Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Pinagtagpo ng Tadhana

Main Characters:
 Elisia Matthews
 Isang purong Pilipina na tumira sa Amerika dahil inampon siya ng isang mag-asawang
Amerikana. Sa Pilipinas siya ipinanganak at lumaki bago siya maampon, at ngayon
bumabalik siya sa bansang kinagisnan upang hanapin ang kanyang mga magulang.

 Abigail Conception
 Isang Pilipina na ipinanganak at lumaki sa Leyte at ang mga magulang niya ay
magsasaka. Lumuwas siya papuntang Maynila upang makahanap ng trabaho bilang
artista at upang matupad niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.

 Cassandra Reyes
 Isang babaeng laki sa lungsod. Mayaman at walang pakialam sa iba pero may iisang
hinahanap, kasiyahang hindi maibigay sa kanya ng ibang tao.
Plot:
Sina Cassandra, Abigail, at Elisia ay tatlong babaeng sinubukan ang kapalaran sa Maynila upang tuparin
ang kanilang mga pangarap. Di nila inaasahang magkikita at magkakakilala sila nang minsan silang
naglabas ng sama ng loob sa isang parke. Ang pakikipag-usap tungkol sa kanya kanyang buhay ang
siyang gumising sa kanila. Ang buhay nila na puno ng tanong, pangarap at kalungkutan ay biglang nag-
iba nang dahil sa pagtatagpong ito. Ngunit, isa nga ba itong di inaasahan na pangyayari o sila ba ay…
Pinagtagpo ng Tadhana?
Act I
Scene 1
NARRATOR: Isa nanamang masaganang araw sa Barangay Fortunato ng Lungsod ng Maynila.
Ang mga bata ay nagsisihanda na upang maglaro sa kalye habang ang mga nanay
at tatay nila ay naghahanda ng umalis at magtrabaho para sa kinabukasan nila.
Ngunit, ang Ito ang madalas na nangyayari sa barangay na ito at ang isa pang
madalas na mangyari ay ang sigawan ng Pamilya Reyes.

CHRISTINA: (sumisigaw) Cassandra! Ano na naman’g rason at inumaga ka ng uwi, ha?!


Pinaghintay mo’ng mga katulong natin--

CASSANDRA: (ngumisi at bahagyang tumawa) Mabuti pa mga yaya. Siguro dapat sa kanila ako
magpasampal, no?

CHRISTINA: (sinampal si CASSANDRA) Umayos ka! Yang bunganga mo na naman! Alam


mong kulelat sa kampaniya ang Daddy mo! Alalahanin mo na pera niya
nilulustay mo diyan sa kaartehan mo!

CASSANDRA: (nagsimula nang umiyak at sinigawan na si CHRISTINA) Eh di sana pinagdamit


niyo nalang ako ng uniform nina yaya para tapos na! Tutal sila naman nagpalaki
sa ‘kin, eh. Hanggang sermon lang kayo’t pa-lamon! Pero tuwing hinahanap
kayo ng teachers ko, mga katulong niyo pinahaharap niyo sa kanila!

(tumakbo si CASSANDRA palabas habang tinatawag siya ni CHRISTINA, tumigil na sa pagtawag si


CHRISTINA, )

CASSANDRA: (lumingon sa bahay nila nang mapansin na hindi siya tinatawag na ni


CHRISTINA, habang patuloy na umiiyak) Mahal niyo ba talaga ako, Mommy?
Daddy? (tumakbo palayo)
(END OF SCENE)

Scene 2
NARRATOR: Kabilang dayo naman ng Maynila, sa AS International Airport, ay may isang
dalagang puno ng sigla sa kanyang pagbabalik sa bansang kinagisnan niya at
masayang lumabas sa Airport dala ang maleta at pusong umaasa.

ELISIA: Finally! I’m back! After so17 many years! (binuka ni ELISIA ang kanyang mga
kamay at huminga ng malalim) I’m home, Philippines!

(SFX: phone ringing… beep… ringing stops)

ELISIA: Hello? Yeah, just arrived in Manila.

ELIZA: (Over the phone) Really, honey? How was your travel? Long hours didn’t bother
you?

ELISIA: It was okay, I guess.

ELIZA: (Over the phone) Come home already! We miss you! Remember that if things…
You know… If things don’t go as planned, you can always take the soonest flight
back. You don’t have to do that, honey! We love you all the same!

