Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Name :Lynrose Saducas

I.PAMAGAT

Punongkahoy

II. May Akda

Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong Nobyembre 22,
1896 na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng kalusugan
ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga. Bininyagan
siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya ang Cecilio ng Corazon (puso sa
Español) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan.Lumaki si De Jesus sa
bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan. Nag-aral siya sa nasirang Liceo de
Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang una niyang tula na nailimbag ay ang
Pangungulila na lumabas noong 1913 sa nasirang Ang Mithi noong siya ay 17 taong
gulang.
Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa nasirang Academia
de Vera ngunit hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagiging abogado dahil abala na
siya sa pagsulat ng isang kolum ng mga tula sa pahayagang Tagalog na Taliba. Ang
kolum ay tinawag na Buhay Cavite na isinulat niya sa pangalang-pluma na Huseng
Batute. Sa pamamagitan ng kanyang kolum, pinuna ni De Jesus ang lipunan sa ilalim
ng mga mananakop na Amerikano at pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng
Pilipinas na noo'y isang commonwealth sa ilalim ng pamahalaang Estados Unidas.May
mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Cavite. Sumulat din siya ng
mga 800 kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito niyang pangalang-
pluma ang Huseng Batute ngunit sumulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Pusong
Hapis, Paruparu, Pepito Matimtiman, Mahirap Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap,
Amado Viterbi, Elyas, Anastacio Salagubang at Tubig Lily'.

III. Paksa ng Tula

Ang akda ay paglalarawan sa isang taong naghihinagpis para sa kaniyang


buhay at naisin, ito‟y paghahambing din sa isang Punong Kahoy at sa Buhay
ng Tao. Paglalarawan sa mga pasakit na may iiyak na minamahal dahil sa kaniyang
pagkawala at tatanod sa kaniyang libingan ay mga alaala na magbabalik at alalahanin
ng mga tao napamahal at napamahal din sa kaniyang mga nilikha. Ang buod ng tula ay
tungkol sa isang punong kahoy, na kung saan ang Punong-kahoy ay ang mismong
persona sa tula. Nilalarawan ng persona ang daloy ng buhay ng isang tao mula sa
kaniyang pagkabata hanggang sa matayog bilang isang tao. Ngunit katulad ng punong
kahoy dumarating ang unti-unting pagkalagas ng mga dahon sa kaniyang sanga, na
ang tao sa kabila ng kaniyang katagumpayan sa buhay, nagiging malungkot ang
pagtanda sapagkat umiinog ang mundo at nagbabago ang kapaligiran, hanggang
maramdaman ng tao ang kaniyang pag-iisa lalo sa pagdapit hapon at pagkawala ng
liwanag sa kaniyang buhay. At sa huli ng tula ay inihahabilin niya na ang kaniyang
buhay sa kamay ng kaniyang Manlilikha.

IV. Kayarian

A.Sukat -Sa tula ng Isang Punong Kahoy, mapapansin nang mga mambabasa na sa
bawat taludtod, at saknong ay may angking kagalingan ang makata sa pagtugma –
tugma ng mga salita na napaka sining. Mahusay siya sa pag-iisip upang maiparating
niya ang kanyang tula na magandang tugma at maganda basahin sa mga mambabasa.

Tugma - Ang Isang Punong Kahoy ay may sukat na tig labing dalawahin ang bawat
taludtod at may walong saknong.

B. Simbolo/ talinghaga

Maka-kalikasan

Ang tula ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng tao,


inihahalintulad ang buhay sa paglago ng kalikasan. Katulad ng pagyabong ay pagsikat
o pagtatagumpay ng tao na siyang dahilan upang maliliman at magbigyang buhay ang
mga nakapaligid na tumitingala sa kaniya. Ngunit proseso ng buhay ang pagkawala at
pagkamatay na sa pagkawala ay sumisibol naman ang mga panibagong punla na
nagmula din ang pataba at pagdidilig sa taong pumanaw dahil sa kaniyang mabuting
paglaganap ng buhay.

Ang mga nakatalang salita ay mga simbolong ginamit ng may-akda sa tulang “Isang
Punungkahoy”:

Batis- isang salita na ginamit sa tula na kung saan ginamitan ng tayutay na ibig sabihin
pagdanak ng luha mula sa mata ng mga nagmamahal.

Buwan- tayutay na persona o pagsasatao dahil ginamitan ng mga paglalarawan kagaya


ng buhay ng tao. Ito ay kaugnay sa takip silim o di naman kaya’y patuluyin sa
kamatayan.

Kampana- isa din sa mahalagang simbolo na kung saan ito ang hudyat ng tunog upang
simulan ang pagdadasal sa mga mga mahal sa buhay para sa ikaluluwalhati ng
kaluluwa ng

Kandila- isa sa mahalagang instrumento sa tula na kung saan simbolo sa pag-asa at


umaalay ng pighati sa taong namatay.
Sanga- sumusimbolo ng pagtulong sa iba at katatagan ng persona sa ibang
nangangailangan.

Kurus- isang salita na kung saan tumutukoy sa posisyon ng isang tao na nagpapakita
sa paglalahad ng kahandaan kung kailan darating ang huling buhay at nagpapakita rin
ito ng pagiging maka Diyos.

Punong-Kahoy- tumutukoy sa buhay ng tao na kung saan ito ay tumubo mula sa


pgkabata hanggang sa paglaki at pagkalipas ng mga panahon na nagdaan ito
lumalagas ang mga dahon at ang sanga nito. Kagaya ng isang tao na tumatanda rin di
mawaring kung hanggang kailan tayo mabubuhay kaya dapat maging handa.

V. Bisang Pampanitikan

A. Bisang pangkaisipan
B. Bisang Pangdamdamin
C. Bisang pangkaasalan

VI. Teoryang Pampanitikan

You might also like