka respondent ang ininterbyu na nasa

limang taon ng naninirahan sa lugar at tumungtong sa labingwalong gulang

pataas.

Napag-alaaman din na ang pag-aaral na ito ay pang-promosyon sa kaisa-

isang tanyag na Festival sa lugar sa bahagi ng Misamis Occidental ang Clarin.

Ang nasabing Festival ay isang selebrasyon na nanatiling mahalaga sa mga tao sa

Clarin. Ayon kay Villanueva (1935) na ang Sakay- sakay Festival ay pagkuha sa

isang patron na si Sr. Santo Nino sa dagat para paliguan dahil sa milagro na

ginawa ng isang patron. Ang lugar ay naiimpluwesyahan sa pananampalataya at

matibay na paniniwala sa kanilang deboto na Sr. Santo Nino.

Malaki rin ang pagkapareho sa kasalukuyang pag-aaral dahil ito ay naka

pukos sa isang Festival sa bahagi ng Misamis Occidental. May pagkakaiba din

ang dalawa dahil ang sentro sa pag-aaral nina Arabe at Talibong promosyon sa

iisang Sakay-sakay Festival at sa kasalukuyang pag-aaral ay naka pukos sa mga

naratibo sa sayaw sa Sinakbang Festival sa Clarin.

Ang pag-aaral naman na isinagawa nina Halibas, Vistal, at

Romanos sa taong (2009) na pinamagatang Buyo, Pamalas, Talabugta at iba pa;

Mga Paniniwala at Ritwal na repleksyon sa pagpapahalagnag cultural ng Tribung

Talaandig. Layunin ng kanilang pag-aaral na alamin ang m ga paniniwala at mga

kaukulang ritwal na isinagawa ng tribung Talaandig, particular sa aspetongpag-


22

aasawa at pagsasaka. Gayundin, binigyan- diin sa kanilang pag-aaral ang papel ng

mga babae at lalaki sa pagriritwal bilang pagtupad sa kanilang mga paniniwala.

Deskriptibong pamamaraan ang ginamit sa pag-aaral, sa pamamagitan ng

personal na pagbisita at pagsagawa ng interbyu ng mga mananaliksik sa mga

impormanteng talaadig. Ginamitan din nila ng miodelo ni Enriquez at Santiago

(Pu-Pua, 1989-158) sa pangangalap ng Datos upang matipon nang maayos ang

mga datos sa pag-aaral.

Mula sa kanilang ginawang pagsusuri, natuklasan sa pag-aaral na ang mga

talaandig ay may pinaniniwalaan at sinunod ng mga paniniwala sa pag-aasawa at

pagsasaka. Gayundin, sa bawat paniniwala nila may mga kaugnay na ritwal upang

maisakatuparan ang mga ito. Batay sa kanilang nakalap, napag-alaman nilang

mapaniwalain ang mga Talaandig; ang ritwal ay hakbang upang matupad at

misagawa ang kanilang paniniwala lalo na sa bahagi ng pag-aasawa at pagsasaka:

mapaghalaga ang mga talaandig hindi lamang sa kapwa kundi maging sa

kalikasan din.

Napili ang pag-aaral nina Halibas, Vistal at Roamanos bilang may

kaugnayan sa ginagawang pag-aaral, bagama’t iba ang uri ng ritwal ay pareho

naman itong napapatungkol sa isang ritwal na pinapraktis ng mga katutubo.

Pareho nitong pinag-aaralan ang tungkol sa mga hakbang at ang mga dapat na

isasaalang-alang sa pagsasagawa ng mga ritwal na ito.

Taong 2011, gumawa naman ng pag-aaral sina Butcon, Guden at Llanera

tungkol sa mga pamahiin at paniniwala na napapaloob sa siklo ng buhay ng mga


23

Ozamiznon sa Baranggay Bagakay, Syudad ng Ozamiz. Ang mga pamahiing

namang ito ay tungkol sa panganganak, pagkakasal at kamatayan na umiiral pa rin

sa kanilang lugar. Ang pamaraang ginagamit nila sa pag-aaral indihenus sa

pamamagitan ng pagmamasid at pagtatanong-tanong sa mga residenteng

importante. Nag-interbyu ang mga mananaliksik sa mga mamayan na nakatira sa

barangay bagakay.

May kabuuang siyamnapu’t dalawa (92) na mga pamahiin ito ay may

kasunod na paniniwala na hanggang sa kasulukuyan ay pinaniniwalaan ng mga

taga bagakay. Natuklasan na sa bawat pamahiin ay may lrawan o imaheng

nakikita kaya ito ang mga adahilanan kung bakit pinananiniwalaan pa rin nila ito.

