Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MGA ELEMENTO NG SANAYSAY

ELEMENTO  NG SANAYSAY
 Tema at Nilalaman  -  anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa
layunin sapagkakasulat nitoat kaisipang ibinahagi.
 Anyo at Istruktura  -  ang anayo sat istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap
sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng
edeya o pangyayari ay makatututlong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
 Kaisipan- Mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema.
 Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa
pagkaunawa ng mambabasa, higt na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
 Larawan ng Buhay - Nilalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na
paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may akda.
 Damdamin -Naipapahayag ang isang magaling na may-akda ang kaniyang damdamin nang may
kaangkupan at kawastuhan sa paraang may  kalawakan at kaganapan.
 Himig - naipapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, malungkot,
mapanudyo at iba pa.

  Banghay-Aralin sa Filipino 8

Paksa: Ang Sanaysay Bilang ng


Araw: 3
I.Mga Layunin
Sa pamamagitan ng larawan, 80% ang mga mag-aaral sa ikatlong taon ay
inaasahang:
a. Nakapagbibigay-kahulugan sa mga mahihirap na salita;
b. Nakapagtutukoy ng teoryang panliteratura na ginamit sa akda;
c. Nakapagpapahayag ng mga sariling paraan ng mga sariling paraan ng pagpapadama ng
pag-ibig; at
d. Nakapagsisipi ng mga pahayag mula sa sanaysay.

II. Paksang-Aralin Paksa:


“Ang Pag-ibig” ni Emilio Jacinto
Sanggunian : Badayos, Paquito B. Yaman ng Pamana III. Pp. 162-169

Kagamitan : larawan, hugis pusong cartolina, graphic organizer (positive-negative chart)

Pagpapahalagang Moral : Paggalang sa damdamin ng iba Kasanayan :


