Amang lumikha, taos puso kaming nagpapasalamat sa buhay na
iyong ibinigay sa amin. Salamat sa lahat ng taong iyong ipinadala mag mula sa aming pamilya, kaibigan, ka-trabaho at mga tapat na naglilingkod sa bansa at sa Iyo. Salamat sa lahat ng mga magagandang bagay na nagbibigay sigla at lakas sa amin. Salamat sa mga problema at pagsubok na nagiging daan upang kami ay matuto at maging matatag. Nawa’y aming maibahagi sa iba ang tanda ng aming pasasalamat sa iyo. Patnubayan ninyo kaming mga guro upang magampanan naming ang aming responsibilidad at tungkuling nakaatang sa aming balikat. Bigyan niyo kami ng kalakasan, katalinuhan at kapasyahan upang maitaguyod ang pagsubok ng buhay. Sa ngalan ng inyong bugtong na anak na siyang tumubos ng aming kasalanan. Amen.