Bilang konklusyon nila ay masasabing ang mga taga Baranggay bagakay ay una;

mapamahiin; pangalawa ay mapaniwalain at paghuli ay nagsisilbi itong gabay sa

taga barangay sa kanilang pang-aaraw-araw na Gawain upang maiwasan ang hindi

magandang pabngyayari.

Ang pag-aaral na ito nina Butcon ay may pagkakatulad din sa ginawang

pag-aaral, hindi man nakapukos sa ritwal ang kanilang pag-aaral ngunit may

kaugnayan pa rin sapagkat may kinalaman pa rin ito sa mga pinaniniwalaan ng

kanilang grupo o kaya’y ginagalang din at binibigyan ng halaga. Parehong metodo

naman ang ginamit sa isinagawang pag-aaral.

Ang mga pag-aaral na nabanggit sa unahan ay may mga kaugnayan sa

kasalukuyang pag-aaral dahil parehong mga paniniwala/ ritwal ang pokus ng

kanilang pag-aaral, bagama’t ibang etnikong grupo at ibang ritwal ang isinagawa
24

ang parehong mga hakbang o paraan pa rin silang sinusunod para sa

pagsasakatuparan nito. Sa pangangalap naman ng datos ay parehong metodo o

pamamaraan ang gagamitin sa pag-aaral katulad sa mga nabanggit sa itaas.

Gagamitan ng deskriptibong paraan at indihenus para sa pangangalap ng datos.

Sina Regencia, Casanes, at Atienza (2007) naman ay tungkol sa pamahiin

ang ginagawang pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik.

Layunin nilang maglikom ng mga pamahiin sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay

sa Kolambugan, Lanao Del Norte. Ginamitan ng indehinus na pamamaraan sa

paglilikom ng mga datos.

Natuklasan nilang ang mga pamahiin ay kaugnay sa pagpapakasal,

pagpapatayo ng bahay, pagkain, bagong taon, pagkamatay/paglilibing,

pagbubuntis/panganganak, binyag, pagtatanim, maganda/ hindi magandang itanim

sa bakuran, pag-aalaga sa hayop, pangingisda, paninda pagsusugal, paglihi sa

bata, pagdadalaga at undas. Mula sa kanilang pag-aaral, nakabuo sila ng mga

sumusunod ng konklusyon: (1) batay sa dami ng mga nalikom na mga pamahiin

masasabing hanggang sa ngayon ay mapamahiin parin ang mga taga-Tinunod sa

kabila ng paglaganap ng makabago sat siyentipikong konsepto at paniniwala; (2)

karamihan sa mga impormante ay patuloy pa ring naniniwala at tinutupad ang

mga nasabing pamahiin, bagama’t may iba naming hindi na masyadong

naniniwala; (3) ang mga dahilan sa pagsasagawa ng mga pamahiin ay mauuri sa

dalawang kategorya: una, isinagawa para sa kabutihan o swertihin sa pamumuhay;

panagalawa, isinagawa upang makaiwas sa di magandang pangyayari sa buhay. Sa

pag-aaral may kaugnayan ang pag-aaral nina Regenci, Casanes, at Atienza sa


25

kasalukuyang pag-aaral sapagkat parehong ritwal at paniniwala ang sentro ng

pinag-aralan at sinuri rin ang mga kahulugan ng bawat pamahiin na nasa lugar.

Ang pag-aaral naman nina Samorano at Llanes (2005) ay may kaugnayan

sa ginagawang pag-aaral. Ang kanilang pag-aaral ay ang tungkol sa Mga

paniniwal/Pamahiin sa kasal ng mga Maranao: Isang Pahapyaw na Pagsusuri.

Layunin ng kanilang pag-aaral na malikom at masuri ang mga paniniwala ng mga

Maranao tungkol sa kasalna mula naman sa mga piling lugar sa lungsod ng Iligan

at sa Poblacion, matungao, Lanao del Norte.

Ginamit ang paraang palarawan o deskriptibong pamamaraan sa kanilang

metodo ng pag-aaral. Kinuha ang mga impormasyon at datos sa pamamagitan ng

pagtala nito na nilikom mula sa mga taong nakapanayam sa mga napiling lugar.

Natuklasan sa kanilang pag-aaral na may maraming mga paniniwala/ pamahiin

ang mga maranao hinggil sa kanilang kasal. May mga paniniwala para sa mga

babae at mayroon din para sa mga babae at mayroon din para sa mga lalaki

lamang, sa bahay na tuluyan, sa lugar na pagdadausan ng kasal, sa pera, sa damit,

sa tubig, sa buwan, sa panahon, sa araw, sa bisista, sa paniniwala sa kulay at sa

bagay. Batay din sa mga nakalap, napag-alaman nilang unti-unti nang hindi

sinusunod ng mga kababayang maranao ang ritwal na ito, unti-unti na itong

nababago, dala ng maraming pagbabago sa paligid at ang pag-adap/pagtangkilik

ng mga maranao sa ibang kultura lao na sa mga kanluranin.

