Professional Documents
Culture Documents
Banal Na Oras Day of Prayer PDF
Banal Na Oras Day of Prayer PDF
10 Agosto 2019
1
Kapag natitipon na ang sambayanan, at nakahanda na rin ang pari at ang iba pang
tagapaglingkod, tatayo ang lahat at pupunta ang pari sa gawi ng tabernakulo at kukunin
ang Banal na Sakramento. Sa pagbukas ng pinto ng tabernakulo, luluhod ang lahat at
sisimulan ang pag-awit ng O Salutaris Hostia (O Ostiya ng Kaligtasan). Matapos itanghal
ang Banal na Sakramento sa dambana, luluhod rin ang pari at iinsensuhan ito.
PAANYAYA SA PAGSAMBA
TAHIMIK NA PAGSAMBA
2
PAMBUNGAD
3
MGA PAGNINILAY
A. ANG SAMBAYANAN NG DIYOS
Namumuno: Mahalaga ang gampanin ng mga laiko sa Misyon ng Simbahan. Sila ang
pinakamalaking bilang na bumubuo sa Sambayanan ng Diyos na pinamumunuan ng
Obispo kaisa ng kaparian ng Diyosesis. Ating ipanalangin at pagnilayan ang gampanin
ng laiko sa Simbahan.
Ang Salita ng Diyos mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga Colosas
Mula kay Pablo, apostol ni Kristo Hesus ayon sa kalooban ng Diyos, at mula rin sa
kapatid nating si Timoteo: Para sa mga taga-Colosas na hinirang ng Diyos at mga tapat na
kapatid kay Kristo. Sumainyo nawa ang kagandahang-loob at kapayapaang mula sa Diyos
na ating Ama.
Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Hesukristo,
tuwing ipinananalangin naming kayo. Sapagkat nabalitaan namin ang tungkol sa inyong
pananampalataya kay Kristo Hesus at ang pag-ibig ninyo sa lahat ng hinirang ng
Diyos, dahil sa pag-asang kakamtan ninyo ang mga inihanda para sa inyo roon sa langit.
Nalaman ninyo ang tungkol sa inaasahan ninyong ito nang ang salita ng katotohanan, ang
Mabuting Balita ay ipangaral sa inyo. Ito’y lumalaganap sa buong sanlibutan at nagdadala
ng pagpapala, tulad ng nangyari sa inyo mula nang marinig at maunawaan ang
katotohanan tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos. Natutunan ninyo ito kay Epafras, tapat
na lingkod ni Kristo, mahal na kawangagawa naming at kinatawan sa inyo. Sa kanya namin
nalaman ang tungkol sa pag-ibig na ipinagkaloob sa inyo ng Espiritu.
Kaya’t mula nang marinig namin ito, patuloy naming idinadalangin sa Diyos na
nawa’y puspusin niya kayo ng kaalamang kaloob ng Espiritu upang lubusan ninyong
maunawaan ang kanyang kalooban. Sa gayon, makakapamuhay na kayo nang karapat-
dapat at kalugud-lugod sa Panginoon, sasagana sa mabuting gawa, at lalawak ang inyong
pagkakilala sa Diyos. Idinadalangin din naming patatagin niya kayo sa tulong ng kanyang
dakilang kapangyarihan, upang masaya ninyong mapagtiisan ang lahat ng bagay. At
magpasalamat kayo sa Ama, sapagkat minarapat niyang ibilang kayo sa mga hinirang na
magmamana ng kaharian ng kaliwanagan. Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng
4
kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. Sa pamamagitan ng
Anak, tayo’y pinalaya at pinatawad ng ating mga kasalanan.
