Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

3

Mother Tongue
Unang Markahan – MELC 1:
Paunlarin ang Sariling Talasalitaan
at Husay sa Pagbabaybay

Alamin
Font style: alfabeto
Font size: Gr 1: 14
Gr 2-3: 12
Spacing: ?
Note to the illustrator: (graphics)/ LR portal images) background designs

Sa katapusan ng mga gawain, inaasahan na:


1. Nababasa nang wasto ang kuwento
2. Nasasagot ang mga tanong hinggil sa kuwentong binasa
3. Nababaybay nang wasto ang mga salitang nakatala sa talasalitaan at ang mga salita
mula sa tekstong binasa (MELC/MTCG-MT3F-Ia-i-1.6
Subukin (Worksheet 1)

Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra sa isang sagutang
papel.

1. Ito ay tumutukoy sa talaan ng mga salitang ginamit sa kuwento na


inilalahad ng may kasamang kahulugan ng mga salita.
a. Talasalitaan an ng Kuwento
b. Talaan ng Nilalaman
c. Talaan ng Kuwento
d. Talaan ng Salita

2. Paraan ito ng pagsulat sa salita ng may tamang baybay.


a. pagsulat
b. pagbasa
c. pagguhit
d. pagbabaybay

3. Subukin mong ayusin ang ginulong mga letra. Gawing gabay ang
kahulugan ng salitang ibinigay. Isulat sa patlang ang nabuong salita nang
may angkop na baybay.

l a t a s t a i a l n - (naglalaman ng mga talaan ng mga salitang


binigyan kahulugan)
__________________________________________________________

1
Aralin Paunlarin ang Sariling
1 Talasalitaan at Husay sa
Pagbabaybay

Balikan ( Worksheet 2)

Sa pagbasa ng isang kuwento o sa pakikipag-usap, may mga salitang


ginagamit na kung minsan ay hindi natin lubos na nauunanwaan ang kahulugan.
Mahalagang alam nating unawain ang lahat ng salitang ginamit sa
kuwento o sa pakikipag-usap upang lubos nating maunawaan ang detalye ng
paksa.

Mga Tala para sa Guro at sa Magulang


Magbigay ng ilang salitang madalas gamitin sa pakikipag-usap
sa mag-aaral.
Hikayatin ang mag-aaral na ibigay ang kahulugan ng mga ito.
Subukan ding ipabaybay nang wasto ang mga salitang
ibibigay.

2
Tuklasin (Worksheet 3)
Basahin nang may wastong baybay ang bawat salita sa kuwento.

Magpalipad Tayo ng Saranggola

Maganda ang panahon. Gustong maglaro ni Niko. Niyaya ni


Niko na maglaro ang kakambal sa si Noli. Pumunta ang kambal sa
labas. May dala silang mga saranggola. Makukulay ang mga
saranggola ng kambal.

Pinalipad agad nila ang mga saranggola. Mataas ang lipad ng


saranggola ni Niko.

Napansin ni Niko si Noli. Malungkot ang mukha ni Noli habang


nakatingin kay Kiko.

“Halika, tuturuan kita kung paano paliparin ang saranggola,”


sabi ni Niko.

Tumingin si Noli. Ipinakita ni Niko kay Noli kung paano


magpalipad. Ilang saglit pa, nakangiti na si Noli.

“Salamat, Niko,” wika niya.

Suriin (Worksheet 4)

3
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang kambal sa kuwentong Magpalipad Tayo ng Saranggola?
a. sina Niko at Noli
b. sina Nika at Nato
c. sina Nini at Nilo
d. sina Niko at Nilo

2. Ano ang laro ng kambal?


a. taguan sa puno
b. habulan sa hardin
c. hulaan ng tamang sagot
d. pagpapalipad ng saranggola

3. Saan nila nagpalipad ng saranggola?


a. sa bukid
b. sa labas
c. sa paralan
d. sa simbahan

4. Sa iyong palagay, ano kaya ang panahon nang magpalipad sila ng


saranggola?
a. makulimlim
b. mahangin
c. maaraw
d. maulan

5. Bakit nalungkot ni Noli?


a. Naputol ang tali ng kaniyang saranggola.
b. Mababa ang lipad ng kaniyang saranggola.
c. Ayaw lumipad ng kaniyang saranggola.
d. Napunit ang kaniyang saranggola.