May pagkakaugnay din ang pag-aaral na ito nina Samorano at Llanesa

(2005) sa ginagawang pag-aaral. Parehong napapatungkol ito sa ritwal bagama’t


26

iba-iba ang ritwal na pinag-aaralan ay pareho naman ang pakay nitong alamin at

suriin ang anumang mayroon sa bawat ritwal. Parehong metodo rin ang ginagamit

sa pag-aaral upang makuha na husto ang nais nitong makuha.

Sa ginagawang pag-aaral nina Tabada, Olores at Jayme (2009) tungkol sa

mga Bhetad (ritwal) sa pagtatanim ng mga Subanen sa lugar ng Lapuyan,

Zamboangga del Sur ay may kaugnayan din sa ginagawang pag-aaral. Nilayon

nilang alamin ang nga isinagawang bhetad (ritwal) sa pagtatanim ng ga Subanen

sa lapuyan na patuloy na ginagawa hanggang sa kasulukuyan. Ginagamitan ng

idehinus na pamaraan sa pangangalap ng datos at deskriptibo naman ang ginamit

sa pag-aanalisa ng mga datos. Natuklasan sa kanilang pag-aaral ang iba’t ibang

pananim ng mga Subanen sa lapuyan, Zamboangga del Sur na kanilang ginawan

ng bheta. Mayroong anim (6) na pananim ang nalikom. Ang anim (6) na pananim

na ito ay ang palay, mais, gabi, niyog, kamote, kamoteng kahoy. Batay sa mga

natutuklasan nila, may mga taong pa ring nagpapatuloy sa pagsasagaawa ng

bhetad (ritwal) sa pagtatanim. Bagama’t may mga makabagong kagamitan ang

ginagamit ng mga magsasaka para sa paghahanda sa pagtatanim ay ganoon pa rin

ang hakbang at pamamaraan ang kanilang ginagawa. Tanging kagamitan lamang

ang nagbago.

Ang isinagawang pag-aaral nina Tabada ay nakapukos sa ritwal ng

pagtatanim ng mga Subanen na kung tawagin nila ay bhetad. Sa ginawa naming

pag-aaral bagama’t parehong tumutukoy sa pag-aalay ay magkaiba naman ito sa

uri ng ritwal sa kasalukuyang pag-aaral na kung saan ang mga naratibo sa mga
27

sayaw ang naging sentro ng pag-aaral. Habang sa Subanen lapuyan, Zamboangga

del Sur ang kanilang pukos ay ritwal sa pagtatanim.

Ang pag-aaral nina Arteta, Catingub, Edres, at Tumala (2015) ay may

layuning na suriin ang mensahe ng galaw na ginamit ng mga Hip-hop dancer sa

syudad ng Iligan. Upang maisakatuparan ang pag-aaral, ay pinagsumikapang

sagutin ang mga sumusunod na katanungan: (1) Ano ang mga galaw nabubuo ng

mga hip-hop dancer sa Syudad ng Iligan, (2) Paano kinuha at saan nagmula ang ga

galaw ang mga naturang galaw, (3) Ano ang mga mensahe/ kahulugan

nakapaloob sa likod ng mga galaw ng mga hip-hop dancer sa Syudad ng Iligan,

(4) kailan ginagamit ang mga galaw at ano ang dahilan.

Deskriptibong pamamaraan ang ginamkit ng mananaliksik sa pag-aanalisa

at pagtatalakay ng mga datos. Sa Syudad ng Iligan nakatuon ang pag-aaral na

kung saan dito rin matatagpuan ang mga taong maaring tumulong sa pananaliksik

na ito. Ang mga impormante ng mga mananaliksik ay mga hip-hop dancers na

kabilang sa grupong Streetmovers, Hip Avenue, at Tha Blacksheep. Bilang gabay

sa pagsusri, ginamit ang teorynag kinesis. Lumabas sa pag-aaral ng mananaliksik

na ang ilang mga galaw na nabubuo ng mga hip-hop dancer sa Syudad ng Iligan

ay napapaloob sa mga sumusunod; New Style, B-boying, Popping, Funk Style,

Old school. Ang ilan din na mga galaw sa likod nito ay may kaakibat na mensahe.

