Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Apendiks 1.

Babasahin ng guro para sa paglalahad.

Liham Pangkaibigan

Pagganyak na Tanong: Ano-anong magagandang tanawin sa Lungsod ng Santa

Cruz, Davao del Sur ang inyong napuntahan na?

Liham na Nagbabalita

ni: Manny A. Bisquera

Purok Mangga, Astorga

Lungsod ng Santa Cruz, Davao Del Sur

Ika-29 ng Mayo, 2019

Mahal kong Carlos,

Ako ay sabik na sabik na ibalita sa iyo ang tungkol sa aking karanasan dito sa

Lungsod ng Santa Cruz. Sa isang linggo kong pananatili dito ay maraming bagay na

akong natutunan. Alam mo ba, na dito pala matatagpuan ang isa sa pinakamagandang

talon sa ating bansa ang Tudaya Falls? Talagang namangha ako noong una ko itong

nakita. Hindi lang iyan, ayon sa aking tiyahin na nakatira dito, mayroong labing-anim na

festivals o pagdiriwang na ginaganap sa buong taon kaya ramdam talaga dito ang

makulay na kultura.

Marami pang pasyalan dito, meron din silang Night Market, Municipal Plaza,

Botanical Garden at ang pinakagusto ko ay ang ocean cruising o iyong pamamangka sa

dagat kasi hindi maalon, malinis ang tubig at sobrang sariwa ang hangin. Totoong hindi

ka maiinip sa lugar na ito, sana makapunta ka rin dito. Ikumusta mo na lang ako kay

Tito Bong at Tita Shiela. Ingat kayo diyan lagi.

Ang iyong pinsan,

Orvy

You might also like