PAGNINILAY
Babasahin ng isang Layko
Sa sandaling ito iniisip ko ang lahat ng laiko na niloob ng Diyos na makaniig sa aking
misyon bilang pari at Obispo. Sila ang mga tanging regalo sa akin, at pinasasalamatan ko
ang Diyos araw-araw para sa kanila. Napakarami nila kaya mahirap na banggitin ko pa ang
pangalan ng bawat isa, sila’y dala-dala ko sa aking puso, sapagkat ang bawat isa sa kanila
ay may naiambag sa paglago ng aking pagkapari. Sa isang paraan naipakita nila sa akin
ang daan at tinulungan nila ako na maunawaan na mas mabuti ang aking paglilingkod at
isabuhay ito ng mas ganap. Ang aking madalas na pakikitungo sa mga laykong lalaki at
babae ay tunay na kapaki-pakinabang. Sila’y binubuo ng mga karaniwang magagawa, mga
lalaki at babe ng sining at kultura, at mga kilalang paham. Ang pakikitungong ito ay
sumibol ang mabuting pakikipagkaibigan at marami dito ay nanatili mangpahanggang
ngayon. Salamat sa mga taong ito, ang aking gawaing pastoral ay yumabong at nalagpasan
ko ang mga hadlang sa bahagi ng lipunan na mahirap maabot.
(Hango mula kay Papa San Juan Pablo II, Gift and Mystery)
Sandaling katahimikan
5
Katulad din ng mga ubas na piniga at naging alak
Sino mang uminom nito; “May buhay na walang hanggan.”
Kamin nawa’y maging sangkap sa pagbuo nitong bayang liyag. (Koro)
PANALANGIN
Luluhod ang lahat
6
B. ANG KAPARIAN
Mula kay Pablo na niloob ng Diyos na maging apostol ni Kristo Hesus upang
mangaral tungkol sa buhay na ipinangakong kakamtin natin kay Kristo Hesus –
Sumaiyo nawa ang pagpapala, ang habag, at ang kapayapaan mula sa Diyos Ama at
kay Kristo Hesus na ating Panginoon.
Kaya’t huwag mong ikahiya ang pagpapatotoo tungkol sa Panginoon o ang aking
pagkabilanggo dahil sa kanya. Sa halip, makihati ka sa kahirapan dahil sa Mabuting Balita,
sa tulong ng Diyos
7
PAGNINILAY
Babasahin ng isang Layko
Ang buhay ng bawat Kristiyano lalo’t higit ang isang pari ay dapat nalulukuban ng
Santisima Trinidad. Sinasabi ng Katesismo Katoliko ay ganito: “Ang buong buhay
kristiyano ay pakikipag-ugnayan sa bawat persona ng Santisima Trinidad, na hindi sila
pinaghihiwalay. Ang lahat ng nagpupuri sa Ama ay ginagawa ito sa pamamagitan ng Anak
sa Espiritu Santo, at sinumang sumusunod kay Kristo ay dahil tinatawag sila ng Ama at
ibinubunsod ng Banal na Espiritu.”
Ito ang misteryo ng pagpapari, ang pari ay sumusunod kay Kristo dahil nuon pa man ay
tinatawag na siya ng Ama sa kanyang pangalan at ibinubukod ng Espiritu upang tumugon
ng buong kasiglahan.
Ang pari ay siyang dapat maging tanda ng Santisima Trinidad. Siya ay daan ng pagkakaisa
na niloloob ng Diyos. Tandaan natin, ang paraan ng daigdig, ng diyablo ay “divide et
impera”, ang maghati at sumakop, si satanas ay panginoon ng pagkakawatak-watak, ng
pagkakasira. Kaya sa buhay bilang pari huwag tayong padadala sa iilan at matutong
makinig sa lahat, maging kaisa ng Diyos, kaagapay ng pamayanan, kabuklod ng mga
kapatid na pari, kaisa ng Obispo at hindi maging daan ng pagkakahati-hati at pagkakanya-
kanya. Kaya, ang antipona sa umaga sa Kapistahan ng Santisima Trinidad ay isinasaad ang
ganito: “O Banal, Di mapaghihiwalay na Tatlong persona-Isang Diyos….mapasaiyo nawa
ang lahat ng pagpupuri ngayon at magpakailanman.”
Sa bawat persona ng Diyos ang pari ay kanyang larawan. Sa Ama na lumikha ang pari ay
kumukuha ng lakas. Siya na ama ng marami ay walang asawa. Nagiging anak niya ang
mga isinisilang sa binyag. Siya ay dapat maging ama na malikhain upang ang
pananampalataya ay yumabong at sumagana. Nakalulungkot kapag ang pari na nag-aantay
lang na may mangyari. Siya ay ama, pastol na kumakalinga sa kanyang kawan, pinalalakas
ang mahihina, hinahanap ang nawawala at minamahal maging ang di-kaibig-ibig.
