Professional Documents
Culture Documents
Breastfeeding Positions Tagalog PDF
Breastfeeding Positions Tagalog PDF
Breastfeeding Positions Tagalog PDF
Ginarantyang kalidad kasama ang: 24/7 live help. Available ang mga nars at mga lactation consultant.
Tawagan ang Feeding Expert: 1-800-986-8800.
o Mga Tip at Pamamaraan sa Pagpapasuso: Mga Puwesto
suso.
Nakahiga
Mahusay para sa mga pagpapasuso sa gabi at kapag hindi kumportable ang nakaupo.
… Humiga nang patagilid, gamit ang unan upang masuportahan ang iyong ulo at leeg, at isa
pa sa iyong likod kung kinakailangan, o humiga nang patagilid na nakalagay ang isang
braso sa ilalim ng iyong ulo at ang isang kamay ay sumusuporta sa iyong suso.
… Humiga sa tabi ng iyong anak sa kama, upang ang kanyang bibig ay nasa tapat ng iyong
utong, at ilagay ang maliit na nakabalumbong kumot, tuwalya, o malambot na tela sa
likod ng iyong anak. Suportahan ang ibabang bahagi ng ulo ng iyong anak sa pagitan ng
iyong hinlalaki at hinliliit.
… Ilapit ang iyong anak sa suso kapag nakabukas na nang maluwag ang kanyang bibig, na
medyo malayo sa suso upang ang kanyang ilong, mga pisngi, at baba ay malapit sa iyong
suso.
… Kung kinakailangan mong ilipat ng suso ang iyong anak, kargahin nang malapit sa iyong
katawan ang iyong anak at tumihaya, at pagkatapos ay tumagilid sa kabila.
Kahit na anong puwesto sa pagpapasuso ang iyong piliin, ang mahalagang bagay na tandaan
ay dapat kapantay ng iyong utong ang bibig ng iyong anak. Ang kanyang ulo ay dapat na
kapantay ng kanyang tiyan—direktang nakaharap sa iyo – hindi nakatagilid. Tandaang kung
nakapihit ang ulo ng iyong anak, mahirap para sa kanya ang lumulon. (Subukan mo: ipihit ang iyong
ulo at lumulon. Pagkatapos ay humarap at muling lumulon. Nakita mo ang kaibahan?) Gayundin, kung nakapihit
ang ulo ng iyong anak, mas mahirap na masubo nang maayos ng iyong anak ang utong at
suso.
Kailangan
ng payo o tulong °
sa pagpapasuso ?
OK lang na humingi ng tulong:
Tawagan ang iyong doktor, pediatrician, o nurse » Makipag-ugnay sa kinokonsulta sa paggagatas » Sumangguni sa maraming mga pinagkukunang kaalaman
na nakalista sa www.abbottnutrition.com/breastfeeding