Mary Jane B. Martin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

1

MGA PAKTOR NA NAKAAAPEKTO SA PERPORMANS AT ANG ISTILO SA


PAGKATUTO SA ASIGNATURANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL NG
UNIVERSITY LABORATORY SCHOOL

MARY JANE B. MARTIN

Kasamang Awtor
DR. SHANDRA GONSANG
(ADBAYSER)

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO


KABACAN, COTABATO

martin.maryjane17@gmail.com
2

Abstrak

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang paktor na nakaaapekto sa


pagkatuto sa asignaturang Filipino III ng mga mag-aaral sa taong pampaaralan 2011-2012.
Tiyak na layunin ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:
1. Maipaliwanag kung ang istilo sa pagkatuto ng mag-aaral ay may makabuluhang
kaugnayan sa kanilang perpormans sa loob ng klase.
2. Matukoy kung ang paktor demograpiko tulad ng gulang at kasarian ay may
mahalagang kaugnayan sa kanilang perpormans sa loob ng klase.
Ang mga datos na nakalap ay sinuri sa pamamagitan ng deskriptibong pag-analisa gamit
ang “frequency, percentage, at mean” sa paglalarawan ng mga baryabol sa pag-aaral. Ginamit
din ang “correlational analysis” sa pagsubok ng mga pangunahing palagay. Ang instrumentong
ginamit ay isang talatanungan o “Learning Style Survey” na gawa nina A.D. Cohen, Oxford at
Chi.
Walang makabuluhang kaugnayan sa kanilang perpormans sa loob ng klase sa
kategoryang I, II, III, IV, V, VII, VIII, at IX sa kanilang istilo sa pagkatuto ng mag-aaral.
Samantalang ang kategoryang VI ay nagsasabing ang istilo sa pagkatuto ng mag-aaral ay may
makabuluhang kaugnayan sa kanilang perpormans.
Samantalang ang paktor demograpiko tulad ng gulang at kasarian ay walang mahalagang
kaugnayan sa kanilang perpormans sa loob ng klase.

Susing Salita: paktor, nakaaapekto, perpormans, istilo sa pagkatuto, Filipino III


3

1. Introduksyon

Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ay matulungan ang mga mag-aaral na


malinang ang kanilang kakayahan tungo sa matagumpay na mithiin. Kabilang sa matagumpay
na mithiing ito ang pang-akademikong pagkatuto. Sa bawat pagkatuto ng mag-aaral ay may iba’t
ibang antas ng tagumpay na naaayon sa oras na ginugol ng bawat mag-aaral sa kanilang pag-
aaral.
Ang kabuuang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nasasalig sa iba’t ibang aspekto. Maging
ang mga bagay sa ating kapaligiran ay may malaking impluwensiya sa pagkatuto ng isang mag-
aaral. Ang mga guro at mag-aaral ay dapat magkatuwang sa prosesong pagtuturo at pagkatuto.
Maraming siyentipiko ang nagbigay katuturan sa salitang learning style o istilo sa
pagkatuto bilang organisasyon ng pag-uugali batay sa kung ano ang naririnig, nakikita at
nadarama ng isang mag-aaral. Binibigyang-diin ng pagdulog na ito na ang impormasyon ay
dumaan sa proseso at tinatanggap ng isang mag-aaral sa iba’t ibang kaparaanan. Ayon kay Barr,
(2000):
“All learning involves interplay between an individual’s brain,
the rest of the nervous system, and the environment-the surrounding world.”

Ang pagtuturo ay isang sining. Ito ay isang propesyong nangangailangan ng ibayong


talino, pag-unawa at lawak ng karanasan sa pakikisama sa mga indibidwal mula sa iba’t ibang
antas. Sa gawaing ito laging kasama ng isang guro ang hangarin na mapataas ang perpormans ng
kanyang mag-aaral.
Ang papel ng isang guro bilang bukal ng karunungan at mga kasaysayan ay
kailangang mabago para maging ka-iskolar at ka-mag-aral ng maunlad na teknolohiyang
edukasyonal, kasangguni at tagapayo, kaibigan sa halip na tagapagdisiplina, kasamang
intelektuwal sa halip na tagahusga. Ang pagtuturo ay hindi pagsisiksik ng kaalaman sa utak ng
mag-aaral kundi pagpapakita sa kanya kung paano kukuha ng kaalaman para sa kanyang sarili.
Nararapat lamang na bigyan ng konsiderasyon ng isang guro ang kakayahan ng isang
mag-aaral sa pamamagitan ng iba’t ibang learning style o istilo sa pagkatuto na aakma sa kanila.
Malaki ang impluwensiya sa buhay ng mag-aaral ang guro, na siyang pangalawang magulang sa
paaralan. Pinatunayan ng mga mag-aaral na ang personalidad at kakayahan ng guro sa pagtuturo
ay may malaking kinalaman sa pagsulong ng mga mag-aaral sa paglinang ng kanilang pag-uugali
at pagkatuto. Samakatuwid, ang isang guro ay may malaking bahagi sa tagumpay o sa kabiguan
ng isang mag-aaral.
Ang pag-aaral ng istilo sa pagkatuto sa asignaturang Filipino ay isang natatanging
kumbinasyon ng mga pangunahing paraan ng pagpoproseso ng impormasyon pati na rin ang iba't
ibang pamamaraan at estratehiyang ginagamit.
Bawat mag-aaral ay may iba’t ibang kakayahan. Natututo sila batay sa estilong
ginagamit ng guro sa pagtuturo. Ang isang mag-aaral ay natututo sa paksang aralin kapag sila’y
tinuturuan gamit ang akmang estratehiya at pagdulog. Pinatutunayan ito ni R. Dunn, 1996:

“ Learning style is the way in which each individual learner


begins to concentrate on, process, absorb and retain new and
4

difficult information. Students are not failing because of the


curriculum. Students can learn any subject matter when they
are taught with methods and approaches responsive to their
learning styles and strengths.”