Pangalawa, Ang Pari higit sa lahat ay dapat matulad sa ikalawang Persona-ang Panginoong
Hesus na nagkatawang-tao upang tubusin tayo sa kasalanan. Marami ang hindi matanggap
na si Hesus ay naging tao. At ganyan din ang pari siya ay tao hindi ngayon at naging pari
ay anghel na.
Bayan ng Diyos, ang pari ay tao. Maging si Hesus na Dakilang Pari ayon sa sulat sa mga
Hebreo ay “kinuha mula sa tao at ipinanganak ng isang babae.” Ang pari mula rin sa
laman kung saan nilikha ng Diyos ay tao. Patuloy siyang nakikiisa sa kapalaran ng tao
kahit naipatong ng Diyos ang kanyang kamay sa kanya sa pamamagitan ng kamay ng
Obispo. Ang kapakanan ng mahihina at aba, ay kapalaran ng nasisiraan ng loob at ng mga
makasalanan.
8
Subalit sabi nga ni Karl Rahner: “Ang mga tao parang naiisulto kapag humaharap sa kanila
para gumawa ng gawain ng Diyos ay isang tao lamang.” Gusto nilang ang tagapaghatid na
magsasalita ay kahanga-hanga, ang sugo ay maakit ang lahat, ng pusong nag-aalab. Subalit
sa isang kahindik hindik at kagulat gulat at masayang katotohanan, ang dumarating ay
taong mahina, nabubuhay sa pag-aagam-agam at sisidlang palayok lamang. Ito’y dapat
maging dahilan sa pagpapakumbaba ng pari. Hindi siya kundi ang Diyos ang gumagawa.
Ikatlo, sa paggabay ng Espiritu ang hatid ng Pari’y katotohanan, subalit sa gitna ng kaliitan
kapag ito’y naroroon sa kapangyarihan ng Espiritu Santo narito ang buong buong
katotohanan. Ito’y ang katotohanan ng Diyos, simple lang at maliit. Nasa kanya ang
simula ng pag-ibig at buhay na walang hanggan. Isang katotohanan mula sa sinibat na
tagiliran ni Kristo na nagsasalita ng wika ng tao subalit nag-uumapaw sa katotohanan ng
Diyos.
Itong lahat ay ipinaranas sa Pari ang Ama ng Sambayanan na kaisa ni Kristo at ginagabayan
ng Espiritu Santo upang tulungan niya ang tao na magpatuloy sa gitna ng pagsubok
patungo sa kahariaan ng Ama at maging tagapaghatid ng kaligtasan na nakalaan para sa
lahat ng tao. Amen (Hango mula sa Homilya ng Unang Misa ng Pasasalamat ng isang Pari)
9
nagmumula sa pagkakaisa
bumubukal sa pagsasalo
sa iisang hapag ay dumalo.
PANALANGIN
luluhod ang lahat
Lahat: O Hesus,
ipinapanalangin ko sa Iyo ang matapat at maalab Mong Pari;
ang mga lilo at nanlalamig Mong pari;
ang Iyong mga paring nagpapagal dito at sa ibang bansa
lalo na yaong mga nasa kadulu-duluhang bahagi ng daigdig;
ang mga pari Mong nahaharap sa matinding tukso at pagsubok;
ang mga nangungulila at nag-iisa Mong pari;
ang Iyong mga bata at maysakit na pari;
ang mga kaluluwa sa purgatoryo ng Iyong mga pari.
Higit sa lahat,
ipinapanalangin ko sa Iyo ang mga paring mahal sa akin;
ang mga paring nagbinyag sa akin;
ang mga paring nagpapakumpisal sa akin;
ang mga paring nangunguna sa Misa namin
at nagbibigay sa akin ng Iyong Katawan’t Dugo sa Banal na Komunyon;
ang mga paring nagturo at gumabay sa akin;
at ang lahat ng paring pinagkakautangan ko ng loob.
