Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ARANGAY: BANGKA AT LIPUNAN

Efren B Isorena

Efren B Isorena

Laganap ang paggamit ng simbolismo ng bangka sa sistemang pulitikal ng maraming katutubong lipunang magdaragat sa
Timog-Silangang Asya at, gayundin, sa mga isla sa Pasipiko (Manguin). Sa ilang pagkakataon, mahalagang ginamit din ang
simbolismo ng bangka sa pagbibigay ng kahulugang espasyal (spatial meaning) sa lugar na inuukopa ng komunidad at/o
estado (Salazar), sa kaayusang panlipunan (Van Wouden), sa mga mahahalagang konstruksyong istruktural, hal. bahay
(Kana,…

Malay XXIII(1(2010)):81-96

BARANGAY:BANGKA AT LIPUNAN

Efren B. Isorena, PhD

Introduksyon

Laganap ang paggamit ng simbolismo ng bangka sa sistemang pulitikal ng maramingkatutubonglipunang magdaragat sa


Timog-Silangang Asya at,gayundin,sa mga isla saPasipiko (Manguin).Sa ilang pagkakataon, mahalagangginamit din
angsimbolismo ngbangka sa pagbibigay ng kahulugang espasyal (spatial meaning) sa lugar na inuukopa
ngkomunidadat/o estado (Salazar), sa kaayusang panlipunan(Van Wouden), sa mgamahahalagang konstruksyong
istruktural, hal.bahay(Kana,Perez7-8), at samahahalagang kapaniwalaan at ritwal ng bayan (Fox342-367).Sa isang pag-
aaralnabigyan ng balidasyon ang ganitongpaggamit ng simbolismo ng bangka saloob ngPilipinas (Isorena,

Ang Sakayan sa Pagbubuo ng Banua

) subalit sa harap ng hamon ngmodernismo ay tila unti-unti na itong natatabunan, bukod pa sa hindi na rin hayagan
angpagkilala sa ganitong tradisyon sa hanay ng mga kabataan.Tuloy nanganganibnamawalaitomaging sa alaala
ngbayan.Sa Pilipinasmaramiangmgaindikasyonsapaggamit ng bangka bilang simbolo ngkapangyarihan,kaayusan sa
lipunan,atsapulitika.At,angnakilalang simbolikong bangkang sinaunang lipunangPilipino ay ang

barangay.

Unang lumabas sa tala ni AntonioPigafetta noong 1521ang bangkang barangay nang sila ay mapadako sa isla ng
Limasawamatapos na sila aydumaan sa kipot ng Surigao mula sa isla ng Homonhon (Blaire at Robertson v.33, 115).Mas
maaga pa dito, may mga indikasyon din naangbangkangbarangay ang ginamit sa mga napaulat na pananalakay sa
baybayin ng Timog-SilangangTsina noongmga panahong 1174-1190 M.K. (Isorena,

The Visayan Raiders

82-84).Angbangkang nahukay sa Butuanna nasa kategorya ng bangkang barangay ay may petsa namula 320 hanggang
1250 Matapos si Kristo (MK)(Ronquillo). Nangangahulugan na ganapat mahaba ang kasaysayan ng bangkang ito. SiJuan
de Plasencia, O.S.F.(1589) angsakauna-unahang pagkakataon tumukoy sa bangkang barangaybilangkatawagan
sakalipunang bumubuo ng isang komunidad na pawang magkakamag-anakat pinamumunuan ng isang

dato
(Blaire and Robertsonv. 7, 173-176).Bunga nitoangbarangay ay kinilala bilangsinaunanguri ng pamahalaanng katutubong
lipunan(Zaide27-28;Agoncillo at Guerrero45-46),bilang sinaunang sistemang sosyo-politikal (Pattanñe,

TheBarangay 755-756)at bilang

lipunan na nasa ibat-ibang antas ng transisyon mula sa primitibong estadong komunal tungo sa Asiatikong anyo ng
piyudalismo

(R. Constantino31-32).