pagsang-ayon at pagsalungat
III. Pamamaraan
A. Pangganyak Sa araw-araw nating pamumuhay, hangad natin ay kapayapaan at
katahimikan. Ngunit hindi talaga maiiwasan ang mga masasamang pangyayari, pag-uugali
at kilos. Magpapaskil ng dalawang larawan ang guro sa pisara. Pansinin ang dalawang
larawang pinaskil ko sa pisara. · Ano ang makikita sa unang larawan? Sa ikalawang
larawan? · Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng larawan? B. Paglalahad Ang
kapayapaan ay nakakamit dahil sa pagmamahal na namamayani sa bawat isa. Kung
nagmamahal ka, igagalang mo ang iyong mga magulang, tutulungan ang iyong kapwa at
lilinisin ang iyong kapaligiran. Kasamaan naman ang dulot ng kawalan ng pagmamahal.
Naiinggit ka sa iyong kapwa, sinusuway ang mga magulang at kaligayahan mo ang
kapahamakan ng sangkatauhan. Nagkakaiba an gating palagay sa kahulugan ng tunay na
pagmamahal. Tunghayan natin ang pagpapakahulugan at pagpapahalaga ni Emilio Jacinto
sa pagmamahal sa kanyang sanaysay na pinamagatang “Ang Pag-ibig.” C. Pagbibigay ng
Pangganyak na Tanong Alam kong may ideya na kayo tungkol sa sanaysay pero sa
kabilang banda may mga katanungan din kayong gusting mabigyang-linaw. Ilalahad ng mga
mag-aaral ang kanilang mga tanong ukol sa sanaysay na “Ang Pag-ibig”. · Bakit
pinamagatang “Ang Pag-ibig” ang sanaysay ni Emilio Jacinto? · Paano inilarawan ng may-
akda ang pag-ibig? · Ano ang magagandang dulot ng pag-ibig? · Ano ang maaring
mamayani kung walang pag-ibig? D. Pag-alis ng Sagabal Bibigyan ko ang bawat isa ng mga
papel na hugis puso. Nakasulat sa mga puso ang mga mahihirap na salitang kailangan
niyong itapat sa mga kahulugang ipapaskil sa pisara. NANGANGATAL panginginig ng
katawan o tinig kapag nagagalit natatakot o nagiginaw NALIPOS ganap na natakpan PITA
ibig; matinding pag-asam ABA dukha MANAMBITAN pagsusumamo; pagmamakaawa E.
Pagtatalakay
 2. Sa mga hugis pusong ibinigay ng guro kanina, ipapangkat ang klase sa tatlo. Ang
nakakuha ng malalaking puso ang kabilang sa unang pangkat. Ang may maliliit na puso ang
kabilang sa unang pangkat. Ang may maliit na puso ang ikalawang pangkat. Ang nakakuha
naman ng mga pusong may hugis tao sa loob ay ang ikatlong pangkat. Unang Pangkat
Sumipi ng mga pahayag na naglalarawan o kakikitaan ng mga positibong dulot ng pag-ibig.
Isulat sa cartolina. · Bakit napili ninyo ang mga pahayag na ito? · Anu-ano ang
magagandang dulot ng pag-ibig? · Sumasang-ayon ba kayo sa magagandang dulot ng pag-
ibig ayon kay Emilio Jacinto? Bakit? Pangalawang Pangkat Sumipi ng mga pahayag na
naglalarawan ng mga negatibong pangyayari dahil sa kawalan ng pag- ibig. Isulat sa
cartolina. · Bakit napili ninyo ang mga pahayag na ito? · Anu-ano ang magagandang dulot
ng pag-ibig? · Sumasang-ayon ba kayo sa magagandang dulot ng pag-ibig ayon kay Emilio
Jacinto? Bakit? Pangatlong Pangkat Sumipi ng mga pahayag na nasasangkot ng mga taong
may magagandang dulot o may masasamang dulot ng kawalan ng pag-ibig. Pangalanan
ang bawat isa. Isulat ang pahayag at ang mga tao sa cartolina. · Ano ang maaaring
mangyari sa kanila kapag namayani ang pag-ibig? · Ano ang maaaring mangyari sa kanila
kapag walang pag-ibig? Bibigyan lamang ng 10 minuto ang mga mag-aaral upang magawa
ang mga iniatas sa kanila. Magbabahaginan ang bawat grupo sa harap ng klase. F.
Pagsagot sa Pangganyak na Tanong Mula sa binahagi ng bawat pangkat sa klase, ilahad
muli ang inyong tanong kanina at sagutin ninyo pagkatapos. Ilalahad ng mga mag-aaral ang
kanilang mga tanong at sagot. G. Pagpapalawak Mananatili ang mga mag-aaral sa kanilang
mga pangkat. Bawat pangkat ay pipili ng angkop na awit na naglalarawan sa pag-ibig ng
Poong Maykapal (Pangkat 1), pag-ibig sa Magulang (Pangkat 2), at pag-ibig sa kapwa at
bayan (Pangkat 3). Aawitin ito ng bawat pangkat sa harap ng klase. Bawat sa ay kailangang
maglahad ng mga paraan paano ipapadama ang pag-ibig sa Poong Maykapal, magulang,
kapwa at bayan. H. Paglalapat Pansinin ang pahayag na ito. “Kung ang magulang ay walang
pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang mag-iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman
kaya ang mga anak sa sarili lamang nila? Kung ang anak kaya naman ay walang pag- ibig
sa magulang, sino ang maging alalay at tungkod sa katandaan? Ang kamatayan ay lalo
pangn matamis kaysa buhay para sa matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang
pagod na mga mata ay wala nang malingapang mag-aakayat at makaaaliw sa kanyang
kahinaan.” · Sinu-sino ang pinag-uusapan sa pahayag na ito mula sa sanaysay? · Paano
