Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Pagwawakas ng

Komposisyon
• Mahalaga ang wakas ng komposisyon.
• Ito ang huling nababasa o naririnig kaya ito rin ang huling bagay na nakikintal
sa isip ng mambabasa at tagapakinig.
• Dahil dito, mahalagang ulitin o buurin sa wakas ang mahahalagang isipang
nababanggit sa gitna ng komposisyon.
• Mahalagang tandaan na pagkatapos matalakay ang nais ipaliwanag o masabi
ang nais isalaysay o maipamalas ang nais na mailarawan, tapusin na ang
isinusulat.
1. Ibigay ang buod ng paksa.
• Ang pagbubuod ang pinakapraktikal na gamitin sa lahat ng paraan ng
pagwawakas ng komposisyon.
• Pagbubuod--madalas itong gamitin sa pagwawakas ng isang akda.
• Sa mga uri ng talata ayon sa kalagayan nito sa komposisyon, ang nagbubuod
na talata ay ang pangwakas na talata ng komposisyon.
Halimbawa:
1. “ Sa isipang ito, maaamin nating si Rizal ay mahigpit na tagapagtaguyod ng
mga karapatang pantao at kahit na wala na siya sa ating piling, siya ay patuloy na
nagtatanggol sa ating mga karapatan sa pamamagitan ng kanyang mga kaisipan
at isinulat tungkol sa bagay na ito.” (Pangwakas na talata ng “Si Rizal at ang
Karapatang Pantao,” A.P. Tumangan)
2. “Alam kong marami pang bundok ng mga problemang kailangan nating
sampahin upang maging ganap na katotohanan ang bagay na ito. Kaya nga
ngayon, bukod sa ating sama-samang pagsisikap, magkaisa rin tayong
manalangin na ang sariling wika na natin ang gamitin sa ating lipunan, paaralan
at gobyerno upang ganap na tayong lumaya sa wika, sa isip at sa pagkatao.”
(Wakas ng talumpating “Sariling Wika Para sa Bansang Malaya,” A.P.
Tumangan)
2. Pag-iiwan ng isang tanong/mga tanong.
Halimbawa:
“Sa hamong ito ng panahon, handa ba kayo? Nasa inyo ang kasagutan, mga
kaibigan! (Wakas ng talumpating “Wikang Filipino, Galing ng Pilipino”, ni A.P.
Tumangan)
3. Mag-iwan ng hamon.
Halimbawa:
“Sa mga balikat ninyo nakasalalay ang pagtatagumpay o kabiguan ng ating
wikang Filipino. Mahalin ninyo ito at pagmalasakitan at ito’y
magtatagumpay, magwalang-bahala kayo at ito’y mabibigo!” (Wakas ng
talumpating “Istandaridisasyon ng Filipino,” A.P. Tumangan)
4. Maaaring gumawa ng panghuhula.
Halimbawa:
“Sa panahong iyon, magkahawak-kamay na nating haharapin nang buong tatag
at walang anino ng takot at pangamba ang Ngayon at ang Kinabukasan ng ating
bansa. At natitiyak ko . . . sa tulong ng ating Dakilang Lumikha . . . makakabuo
tayo ng isang bansa . . . isang Pilipinas na dakila, masagana at kaiga-igayang
panahanan.” (Wakas ng talumpating “Ang Kabataan sa Pagbuo ng Bansa,” ni
A.P. Tumangan)
5. Magwakas sa angkop na sipi.
Halimbawa:
Nais kong hiramin ang pahayag ni Rizal na “nasa inyong kabataan ang pag-asa
ng bayan sa kinabukasan.” Sasabihin ko naman ngayon, nasa inyong kabataan
ang pag-asa ng ating sariling wika.
6. Maaaring sariwain ang suliraning binanggit sa simula.
Halimbawa:
“Kailangan natin ngayon ang isang uri ng moralidad at pagiging relihiyoso na
katulad ng kay Rizal. Kailangan natin ang uri ng kanyang pananalig sa Diyos
upang matanggap nating tayo ay tagapangasiwa lamang ng Diyos sa mga bagay
na nilikha Niya sa ating kapaligiran at hindi siyang tagawasak ng mga ito dahil sa
hangarin natin sa kapangyarihan at kasakiman sa kayamanan.” (Wakas ng
sanaysay na “Si Rizal at ang Likas na Yaman,” ni A.P. Tumangan)
MARAMING SALAMAT PO! 

You might also like