GOMBURZA

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FILIPINO VERSION

Taliwas sa sinasabi ng ibang bersiyon, sinasabi ni Dr. T. H. Pardo de Tavera, isang iskolar, siyentista at
historyador, na ang pinagmulan ng Cavite Mutiny na sumiklab noong gabi ng Enero 20, 1872 ay ang hindi
makatarungan at nakaambang pagpapatigil ng pribilehiyong tinatanggap ng mga manggagawang arsenal
sa Cavite maging ng mga artillery at engineer corps na noo'y hindi nagbabayad ng tributo (tribute tax) at
pinapayagang magpahinga sa piling mga araw sa utos ng noo'y Heneral Izquierdo. Nagkaroon na ng
unang pag-aaklas ngunit dahil sa pananakot at pagbabanta ng nakatataas ay muling nagsibalik at
umatras ang mga manggagawa. Sinasabi rin niya na walang nais ang mga Pilipinong kumalas sa Espanya
ngunit ninanais lamang na magkaroon ng materyales at edukasyon para sa pag-unlad ng bansa.
Nasundan ang pag-aaklas at napatay ang isang mataas na opisyal pati ang ilang mga sundalong
nagbabantay ng gabing iyon sa San Felipe Fort sa Cavite. Hindi naman nagtagal ang sagupaan dahil agad
nakarating ang balita kay Heneral Izquierdo na nasa Maynila at daling nagpadala ng mga katutubong
sundalo upang sugpuin ang mga nag-aklas. Natigil ang laban at hinuli ang mga sangkot. Ayon kay Tavera,
wala ng panlalaban na naganap at maayos na sumuko ang mga nahuli. Sa taong 1872 ay hindi
pinahintulutan ng sentral na gobyerno ang mga friar na makialam sa gobyernong sibil maging sa mga
unibersidad. Dahil sa takot na maging isang historya na lamang ang kanilang pamumuno buhat ng
humina ang kapit nila sa mga katutubong Pilipino, ang pag-aaklas na ito ay nakitang oportunidad at
iniulat na rebelyon upang mapatalsik ang pamunuang Espanya sa Pilipinas. Dahil sa nangyayaring
pagpapalit at pagbagsak ng ilang mataas na namumunong Espanyol at tugma ng mga pangyayari sa nais
iparating ng ulat, dagling pinaniwalaan ang balitang ito nang makarating sa Madrid at walang malinaw at
malalim na imbestigasyong isinagawa upang alamin ang katotohanan. Dahil dito ay agad na ipinag-utos
ang pagpapataw ng kaparusahan sa mga hinihinalang namuno sa pag-aaklas. Kabilang na nga dito ang
GomBurZa na ginawaran ng kamatayan, at ilang matataas na opisyales, na hindi binigyan ng oportunidd
na ipagtanggol ang kanilang sarili sa kabila ng posisyon, at hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong.

SPANISH VERSION

Isang Espanyol na historyador naman ang siyang umakda ng isa pang bersiyon. Siya si Jose Montero y
Vidal na itinuturing na isa sa pinakamaalam at matuwid pagdating sa pagsulat ng historya na nakasaad
sa libro niyang Historia General de Filipinas na nai-publish noong 1895 tungkol kasama ang pangyayari sa
Pilipinas mula 1521-1898. Ayon sa kaniyang akda, hindi maganda ang takbo ng pamumuno ng dating
heneral na si La Torre kung kaya't pinalitan siya ni D. Rafael de Izquierdo na itinalaga ng sentral na
pamahalaan upang mamahala. Kung sa bersiyon ni Tavera, sinasabing dahil sa abolisyon ng karapatan ng
manggagawa ang pinagsimulan ng pag-aaklas sa Cavite, nais namang iparating ni Vidal na ang mga
malisyosong propaganda ng mga pahayagan, dokumento, panitikan, mga libro o ilang mga sulatin ang
siyang nahparatimg sa mga Pilipino ng kaalaman at damdaming makabayan na siyang nagbigay motibo
sa kanila upang lumaban. Pinangunahan umano ito ng mga katutubong sundalo na humingi lamang ng
tulong sa mga manggagawa dahil sa malakas na pwersa at dami ng mga ito na agad sumang-ayon dahil
sa pareho lamang ang kanilang itinuturing na kalaban. Bago pa man umupo sa pwesto si Izquierdo,
mayroon nang mga balitang natatanggap ang mga opisyales higgil sa napipintong pag-aaklas ngunit hindi
ito binigyang pansin. Sinasabi ding sa bahay ni D. Joaquin Pardo de Tavera o di kaya naman ay ni Padre
Jacinto Zamora ginaganap ang mga pagpupulong tungkol sa planong pagpatay sa mga sundalong
Espanyol, kasambahay, at mga tauhan ng pamahalaan samantalang dadalhin sa Malacañang ang
Kapitan-Heneral upang tapusin. Ayon sa akda, nakaplano na mayroong nakatalagang simbolo para sa
pagsisimula ng pag-aaklas ngunit nagkataong may kasiyahan na ginaganap sa Cavite para sa pagpupugay
kay Birhen ng Loreto. Ang paputok na akala ay siyang hudyat ang naging dahilan ng pagpalya ng plano.
Namatay ang ilan sa mga sundalo maging ang isang mataas na opisyal ngunit agad ding nasugpo ang
pag-aaklas matapos magpadala ng karagdaang sundalo si Izquierdo mula sa Maynila. Hinatulan ng
kamatayan ang 41 na itinuturing na rebelde at karagdagang 11 noong Pebrero 6 na ibinaba sa
habambuhay na pagkakakulong. Noong ika-15 ng Pebrero ay hinatulan ng kamatayan ang GomBurZa
kasama si Padre Francisco Saldua sa paraang pagbibigti o garrote. Ilang matataas na opisyales din ang
nahatulan ng 'di bababa sa 10 taong pagkakakulong. Matapos ito ay ipinag-utos na buwagin ang
samahan ng mga katutubong sundalo at papalitan ng mga Peninsulares.