umikot sa mga taong ito ang Pag-ibig? Ang mga taong ito na binanggit sa sanaysay ang
sentro ng pag-ibig. Samakatuwid nakatuon ang pag- ibig sa mga taong binanggit. Kung
gayon anong teoryang pampanitikan ang ginamit sa sanaysay na ito? Teoryang Humanismo
Ano ang teoryang Humanismo? Ang tao ang sentro ng pagsusuri sa akda.
 3. I. Paglagom ng Seleksyon Ang mga siniping pahayag ng bawat pangkat ay ilalagay sa
loob ng graphic organizer (positive- negative chart) na ipapaskil sa pisara. NEGATIBO Ang
Pag-ibig ni Emilio Jacinto POSITIBO MGA PANGALAN Anu-ano ang mga magagandang
dulot ng pag-ibig? Ano-ano ang maaring ibunga ng kawalan ngn pag-ibig? Sinu-sino ang
nakadama ng pag-ibig? J.Ebalwasyon Sa isang kalahating papel sagutin ang mga
sumusunod na tanong: Ibahagi ang iyong karanasan sa pag-ibig. Paano mo ito
pananatilihin? Ibahagi ang iyong karanasan sa mga bunga ng kawalan ng pag-ibig. Paano
mo ito maiiwasan? IV. Takdang-Aralin Sumulat ng isang sanaysay na may kaugnayan sa
pag-ibig. Ang sanaysay na gagawin ay dapat sumunod sa mga pamantayan. May 3 talata
(simula, katawan, wakas May 5 pangungusap bawat talata May organisado at malikhaing
ideya/kaisipan Dapat malinis at maganda ang sulat kamay Isulat sa short bond paper
Banghay Aralin sa Filipio 8 Paksa: Maikling kwento Bilang ng araw: 3 . LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Natutukoy ang limang
mahahalagang elemento ng maikling kwento. b. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento
sa tunay na buhay. c. Naisasagawa ang pagsasadulang may kinalaman sa kabutihan ng
isang guro.
 4. II. PAKSANG ARALIN: Paksa: ‘Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza Matute
Sanggunian: Daloy ng Mithi III (pahina 21-25) Kagamitan: Yeso, libro, scotch tape, pentel
pain III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain a. Panalangin b. Pagbati c. Pagtala ng mga
lumiban d. Pagbabalik-aral B. Panlinang na Gawain a. Pagganyak - Para sa mga lalaki,
bubunot sila ng isang tinupi-tuping papel na naglalaman ng salitang “Gwapo ako” at “Macho
ako”. Ang sinumang makabubunot ng “Macho ako” ay maaari nang maupo, samantalang
ang makabunot ng “Gwapo ako” ay pupunta sa harapan at magbibigay ng ideya tungkol sa
salitang “mabuti”. b. Pag-alis ng Sagabal - Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga letra at
kanila itong aayusin upang mabuo ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita: 1.
Karakter - hautan - 2. Paksa - amte - 3. Labanan - tngglnuaia - 4. Burador - aabnghy - 5.
Tipanan - tgaupan - c. Pagbasa sa Kwento - Tatawag ng isang mag-aaral na siyang babasa
ng kwento sa harapan. d. Pagtatalakay sa Nilalaman ng Kwento - Dito tatalakayin ang gabay
na mga katanungan. - Tatalakayin ang kaisipang ipinahihiwatig ng kwento. e. Pagtatalakay
sa Kwento bilang Akdang Pampanitikan - Ano nga ba ang kwento? - Anu-ano ang limang
mahahalagang elemento ng maikling kwento? - Ano ang kaugnayan ng kwento sa totoong
buhay? f. Pagpapahalaga - May naging guro ka na ba na laging nagpapayo sa klase? Ano
ang mga payo niyang kinalulugdan mo? - May naidulot ba ito sa iyong buhay-estudyante? g.
Malikhaing Gawain - Papangkatin sa tatlong pangkat ang klase. Mula sa grupong kanilang
kinabibilangan, sasagutin nila ang mga katanungang hininihingi sa pamamagitan ng
pagsasadula:
 5. Unang Pangkat - Ikaw ay naging isang guro sa isang paaralang malayo sa kabihasnan.
Walang sapat na mapagkukunan ng panibagong kaalaman, walang maayos na palikuran at
kulang ang mga kagamitang pampagtuturo. Nasanay ka na sa mga marurusing at maiingay
na mga estudyante sa paaralang iyon. Isang araw ay inalok ka ng isang kilala at
pampribadong institusyon sa bayan. Tatanggapin mo ba ang magandang oportunidad o
mananatili sa piling ng mga batang nangangailangan sa iyo bilang isang pangalawang ina?
Pangalawang Pangkat - Narinig mong nag-uusap ang mga kaklase mo tungkol sa isa niyong
guro. Nalaman mong usap-usapan na sa bayan ang pagpapakasal niya sa nobyo niyang
German. Balak daw nilang manirahan na sa ibang bansa. Ang gurong iyon pa naman ang
pinakamalapit sa iyong puso. Marami kayong mga bagay na pinagkakaisahan at natutunan
sa isa’t isa. Ano ang gagawin mo kung totoo nga ang mga narinig mo? Pangatlong Pangkat -
Magreretiro na sa serbisyo ang inyong guro. Ilang beses ka na niyang pinagalitan sa klase.
Magdaraos ang buong klase ng isang malaking salu-salo. Linapitan ka niya bago ang araw
ng pagdiriwang ng naturang okasyon. Kinausap ka niya na pumunta ngunit may lakad sana
ang buong pamilya sa araw na iyon, ang unang pagkakataong mamamasyal ang pamliya
