EDITORYAL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EDITORYAL

TULOY PO SA BAGONG LUCENA!

Sadyang ibang-iba na ang Lungsod ng Lucena. Hindi na maitatago pa ang


nagbabagong mukha ng kaunlaran.

Noong nakaraang dekada, naging saksi tayo sa pag-unlad ng iba’t-ibang kalapit-bayan


habang ang ating komunidad ay tila nahimbing at naging kampante sa kalagayan ng
ating komersyo at pangangalakal. Sadyang walang masama sa payak na pamumuhay
ngunit higit na dakila ang pangarapin pang umunlad ang bayan para sa kapakanan ng
nakararami.

Hanggang sa pagdating ng bagong administrasyong may bagong pananaw, unti-unting


nagkahugis hanggang sa maging kongkreto ang bisyon ng kaunlaran ng lungsod at higit
sa lahat, sa mga mamamayang naninirahan dito. Sa pamamagitan ng paniniwala sa
pamahalaan ng Bagong Lucena ay unti-unting nalagyan ng pundasyon ang istruktura
ng mga programa’t proyektong para sa mamamayan.

Pinatibay natin ito ng pagkakaisa at pagtutulungan mula sa ating Sanggunian hanggang


sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ito ay dahil ang lokal na pamahalaan ay naka-sentro sa
“inclusive governance” kung saan ang pagpapatakbo ng pamayanan ay nakasalalay sa
pagtutulungan ng iba’t-ibang saray nang ating lipunan. Naging sandigan din ang patuloy
na pakikinig sa mga mamamayan. Binuksan po natin ang ating tanggapan para
personal na makasalamuha ang ating mamamayan. Bumaba rin po tayo sa batayang
masa upang sa gayon ay maabot natin ang iba pa nating kababayang hindi na
kakayanin pang dumayo sa atin.

Malayo na rin po ang narating ng ating mga programa. Libo-libong Lucenahin na ang
nabigyan ng tulong-pinansyal at hospitalization assistance sa pamamagitan ng Bagong
Lucena Health Program (BLHP). Hindi lamang natin pinalakas ang serbisyo ng City
Health Office kundi inilapit din natin sa ating mga kababayan sa iba’t-ibang uri ng
pagsusuring-pangkalusugan mula sa check-up sa mata, hypertension at diabetes.
Pinalakas din po natin ang ating mga ahensyang nakatuon sa pagbigay ng social
services tulad ng City Social Welfare. Naibigay natin ng libre ang pag-aaral sa kolehiyo
sa pamamagitan ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena na nagtatala ng halos 1,500
na mga scholars. Matindi rin po ang suporta natin sa mga magsasaka sa pamamagitan
ng mga programa ng City Agriculturist Office.

Binuksan natin ang Lucena sa mga investors. Ang matagal nang natutulog nating
highly-urbanized city ay dinagsa ng napakaraming negosyo. Ipinagmamalaki po natin
na sa sa loob lamang ng ilang mga taon ay napalakas na natin ang komersyo sa
lungsod. Resulta nito ang pagtaas ng kita ng lungsod mula sa dating dfsdgdgd
hanggang sa dsgsdg
Nakita rin natin ang dramatikong pagsulpot ng iba’t-ibang mga bangko at financial
institutions. At dahil dala nito ang napakaraming trabaho, naging prayoridad natin ang
pagbibigay-oportunidad sa mga lehitimong mga Lucenahin.

At higit sa lahat, isa na marahil sa naging malaking infrastructure project ng Lungsod ng


Bagong Lucena ang Lucena City Government Complex. Ito ang matagal na nating
hinahangad na “one-stop shop” para sa ating mamayang pinagsisilbihan. Ito ang
magiging pangalawang tahanan para sa lokal na pamahalaan at lahat ng Lucenahin. Sa
pamamagitan ng Government Complex na ito ay mas mapapadali ang pagbibigay natin
ng serbisyo sa publiko. Ito ang simbulo ng panibagong yugto sa tunay na pag-unlad ng
Lucena, tunay na dignidad at dangal ang ating mga kababayan.

Mga kababayan, ito na po ang progresibong mukha ng Bagong Lucena. Tunay na


ibang-iba sa matagal nating nakasanayan at nakagisnan. Ito ay dahil na rin sa
pagtutulungan natin para sa ikauunlad ng bawat isa. Asahan nyo pong patuloy nating
bubuksan ang ating bisig sa anumang posibilidad patungo sa mas progresibong bayan.

Halina po. Tuloy po kayo sa ating bayan. Tuloy po kayo sa Lungsod ng Bagong Lucena!

You might also like