Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 7

KAWILIHAN AT KASANAYAN SA PAKIKINIG NG MGA MAG-AARAL SA

GRADE 8 NG MANUEL S. ENVERGA MEMORIAL

SCHOOL OF ARTS AND TRADES

TAONG PANG-AKADEMIKO

2015-2016

Isang Pananaliksik na Iniharap sa mga Guro ng

Pambayang Kolehiyo ng Mauban

Mauban, Quezon

Bilang Bahagi ng mga Kinakailangan sa Asignaturang

Introduksyon sa Pananaliksik -

Wika at Panitikan

nina

Alquisola, Rica U.

Camilon, Maricar P.

Pasamba, Krisha Ann S.


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Ayon kina Arrogante at Garcia (2008), batis ng kaalaman ang pakikinig.

Ang taong masinsing makinig ay hindi lamang nakakaangkin ng malawak na kaalaman,

gayundin tumitindi ang kakayahan niyang umunawa. Siyempre pa, magagamit ang mga

ito sa pakikipag- interaksyon niya sa anumang komunidad na kabilangan nang may

empatya at respeto. Ang taong marunong makinig ay kanya-anyayang lapitan ng kapwa

dahil mapagkakatiwalaan siya’t katuring-turing na isang kaibigan.

Ayon pa kina Arrogante at Garcia (2006), nakikinig ang tao para

tumanggap ng mensahe, makapag-ukol ng atensyon, maayos na mainterpret o matuklasan

ang kauhulugan ng mensahe, matandaan ang naririnig at makapagbigay ng kasagutan.

Efektibo ang pakikinig kung malinaw na nakukuha ng tagapakinig ang mensahe at

mabigyan ito ng tiyak na kahulugan kaya naman nasasagot na mahinusay ang

tagapagsalita o kausap.

Binanggit nina De Vera et al. (2010), likas sa tao ang pakikinig. Bawat

mahiwagang tunog na kanyang naririnig ay pilit niyang inaalisa at inuugnay sa kung ano,

sino, at alin ang may likha nito. Ang bawat tunog na likha ng kalikasan, teknolohiya o ng

anumang nilalang ay inuunawa ng tagapakinig o interpreter pagkatapos unawaiin ay

nabubuo ang reaksyon o tugon ng interpreter. Samakatuwid ang pakikinig ay ang proseso

ng pagdinig sa mga tunog ng salita na winiwika ng tagapagsalita o encoder na


naipaparating sa pamamagitan ng tsanel (Komunikasyon) sa interpreter na inuunawa

upang mabatid ang sagot.

Binanggit nina Lorenzo et al. (2005), ang gawaing pakikinig ay

kumbinasyon ng tatlong bagay: ang tinatanggap na tunog, ang nauunawaan at ang

natatandaan. May mga bagay na nakaaapekto sa kakayahan ng nakikinig na tumatanggap

ng tunog, tulad ng talas ng pandinig ng nakikinig, ang pagtatakipan ng mga

magkakatulad na tunog at ang pagkapagod ng tainga. Kung pagod na ang tainga, natural

lang na mawalan na ng interes sa pakikinig sa ano mang tunog na tinatanggap nito. Kaya

upang magkaroon ng kakayahan sa pakikinig, kailangang wasto at nasa maayos na

kalagayan ang mga bagay na nabanggit.

Ayon kina Castillo et al. (2008), madaling pukawin ang atensyon ng

tagapakinig hindi dahil tunay na mapanukso ang makabagong teknolohiya. Madaling

pukawin ang atensyon ng tagapakinig batay na rin sa paliwanag ng syensya, doble ang

bilis ng pag-unawa ng isang karaniwang tagapakinig kung ikukumpara sa bilis ng daloy

ng tunog na magmumula sa isang tagapagsalita. Ibig sabihin, sapagkat nabigyang-

interpretasyon na ng isip ng tao ang sinabi ng tagapagsalita, may pagitang oras na

nalalabi sa paghihintay upang ang sasabihin ng tagapagsalita ay makarating sa

tagapakinig. Sa pagitang oras na ito, nagaganap ang pagkapukaw sa atensyon ng isang

tagapakinig.