ELISIA: Mom, this is not about you okay? I just… I just have to find her.

ELIZA: (Over the phone) You were happy with us, right?

ELISIA: Of course I was! No questions there. Finding her is just something I’ve always
wanted to do… For myself. I just feel it’s right to meet her… Them…

ELIZA: (Over the phone) Yes, we do. Both your father and I. No matter what happens,
we’ll support you. I’m just a worried about what you’ll find out or what you
won’t…

ELISIA: Yeah, I know. But we’ll never be certain unless I try, Mom.

ELIZA: (Over the phone) You’re right. Take care, all right, honey? Call me whenever!
ELISIA: Bye mom, love you! (tumingin ulit si ELISIA sa paligid at nagsimula nang
maglakad) Now for some answers... (ngumiting kinakabahan)

(End of Scene)
Scene 3

NARRATION: May isang dalaga naman na puno ng mga pangarap ang lumabas galing sa
terminal ng bus, ang mata ay puno ng mga hangarin at umaapaw sa pag-asa.
Puno ng galak ang mukha habang tinitignan ang mga lugar na nadadaanan niya
sa Maynila. Mga gusaling unang beses pa lamang niya nasilayan.

ABIGAIL: Wah! Grabe kahagtaas man hit mga balay dinhi! Kadamo pa gud han gwapo!
Kyah! Adi na ako Maynila!

(tinawag ni PATRICIA si ABIGAIL)

PATRICIA: Abigail! Huuuy! Adi ako!

ABIGAIL: Tiya Pat! (Lalapit kay Patricia) Kamusta na? Maiha ‘ta na ikaw waray kakikit-i!

PATRICIA: Okay gad la ako day, ikaw? Kamusta man imo biyahe? Kumaon ka na?

ABIGAIL: Okay la liwat ako tiya! Oo! May salin pa ngan an moron nga ak ginkuha dida’n
akon mga dara para imo!

PATRICIA: Ay kay kaupay! Tikang pa iton Abuyog?

ABIGAIL: Amo man yakan han natinda ha airport, Tiya Pat! Susumhan ka nala ada hini!

PATRICIA: ‘Ta hala! Lakat na kita!

ABIGAIL: Sige! Andam na ako hin duro nga maging artista! (tumawa)
PATRICIA: Naparayaw ka na liwat nga bata ka. Tikang kabata mo, pag-aartista gud an imo
karuyag. Di k lugod mag-doctor o attorney? Baltok ka man uga.

ABIGAIL: Waray la gad udog. Amo liwat kasi an akon karuyag. Mayda talaga mga butang
nga danay, waray rason para maayunan mo. Tigda mo nala nga kakaruyagon hin
waray la rason. Amo an pag-aartista ha akon!

PATRICIA: Kusog an imo hugot dida Abby? Dali na daw ha balay para makagpamuhay ka
na.

(tumawa si ABIGAIL at sumunod kay PATRICA)


(End of Scene)

Scene 4

NARRATOR: Lumipas ang mga araw, at ang tatlong binibini ay nagsimula sa kanya kanyang
mga pakay sa Lungsod ng Maynila. Si ELISIA ay nagsimula nang hanapin ang
kanyang ina. Matagal niya na itong hinahanap ngunit ang pangalan at kung saan
lamang ito nakatira ang alam niya.

ELISIA: Uhm, excuse me, but alam niyo po ba where nakatira dito si Lisa Cordeno?

MANANG ELYO: Pasensya ka na ineng, pero bago lang ako dito, hindi ko masyadong kilala ang
mga tao.

ELISIA: Ah, it’s okay, thank you for your kindness Ma’am,

(may nakita si MANANG ELYO, at bigla itong tinawag)

MANANG ELYO: Tonyeng! Tonyeng!

TONYENG: (lumapit) Oh, manang, bakit po?


MANANG ELYO: (tumingin kay ELISIA) Iha, siya ang barangay captain namin. (Tumingin kay
TONYENG) Tonyeng, Lisa Cordeno na taga rito raw, kilala mo ba? Hinahanap
nitong ineng, eh di matunog ang pangalan. Nagmamadali ako, kailangan ko nang
umalis. Ikaw na bahal sa kaniya, ha? (umalis)

TONYENG: (tumingin kay ELISIA) Lisa? Si Manang Sasa ba? Ba’t mo siya hinahanap?