Base sa mga nakalap na datos ay nabuo ang mga konklusyon:

Sa pagkakaiba sa pag-aaral nina Arteta, Catingub, adres, at Tumala , sa

kasalukuyang pag-aaral ay inalam ang mga mensahe sa bawat galaw na isinagawa


28

o ginagamit ng mga mananayaw sa kanilang sa sayaw na Hip-hop. Habang sa

kasalukuyang pag-aaral ay aalamin ang mga naratibo sa likod ng mga Sayaw sa

Sinacbang Festival. May kaugnayan din ang dalawang pag-aaral sapagkat

parehong inaalam ang mga ang mensahe at kahulugan sa likod ng mga sayaw sa

isang lugar.

Ang pag-aaral nina Cabiguin, Perocillo at Epe (2008) ay may layuning

pag-aralan at alamin ang mga kababalaghang patuloy na umiiral sa lipunang

Pilipino sa pamamagitan ng paglikom ng mga kuwento mula sa ilang piling

baranggay ng Magsaysay, lanao del Norte. Nilayon ng kanilang pag-aaral na uriin

ang kanilang kuwento batay sa paksa at alamin ang mga elementong nagdudlot ng

takot o pagtataka at epekto ng mga ito sa mamamayan ng mga baranggay

Poblacion, Sominag at Lemencete. Ginamit ng mga mananaliksik ang

deskriptibong pamamaraan sa pagkuha ng mga datos. Natuklasan na ang tatlong

baranggay sa Magsaysay, lanao del Norte na kinabibilangan ng Poblacion,

Sominag at lemencete ay mayaman sa kuwentong kababalaghan. Dalawampu’t

limang kuwentong bayan ang nakalekta sa mga nasabing lugar.

Natuklasan sa kanilang pag-aaral na mayroong dalawampu’t limang (25)

kuwento ng kababalaghan ang nalikom mula sa tatlong baranggay ng

Munisipalidad ng Magsaysay, Lanao del Norte. Karaniwang paksa ng kuwentong

nalikom mula sa tatlong baranggay ng Munisipalidad ay tungkol sa aswang,

engkanto, malign, atmulto. Ang nilalang, bagay at pangyayari ay ang mga

elementong nagdudlot sa takot sa tatlong baranggay ng Munisipalidad.


29

Batay sa lumabas na resulta ng kanilang ginagawang pag-aaral,

lumabasang kon-klusyong-dumepende sa persepsyon o paniniwala ng tao ang

digring epekto sa kanila ng mga pangyayari o kuwentong kababalaghan. Ngunit

higit na negatibo ang epekto sa isip at damdamin ng taong nakaranas o nakasaksi

ng kababalaghan.

Naging magkaiba ang pag-aaral nina Cabiguin, Perocillo at Epe sa

kasulukuyang pag-aaral sapagkat naging batayan ng pag-aaral na ito kung paano

inuri ang elemento ng kuwento. Sa kasulukuyang pag-aaral naging batayan ang

naratibo sa likod ng mga sayaw. Magkalapit din ang pag-aaral na ito sa

kasulukuyang pag-aaral dahil parehong nakapukos sa mga paniniwala at pananaw

mula sa lugar na nasaksihan.

Batayang Teoretikal

Sa pag-aaral na ito ay maliwanag na binigyang pokus ang mga datos na

nakalap kaugnay sa kasaysayan nito. Ang Sinakbang Festival ay nangangailangan

ng malawak na pag-aanalisa kung bakit dinaraos nila ito kada taon. Ngunit bago

mabigyan ng paliwanag ang mga selebrasyon ito ay mas mabuti rin na sikaping

malaman ang historical background nito.

Ginamit sa pag-aaral na ito ang teoryang historical/sosyolohikal. Isa sa

pinagbatayan ng pag-aaral ang Historical/Sociological Theory, kung saan ang

ugnayan ng lipunan at tauhan ang nakapokus dito. Mahalagang masuri ang mga

kaganapang panlipunan dahil dito nahuhubog ang pagkatao ng isang indibidwal na

sa bawat indibidwal ay may pinagmulan o pinanggalingan. Lalong-lalo na ang


30

kulturang ating kinagisnan, mga paniniwala, tradisyon, kaugalian, kasuotan, at

relihiyon. Dagdag pa ni Vega (2014) Dapat nating pahalagahan ang bawat isa

sa mga kultura dahil ito ang maituturin nating yaman ng ating bayan. Sa

pandulog na ito, sinusuri kung paano naglalarawan ng lipunan ang makikita sa

mga naratibo sa likod ng mga sayaw sa Sinacbang Festival at kung paano

pinapahalagahan ng tao ang kaugaliang panrelihiyon.