Ayong kina Castillo et al. (2008), ang isang karaniwang mag-aaral na

matamang nakinig sa kanyang guro ay nakatitiyak na may maisusulat na tamang sagot sa

mga pagsusulit, pasalita man o pasulat; samantala, ang isang mag-aaral na may angking
talino ngunit ang atensyon at isipan ay wala sa pinakikinggan, ay nakatitiyak namang

walang magiging tumpak na kasagutan. Ang kamalian sa pagtugon sa mga simple o

komplikado mang mga panutong pasalita ay kadalasang bunga ng di mabuting gawi sa

pakikinig. Ibig sabihin, karaniwan man o mataas ang antas ng taglay mong talino, kung

may suliranin sa pakikinig ay di ganap na masusukat ang pagkaunawa sa isang usapin.

Sang- ayon kina Castillo et al.(2008), hindi maitatanggi na malaki ang

pagkakaugnay sa isa't isa ng pakikinig at pag-unawa. Madalas kaysa hindi ang isang

nakikinig kung hindi ganap na nakaunawa sa kanyang pinakinggan ay lumikha ng

pagkalito sapagkat walang maibigay na sapat na detalye. Samakatuwid malinaw na ang

pakikinig at pag-unawa ay hindi maaaring paghiwalayin.

Sang-ayon kina Castillo et al.(2008), wala mang kakayahan ang taynga na

pigilin ang mga tunog na pumapasok sa taynga ng tao, may kakayahan naman ang utak

ng tao na tanggapin lamang ang mga tunog na kanyang kilala o gustong kilalanin batay sa

mga nakaimbak na kaalamang nasa kanyang isip at/o batay sa kahingian ng sitwasyong

kanyang kinakaharap. Sa dami ng tunog na nakakalat sa paligid, hindi lahat ng ito ay

nagpapakilos sa tao. Tinutugon lamang ng tao ang tunog na kanyang tinatanggap kung

nakabatay ito sa kanyang ekspiryensya o karanasan at sa intensyong tugunan ang mga

katanungan. Sa ganitong kalagayan nagkakaiba ang pakikinig(hearing) sa

pakikinig(hearing). Ang unang pakikinig ay pagtanggap lamang ng tunog, samantalang

ang ikalawang pakikinig ay isang kasanayang hinahasa at pinauunlad sapagkat

nangangailangan ng pag-unawa at interpretasyon.


Ayon kina De Vera et al. (2010), ang pakikinig ay napakahalaga sa isang

indibidwal. Mabilis ang pagkatuto ng isang mag-aaral o ng isang indibidwal kapag

marunong makinig at ginagamit ang kakayahang pangdinig. Ito ang dahilan kung bakit

kailangang linangin sa indibidwal ang kakayahang makinig. Ang salitang palasak at

madalas mamutawi sa bibig ng isang guro ay “Listen” o “Makinig” habang siya ay

nagpapaliwanag ng aralin. Samakatuwid, ang pinakamabisang paraan upang maunawaan

ang talakay ay ang pakikinig. Pakikinig din ang nagpapanatili sa ugnayan ng mga

nagmamahalan. Sa pamilya kung walang pakikinig, ay malamang na di magkakaunawaan

ang miyembro nito. Tanging sa pakikinig lamang mauunawaan ang hinaing, at nadarama

tungo sa unawaan at pagkakaisa.

Binanggit nina De Vera et al. (2010) ang proseso ng pakikinig ay

naiimpluwensiyahan ng mga pisikal na salik na maaaring may kinalaman sa sarili ng

tagapakinig o may kaugnayan sa mga panlabas na bagay.

Bagamat napakahalaga ng kasanayang pakikinig sa ating pang-araw-araw

na buhay; may mga salik na maaaring maging balakid sa ikatatagumpay ng proseso ng

pakikinig o ng komunikasyon na namamagitan sa ispiker at tagapakinig.

