Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

 BUNDOK isang pagtaas ng lupa

sa daigdig, may matatarik na


bahagi at hamak na mas mataas
kaysa sa burol. Ang halimbawa
nito ay ang Bundok Banahaw.

LAMBAK (na tinatawag ding libis[A]) ay


isang mababang lugar sa pagitan ng mga
burol or mga bundok, karaniwan na may
ilog na dumadaloy dito.

Ang PULO O ISLA ay isang bahagi ng lupa


na higit na maliit sa kontinente at higit na
malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang
maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay
tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga
pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay
tinatawag na arkipelago.
Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga
pulo: ang mga pulong kontinental at pulo sa
karagatan. Mayroon ding mga pulong
artipisyal.
Ang TALAMPAS, na kung minsang tinatawag
ding mesa ay ang kapatagan sa tuktok ng
isang bundok o anumang lokasyong lupa na
mataas kaysa anumang katawan ng
karagatan o katubigan. Ito ang lupang
dalata o patag na itaas ng bundok, na kilala
rin bilang pantayanin, bakood, at bakoor..

Ang BULKÁN sang uri ng bundok sa daigdig


na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring
lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig.
May dalawang uri ng bulkan, una ang
tinatawag na tahimik na kung saan matagal na
hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang
Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng
Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo
na kung saan maaari itong sumabog anumang
oras. Mapanganib ang ganitong bulkan.
Maaari itong sumabog at magbuga ng
kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay
ang Bulkang Pinatubo.

Ang KAPATAGAN sa heograpiya ay mahaba,
patag at malawak na anyong lupa. Madaling
linangin at paunlarin ang mga pook na
kapatagan. Mainam ito sa pagsasaka,
Pagtatayo ng mga kabahayan at paaralan at
sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at
mga bundok.
Ito rin ang pinakamataong uri ng anyong lupa.
Dahil sa patag na lupain, mas madaling
magpagawa ng mga lugar na maaaring
gamitin ng mga tao. Sa Pilipinas, malalawak
ang mga kapatagan sa Gitnang Luzon gaya
ng Tarlac, Nueva
Ecija, Pampanga at Bulacan. Maraming produkto ang nakukuha rito tulad ng palay, mais, tubo, kamote at iba
pang mga gulay.

BAYBAYIN bahagi ng lupa na malapit sa


tabing dagat.

BULUBUNDUKIN matataas at matatarik
na bundok na magkakadikit at sunud-
sunod.

Ang BUROL higit na mas mababa ito kaysa sa


bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag
na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas.
Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga
luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung
tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.

You might also like