Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LAGUMANG PASULIT SA FILIPINO 8

Ika- 21 ng Pebrero, 2020


Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksyon: _____________
I.Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahin ang bawat pahayag ng bilang at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t
prinsesa at mga mahal na tao.
a. Tulang Romansa b. Tulang Pasalaysay c. Tulang Pandamdamin d. Tulang
Liriko
2. Uri ng tulang romansa na tumatalakay sa kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao.
a. Sarsuwela b. Balagtasan c. Korido d. awit
3. Uri ng tulang romansa na mayroong pangyayari na maaaring ihalintulad sa tunay na buhay.
a. Sarsuwela b. Balagtasan c. Korido d. awit
4. Ilan ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng awit?
a. 9 b. 10 c. 11 d. 12
5. Akdang pampanitikan na napabilang sa awit?
a. Florante at Laura b. Ibong Adarna c. Noli me Tangere d. El Filibusterismo
6. Ano ang dalawang magkaibang pananampalataya/paniniwala ang namagitan sa akdang Florante at Laura?
a. Budhismo b. Kristiyano at Muslim c. Hinduismo d. Taoismo
7. Kalian naisulat ni Francisco Baltazar ang kanyang Obra Maestra?
a. Unang pagkakulong c. ikalawang pagkakulong
b. Ikalawang pagkakulong d. d. habang siyay nag-aaral pa lamang
8. Saan inihandog ni Balagtas ang akdang Florante at Laura sa tunay na buhay?
a. Selya b. Maria Amor c. Juana Tiambong d. Maria Asuncion Rivera
9. Ang magiting na mandirigma ng kahariang Albanya, anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca ng kahariang
crotona.
a. Aladin b. Menandro c. Adolfo d. Florante
10. Ang prinsesa ng kahariang Albanya na anak ni Haring Linseo. isang dilag na nagtataglay ng mala-Venus ng
kagandahan.
a. Floresca b. Anteno c. Laura d. Flerida
11. Gererong Moro na sunud-sunuran sa amang Sultan ng Persiya na si Ali-Adab.
a. Aladin b. Menandro c. Adolfo d. Florante
12. Isang magandang dilag na kasintahan ni Aladin. Nagpapanggap na lalaki upang makatakas sa buhong na sultan ng
Persiya.
a. Floresca b. Antenor c. Laura d. Flerida
13. Nagdulot ng kapighatian sa puso nina Florante at Laura at nagpadilim ng buong kahariang Albanya.
a. Aladin b. Menandro c. Adolfo d. Florante
14. Ang dakila at makatarungang hari ng kahariang Albanya. Nagpapamana ng trono’t setro kay Florante.
a. Haring Linseo b. Duke Briseo c. Sultan Ali-Adab d. Antenor
15. Ang tapat at matalik na kaibigan ni Florante. Ang tagapagmana ng hukbo ni Florante.
a. Aladin b. Menandro c. Adolfo d. Florante
16. Sa pagbukas ng awit, saan matatagpuan ang pangunahing tauhan ng kwento?
a. Bilangguan b. Mapanglaw na gubat c. Adolfo d. Florante
17. Ano ang tinutukoy ni Florante na dahilan ng kasamaan ng lahat?
a. Pag-ibig b. Yaman c. kapangyarihan d. A at C

18. Ano ang kasawiang dinanas na nagdudulot ng kapighatian at habag sa buhay ni Florante?
a. Pinagtaksilan at pinagdayaan c. Ipinatapon
b. Pinakulong d. Ipinapatay
19. Saan maaaring ihambing ang mapanglaw na gubat na may mababangis na hayop na hinarap ng tauhan sa awit
sa isang malawak na perspektiba?
a. Bilangguan b. Sa ating Lipunan c. kaharian ng albanya d. Paraiso
20. Sa lahat ng pagdurusa ni Florante, ano ang itinuring niyang pinakamapait na dusa?
a. Pagtataksil ni Laura c. Patayin ang kanyang ama
b. Pandaraya ni Adolfo d. Maagaw ang jkaharian
Para sa bilang 21-25. Bakit kailangang pag-aralan at basahin ang akdang Florante at Laura? (5 puntos)
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

LAGUMANG PASULIT SA FILIPINO 8


Ika- 28 ng Pebrero, 2020
Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksyon: _____________
I. Maraming Pagpipilian. Basahin ang bawat pahayag ng bilang at piliin ang titik ng tamang sagot. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.
1. Ano ang nais ipahiwatig ng magkaibang kasuotan ni Florante at ni Aladin?
a. Magkaiba ng paniniwala b. Magkaiba ng lahi c. magkaaway d. A at C