Pagyamanin (Worksheets 5 (A and B)

5A: Pagsasanay 1. Buuin Natin!

4
Tala para sa Guro/Magulang: Ang sumusunod ay mga gawaing mapatnubay.
Ang inyo pong gabay o tulong sa mag-aaral ay lubos na kinakailangan.

5A-1: Pag-aralang mabuti ang crossword puzzle. Bilugan ang salitang


ginamit sa kuwento na mabubuo mo mula rito. Gawing gabay ang
mga kahulugan sa ibaba.

SA LA PA LI PA RIN ME SU MA
LI RA SA MA RE SI BO HA LU
TA MA NG LA NA KA TI NGI NG
N
PA NI BA GO BU KAM KA TA KOT
PAG A A LA LA BAL ON NI HA

1. yari ito sa iba’t ibang hugis na matibay na papel o plastic na may


mahabang tali
2. nararamdaman mo kapag hindi ka masaya
3. nakatuon ang mga mata sa isang tao o bagay
4. kapatid mo na kasabay mong ipinanganak
5. ihagis sa hangin

5A- 2: Gamit ang iba pang pantig sa puzzle, bumuo pa ng limang


salita mula rito. Isulat sa isang sagutang papel.

5B Pagsasanay 2. Kayang-kaya Ko!


Tala para sa Mag-aaral: Ang gawaing ito ay para sa iyo lamang. Ang tulong
ng guro o magulang ay hindi na kailangan.

5
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na salitang ginamit sa kuwento.
Siguraduhing tama ang baybay ng mga salitang gagamitin sa pagsulat ng
pangungusap.
1. nakatingin

2. pinalipad

3. napansin

4. saranggola

5. nakangiti

6
Isaisip (Worksheet 6)

Sa pagbigkas at pagsulat ng mga salita,


Laging isaalang-alang ang wastong baybay,
Unawaing mabuti ang mga salita
Upang higit na magkaintindihan.

Sa pagbasa o pakikinig ng kuwento ni Ma’am,


Atin ding pakatandaan at huwag kalimutan,
Mga salitang hindi nauunawaan, hanapin ang kahulugan.

Isagawa (Worksheet 7)

Lagyan ang ekis ang salita kung hindi wasto ang pagkakabaybay nito. Isulat ang
wastong baybay ng salita sa sagutang papel.

kapakinabagan nangugulila

pagasa talasailtaan mahusay

suportahan malitano

Tayahin (Worksheet 8)

7
Tama ba ang pagkakasulat? Punan ng salitang may wastong baybay ang
bawat patlang kung may salitang hindi tama ang baybay sa pangungusap.

1. Sa aming pamaynna, madalas na nagtutulungan ang mga tao sa panahon


ng sakit gaya ng COVID-19.

2.

Nasa baragay Punturin ang aming munting paaralan na ginawang


pansamantalang tuluyan ng mga maysakit.

3. Palaging mahugas ng kamay ng dalawangpung segundo upang makaiwas


sa sakit.

4. Ugaliing magsoot ng
face masks upang hindi mahawa o makahawa ng sakit.

5. Panatilihing malakas ang resitsensya upang hindi magkasakit.

Karagdagang Gawain (Worksheet 9)

Kumuha ng diksiyonaryong Tagalog. Pumili ng limang salitang hindi mo lubos


na nauunawaan ang kahulugan. Isulat ito sa larawang papel sa ibaba at ang
kahulugan nito.

8
Susi sa Pagwawasto

Tayahin Isagawa Pagyamanin


1. pamayanan 1. kapakinabangan Pagsasanay 1:
2. baranggay 2. nangungulila 1. saranggola
3. dalawampung 3. pag-asa 2. malungkot
4. ugaliing 4. talasalitaan 3. nakatingin
4. kakambal
5. resistensya 5. matalino 5. paliparin

Pagsasanay 2:
(salita, panibago, pag-
aalala,mani, lima, bula, sala,
resibo, hangin, takot, botika,
atbp.)

Suriin
1. A
2. D
3. B
4. B
5. C

9
Sanggunian
Most Essential Learning Competencies Matrix- K to 12 Curriculum on
Mother Tongue, Department of Education, Curriculum and Instruction Strand,
pages 307-317
Phil-IRI Full Packages, Magpalipad tayo ng Saranggola, page 8

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

10

You might also like