ELISIA: She’s my mom. Lisa Cordeno is my mother.

TONYENG: (natigilan) Naku iha, hindi ako marunong mag-english.

ELISIA: Ah, it’s okay po. I may not know how to speak Filipino that much pero
nakakaintindi ako.

TONYENG: Mabuti nalang, bakit mo nga ulit hinahanap si Manang Sasa?

ELISIA: Kasi hindi ko pa siya na-meet. She is nanay ko.

TONYENG: Sandali lang, Mama mo si Manang Sasa? Naku, patay tayo diyan.

ELISIA: Uh, what do you mean po? Why would we be patay tayo?

TONYENG: Hindi tayo yung patay, yung mama mo.

ELISIA: I’m sorry, but paanong patay na si Mom ko?

TONYENG: Eh, literal na patay na yung mama mo, iha. Isang taon na ang lumipas.

ELISIA: (natigilan) What? How? Where? Paano? (nagsimulang lumuha)

TONYENG: Pasensya ka na iha, pero yun yung totoo eh. (linagay ang kamay sa balikat ni
ELISIA) Nakikiramay ako.
(nagpatuloy sa pag-iyak si ELISIA, habang umaalis si TONYENG)

(End of Scene)
Scene 5
NARRATOR: Si Abigail naman ay walang swerte sa kanyang pangarap maging artista. Ilang
araw na siyang sumubok sa mga audition, pero hindi pa siya natatangap.

ABIGAIL: (Tumititig sa cellphone niya si ABIGAIL) Kay ano?! Waray pa man may natawag
ha akon? Okay man an akon mga audition! Mahusay man ako! Talentado! Kay
ano waray pa may natawag?! Bangin sayup an akon nahatag nga number? O hira
ada an sayup pagtext?

PATRICIA: Ayaw kasi pagpirita kun diri para imo, ‘day, pagbiling nala hin iba.

ABIGAIL: Diri ko gusto hin iba, tiya! Ini la an akon gusto! Kay ano diri pa makadi ha
akon?! Ginhihimo ko man tanan nga akon makakaya! Ini la! Inin gud la!

PATRICIA: Abigail, diri tanan makakada imo. Diri tanan nga imo ayon ighahatag nala ha
imo.

ABIGAIL: Maaram ako, tiya. Sanay na ako hin sugad hini. Tam kinabuhi makuri. Pobre la
kami nagkasakit nak Tatay. Hi Nanay nala’n nagsaka. Iton ba nga baga tak
pagkita kay ginbuburubligan ako hit tanan nga kadimalasan! (Iiyak sa sulok)
Amo man la ini an akon ginhihingyap! Pamati ko amo ini it makakabulig ha
amon hit akon pamilya…

PATRICIA: Abby… (Lalapit kay Abigail at hahawakan ang likod nito)

ABIGAIL: (Papahirin ang mga luha at aayusin ang mukha) Malakat la ako kadali, tiya.
Mabalik nala ako niyan.

(umalis si ABIGAIL at iiyak ng paunti-unti)

ABIGAIL: Ano ba ini nga kinabuhi? (muling umiyak nang tuluyan)

(End of Scene)
Scene 6

NARRATOR: Samantalang si Cassandra naman ay ilang araw na ding hindi umuuwi sa kanila.
Palagi nalang siyang umiinom at naglalasing.

LIZZIE: Ano ba Cassy, palagi nalang ba tayong ganito?! Eh halos tumira na tayo dito sa
bar! Umuwi ka na kasi at makipag-ayos sa mga magulang mo. Ako ‘tong
ginugulo mo eh!

CASSANDRA: (lasing na habang nagsasalita) Ako? Umuwi?! Di nga ‘ata nila napansin na wala
ako sa bahay, eh! Pustahan tayo, walang naghahanap sa ‘kin. Kaya, bespren,
masanay ka na sa ganito!

LIZZIE: Alam mo? ‘Di na ‘to masaya. Bilang kaibigan mo, sinasabi ko sa ‘yong umuwi
ka na at kausapin mo man lang sina Mommy mo.

CASSANDRA: Ewan ko sa ‘yo, Lizzie. Uwi ka ng uwi, umalis ka na nga lang! Ikaw ang umuwi!
Kung bubungangaan mo lang ako, iwan mo nalang ako dito.

LIZZIE: Cassandra – (SFX: phone rings) (titingnan ni LIZZIE ang phone niya bago
tumingin kay CASSANDRA) sasagutin ko lang ‘tong tumatawag, dito ka lang.