Sa pag-aaral ng Sinakbang Festival ay mayroong malaking ambag ang

teoryang ito dahil binigyang kahulugan ang mga konsepto na sinasayaw ng mga

mananayaw. Ang kabuuan ng kanilang pagsasayaw ay mayroong mensaheng nais

iparating at ito ay inaalay sa kanilang patron na si San Jose. Hindi lamang isang

ordinaryong patron mayroon sila dahil si San Jose ay karpentirong asawa ni

Birheng Maria na nakasulat sa banal kasulatan. Nagkaroon ng isang kaganapan sa

mismong Munisipyo ng Sinacaban na naging dahilan kung bakit nila ginawang

patron. Isang mahalagang parte rin ang pag-alam at pag-unawa sa historical

bakgrawnd sa bawat aspeto ng pag-aaral upang mas maintindihan ang mga ito.

Magkakaroon ng malinaw na koneksyon kung bakit ginaganap ang Sinakbang

Festival taon taon at kung bakit si San Jose ang kanilang patron na inalayan sa

naturang selebrasyon.

Sa pag-aaral na ito ay isang makabuluhan at mainam na pagsusuri ang

dapat na maging paraan sa pagsuri sa mga sayaw dahil ang mga mismong

mananaliksik ang magbibigay kahulugan sa kanyang mga nakikita. Nililinaw sa

bahaging ito ang katuturan ng bawat galaw, kasuotan at maging ang mga

kagamitang ginagamit ng mga mananayaw.


31

Nakaangkla sa pag-aaral na ito ang teoryang historical/sosyolohikal dahil

isa sa mahalagang pagbabatayan nito ang kasaysayan ng Munisipyo ng Sinacaban

na kung saan ginaganap taon-taon ang Sinakbang Festival. Dahil sa pag-unlad ng

lugar nagkaroon sila ng isang selebrasyon na may tema ng pasasalamat.

Batayang Konseptwal

Pagsasayaw ang isa sa itinuturing pinakamasining na pagpapahayag ng

damdamin. Kaya tunguhin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga naratibo sa mga

sayaw sa Sinacbang Festival sa Sinacaban, Misamis Occidental. Sa pamamagitan

nito, masuri ng mga mananaliksik ang naratibo sa bawat uri ng mga sayaw

nakapaloob sa Festival. Ang Sinakbang Festival na taunang idinaraos rin sa lugar.

Ito ay pasasalamat at pagbibigay-puri sa kanilang patron na si San Jose para sa

kanilang pamilya. Sa Sinakbang Festival ang iba’t ibang uri ng sayaw ay may mga

naratibong nakatago. Sa sususnod na pahina ay matutunghayan natin ang isang

biswal na paglalahad sa pglalarawan sa konsepto na kinabuuan ng pag-aaral na

ito. Kalakip nito an gang masinsinang pagpapaliwanag ukol sa nabuong konsepto


32

LUNGSOD NG SINACABAN

SINAKBANG FESTIVAL

MGA SAYAW

RITWAL STREET DANCING

SAYAW SA DAGAT

NARATIBO

Larawan ng Lipunan
Figyur 1. Iskima ng Paradaym ng Pag-aaral

Makikita sa iskima ng paradaym ng pananaliksik ang kabuuang larawan ng

pag-aaral. Sa pinakaunang kahon ipinapakita ang lugar o lungsod ng Sinacaban

bago inilahad ang isa sa mga tampok na mga sayaw na itinatanghal sa Sinacaban

ang Sinakbang Festival na idinaraos kada taon ng lugar. Sinuri rito ang mga

kwento o naratibo sa sayaw sa Sinakbang Festival bawat cluster na binubuo kada

taon at bawat lugar na nakilahok sa Festival. Pinagkaloob rito ang talong uri ng
33

sayaw na isinagawa sa Festival, ang ritwal na itinatanghal sa harap ng covered

court sa harap ng Munisipyo ,sayaw na sinasayaw sa dagat noon, at sayaw na

ritwal isinasayaw sa daan. Aalamin ang mga ito kung ano ang Naratibo sa uri ng

mga sayaw na itinatanghal sa Sinakbang Festival. Sa bawat naratibo ng sayaw

susuriin kung paano naglalarawan ng lipunan ang makikita sa likod ng mga sayaw

ng Sinacbang Festival.

Paglalahad ng Suliranin

Ang layunin sa pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang Sinacbang

Festival ng Sinacaban, Misamis Occidental at upang maipamahagi ang kasiyahan

at kagandahan nitong Festival,kung paano ito naging mahalaga sa mga tao ng

Sinacaban.Ito ay sumagot sa mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang sinakbang festival? Sino-sino ang mga kalahok?

2. Ano-ano ang mga naratibo sa likod ng mga sayaw sa Sinakbang

festival?