2. Ano ang nais na mangyari ng ama sa pag-aaral ni Florante sa Atenas?


a. Magkaroon ng maraming kaibigan c. ipagkatiwala sa gurong si Antenor
b. Makapaglakbay sa ibang bansa d. magiging huwaran
3. Sa loob mahabang panahon, ano ang tawag sa pagtago ng tunay na kulay ni Adolfo?
a. Pagtataksil b. Paglililo c. pagbabalatkayo d. paglalantad
4. Ang unang pagkakataong ipinakita ni Adolfo ang kanyang imbot at galit kay Florante?
a. Dula-dulaan b. Ordinaryong klase c. sa pagkikidigma d. sa panlilinlang
5. Sanhi ng pangunguli ni Florante habang itoy nag-aaral sa Atenas.
a. Pagkabigo b. Pagpanaw ng ina c. sulat ng ama d. galit kay Adolfo
6. Hukbong sumalakay sa kaharian ng Crotona, pinagmulan ni Prinsesa Floresca.
a. Heneral Osmalik b. Heneral Meramolin c. Sultan Ali-Adam d. Moro
7. Kanino tumalima ang puso ni Florante sa una nitong pagkikita?
a. Floresca b. Antenor c. Laura d. Flerida

8. Pag-asang namumutawi sa puso ni Florante bago siya nakikidigma?


a. Pangako b. Panibugho c. kaligayahan d. luha
9. Ano ang nakamit ni Florante matapos napagtagumpayan ang lahat ng pagsiklab ng mga Moro sa iba’t ibang
kaharian kabilang na sa Albanya?
a. Kabiguan at kasawian b. Inis at galit c. katiwasayan at kapayapaan d. kapangyarihan at katanyagan
10. Ano ang nadatnan ni Florante pagbalik sa sariling bayan matapos iligtas ang ibang kaharian?
a. Papugutan ng ulo si Laura c. Aagawin ng mga moro ang kaharian
b. Ginawang bihag si Haring Linseo d. Lahat ng nabanggit
11. Ang nag-udyok kay Adolfo upang makaganti kay Florante?
a. Malupong puso b. Mapanibughong puso c. maawaing puso d. maakilahaning puso
12. “Sapagkat ang haring may hangad sa yaman, ay marinig hampas ng langit sa bayan”. Ano ang nais ipinahiwatig
ng pahayag na ito?
a. makapangyarihan ang yaman c. hulog ng langit ang pinunong gahaman
b. balakid sa lipunan ang pinunong hangad ay yaman d. walang mapapala sa yaman
13. Nang matalo na nina Aladin at Menando ang hukbo ng mga Moro sa Crotono, nanatili sila sa kaharian upang
magpahinga. Nagbalik sa alaala ni Aladin ang kanyang buhay sa bata sa piling ng kanyang pinakamamahal na
babae sa mundo, ang kanyang ina. Anong damdamin ang ipinapakita ng tagpaun at pangyayari sa akda?
a. masaya b. nalulumbay c. nananabik d. nagagalit
14. Nasisiguro n ani Florante ang kaligtasan ng Crotono sa kamay ng mananakop. Ngayon ay kailangan na niyang
magbalik sa kaharian ng Albanya nang matanaw niya sa paanan ng bundok ang bandila ng manlulusob sa
kaharian ng kanyang irog na si Laura. Anong damdamin ang ipinapakita ng tagpaun at pangyayari sa akda?
a. masaya b. nalulumbay c. nananabik d. nagagalit
II. PAGTATAPAT- TAPAT. Basahin ang bawat katagang / salitang sinalungguhitan sa loob ng taludtod ng awit na
nasa unang hanay (A) at hanapin ang ibig na ipinapahiwatig/ kahulugan nito na nasa hanay B. Iguhit sa kabilang
hanay ang titik ng iyong tamang sagot.
Hanay A Hanay B
15. Nang magdamdam- ngawit sa pagayong anyo, a. Malabo
Sa puno ng isang kahoy ay umupo.
16. Paalam, bayan ko, paalam na pag-ibig, b. Inosente
Mandarayang sintang di manaw sa isip!
17. May awang gerero ay sa maramdaman c. Lihim na paghihimagsik
Malamlam na sinag sa gubat ay nanaw.
18. Nupong nag-agapay sa puno ng kahoy d. Asawa
Ang may dalang habag at lipos-linggatong.
19. Nang mag-asal hayop ang Morong pangahas e. Di malilimutan
Tinampal sa mukha ang himalang dilag.
20. Niloob ng langit na aking masupil f. Mapagod
Ang hukbo ng bantog na si Miramolin

You might also like