(tatayo si LIZZIE at titingnan siya ni CASSANDRA hanggang sa susunod ito sa kaniya; makikinig ang
huli)

LIZZIE: Opo, tita. Ginagawa ko po ang lahat para mapauwi siya. Opo tita, sige po.

(magagalit si CASSANDRA kay LIZZIE at aalis ito)

CASSANDRA: Traydor ka! Akala ko kakampi kita!

(End of Scene)
(End of Act I)
Act II
Scene 7
(Magmumuni-muni tapos sasabihin ng sabay-sabay)

ELISIA: Why is this happening in my life right now?

ABIGAIL: Kay ano ini nahihitabo ha akon kinabuhi yana?

CASSANDRA: Bakit ‘to nangyayari sa buhay ko ngayon?

(Habang patuloy na nagmumunimuni ang tatlong dalaga. Dinala sila ng mga paa nila sa isang parke,
kung saan kitang kita ang buwan at mga bituin. Nakarinig ang tatlo ng tunog at biglang nagulat)

ABIGAIL: Ginoo ko!

CASSANDRA: Ay tipaklong!

ELISIA: Oh gosh!

ABIGAIL: Oy! Hin-o kamo! Mga mumu ba kamo?! Mag usahon man la ako didi kanina!

CASSANDRA: Pwede bang wag ka sumigaw? Masakit ang ulo ko ngayon! At wala akong
maintindihan sa sinasabi mo!

ABIGAIL: Oy makaradlok nga mumu! Ayaw ako pag buuti! Iinarte ka pa nga wakwak ka!
Gusto mo nga mingaw!

CASSANDRA: For goodness’ sake. Pwede bang magtagalog ka nalang? Marunong ka naman
yata magtagalog!

ELISIA: (palipatlipat ang tingin kina CASSANDRA at ABIGAIL) Uh, excuse me for
interrupting your fight but, could you please fight somewhere else? I’m trying to
have a moment here.
ABIGAIL: Hala! English! Wow! ‘Miruy!

CASSANDRA: Pwede ba?! Dinadagdagan niyo sakit ng ulo ko (umupo habang hawak ni
CASSANDRA ang ulo niya)

ELISIA: I have some medicine here if you want. (hinanap ang medisina sa bag)

ABIGAIL: Inday Inglesera, di ka maaram magtagalog? Di ako nakaka intsinde gud hin
English. Bangin ginbibinuyayawan mo na ngayan kami.

CASSANDRA: Marunong ba kayo magsalita sa Filipino? Hindi gumagana utak ko ngayon, eh!
Sa totoo lang!

ELISIA: I could understand it, but I’m really not good at speaking Filipino.

ABIGAIL: Maaram—este, marunong ako magsalita sa Filipino. Pero di gud ako masyadong
nakakaintindi ng Ingles

ELISIA: Okay lang… magsasalita nalang ako ng Filipino a little, here’s the medicine…
I’m Elisia, by the way.

ABIGAIL: May tubig ako dito, binili ko kanina la. Abigail nga pala. Upo ka anay, para kang
hubog.

ELISIA/CASSANDRA: Hubog?

ABIGAIL: Ah, lasing ba…

CASSANDRA: Wala kayong pake sa buhay ko. Kaya please lang, pabayaan niyo muna ako…

(End of Scene)
Scene 8

NARRATOR: Isang mahabang katahimikan ang pumagitna sa tatlong dalaga. Nagkaroon sila ng
pagmunimuni tungkol sa kanya kanyang mga buhay at sa mga karanasan na
nangyayari sa kanilang mga buhay.

ELISIA: (Napabuntong hininga)

ABIGAIL: May problema ka ba? Hilarom yung buntong hininga mo eh.

ELISIA: Hilarom? Buntong hininga?

ABIGAIL: uh, hilarom is, you know… malalim! Yung buntong hininga naman, ano... Hoy!
Mumu! Ano yung Ingles ng buntong hininga?

CASSANDRA: Cassandra pangalan ko, hindi mumu! At diba sabi ko sa inyo na pabayaan niyo
ako! Umalis na kayo! Uwi na kayo sa mga bahay niyo at hinihintay pa kayo
siguro ng mga magulang niyo!