3. Ano ang kahulugan o mensahe ng galaw sa mga sayaw sa

Sinakbang Festival?

3.1 Ritwal

3.2 Sayaw sa dagat

3.3 Street dancing

4. Anong larawan ng lipunan ang makikita sa mga naratibo sa

likod ng mga sayaw ng Sinacbang Festival?


34

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang maipreserba ang mga

mahahalagang impormasyon tungkol sa Sinakbang Festival na maaaring magamit

o mapanghahawakan sa susunod na mga henerasyon ng mga tao sa Sinacaban at

sa ibang lugar na gustong matunghayan ang Sinakbang Festival. Ito rin ay

makapagbibigay ng kontribusyon sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga taong

nakatira sa Sinacaban tungkol sa pagpapahalaga sa kanilang kultura. Ang pag-

aaral na ito ay mahalaga sa sumusunod na indibidwal.

Guro. Ang pag-aaral na ito ay magagamit sa mga guro sa Edukasyong

pangkatawan sa elementary, sekondarya, at tersyarya sa pagtalakay tungkol sa

Naratibo sa Likod ng mga sa yaw sa Sinakbang Festival.

Mag-aaral. Magsisilbi itong hamon sa mga kabataang mag-aaral na

magkaroon ng interes na likumin ang iba’t ibang sayaw mula sa iba’t ibang

rehiyon nang sa gayon ay makatulong sa paglalantad ng mga pananaw sa buhay.

LGU. Isa sa mga sentrong bahagi ng pag-aaral ay ang mga taong

naninirahan sa Sinacaban, na may nakapagbibigay ng makatwirang impormasyon

sa mga tao salugar na hindi pa alam ang kabuuang kwento ng Festival. Lalong-lao

na sa mga kabataan sa sumusunod na henerasyon na walang masyadong alam sa

mga Naratibo sa likog ng mga sayaw sa Sinakbang Festival.

Turismo. Malaki ang naging tulong sa pag-aaral na ito sapagkat ito ay

magsisilbing daan upang mapaunlad at makilala ang Festival ng Sinacaban na ang

Sinacbang Festival at magbigyan ng impormasyon ang mga tao na nagnanais


35

malaman ang Festival at kung ano ang naratibo sa likod ng mga sayaw sa Festival

na ito.

Saklaw ng pag-aaral

Saklaw ng pag-aaral ang mga sayaw sa Sinakbang Festival ang kapistahan

ni San Jose sa Munisipyo ng Sinacaban sa Misamis Occidental. Mula dito ay

inaalam ang naratibong nakapaloob sa likod ng mga sayaw sa Sinakbang Festival.

Nakasentro ang pag-aaral sa Munisipyo ng Sinacaban. Saklaw rin ng pag-aaral

ang mga impormanteng buhay na testigo ng mahigit sa labindalawang (12) taon,

mga organayser ng Sinakbang Festival , mga organayser ngsayaw ng bawat

kalahok, mga choreographer, katutubong mamamayan sa Sinacaban na palaging

sumusubaybay at sumusuporta sa kanilang Festival. Sinisiyasat ng mga

mananaliksik kung bakit isinagawa ang pagsasayaw ng Sinakbang Festival sa

kanilang lugar o kung paano ito naglalarawan sa kaninalang lipunan.


36

Tsapter 2

METODO

Disenyo ng Pananaliksik

Layunin ng pag-aaral na matukoy sa pagkilala, pagbibigay-impormasyon,

pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga naratibo sa likod ng mga sayaw sa

Sinacbang Festival sa Sinacaban. ang paglalarawan sa bawat kilos, galaw, at

padyak ng mga sayaw na itinatanghal sa natatanging okasyong panlipunan ng mga

tao sa Sinacaban. Ang kilos at galaw sa mga sayaw ng mga tao sa Sinacaban ay

malaking ambag upang maunawaan ang kultural na kahulugan ng mga ito tungo

sa preserbasyon sa katawagan na may kaugnayan sa kultura ng Sinacaban.

Disenyong Kwalitatibo ang ginamit sa pananaliksik na lalangkapan ng

pamaraang indihenus sa pangangalap ng mga datos kung saan magsasagawa ng

pagdalaw sa lugar, pagmamasid hindi lamang sa kapaligiran kundi maging sa mga

kilos at gawi na ipinapakita sa sayaw. Deskriptibong Evalwatib na analisis ang

gagamitin sa pagsusuri upang maiugnay ang mga kwento sa likod ng mga sayaw

sa Sinakbang Festival, susuriin at binigyang interpretasyon ng mga kwento na

siyang naging daan upang maunawaan ang mga sayaw ng mga mananayaw sa

Sinacaban.

