Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa paglubog ng araw ang buwan ay unti- unting sumusulyap, sa gabing madilim malamig na simoy ng

hangin ang dumadampi aming kutis. Sa loob ng Dome lahat ng estudyante ay nagkalat, magulo at
maingay. Sa aming paglilibot may mga taong abala sa paghahain ng pagkain. Ang nakakagutom na
amoy ng pagkain masasabing Jollibee ang hapunan, syempre hindi mawawala ang malalamig na coke
na nakakauhaw kung titingnan. Ngunit bago magsimula ang pagsasalo -salo kami ay hinati muna sa
iba’t ibang grupo. Sa pagpunta namin sa aming mga grupo may ilang pamilyar na mukhang makikita,
may mga taong nahihiya at tahimik pero may mga nakikisalamuha rin. Bawat isa iba-iba ang
ginagawa pampalipas sa mabagal na oras ang iba cellphone ang inaatupag, may mga tulala at
humihikab pa, mapapansin rin ang mga estudyanteng kinakausap pa ang kanilang kaibigan kahit
nasa sa kabilang grupo. Kung baga walang gustong makisalamuha kaya nabalot ng katahimikan ang
aming grupo. Habang hinihintay na makuha ang aming pagkain, sa wakas nagsimula na rin silang
magpapakila isa- isa sa una ay nagkakahiyaan pa pero sa pagtagal nagiging komportable na sa isa’t
isa. Sa aming paghihintay sa wakas ang mga pagkain ay dumating na, kami’y nagdasal muna at
tahimik na nagsalo-salo. Pagkatapos ng ilang minuto paunti-unti na ring maririnig ang ingay at
kasiyahan sa mga grupo, may nagpapalakpakan, nagtatawanan at may iba pa ngang tumitili dahil
kinikilig. Mga ilang minuto lahat ng grupo ay binigyan ng tigiisang malaking kulay kayumangging
sobre. Sa aming pagbukas nito may mga maliliit na piraso ng papel ang nakalagay na aming bubuuin
para makuha ang mensaheng handog sa amin. Muli nabalot ang Dome ng katahimikan,lahat ng
grupo ay gustong tumulong sa pagbuo ng puzzle. Pagkatapos ng sumunod pang mga
aktibidad,kuwentuhan, at sayahan hindi namin na malayan ang oras dahil na rin ata sa nasanay na
kami sa aming grupo. Sa pagtatapos ng group sharing mga bagong kaibigan ang aming nakilala
ngunit sa aming pag-alis hindi lang saya ang aming dala kundi aral sa pakikipagkapwa.

suot suot ko ang isang makulay na papel na may aking pangalan

You might also like