ELISIA: (Nagsimulang lumuha) Pasensya naman, diba? Iniwan kasi ako ng Mama ko
nung bata pa ‘ko! Pinabayaan niya ‘ko!

CASSANDRA: (Nagulat) Uh, I’m s-sorry, ulila ka pala.

ABIGAIL: Mas nagulat ako nga nakapagtagalog siya ng diretso.

ELISIA: (umupo ulit) Bata palang ako, lumaki na ako sa ampunan. I was a kid who had no
idea why her parents left her. Did they actually love me? Did they really want me
in their life? But all those questions cannot really change the fact that they left
me.

ABIGAIL: (lumapit kay ELISIA) Tahan na uday, ‘wag na iyak.


CASSANDRA: No, pabayaan mo siyang umiyak. (lumapit kay ELISIA) sige, ilabas mo lang yan.

ELISIA: I was adopted by this kind American couple and they brought me to the US, and
that’s where I grew up. Pero, hinahanap ko pa rin yung real parents ko. Alam
niyo ‘yun? Parang yun lang gusto ko ngayon. May dreams pa naman ako, pero
finding them is like a vocation to me.

ABIGAIL: Aram ko yung nararamdaman nimo. Iyang gusto nimo sa buhay? May ganiyan
din ako ngayon.

CASSANDRA: Bakit mo naman hahanapin pa yung mga magulang mo na iniwan ka lang


naman?

ELISIA: Kasi they’re my parents. Even though they left me. I still want to meet them.
And, I want to ask them myself… to ask them why they left me.

ABIGAIL: Kaya andito ka sa Pilipinas? Dahil sa imong parents?

CASSANDRA: Nakaintindi ka? Infairness!

ABIGAIL: Hindi ka nag-iisa, madugong gyera ine nga ginagawa ko.

(tumawa si CASSANDRA at napatitig sakanya si ABIGAIL at ELISIA)

ABIGAIL: Hala? Tumatawa ka pala? Mas nagmukha kang tao. Igpadayon ito!

CASSANDRA: (nagpeke ng ubo at tumingin kay ELISIA) hinahanap mo ba sila?

ELISIA: I tried to but (nagsimula nanamang umiyak) patay na sila. I never thought I
would feel this kind of feelings. Maybe disappointment, yes, because my
questions are still unanswered, but I’m feeling more than that. I feel like I’ve lost
two of the most important people in my life, and I barely knew them! Knowing
that my mom just died really sealed the deal for me as I’ve known from
researching fairly recently that my dad died many years ago.
ABIGAIL: Ano ka ba. Normal man la na masakitan ka. Magulang mo hira. At masakit
mawalan ng magulang.

ELISIA: I just wish na I saw them, before they died.

(End of Scene)
Scene 9

CASSANDRA: Hindi ka ba minahal ng mag umampon sa’yo?

ELISIA: Of course minahal nila ako. But I still longed for the love of my real parents,
alam mo ba what I mean?

CASSANDRA: No, hindi ko alam kung ano yang sinasabi mo. Bakit hahanapin mo pa yung mga
magulang mo na iniwan ka na nga? Minahal ka naman yata ng mga umampon
sayo, bakit hindi ka makuntento?!

ABIGAIL: Hoy, anong pinaglalaban mo, day! Iya ito buhay, gusto niya lang naman makita
an iya mga magulang.

CASSANDRA: Kasi swerte na siya na minahal siya ng mga taong tumayo bilang magulang niya.
Samantalang ako, ni hindi minahal ng mga kadugo ko! Mas anak pa nga ako ng
mga kasambahay namin, eh!

ELISIA: Oh my! Cassandra…

(nagsimula nang umiyak si Cassandra)

ABIGAIL: Oy! Mumu! Amo ka nandito?


CASSANDRA: Gusto ko lang naman na mahalin ako ni Mommy at Daddy. Yung maramdaman
ko na anak nila ako. Oo, binibigay nila lahat sa akin, pero yung oras nila,
pagmamahal nila, yung atensyon nila kailangan ko pang mamalimos.

ABIGAIL: Hoy mumu! (Sa sarili niya) Ano ba inen? Nangangatuok nala liwat ako! Buysit!
(Papaypayin ang mga mata)

ELISIA: Let it all out Cassandra, we’re going to listen to you. Just like how you listened to
me.