Maging ang historical na ginamit sa pag-aaral upang masiyasat ang mga

naranasan na mga nakaraan, kultura ng Sinacaban, ang kanilang katangian pati


37

narin ang kanilang kultural na paniniwala. Malawak na pananaliksik ang

ginagawa upang makuha ang angkop na impormasyon na naidagdag sa historical

at sosyolohikal na kasaysayan sa tulong ng Public Information ng Municipality of

Sinacaban.

Ginamit ang pamaraang deskriptibo upang ilarawan ang mga hakbang sa

pagsayaw, ang katangian ng mga sayaw at paggalaw ng mga katawan na likas sa

sayaw.

Ginamit ang snowball sampling at bumuo ng mga krayterya para

pagpapabilis sa paghahanap ng mga impormante. Pumunta ang mga mananaliksik

sa lugar ng Sinacaban at nagsagawa ng pagmamasid sa kapaligiran. Sa

paghahanap ng mga impormante, pinili ang mga kinapanayam ayon sa lawak ng

kaalamn tungkol sa mga naratibo sa Likod ng mga sayaw sa Sinacbang Festival.

Mga Impormante

Ang mga impormanteng pinagkukunan ng mga datos o impormasyon ay

ang mga sumusunod: (1) organayser sa Sinakbang Festival (2) choreographer ng

bawat barangay na sumali sa Sinakbang Festival (3) impormante na nakatira sa

Sinacaban na mahigit 25 na taon ng naninirahan at mahigit 30 taon na ang edad.

Ginamit ang snow ball sampling para sa pagpapabilis sa paghahanap ng mga

impormante. Para mapadali ang daloy sa pangongolekta ng mga datos ng mga

mananaliksik ay gagawin ang mga sumusunod (1) paghingi ng pahintulot mula sa

Alkalde ng Lungsod ng Sinacaban Misamis Occidental; (2) paghingi at pagkuha

na dagadag sa impormasyon sa Tourism Office ng Lungsod ng Sinacaban; (3)


38

pagpunta sa bawat barangay at paaralan na kalahok ng Sinakbang Festival sa

Lungsod ng Sinacaban; (4) bago ang pag-iinterbyu sa mga choreographer ng

bawat kalahok sa Sinakbang Festival. Upang kumuha ng impormasyon ang mga

mananaliksik ay pupunta sa lugar ng Sinacaban sa mismong opisina ng Tourism

Office. Humingi muna ng permiso ang mga mananaliksik sa Alkalde ng

Munisipyo ng Sinacaban upang pahintulutan pumunta o bumisita sa mga barangay

upang maisagawa ang pananaliksik.

Lugar ng Pag-aaral

Isinagawa ang pangangalap ng mga naratibo sa likod ng mga sayaw sa

Sinacabang Festival sa Siyudad ng Sinacaban, Misamis Occidental. Ang bayan ng

Sinacaban ay isang ika-5 klaseng bayan sa lalawigan ng Misamis Occidental sa

bahagi ng Pilipinas. Makikita sa paradym ang mga lugar na sakop ng Sinacaban.

Ang mga lugar na ito ay ang mga kalahok sa nasabing Festival kung saan hinahati

ang mga kalahok ng lugar bawat cluster depedende sa desisyon ng alkalde at

opisyalis ng Sinacaban.
39

Figyur 2. Lugar ng pag-aaral

(Mula sa Sinacaban Base Map sa Munisipyo)

Pangangalap ng mga Datos

Para sa pangangalap ng datos, ginamit ang pamaraang indehinus na

ginawa upang makuha ang loob ng mga impormante at madaling makuha ang mga

kinakailangan na datos. Ginagamit ang snowball sampling sa pagpili ng mga

impormante para sa karagdagan ng mga nakuhang impormasyon mula sa unang

nakapanayam. Sa pamamagitan nito magpapaalam ang mga mananaliksik sa mga

impormante na kukunan ng record para sa dokumentasyon sa pag-aaral.

Pagkatapos ay magsisimula na ang mga mananaliksik sa pagtatanong sa mga

impormante tungkol sa kung ano ang Sinakbang Festival basi sa kanilang


40

paniniwala o nasaksihan. Malaki ang naging ambag nito sa mga mananaliksik

sapagkat ito ang maging batayan upang makakuha sila ng maraming datos.

Pag- aanalisa ng mga Datos

Hihimay-himayin ng mga mananaliksik ang bawat kilos ng mga sayaw sa

bidyu man at aktwal na presentasyon nito. Bibigyang kahulugan ng mga

mananaliksik ang bawat galaw at kilos ng mga sayaw sa Sinakbang Festival. Sa

pag-aanalisa ng mga datos, nagmasid-masid muna ang mga mananaliksik sa lugar.

