Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Suriin mo ang lawak ng impluwensiya ng panitikang mula sa Mediterranean sa kaugalian, pamumuhay,

kultura, at paniniwala ng mga Pilipino.

Ang Sinaunang Mediterranean ang nakatuklas ng sistema ng pagsulat na nagpabago at humubog sa


kasaysayan ng mundo. Unti-unting umunlad ang pagsulat mula sa simbolong larawan, simpleng
komunikasyon tungo sa likhang- sining at panitikan. Ang panitikan ng Sinaunang Mediterranean ay
naging batayan ng iba’t ibang uri ng panitikan sa buong mundo.

Ang mga pangkat ng mga taong nanirahan dito ay nag-iwan ng mga pamanang nagpapakita ng kanilang
pagkamalikhain at kahusayan sa iba't ibang mga bagay. Pangunahin sa mga ito ang mga kagamitang
naimbento ng mga Sumreian na lubusang nagpagaan sa mga gawain ng tao noon at ngayon.
Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsusulat sa buong daigdig ay nalinang din sa Sumer. Ito
ay tinatawag na Cuneiform. Sa pamamagitan ng isang stylus na gawa sa tambo, ang mga tao ay
nakapagsusulat sa mga basang luwad na lapida.
Sa aspetong arkitektural, ang isang ziggurat ay nagsisilbing tahanan ay templo ng diyos o patron ng isang
lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang ziggurat. Pinaniniwalaang ang Tower of Babel na mababasa sa
Bibliya ay isang ziggurat.
Maliban sa mga ito, ang iba pang mahahalagang ambag ng mga taga-Mesopotamia ay ang water clock,
kalendaryong nakabatay sa siklo ng buwan at paggawa ng mga unang mapa.
Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang Code of Hammurabi, ay isang
napakahalagang ambag. Ito ay naglalaman ng 282 batas.
Pinasimulan naman ng mga Hebrew ang pagsamba sa iisang diyos o monotheism. Samantala, sa
pamamayani ng Imperyong Persian sa Kanlurang Asya, lumaganap ang relihiyong itinatag ni Zarathustra
o Zoroaster ang Zoroastrianism.

You might also like