niyo. Alam mong magagalit sa iyo ang iyong guro sapagkat minsan lamang siya kung mang-
imbita ngunit nakatakda rin ang pamamasyal ng inyong pamilya. Saan ka dadalo? Sa salu-
salo o sa pamamasyal? IV. PAGTATAYA: - Kumuha isa’t kalahating papel. Tama o Mali.
Sagutin kung tama ba o mali ang isinasaad ng sumusunod na mga pangungusap. 1. Siya’y
tinatawag naming lahat na Mabuti kung siya’y nakatalikod. 2. Ang ama ng batang may
kaarawan ay konduktor. 3. Tagpuan ang tawag sa pangunahing ideya o paniniwala ng
kwento. 4. Si Mabuti ay balo. 5. Ang may akda ng kwento ay si Jose Corazon de Jesus. 6.
Anim na taong gulang na ang anak ni Mabuti. 7. “Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na
kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan” ay pangungusap ni
Mabuti. 8. Ang tagpuan ay sa kusina kung saan siya nakita ni Mautiing kumakain. 9. Ibig
nilang maging manggagamot ang anak ng kanilang guro. 10. Ang salitang mabuti ay
palaging binabanggit ng guro. V. TAKDANG ARALIN: - Gumawa o gumuhit ng isang larawan
ng gurong nagpapakita ng katangiang gusting-gusto mo sa isang guro. Idikit o iguhit ito sa
isang malinis na puting papel (bond paper). Tukuyin ang katangian at ipaliwanag kung bakit
iyon ang katangiang gusto mo sa isang guro.
 6. Banghay-Aralin sa Filipino 8 Paksa: Walang sugat ni Severino Reyes Bilang ng Araw: 4
Proseso nag Pagkatuto A. Panimulang Gawain Isangguni sa Banghay-aralin 4, pahina 70 B .
P a g l a l a h a d Pangkatang Pag-uugnay 1. Paglalarawan sa uri ng pamahalaan o mga
namumuno noong panahon ngkastila .2.Paglalahad kung papaano ang pakikitungo ng mga
kastila sa Pilipino. 3.Pagtukoy sa mga minanang kaugaliang kanais-nais/dikanais-nais
ngmga Pilipino sa mga kastila. 4.Pagpapahalaga sa mga bayaning Pilipino at nagging
tanyag sa panahon ngkastila.. Isulat ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating
kalayaan.. Isalaysay kung paano sila nakikipagtunggali sa mga kastila. 5.Pagbibigay hinuha
sa pamagat ng akdang babasahin “Walang Sugat”.C .P ag papa bas a sa una ng bahagi ng
dul a . Ebalwasyon Pagpapabuod sa unang tagpo ng dula at kaisipang napapaloob.
Takdang-aralinPaghahandaparasaisangmalikhaingpagbasa IkalawangArawI- Paksa/
Kasanayan/ Kagamitan Paksa : PagbasA/Pagsususri sa Akdang Rhiyunal sa Teoryang
sosyolohikal Susuriing Genre : Dula Halimbawang Akda : “Walang Sugat “ni Severino Reyes
Mga Kagamitan : larawan, tsart . editorial cartoon, tv, VCD player Kasanayang Pampanitikan
: Pagpapahalaga sa akda batay sa tiyak na kamalayangPanlipunan Kasanayang
Pangkaisipan: Pagsusuri II- Mga Inaasahang Bunga A.Mga L ayu ni ng P am pat al a kay
A.1 Pagsusuring Panglingwistika Nasusuri ang pagkakabuo ng mga pangungusap na
ginamit sa dula. A.2 Pagsusuring pangnilalaman Naipapaliwanag ang bisa ng akda sa
lipunang ginagalawan. A.3 Pagsususring pampanitikan Napapahalagahan ang akda sa tiyak
na kamalayang panlipunan. III- Proseso nag Pagkatuto A. Panimulang Gawain Isangguni sa
Banghay-aralin 4, pahina 70D . P a g l a l a h a d Pangkatang Pag- uugnay 1. Paglalarawan
sa uri ng pamahalaan o mga namumuno noong panahon ng kastila .2.Paglalahad kung
papaano ang pakikitungo ng mga kastila sa Pilipino. 3.Pagtukoy sa mga minanang
kaugaliang kanais-nais/dikanais-nais ng mga Pilipino sa mga kastila. 4.Pagpapahalaga sa
mga bayaning Pilipino at nagging tanyag sa panahon ngkastila.. Isulat ang mga bayaning
nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan.. Isalaysay kung paano sila nakikipagtunggali sa
mga kastila. 5.Pagbibigay hinuha sa pamagat ng akdang babasahin “Walang Sugat”.E.P ag
papa bas a sa un ang b ahagi ng d ul a. IV-Ebalwasyon Pagpapabuod sa unang tagpo ng
dula at kaisipang napapaloob. V-Takdang-aralinPaghahandaparasaisangmalikhaing
pagsulat IkatlongArawI- Paksa/ Kasanayan/ Kagamitan
 7. Paksa : PagbasA/Pagsususri sa Akdang Rhiyunal sa Teoryang sosyolohikal Susuriing
Genre : Dula Halimbawang Akda : “Walang Sugat “ni Severino Reyes Mga Kagamitan :
larawan, tsart . editorial cartoon, tv, VCD player Kasanayang Pampanitikan : Pagpapahalaga
sa akda batay sa tiyak na kamalayangPanlipunan Kasanayang Pangkaisipan: Pagsusuri II-
Mga Inaasahang Bunga Naipapaliwanag ang mga tiyak na kaisipan, ideya, opinion, at
paniniwalanginilahad sa akda. III- Proseso nag Pagkatuto A. Panimulang Gawain Isangguni
sa Banghay-aralin 4, pahina 94B.PaglalahadPangkatang Pag- uugnayIsangguni sa pahina
95-96C.Pagbabagahinan ng napag-usapan.D.Pagkuha ng feedback F. IV-Ebalwasyon
Pagbubuo ng sintesis ng napag-usapang paksa. V-Takdang-
aralinPagsaliksikngeditorialcartoonnatumutuligsasapamahalaan