Binanggit nina Lorenzo et al. (2005), ang matamang pakikinig sa guro ay

nakatutulong sa mga mag-aaral upang sila ay makakuha ng iba’t ibang mga kaalaman at

makakuha ng mataas na marka. May angkin mang talino ang isang mag-aaral kung ang

isip niya’y wala sa gurong nagsasalita, hindi niya makukuha ang kaalamang nais ipaabot

sa kanya ng guro. Sa tanggapan, ang mga impormasyon ay kadalasang ibinibigay nang

pasalita, halimbawa sa mga pag-uutos, sa panayam at talakayan, nangangailangan dito ng


buong atensyon, pagtanda at paggunita sa mga naririnig at napakinggan. Ang kawalan sa

alin man sa tatlong ito ay maaaring humantong sa di-pagkakaunawaan ng kawani at

namumuno na ang wakas ay di-ganap na pagtalima sa tungkulin at samakatwid ay

maaaring magbunga ng di-maayos na sistema o daloy ng mga gawain sa loob ng isang

tanggapan.

Sang-ayon kina Lorenzo et al. (2005), kalimitang ang mabuting

tagapakinig ay yaong may malusog na isipan at katawan. Gusto man ng isang tao ang

makinig para sa isang layunin kung hindi abot ng kanyang kaisipan at hindi kaya ng

kanyang katawan, hindi maaasahang siya ay makinig nang matagal. Sa madaling sabi,

mapapanatili ng isang tao ang kanyang interes para sa isang makabuluhang pakikinig

kung siya ay may malusog na isipan at pangangatawan.

Ayon kina Mangahis et al. (2008), isa rin sa hadlang sa pakikinig ang

epekto ng kapaligiran. Kung mas mahina ang tinig ng nagsasalita kaysa mga ingay na

nagmumula sa labas, maaaring magmungkahi na lumipat sa ibang maayos na silid o

magpalit ng mikropono ang tagapagsalita. Nakahahadlang din ang init ng panahon o

klima sa pakikinig. Hindi makapagpopokus sa pakikinig kung lubhang mainit o kaya’y

malamig sa loob ng silid. Kinakailangang isaayos sa wastong temperatura o klima ang

silid para maging panatag ang mga nakikinig.

Binanggit ni Mangahis et al. (2008), nakaiimpluwensya rin sa pakikinig

ang paniniwala o konsepto ng tao sa kanyang sarili. Halimbawa, ang tagapakinig ay may

katalinuhang taglay na maaari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi

ng tagapagsalita. Hindi man niya tuwirang sinasabi ang di-pagsang-ayon, ito'y


nangyayari naman sa kanyang isipan na nagiging hadlang sa pag-unawa sa nilalaman ng

mensahe. Sa ganitong sitwasyon, nagkakaroon ng sagabal sa pagtanggap ng mga ideya

dahil sa paniniwalang mas may alam ang tagapakinig sa tagapagsalita.

Sang-ayon kay Dinglasan (2007), ang komunikasyong pasalita ay hindi

magiging ganap kung walang nakikinig. Kung gaano kahalaga ang tagapagsalita ay

gayundin kahalaga ang tagapakinig. Ang pakikinig ay kombinasyon ng tatlong bagay:

ang tinatanggap na tunog, ang unawaan, at ang natatandaan. Upang maging mabuting

tagapakinig, dapat taglayin ang kakayahan sa pag-unawa ng mga bagay-bagay na nakikita

at naririnig. Ang pakikinig ay nauugnay sa mga natatanging tunog, pag-unawa, pagkuha

ng mga kaisipan na ang mga kaisipang ito ay magagamit sa tiyak na komunikasyon.

Ayon kina Mangahis et al. (2008), malaki ang impluwensya ng oras sa

pakikinig. Halimbawa, ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong

tagapakinig kaysa mga estudyanteng panghapon. Inaantok na sila sa bandang tanghali

lalo na kung tapos nang mananghalian at busog na. Nawawalan na rin sila ng interes lalo

na kung pagod na. May mga tao namang nakahandang makinig sa mga balita sa madaling

araw o kaya’y sa pakikinig sa musika sa gabi para pampatulog.

You might also like