Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

"Third Eye - (Part 3)"

Pagpalain tayo ng maykapal at harinawa'y nasa mabuti kayong kalagayan!

Maraming tao ang nais magpabukas ng kanilang ikatlong mata o sixth sense na tinatawag na third
eye sa ingles.

May mga ipinanganak na sadyang bukas na ang kanilang third eye at nadevelop na lang habang
lumalaki sila at nakasanayan na lamang nila ang kanilang mga nakikita.

Naalala ko ang pamangkin ko ng mag iisang taon pa lang ito at laging umiiyak kapag may nakikita
siyang mga pangit na nilalang pero ngayon na binata na ito ay bale wala na lamang sa kanya at di na
niya pinapansin minsan nga tinuturo pa niya ito sa kapatid niyang babae para takutin dahil
nakakakita rin ito.

Pero kung di mo sila nauunawaan sasabihin mong baliw ang mga ito pero sa lahi namin ay karaniwan
na lamang ito dahil halos lahat sa amin ay may third eye ung iba pinasara na lang para sa normal na
pamumuhay na nais nila at para hindi sila laging ginagambala.

Sa pag aakala ng iba na masarap ang mayroong bukas na third eye dahil sa mga napapanuod nila at
dahil na rin sa kuryosidad. Ang hindi nila alam ay hindi sila patutulugin ng mga nilalang na ito kung
saan palaging nagpapakita saan mang lugar, anomang oras at araw.

Nanaisin mo bang makakita ng multo na biyak ang mukha labas ang utak duguan at kung minsan ay
sunog ang mukha na nakikipag face to face sayo sa kalagitnaan ng tulog o pagpapahinga mo. Ang iba
nga ay tinatawag nila itong sumpa at mas nanaiisin nila ang maging normal kaysa nakakakita ng mga
nilalang na hindi nakikita.

Sadyang lapitin ng mga espiriru at kaluluwa ang mga taong bukas ang mata para hingan ng tulong,
gambalain at takutin. Pero sa mga beterano bale wala na lang ang ito sa kanila.

Minsan marami pa tayong masasakit na salita na maririnig sa mga taong hindi nakaka unawa sa atin
kalagayan kung saan tatawagin kang baliw, sira ulo, nagdrudrugs at kung anu-ano pa.

Ang pagbubukas ng third eye ay di pinipilit at kusa na lamang ito magbubukas sa tamang panahon.
Sadyang may mga taong mapilit at mahirap buksan dahil hindi naman ung ang abilidad na para sa
kanila.

May mga ora na nagbubukas ng third eye pero para iyun sa mga taong gifted talaga. May mga taong
naman na nabubuksan pero hindi handa sa makikita at halos mabaliw. Bago sila mabuksan sinasabi
nila na matapang sila pero halos masiraan sila ng ulo at gusto ng magpasara dahil sa mga nilalang na
nakikita nila na halos hindi magpatulog sa kanila sa araw-araw.

Ikaw bukas ba ang "Third eye mo?".

Kung bukas i-comment mo naman ang gumagambala sa iyo at nanakot?

You might also like