SANAYSAY: URI, SANGKAP at BAHAGI


SANAYSAY
 Ayon kay Alejandro G. Abadilla, "nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. ang sanaysay
ay nagmula sa 2 salita, ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na nagalalahad ng kuru-
kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa  ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan,
mahalaga at napapanahong paksa o isyu.

Mahalaga nag pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilalahad
na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mga mambabasa ang manunulat
dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sapaggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.

URI NG SANAYSAY
 Pormal - sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-
aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa. Inaakay ng manunulat ang mga manbabasa sa malalim na pag-
iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya at kumilos pagkatapos.
 Di-pormal - sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-arawat
personal. binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga karanasan o isyung maaaring
magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa.
SANGKAP NG SANAYSAY
 Tema at Nilalaman  -  anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na
paksa dahil sa layunin sapagkakasulat nitoat kaisipang ibinahagi.
 Anyo at Istruktura  -  ang anayo sat istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang
sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na
pagkakasunud-sunod ng edeya o pangyayari ay makatututlong sa mambabasa sa pagkaunawa sa
sanaysay.
 Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin
sa pagkaunawa ng mambabasa, higt na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na
mga pahayag.
BAHAGI NG SANAYSAY
 Panimula - ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unag
titingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atansyon ang panimula
upangipagpatuloy ng mamababasa ang pagbasa sa akda.
 Katawan -  Sa bahaging ito ang sanaysaya makikita ang pagtalakay sa mahahalagang
puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos
upang maunawaan ito ng maigi ng mambabasa.
  Wakas - nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay. Sa bahaging ito
nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay.

You might also like