CASSANDRA: (Tumingin kela ELISIA at ABIGAIL at ngumiti) Salamat. (huminga nga malalim)
Bata pa lang ako, palagi nalang sina yaya kasama ko. Si mama, busy sa trabaho.
Si daddy busy sa barangay namin. Lagi ko silang hinahanap. Hanggang sa
ginawa ko lahat para mapansin nila. Natuto akong uminom, mag sigarilyo,
kulang nalang magpa-tokhang ako para mapansin lang nila ako, eh.

(Natigilan sila ELISIA at ABIGAIL at tumingin sa isa’t isa)

CASSANDRA: (Tumingin kela ELISIA at ABIGAIL) Wag kayong mag-alala, hindi ako adik.
Hindi ako nag drugs, hindi ako ganoon ka desperada para sa atensyon nila. Gusto
ko lang din naman maging proud sila sa akin, eh.

ABIGAIL: Hagei, kahuna ko nag drugs ka na talaga. Uday, pagtadong!

ELISIA: Abigail, please be quiet.

ABIGAIL: Pasensya na po.

CASSANDRA: (Taimtimang tumawa) Pagod na rin naman ako. Pagod na pagod nang humingi
ng mga bagay na ayaw naman nilang ibigay sa akin. Kay lumayas na ako sa
kanila. Kaya, iyan. Nandito ako. Umiiyak sa inyo. Sa hindi ko mga kakilala.

(End of Scene)
Scene 10

ABIGAIL: Tanga ka bang babae ka? Uli na at makipag ayos ka sa kanila!

CASSANDRA: Hindi dahil nagkwento ako tungkol sa buhay ko, ibig sabihin na pwede niyo nang
paki-alaman mga desisyon ko.

ABIGAIL: Hindi mo ba alam na may ibang tao na naghahanap ng magandang buhay ng


katulad sa ‘yo? Nga katulad ng buhay niyong dalawa?

CASSANDRA: Wala akong paki-alam sa iba! Paano naman ang gusto ko?

ABIGAIL: Napakamakasarili nimo! Hindi mo ba alam kung gaano ko ka-gusto magkaroon


hin ganyang buhay?! Swerte kamo! Ikaw, may mga magulang ka pang buhay at
walang sakit! Kami ni Elisia? Patay na it iya mga magulang! It akon tipakaradto
na!

ELISIA: Abigail, calm down.

ABIGAIL: Wag kang magsalita dahil wala akong naiintindihan! Pero gusto mo bang
masabtan kung gaano ka ka-swerti magkaroon hin magandang buhay? Oo,
ampon ka, pero minahal ka nga mga naging magulang nimo!

CASSANDRA: Ano bang pinupunto mo ha?!

ABIGAIL: (Nagsimulang umiyak) Di niyo ba alam kung gaano kahirap ang buhay ko?! Bug-
os kong buhay, kailangan kong makuntento sa kung anong mayda ako! Bug-os
kong buhay, kahit na gusto ko hin mas marami, mas maganda o kahit anong
‘mas’, kailangan makuntento ako ha okay lang!

CASSANDRA: Kasalanan ba namin kung ganyan buhay mo?!

ABIGAIL: (Natigilan at nagsalita habang unti unting umiiyak ulit) Ahw diri, diri. Hindi
niyo naman kasalanan na sugad hini an buhay ko. Hindi niyo kasalanan na
lumaki ako ha mahirap nga buhay. Diri niyo kasalanan nga hindi ko makuha
gusto ko. Diri niyo kasalanan nga may sakit an tatay ko. Tapos hindi niyo
kasalanan nga ambisyosa akong tao nga nangangarap sa damo at malalaking
bagay, kahit na ang para sa kaniya talaga ay yung malilit na bagay na pwede
nang pagtiyagaan.

ELISIA: Abigail, (Yayakapin si ABIGAIL)

ABIGAIL: Pero alam niyo kung gaano kamo nakakabigo. Wala akong pera para hanapun an
akon mga magulang, wala ngani akong pera makapunta dito eh. Waray ako lakas
na lumayas sa amon kahit gaano pa ako magalit ha ira, kay kailangan ako nira.
Ang kaya ko lang naman talaga ay mangarap! Mangarap na maging artista.
Mangarap na mabigyan an akon pamilya hin magandang buhay ba. Iton la an
kaya ko magawa.

