Kabanata Iv

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA IV

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Konklusyon:

Batay sa nakalap na impormasyon at datos , ang mga mananaliksik ay ilalahad ang mga susunod
na konklusyon batay sa mga suliranin ng pananaliksik:

A. Sa aming ginawang sarbey, Ang social media site na Facebook ang pinaka
nakakaimpluwesnya sa personal na pagkakakinlanlan ng mga estudyante ng sikolohiya sa
National University.
B. Hindi naapektuhan ang pag uugali, kalusugan at pinansiyal ng mga estudyante ng
sikolohiya ng National University sapag gamit ng mga Social Media sites. Karamihan ng
estudyante ng sikolohiya sa National University ay naniniwalang may positibong epekto
ang mga Social Media sites sa kanilang mentalidad. Nakakatulong ang mga Social Media
site sa pag-aaral ng mga estudyante ng sikolohiya sa National University, dahil ito ay
napapadali ang kanilang pakikipag komunikasyon sa kanilang kamag-aral at napapabilis
nito ang kanilang Gawain.
C. Ayon sa nalikom na datos ng mga mananaliksik, mas nakararami ang bilang ng mga
respondente na nagsasabing hindi nagbabago ang kanilang pagkakakilanlan sa "digital
world" at sa "real world". Ngunit merong iilan sa mga respondente na nagsabi na meron
silang online "digital world" self. Ang pagkakaiba ng online digital world self sa offline
real life self ng mga mag-aaral ng sikolohiya sa National University-Manila ay ang
kanilang mga pananaw sa buhay at kung ano ang kanilang paraan sa pag adjust " digital
world at "real world". Ang pinaka dahilan ng pagkakaroon nila ng online "digital world"
self ay dahil sa takot na sila ay mahusgahan sa social media. May mga nagsasaad naman
na nakadepende ito sa kanilang emosyon o mood nila at pili lamang ang kanilang
ipinapakita ang itinatago tungkol sa kanilang sarili.

You might also like