1 Halaw mula sa disertasyon ng may-akda na pinamagatang

Bangka at Kolonisasyon: Mula Banua tungong Pueblo, 1565-1620(Pagbabagong Lipunan sa Punto ng Hugpungan)

na isinumite sa Departamento ng Kasaysayan, Unibersidad ng Pilipinas taong 2010

bilangmga

  sandig sin datu

, na nagsisilbi ring pinakamatapat at maaasahang tagapagtanggolng

datu

sa mga panahon ng kagipitan.Katulad sa sinaunang lipunang baranganiko ang mga sakayng bangkang pangayawng mga

  moros

ay binubuo ng mandirigma (maharlika

ng lipunang baranganiko) na tangingkatungkulan ay ang pakikipaglaban,mga ordinaryong mamamayan

(timawa/namamahay  sabarangay  ),

at mga pinagkakatiwalaang alipin (oripun/aliping saguiguilir  ).Ayonpa rinkay Warren, sadyang isinasama ang mga alipin
upang magsilbi sa mga pangangailangan ngmga

  sakay 

gaya ng pagluluto, pag-iigib ng tubig, at pagtulong na rin sa mga gawainsabangka. Hindi armado ang mga alipin subalit
itinuturing sila na mahalagang bahagi ngbangka; katungkulan nila ang pag-

bailio

(bail) ng tubig, magsagwan, maglinis at magkumpuni ng bangka. Maliban sa mga ordinaryong

  sakay 

at mga gumagaod, malakingbilang ng mga mandirigma ang nasa loob ng bangka na umaabot hanggang 100 sa
mgamalalaking sakayan.Nakapuwesto sila sa

  burulan o baileo

na hindi malayo sa puwesto ngdato (Combes 173).Tanging pakikipaglaban ang kanilang katungkulan at hindi
silanakikialam sa anumang aspeto ng paglalayag.Inaasahan na sila ay buong tapang nahaharap sa kalaban para sa
ikatatagumpay ng layunin ng pangayaw.Matapos ang pangayaw nagsisiuwi sa kani-kanilang tirahan at pamayanan ang
mgasakay atpansamantalang napuputol ang mga ugnayang namagitan
sa panahon ngpangayaw(174). Samantala, bago maghiwahiwalay, ipinamumumodmod ng

  datu

ang mgabihag at nasamsam sa pangayaw.Ang paghahati-hati ng mga nakulimbat (booty)aynaipakita sa halimbawa


naibinigay ni Warren (185) matapos ang pangayaw na inilunsadng mga

  moros

. Ayon dito,

…ang panglima, pinuno ng isang pamayanan (village) na siya ring namamay-ari ngprahu ay tatanggap ng isang alipin
bilang tributo. Matapos ito, kanyang iaalok angibapang mga alipin sa estado batay sa kanyang unang pagmamay-ari sa
mga ito:ang pinuno ng ekspedisyon ay tatanggap ng anim na alipin… ang taga-timon at angtanod ay tatanggap ng tig-
dalawang alipin, habang ang iba pang sakay (crew) aytatanggap ng tig-iisangalipin. Ang pinakamahalagang gantimpala ay
inilalaan parasa mga mandirigma, halimbawa ay ang paglalaan sa kanila ng mga alipin namataas ang kalidad, iyong mga
bata at maganda ang kalusugan at/o babae. Kunghindi naman gaanong tagumpay ang pangayaw, nababawasan ang mga
paglalaanng gantimpala…[salin ng may-akda] (qtd. Warren185).

Samantala, ang mga kasamang alipin na ipinadala ng kani-kanilang mga amo at gumanap ngmga mapanganib na
katungkulan sa panagayaw ay walang natatanggap na anuman, sa halipang kanilang mga amo ang siyang
mapagkakalooban ng malaking gantimpala(185).