CASSANDRA: At ano naman—

ABIGAIL: (Sisigaw) Pero kamo?! Nagawa nimo nga pumunta sa Pilipinas! Nagawa nimong
lumayas! Kaya niyo gawin an iyo gusto! Pero ito an iyo ginpili! Pinili nimo
(titingin kay CASSANDRA) nga lumayas sa inyo kesa makipag-usap sa mga
magulang mo! At ikaw naman (titingin kay ELISIA) hindi ka nakuntento sa
pagmamahal nga binigay sa imo, pinamukha pa nimo sa mga umampon sayo na
hindi sapat ang pagmamahal nila sayo! Nakuha na ba niyo pinupunto ko?!

ELISIA: Actually, no.

ABIGAIL: Ang punto ko, maging masaya naman kayo! Dahil may mga butang kayo na wala
ang iba. Swerte na kamo sa lagay na yan! Ang mga problema niyo? Maliit lang
yan kumpara sa problema ng ibang tao! Masyado kamong makasarili! Akala ba
niyo na dahil ampon lang ikaw o dahil diri nimo maramdaman an pagmamahal
han imo mga magulang nakakaawa na kamo?! An solusyon ha iyo, makipag usap
lang kayo okay na, eh. Pero may iba na problemado ha paghanap hin trabaho,
pag-abot han ira mga pangarap! Kayo lang mismo ang nagbibigay ng problema
sa sarili niyo, dahil hindi kayo kuntento sa kung ano an mayda kamo.

ELISIA: Hey! You’re lucky enough to be loved by your real parents! (tumingin kay
CASSANDRA) and you’re lucky that your parents never abandoned you!
CASSANDRA: Hindi man nila ako iniwan, pero wala akong maramdaman sa kanila! (tinuro si
ELISIA) mahal ka ng mga umampon sayo! Kahit hindi mo sila totoong mga
magulang! At ikaw naman (Tumingin kay ABIGAIL) swerte ka na may oras sayo
ang mga magulang mo at mahal na mahal ka nila!

ABIGAIL: Kailangan ko pa bang utru-utuhon?! May pera kamo! Pinapangarap ko lang iton!

CASSANDRA: Akala mo ba ikaw lang nangangarap dito?! Nangangarap din akong mahalin ng
mga magulang ko! Siya? (Tinuro si ELISIA) nangangarap na sana nakilala niya
ang mga totoo niyang magulang! Pati kami nangangarap din! Hindi lang ikaw!

ELISIA: Maybe we don’t have the same problems, and maybe for you, our problems are
only nothing. But for us? We have trials that we need to face, and it’s hard for us
to face them!

(End of Act II)

(End of Scene)
ACT III
Scene 11

(SFX: Kuliglig; Sabay-sabay nagsalita sina ABIGAIL, CASSANDRA at ELISIA)

ABIGAIL: Pasaylua ako.

CASSANDRA: Pasensiya na.

ELISIA: I’m sorry.

(Nagkatinginan ang tatlo at untiunting tumawa)

ELISIA: I’ve become such a cry baby today. I’m sorry, I feel like I’ve hurt your feelings
with my own problems.

CASSANDRA: Pasensya na rin. I’ve been a bitch sa inyo. Hindi naman talaga ako ganito. I’ve
just been really hurt.

ABIGAIL: Pasaylua liwat, este, sorry din. Gusto ko la talaga maging mas mabuti an akon
buhay. Sa inyo ko pa nagawas, este nailabas.

ELISIA: You know, listening to everyone’s stories. I realized that, we all have our dreams,
and we will always face problems in achieving those dreams.

ABIGAIL: At sa lahat ng problema. Kailangan lang natin maging positibo!

CASSANDRA: Sa tingin ko, kailangan lang natin ibahin yung approach natin sa mga problema
natin eh. At wag tayong mag judge sa problema ng ibang tao.
ELISIA: I also think we should be contented of what we have. I mean, it’s not bad to
dream, to want to achieve something. But if we can’t do it anymore, then we
should just be contented.

(katahimikan)

CASSANDRA: Isa akong babae na nangangarap na maramdaman ang pagmamahal ng mga


magulang ko. Ang gusto ko lang naman eh magkaroon sila ng oras para sa akin.
Pero ngayon, na-realize ko na kailangan kong idaan sa magalang na usapan.
Ginagawa naman nila lahat ng makakaya nila para magkaroon ako ng
magandang buhay. Kailangan ko ding magpasalamat sa kanila.