Bayan: Amen
10
K. ANG OBISPO BILANG PANGUNAHING PASTOL NG KAWAN NG DIYOS
11
PAGNINILAY
Babasahin ng isang Layko
12
AWIT: SALMO 23 (Magnaye)
Tatayo ang lahat
PANALANGIN
luluhod ang lahat
Namumuno: Ipanalangin natin ang ating Obispo.
Sandaling katahimikan
Lahat: Ama naming makapangyarihan,
Ikaw ang laging nangangasiwa sa Iyong Simbahan
bilang pangulo sa lahat ng nagaganap dito
at tagapamahalang nagmamahal sa mga bumubuo nito.
Ipagkaloob Mo sa lingkod mong si Obispo Dennis Villarojo
na Iyong hinirang na maging matapat na tagapagturo
ng dapat sampalatayanan yamang
Siya ang tagapangasiwang gumaganap
sa tungkulin ni Kristo bilang paring
nangunguna sa pagsamba
at lingkod na namamahala.
Amang Maawain,
nawa sa kanyang pagsasalita
at pagiging uliran
Siya’y umunlad sa kanyang panunungkulan
upang kaisa ng kanyang pinangangasiwaan
Siya’y sumapit sa buhay na walang katapusan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen
13
LITANYA SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO, PARI AT HANDOG
Luluhod ang lahat
Namumuno: Bayan:
Panginoon, kaawaan mo kami Panginoon, kaawaan mo kami
Kristo, kaawaan mo kami Kristo, kaawaan mo kami
Panginoon, kaawaan mo kami Panginoon, kaawaan mo kami
14
Hesus, Dakilang Pari ng lahat ng
mabubuting bagay na darating Kaawaan mo kami
Hesus, Dakilang Pari na walang anumang
bahid dungis Kaawaan mo kami
Hesus,
ganap na Dakilang Pari magpakailanman Kaawaan mo kami
Hesus, sakripisyo ng
paghahandog at pagpupuri Kaawaan mo kami
Alang-alang sa Iyong
walang hanggang pagkapari Hesus, Itaguyod mo ang iyong mga lingkod
15
Alang-alang sa banal na
pagkahirang ng Diyos Ama bilang pari Hesus, Itaguyod mo ang iyong mga lingkod
Alang alang sa Iyong diwang makapari Hesus, Itaguyod mo ang iyong mga lingkod
Alang-alang sa sakripisyong
sinasariwa sa Altar araw-araw Hesus, Itaguyod mo ang iyong mga lingkod
Alang-alang sa makadiyos na
kapangyarihang ibinahagi mo
sa Iyong Pari Hesus, Itaguyod mo ang iyong mga lingkod
16
PAGBABASBAS
Luluhod ang lahat
Awit:
TANTUM ERGO LUMUHOD AT GUMALANG
Pari: Oremus.
Deus, qui nobis sub sacramento mirabilis, Passionis tuae memoriam reliquisti: tribue,
quaesumus, ita nos corporis et sanguinis tui sacra mysteria venerari, ut redemptionis
tuae fructum in nobis iugiter sentiamus. Qui vivis et regnas in saecula
saeculorum.
Lahat: Amen.]
17
Magsusuot ang pari ng humeral veil, itatanghal ang Banal na Sakramento sa kanyang
kamay at babasbasan sa pamamagitan nito ang sambayanan. Matapos ay babalik siya sa
kanyang lugar sa harap ng dambana at aanyayahan ang sambayanan sa pagpupuri sa
Diyos.
PAGPUPURI
O Sakramentong Mahal,
na sa langit buhat,
papuri ng santinakpan,
Iyong-iyong lahat; Iyong-iyong lahat.
O Sakramentong Banal,
Hiwagang dalisay,
Kami’y Iyong bendisyunan,
at laging ingatan; at laging ingatan.
Tatayo na ang lahat matapos isara ang pinto ng tabernakulo. Maaaring umawit ng isang
awit patungkol kay Maria matapos ang lahat ng ito.
18
OREMUS PRO ANTISTITE EPISCOPO NOSTRO
V. Oremus Pro Episcopo Nostro Dennis
R. Stet et pascat in fortitudine tua Domine, in subliminitate nominis tui.
19