Pagsusuma

Malawak at laganap ang ipinapakitang korelasyon sa pagitan ng bangka at lipunan sasinaunang lipunang
baranganiko.Patunay ito na sadyang malalim at malawak ang kultura

at tradisyong maritimonating mga PilipinoMahaba at malalimrinang pinagdaanan ngebolusyon ng penomenang ito.Sa


malas ay hindi sadyang na-dokumento ng
mga lipunangnagtaglay nito ang kabuuang proseso. Magkagayunpaman, hindipalubusang nawala angmgasinaunangtradi
syonng pagdaragat at nananatili pa rin ang pira-pirasongmahahalagang bahaging kulturang itona patuloy
na nagpapahiwatig at nagpaparamdamhinggil sa pinagdaanang bangkang-bayan. Katibayan nito ang pananatili
ng katagang

banua/banwa

bilang pantukoy sa sentrong pamayanan sa Kabikolan at Kabisayaan,indikasyon na sadyangmagiit at malalim


angpundasyon ng kabuuang kulturangmaritimongPilipino.Sa mganalalabing reliko ng penomena sa buong
kapuluan,masasabing sapatpa rinitong nakapag-iwan ng mga bagay na makapagbibigay unawa at maaaring epektibong
mag-ugnay sa mga kasalukuyang naoobserbahang panlipunan at istorikong penomena. Angkatagang

  barangay 

bilang bangka at lipunan ay isang implisitong pagkilala sa ugnayang ito.Ang di-sinasadyang malaking atensyon na ibinigay
ng mga dokumentong Kastila sabangkang ito, mula sa marami at samut saring bangkang Pilipino, ay isa pa ring
nagbibigaydiin sa mahalagang papel na ginampanan ng bangkang

  barangay 

sa buhay at lipunan ngpamayanang Pilipino bago ang, at maging sa loob ng, panahon ng Kastila. Ang mahalagangpapel
na ito ay masasalamin sa mga pagpapakahulugan ng katagang
  barangay 

na pawangkumakatawan sa esensiya ng bayan. Maliban dito, ang pagiging bangkang pang-komunidad nito ay
nagsisilbing balidasyon na ang bangkang

  barangay 

ang simbolikongbatayan sa pagsasaayos at pag-iistruktura ng sinaunang lipunang Pilipino, na, sa ilangpagkakataon, ay


tila nagpapatuloy pa sa ilang mga lipunang kostal sa kasalukuyangpanahon.Ang pagpapalaot ng bangkang

  barangay 

ang nagsisilbing pagsubok sa mga tatag naistruktura at institusyon sa loob ng bangkang-bayan sa pamamagitan ng
pagganap ngbawat isa sa mga takdang katungkulan ng naayon sa puwesto sa bangka. Ang karanasan at kaalamang
bunga ng pagpapalaot ang nagsisilbing balidasyon ng mga istruktura at institusyong pambayan na nagiging daan sa
pagpapatibay o pagbabago ng mga nasabingistruktura at institusyon.Ang mga panahon ng paglulunsad at paglalayag
ng bangka angnagsisilbing lugar (venue) upang gampanan ng bawat miyembro ng komunidad
angsimbolikong katungkulan nila sa lipunan.Sa panahon ding ito nagaganap ang ibat-ibanguri ng negosasyon ng mga
panlipunang kontrata kung saan ang katuparan ay masasalaminsa proseso ng distribusyon o pamumudmod/paghahati
ngnasamsam mula sa pakikidigmao paghahati ng tubo (profit) mula sa pangangalakal, kasama na ang pagbabayad ng
mgapasahod o karampatang pabuya sa mga sakay.Ang kaganapan ng buong prosesong ito angnagtatakda sa bangkang
barangay bilang lipunang-bangka.

Angkaganapan ng bangkang-bayan sa sinaunang lipunang Pilipino at ang magiit napananatili ng mga reliko at alaala ng
panahong iyon ay nagsisilbing hamon na kailanganpanating tuklasinat pagyamaninangmaritimongaspeto ng ating
kasaysayan.May mgaindikasyon na sa pagpapanday ng bangkang pangkomunidad ang pandayan angpansamantalang
nagiging sentro ng bayan at tila ito ang nagsisilbing mikrokosmo ngebolusyon ng bayan kung saan ang mga ugnayang
sosyo-politiko-ekonomiko ay nabubuo at nasusubok. Subalit inirereserba na ng may-akda ang paksang ito sa mga
susunod na pag-aaral.

You might also like