Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANITIKANG FILIPINO

1. Ano ang panitikan?


a. Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran
o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao.
b. Ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang
nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana.
c. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng
mambabasa ang isang sulating pampanitikan.
d. Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,
pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng
pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam,
sindak at pangamba.
e. Ito daluyan ng ating iniisip at nararamdaman
f. Ito ay sumasalamin sa karanasan ng tao at ng lipunang kanyang kinabibilangan.
g. Ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin, panaginip, at karanasan ng
sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan at masining na mga pahayag.
h. Ang panitikan ay hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo kundi ito’y nag%iingat din ng
mga karanasan, tradisyon at mga mithiin ng bawat bansa. Ito ay isang ilaw sa walang
kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao.

2. Dahilan at Kahalagahan ng Pag aaral ng Panitikang Filipino


a. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng
kaisipan at taglay na katalinihan ng lahing ating pinagmulan.
b. Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing
patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang mga
bansa.
c. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang
maiwasto ang mga ito.
d. Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay
mapagbuti at mapaunlad.
e. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat
nating pag-aralan an gating panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa
sariling atin.

3. Panitikan at Kasaysayan
Ang panitikan at kasanayan ay matalik na magkaugnay. Ang kasaysayan ay naisatitik
kaya’t ito’y makatotohanang panitikan. Samakatuwid, bahagi ng panitkan ang kasaysayan.
Subalit, mayroon silang pagkakaiba. Ang panitikan ay maaaring kathang-isip lamang
samantalang ang kasaysayan ay pawang mga pangyayaring tunay na naganap. Ang panitikan ay
may apat na paraan ng pagpapahayag: pagsasalaysay, paglalahad, paglalarawan, at
pangangatwiran. Marahil, minsan ay napagtanto natin kung bakit kailangan nating pag-aralan
ang panitikan.
4. Mga Uri ng Panitikan
a. Piksiyon (fiction) - Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa
pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Nag-iimbento sila ng mga kathang-isip na
mga tauhan, pangyayari,sabunutan, sakuna, at pook na pinangyarihan ng kuwento para
sa kanilang mga prosang katulad ng mga maikling kuwento.
i. Halimbawa ng piksiyon ay anekdota, alegorya, nobela, maikling kuwento,
pabula, kwentong bayan, kwento ng kabaalaghan at mahika, atbp na halaw
sa malikhaing guni-guni ng may akda.
b. Di-piksiyon (non-fiction) – Dito, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba
pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng
manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa
lamang ang nakaka-engganiyong kuwento.
i. Kabilang sa mga hindi-bunganga-isip na mga sulatin at babasahin ang mga
talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay, at mga akdang pang-
kasaysayan.
c. Tuluyan/Tuwiran (Prose)
i. Anyong pasalaysay, gamit ang mga pangungusap o talata, pangkaraniwang wika
ang ginagamit.
ii. Halimbawa: Anekdota, Nobela, Pabula, Parabula, Maikling Kuwento, Dula,
Sanaysay, Talambuhay, Awtobiyograpiya, Talumpati, Balita, Kuwentong
bayan, Alamat, Mito, Alegorya
d. Patula (Poetry)
i. Anyong patula, karaniwang may sukat at tugma ang mga taludtod, gumagamit
ng wikang mabulaklak at matalinhaga.
ii. Halimbawa: Awit at Korido, Epiko, Balada, Sawikain, Salawikain, Bugtong,
Soneto, Tula

5. Mga Akdang Pampanitikan Na Nagdala Ng Malaking Impluwensiya Sa Buong Daigdig


a. Bibliya o Banal na Kasulatan- naging batayan ng pananampalataya ng mga Kristiyano
b. Koran o Qu'ran na nagmula sa Arabya- banal na aklat ng mga Muslim
c. Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos- nagbukas ng kaisipan
ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at pinagsimulan ng pandaigdig na
paglaganap ng demokrasya
d. Iliad at Odyssey ni Homer ng Gresya- kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya
e. Divina Comedia ni Dante ng Italya- nagpapahayag ng pananampalataya, moralidad at
pag-uugali ng mga Italyano sa kapanahunang yaon
f. Canterbury Tales ni Chaucer- naglalarawan ng mga kaugalian at pananampalataya ng
mga Ingles
g. Aklat ng mga Araw ni Confucius- naging batayan ng pananampalataya at kalinangang
Intsik
h. Isang Libo't Isang Gabi- naglalarawan ng pamumuhay ng mga tao sa Arabya at Persya
i. El Cid Compeador- tumatalakay sa kasaysayan ng Espanya at naglalarawan ng
katangiang panlahi ng mga Kastila
j. Awit ni Rolando- nagsasalaysay ng panahong ginto ng Kristiyanismo sa Pransya,
napapaloob dito ang Ronces Valles Doce Pares ng Pransya
k. Aklat ng mga Patay- tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng mga mamamayan ng
Ehipto
l. Mahabharata- ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong mundo na tumatalakay
sa pananampalataya sa India.

You might also like