Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Danguecan, Jamaica M.

12- STEM AM 2
“Si” ni Bob Ong

Mga Tanong at Sagot:

1. Paano binuo ni bob ong ang kanyang pamagat?


 Ang pagkakabuo ni Bob Ong ng kanyang pamagat ay masining at totoong
nakakapukaw ng interest ng mambabasa sapagkat sa unang pagkakakita pa
lamang sa pamagat ng kanyang libro may tanong na agad na pumapasok sa isipan
ng mambabasa na siyang mag uudyok na basahin ang nilalaman ng libro.

2. Sumusunod ba si bob ong sa bararilang Pilipino?


 Sa kanyang libro na SI sumunod si Bob Ong sa baralilang Pilipino. Hindi siya
gumamit ng Colloquial o mga modernong salita sa pagsulat ng akda. Malalalim
na salitang tagalog ang kaniyang ginamit sa librong ito.

3. Paano niya ginamit ang iba’t ibang salita?


 Gumamit siya ng masining at malalim na salita na naglalayong na pag-isipin ang
mambabasa kung ano nga ba ang nais iparating ni Bob Ong sa kanyang mga
ipinahahayag. Natatangi talaga ang istilo niya sa paggamit ng mga salita.

4. Paano binibigyang daloy ni bob ong ang mga pangyayari sa kuwento?


 Ito ay nagsimula ng pabaliktad, inilahad dito ang karanasan ng tagasalaysay
noong matanda siya hanggang sa kaniyang pagkabata. Nakakalito ngunit iisa ang
pinupunto nito.
“Maaari bang malaman ang iyong pangalan?”
“Victoria.”
“Kailan kita masisilayan, Victoria?”
“Sa iyong pagsilang.”

72

“H APPY birthday!" ang sorpresang bati ng lahat sa akin nang tanggalin ni Victoria ang
mga

kamay niyang itinakip sa aking mata. Ang bunso kong si Veronica, at ang mga apo kong sina
Rowena at Cristina; ang anak kong si Lorenzo, ang manugang na si Amelia, at ang mga supling
nilang sina Carolina, Julia, Julio, Manolo, Manuel, at Mateo; mga kamag-anak, malalapit na
kaibigan, at mga taong nabiyayaan akong makilala rito sa mundo. Ang aking buong pamilya at
mga mahal sa buhay, nasa mabuting kalagayan, magkakasama at nagdiriwang para sa akin at
dahil sa akin. Sa loob ng tahanang tila liliparin na sa dami ng mga lobong kakulay ng karagatan.
Nginig ng mga daliring nasa mga kamay na nagmamadaling makayakap nang mahigpit; galaw
ng mga labing nagpipilit bumigkas ng pasasalamat; kurap ng mga matang nag-uumapaw sa
kasiyahan; tibok ng pusong nakikiusap sa oras. Ito lamang ang mabilisan kong naisukli sa kanila.

Sa gitna ng kasiyahan noong araw na 'yon ay niyakap ako ni Victoria at bumulong s'ya sa aking
tainga. “Ano ang gusto mong maalaala ngayong taon?"

Ipinikit ko ang aking mga mata at sumagot ako sa aking isip. Lahat.

71

V
ICTORIA: "Naaalala ko ang pagkikita na sa simbahan bilang mga musmos. Maingay ang
ibang bata na naglalaro sa gitna ng misa pero hindi kasing ingay ng sanggol na umiiyak
habang hinehele ng aleng nakatayo malapit sa may pintuan, katabi ng nililok na anghel.
Masaya kong itinataas-baba ang aking kaliwang kamay habang tinitingnan ang galaw ng puting
lobo na nakatali rito; magkahalo ang takot at pananabik na baka matanggal ang buhol at lumipad
ang lobo, papunta sa Diyos sa langit. Noon kita nakitang nakatingin sa akin. Tumalikod ako
kaagad. Dahil ayaw kong makita mong napangiti mo ako, kahit hindi ko nalalaman kung bakit."

