Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga Estratehiya o Gawain:

Picture Power

Mula sa larawan bubuo ang klase ng kuwento. Ibabatay ang usapan/ dayalogo,

tagpuan, katangian ng mga tauhan na nakikita sa larawan.

Maaari siyang indibidwal o pangkatang gawain.

Dugtungang Pagkukuwento

(Pabilisan)

Ang guro ay pipili ng sampung mag-aaral na siyang kalahok sa gawain ngunit maaari ring
pangkatang gawain.

Isang pangungusap sa bawat sasagot.

Kung indibidwal..

Ang guro ang magsisimula ng isang kuwento at dudugtungan ito ng kaniyang mga mag-
aaral hanggang sa huling mag-aaral na siyang gagawa ng wakas ng kuwento.

Kung pangkatang gawain ang gagawin

Ang guro ang magsisimula ng isang kuwento at dudugtungan ito ng grupong matuturo
ng guro. Ang grupong hindi agad makadugtong ng kuwento ay may consequence na
gagawin at matatanggal sa laro o gawain hanggang sa isang grupo na lang ang matitira
na siyang tatanghaling panalo.

Clash Of Class
Bubuo ng pangkat sa loob ng klase. Pagkatapos pipili ang bawat pangkat ng isang tauhan
o character sa Clash of Clans na magiging pangalan ng kanilang pangkat at doon
ibabatay ang kanilang “kapangyarihan” na magagamit nila sa gagawing gawain. Ang
bawat pangkat o guro ay gagawa ng mga tanong batay sa paksang tatalakayin o
tinalakay. Kung sakaling nasagot ng isang pangkat ang tanong mula sa katunggaling
pangkat o mula sa guro ay kukuha ito ng isa sa kanilang miyembro—hanggang maubos
ang mga ito at ang matitira lamang ay ang isang pangkat na siyang tatanghaling panalo.

You might also like