ELISIA: I’ve been so desperate to find my real parents. I wanted answers and I wanted to
feel their love for me. But I was already loved from the moment my mom and
dad adopted me. I should come to terms with the death of my real parents and
focus on what I have – a loving pair of folks. I guess, even those who are not
your blood relatives can accept you for who you are. (Tumingin kela
CASSANDRA at ABIGAIL at ngumiti)\

ABIGAIL: Ako naman. Nangangarap hin magandang buhay para akon pamilya. Nga di na
kailangan pang mangutang para lang makuha o maibigay an gusto nila. Gusto ko
maging artista, para sa kanila. Importante nga mahal namon ang isa’t isa. Mas
importante na mapakita naming ang pagmamahalan namin, kesa sa mga materyal
na bagay. At dahil sa pagmamahal na iton, hindi ako susuko ha akon pangarap.

CASSANDRA: Mukhang dahil sa pagkikita natin, may mga na-realize tayo.

ELISIA: (Tumawa) I never expected I would feel this kind of comfort with strangers.

ABIGAIL: Mukhang nakatadhana na magkita kita tayong lahat.

(tumawa sina ELSIA, ABIGAIL, at CASSANDRA)

(End of Scene)
Scene 12

NARRATOR: Pagkatapos ng pagkikitang iyon, kanya-kanya nang uwi ang tatlong dalaga at
bumalik na sa kani-kanilang mga buhay. Pero habang-buhay nilang maaalala ang
gabi kung saan bumukas ang mga puso’t utak nila sa karanasan ng ibang tao.

ABIGAIL: Maaram ka tiya, maaram na ako kun kay ano ko gusto maging artista kahadto.
Labot la kay hilig ko gud magdrinama, tungod la liwat nga gusto ko tagan hin
maupay nga kinabuhi an akon pamilya.

PATRICIA: Kahuna ko ba nga imo ito pangarap? Kay ano ‘kahadto’ mo la gusto?

ABIGAIL: Kay bug-os nga gab-i, akong gin-inisip an akon mga hingyap. Maupay nga
kinabuhi ha akon pamilya, an mahatag ko an ira gusto, an maupay hi tatay ngan
diri na magtrinabaho hi nanay. Pero bis usa ka beses, waray ko kaisipi an akon
pangarap nga mag-artista.

PATRICIA: Kay-ano?

ABIGAIL: Tungod ada nga diri man talaga adto an akon gusto. Waray ko ka-realize dayon
nga an kinabukasan han akon pamilya an pinaka importante nga butang han akon
kinabuhi.

PATRICIA: Ano man imo bubuhaton na yana?

ABIGAIL: Mabalik ako ha amon. Huhumanon ko akon pag-iskwela, magtutuhay na ako


ngan magbibiling hin maupay nga trabaho para akon pamilya.

PATRICIA: Kumain ka kagab-e gud kagab-i nga baga iba man tim tono na yana?

ABIGAIL: Mayda ako nakilala nga mga tawo nga di ko makakalimtan. Kay diri man kami
magkakiriglala, natutduan ako nira han mga butang nga waray ko ka-realize
dayon.
(End of Scene)

Scene 13

(SFX: phone ringin… beep… ringin stops)

ELISIA: Hello mom? What’s up?

ELIZA: Honey? I just read your e-mail, you’re coming back home? And so soon!

ELISIA: Yes, mom! I feel more excited going back than coming here, actually.

ELIZA: Really? Did you find what you were looking for there?

ELISIA: Yes, and I will make peace with it.

ELIZA: I’m so proud of you, honey…

ELISIA: I love you, mom. More than what I was looking for, I found something that was
right with me all along.

(End of Scene)
Scene 14

CASSANDRA: Mom—?

CHRISTINA: Cassandra? Ikaw ba yan?

CASSANDRA: Opo. Pasensiya na po—

CHRISTINA: (Biglang yinakap si CASSANDRA) ‘Wag na ‘wag ka na ulit aalis ng gano’n, ha?

CASSANDRA: Ma, pasensya na po. (Naluluha na)

CHRISTINA: (Tatango) Anak, nitong mga nakaraang araw, galit na galit talaga kami ng Daddy
mo. Pero grabe yung alala namin pareho. Baka, baka—

CASSANDRA: (Yayakap kay Christina) Mom, ‘di na po mauulit. Bonding nalang tayo?

CHRISTINA: (Ngingiti)

(End of Scene) (End of Act III)

You might also like