OFFICIAL VERSION

Ang Official Version ay isinulat ni Gobernador Heneral Rafael Izquierdo noong Enero 23, 1872 at
ipinadala sa Madrid upang agad na makapagdesisyon ang Sentral na Gobyerno ng Espanya. Itinuturo ng
may-akda bilang mastermind ay sina Padre Jose Burgos (dahil sa testimonya ni Francisco Saldua na
prinsipal na pinagmulan ng impormasyon) at sina Padre Jacinto Zamora at Gomez dahil sa pagiging
malapit nila at tahasang pagkundina sa hindi makatuwirang ipinapatupad ng gobyerno. Ayon naman sa
bersiyong ipinadala sa Madrid, ang pag-aaklas noong gabi ng Enero 20,1897 ay binubuo ng mga
manggagawa, mestizo, abogadillas at maging ang dyaryong nagmula sa Madrid na El Eco Filipino na
ipinamahagi sa mga taong kasangkot ay itinutring nakasangkapan. Naglalaman umano ito ng diwa at
mga kasulatang nais maghayag ng pakikipaglaban para sa kalayaan. Itinuro niyang dahilan ang pagiging
mapaniwalain ng mga Pilipino kung bakit sila nakianib sa laban. Ayon sa kaniya, ipinaniwala sa mga ito
na "God is with them" at magtatagumpay sila sa laban. Bibigyan din ng pwesto sa gobyerno, kayamanan
at trabaho ang sinumang sasama. Hindi lamang dahil sa pagbabalik ng tributo at sapilitang paggawa ang
dahilan ng mga ito kung hindi nais nilang magtalaga ng sariling pinuno o "hari" na alinman kay Burgos o
Zamora na siyang itinuro niyang namumuno sa kilusan. Sinabi niyang papatayin ang lahat ng Espanyol
maliban sa mga kababaihan at kukuhanin ang lahat ng kanilang mga pagmamay-ari. Nagsimula ang pag-
aaklas sa paggawa ng sunog sa Tondo, pagsakop sa Fort Santiago, pagbomba ng kanyon upang
magpadala ng mensahe sa mga nasa Cavite. Ngunit hindi nging matagumpay ang plano dahil sa pagiging
mapagmatyag nila. Nakasaad din dito na bago pa ang 1872, may natatanggap na siyang liham at mga
balita tungkol sa plano kaya't handa siya. Nang masakote ang lahat ng kasali, agad kinulong amg mga ito.
Naparusahan ng kamatayan ang tinatawag ma GomBurZa kasama ang prinsipt na testigo na si Francisco
Saldua kabilang pa ang 41 iba. May karagdaan pang 11 sa dapat ay bibitayin ngunit naibaba ito sa
habambuhay na pagkakakulong. Marami ang natanggal sa posisyon o di kaya ay nahatulan ng 10 taong
pagkakakulong. Sinabi niya sa liham na hindi na kailangan pang mag-alala dahil anumang susunod na
pag-aaklas ay siguradong handa siya.

You might also like