Nakiramdam muna sa sa kapaligiran at nakihalubilo sa mga tagaroon upang

makipagpalagayang-loob.
41

SANGGUNIAN

Almario V.S (2001). UP Diksyunaryung Filipino Sentro ng Wikang Filipino,


Sistemang Universidad ng Pilipinas

Arabe CM. D, Talibong DA. M, (2015). Sakay-sakay Festival: Proposed


Promotional Tool. [Andergradweyt] La Salle University-Ozamiz.

Arrogante J.A, (2002). Pagpapahalagang Sining sa Filipino, p. 36-37. Navotas


Press; Navotas, Metro Manila

Arteta C.N. L., Catingub SC.T., Edres AR. B., Tumala GT. A., Mundala D.H
(M.A), (2015). Mensahe ng galaw ng mga Hip-hop- Dancer sa Syudad ng
Iligan. [Andergradweyttesis] MSU-IIT, Iligan City.

Ati-atihan Festival. (2002). Ati-atihan Festival of Kalibo, Aklan mula sa


tagalong.com

Balagtas GB. P, Kilat JJ. M, Tagala A.P (2018). Maglagani Festival: Ang
Kwentong Sumasalamin sa Lipunan ng Tudela [Andergradweyt Tesis] La
Salle University- Ozamiz.

Butcon, MG T., Guden M.P, Llanera C. D (2011). Siklo ng Buhay: Kabaan ng


mga pamahiin at Paniniwala ng mga Ozamisnon sa Brgy. Bagakay.
[Andergradweyt Tesis] MSU-IIT, Iligan City.

Cabiguin, C.L. O, Perocillo, L.P at Epe, G.L (2008) Mga kababalaghan sa tatlong
baranggay ng mga Magsaysay Lanao del Norte: Epekto sa mga
mamamayan [Andergradweyt tesis] MSU-IIT, Iligan City.

Gonzales L.F, Marin L.C, Rubin L.T (1982) Panitikan sa Pilipino, p.29. Rex Book
Store, 856 Nicanor Reyes Sr. St. 1977 C.M Recto Avenue Manila,
Philippines
42

Halibas, M. Vistal, V. R. Romanos, C.M. (2009). Buyo, Pamalas, Talabugta at


Iba Pa: Mga Paninawala at Ritwal na Repleksyon sa Pagpapahalagang
Kultural ng Tribung Talaandig. [Andergradweyt tesis] MSU-IIT, Iligan
City.

Kaamulan Festival (2015). Official website of the province of the Bukidnon mula
sa http://www.bukidnon.gov.ph

Kaunawaan sa kasulatan (2019) p.707-708. Pagsasayaw. Watch tower bible and


tract Socity of Pennysylvania. http.wol.jw.org
Lachica, V. (PH.D) 1996 p.36-37. Literaturang Filipino. Academic Publishing
Corporation, 2nd Floor Rugen I Building, 17 Shaw boulevard, Pasig City
Philippines.

Mga Festival sa Pilipinas (n.d), nakalap mula sa zakurazengki.weebly.com

Osabe J.C (1982). Panitikan: Filipino sa Bagong Henerasyon (Para sa Mag-aaral).


Filibustero Books House; Kaunlaran Village, 1403 navotas, MM

Palabrica MJ. T, (2010). Ang Naratibo sa Likod ng mga Piling Sayaw sa Tribong
Higuanon sa Impasugong Bukidnon [Masteral Tesis] MSU-IIT, Iligan
City.

Regencia, R.G., Casanes Q.C., Atienza SM. M., Mga Pamahiin ng Baranggay
Tinunod, Kolambugan, Lanao del Norte [Andergradweyt tesis] MSU-IIT
Iligan City.

Samorano A.C., at Llanes L.L(2007). Mga Paniniwal/Pamahiin sa kasal ng mga


Maranao: Isang Pahapyaw na Pagsusuri. [Andergradweyt] MSU-IIT Iligan
City.
43

San Jose, Esposo ng Mahal ng Birhen Maria (March 19, 2015) posted by Balita
Online, balita.net.ph

Smith-Autard J.M (2013). The Art of Dance in Education. Bloomsbury

Tabada, M.D., Olores M.S., Jayme RL.V., (2009). Mga Bhetad sa Pagtatanim ng
mga Subanen sa Lapuyan, Zamboangga del Sur. [Andergradweyt]MSU-
IIT Iligan City.
Vega, R. (2014). Kulturang Kinagisnan. Bebeapproves.wordpress.com
Vick Aquino, Sinulog Festival (2019) nakalap mula sa.tnt.abante.com.ph

You might also like