70
VICTORIA: "Naaalala ko ang pagkikita natin sa palengke, sa kapitolyo. Malungkot ako

dahil nawala ang paborito kong puting ipit sa buhok. Hindi sinasadyang napasaya mo ako noon.
Sumimangot ka dahil sa pagngiti ko pero lalo lang akong natawa. Nasabi ko na ba sa 'yo kung
bakit?”

"Hindi ko maalala. Bakit?” “Dahil baliktad ang tsinelas mo.”

“Naaalala kong naikuwento mo na 'yan sa akin noon. Hindi ba inayos ko rin ang pagsuot ng
tsinelas ko matapos akong mapahiya?”

“Pero dalawang beses mo 'yong ginawa, kaya baliktad mo ulit na naisuot ang mga tsinelas at lalo
akong natawa.”

69

V
ICTORIA: "Naaalala ko ang pagkikita natin sa eskuwelahan. Kilala na kita noon sa
mukha.  Alam kong ikaw 'yong batang nakita ko sa simbahan at sa palengke. Iisa lang kasi
ang gupit mo noon, at iisa lang ang itsura mo. Meron ka lang laging kaunting buhok sa
gitna ng ulo, at masyado kang mataas magsuot ng salawal, lagi itong kinakain ng puwit mo.
Nakakatawa ka, pero higit na nakakatuwa. Naramdaman ko noon na maliit lang ang mundo
natin. At sa dahilang hindi ko alam, masaya ako sa katotohanang 'yon.”

Dahil wala akong kailangan o hinihiling na materyal na bagay, naging kaugalian na ni Victoria
na saluhan ako ng mga alaala tuwing kaarawan ko. Sa paglipas ng panahon, sa pagdating ng
bagong milenyo, higit itong nagkakaroon ng halaga na hindi matutumbasan ng anumang bagay
na mahahawakan o mabibili.
Buod:
Ang kwento sa libro ay tatakbo sa walang pangalan na matandang lalaki na nagcelebrate ng
kanyang kaarawan. Dito ay babangitin niya ang ilan sa mga pangalan na magiging parte ng
kwento. Ang ngalan ng mga anak, apo, kakilala at ang kanyang asawang si Victoria.
Ito ay nagsimula ng pabaliktad, mula sa kanyang pagtanda hanggang sa pagkabata, dahil ito ay
mga parte ng alala ng lalaki at ni Victoria at ng mga ibang karakter na nasa pabaligtad na ayos.
Mula sa edarang 72, ang bawat taon pababa ay magsasaad ng mga pinagdaanan ng mga tao sa
istorya.
Sa pag-usad ng kwento ay siya ring pag-bata ng mga karakter at ang paglabas ng mga iba’t-ibang
problema na kanyang kinaharap. Ang mga naging problema nila ni Victoria sa kanilang mga
anak na sina Juliano, Lorenzo at Veronica. Ang mga pinagdaanan nina Victoria at ng bida noong
magkasintahan pa lamang sila. Hanggang sa kabataan ng bida, sa kung paanong bata pa lamang
ay naantig at tinamaan na ang kanyang puso kay Victoria.  Mula sa pagiging magkabigan,
magkasintahan, at mag-asawa hanggang sa sila ay magkaroon na ng sarili nilang pamilya.
Dumaan sila sa long distance relationship, mga away, at pagdating ng ibang tauhan na umibig rin
sa kanila. Ngunit nalampasan nila ang pagsubok sa kanila at naging mag-asawa. Dumating
naman ang bagong pagsubok sa kanilang buhay, yun ay ang pagpapalaki sa kanilang mga anak.
Madami man ang pinagdaanan ng kanilang anak, at maraming pagkakamali ang naggawa ng mga
ito ay handa pa rin nila itong tanggapin.
Ang dinanas ng kanilang pamilya at ng mga Pilipino sa mga kamay ng mga Hapon nang sakupin
nila ang Pilipinas maging ang sagupaan ng Amerika at ng Hapon noong ikalawang digmaang
pang-daigdig. Hanggang sa pinakadulo na kung saan malalamang ang bida ay bunga ng
pagkakamali ng kanyang mga magulang.

You might also like