Pinalalabas lagi na ang hindi pagkatuto ng ilang mag-aaral ay dahil sa kahinaan o


pamamaraan ng isang guro sa pagtuturo. Kaya nararapat lamang na ihantad ang mga mag-aaral
sa iba’t ibang makatotohanang gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na pagkatuto at
pagtuturo. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat at mga magasin, palikhain ng
tula na malalapatan ng himig, pasulatin ng isang maikling dula, paguhitin ng magandang
tanawin, pasalihin sa mga interaktibong talakayan- lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing
matibay na pundasyon sa pagkakaroon ng maunlad na pagkatuto ng mag-aaral (Badayos, 1999).
Lumilitaw sa maraming pagkakataon na may mga mag-aaral na totoong mahirap matuto
sa maraming kadahilanan. Pangunahin sa mga ito ay may kinalaman sa mga salik na personal,
sosyal, kultural at politikal. Nangangahulugan lamang na ang bawat mag-aaral ay may kani-
kaniyang likas na kakayahan sa pag-aaral at dapat lang na asahang may nauuna at may nahuhuli
sa pagkatuto.
Lalong magiging matagumpay ang isang guro sa kanyang pagtuturo kung malaman niya
at nauunawaan ang katangian at learning style o istilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral na
kanyang tinuturuan. Nangangahulugan lamang na malaki ang pananagutan ng mga guro sa
matagumpay na pagtuturo at pagkatuto. Ang buong katauhan, saloobin, panlahat na kaalaman at
estilo sa pagtuturo ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon o pagkawala ng interes o
kawilihan ng mga bata (Belvez, 1991).
Ang kabuuang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nasasalig sa iba’t ibang aspekto. Maging
ang mga bagay sa ating kapaligiran ay may malaking impluwensiya sa pagkatuto ng isang mag-
aaral. Ang mga mag-aaral at guro ay dapat magkatuwang sa prosesong pagkatuto at pagtuturo.
Kaya ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang mga paktor na nakaaapekto
sa pagkatuto at ang learning style o istilo sa pagkatuto sa asignaturang Filipino ng mga mag-
aaral sa University Laboratory School.

1.1 Layunin ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang paktor na nakaaapekto sa


pagkatuto sa asignaturang Filipino III ng mga mag-aaral sa taong pampaaralan 2011-2012.
Tiyak na layunin ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:
1. Maipaliwanag kung ang istilo sa pagkatuto ng mag-aaral ay may makabuluhang
kaugnayan sa kanilang perpormans sa loob ng klase.
2. Matukoy kung ang paktor demograpiko tulad ng gulang at kasarian ay may
mahalagang kaugnayan sa kanilang perpormans sa loob ng klase.
5

1.2 Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ang maglalantad ng learning style o istilo sa pagkatuto sa


asignaturang Filipino ng mga mag-aaral ng University Laboratory School sa taong pampaaralan
2011-2012. Ang mga impormasyong makakalap ay magiging kapaki-pakinabang para sa mga
mag-aaral, guro at administrador.
Sa panig ng mag-aaral, ito’y magbibigay sa kanila ng kabatiran hinggil sa iba’t ibang
learning styles o istilo sa pagkatuto. Ang mga impormasyong makukuha ay makatutulong sa
kanila upang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pag-aaral. Malalaman din nila ang kanilang
learning style o istilo sa pagkatuto sa asignaturang Filipino na siyang magiging daan upang
makakuha ng mataas na grado. Malilinang din sa kanila ang halaga ng pag-aaral at ang
pagkagiliw sa paaralan dahil sa mga gurong makatutulong sa kanila sa madaliang pagkatuto.
Dito malalaman ng mga mag-aaral na ang hindi nila pagtugon sa gawaing pampaaralan ay
magbubunga ng kawalang kabuluhan.
Sa panig naman ng guro, ang pag-aaral na ito’y magbibigay ng impormasyon kung paano
nila tuturuan ang mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Filipino na gamit ang iba’t ibang
learning styles o istilo sa pagkatuto na akma sa abilidad at kakayahan ng bawat mag-aaral.
Magiging instrumento rin ang pag-aaral na ito upang sila’y maging isang mahusay at epektibong
guro sa asignaturang Filipino. Ang magiging resulta rin ng pag-aaral na ito ay pakikinabangan ng
mga guro sapagkat makakahanap sila ng higit na mabisang paraan ng pagtuturo sa asignaturang
Filipino. Makatutulong din ito sa mga guro sa paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo at
pagbabalangkas ng sitwasyong magagamit sa pagtuturo at pagkatuto ng bawat mag-aaral.
Sa mga administrador, ito’y magbibigay kamulatan sa kanila na dapat silang mag-isip o
gumawa ng programa upang lalong mapaunlad at malinang ang kakayahan ng mga guro sa
pagtuturo ng asignaturang Filipino.
Higit sa lahat, ang pag-aaral na ito’y magiging gabay ng mga gustong manaliksik hinggil
sa learning style o istilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

2. METODOLOHIYA

Ang nilalaman ng tsapter na ito ay ang pamaraang ginamit sa pag-aaral. Sinaklaw nito
ang disenyo ng pag-aaral, lugar ng pag-aaral, ang mga respondente, ang instrumentong ginamit,
ang paraan ng pagtipon ng mga datos, ang pagpapakahulugan sa mga datos at ang uri ng
istatistikang ginamit sa pag-analisa ng mga datos.

2.1 Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng “correlational” at deskriptibong pagsusuri at


pagsiyasat sa mga nakalap na datos at mga impormasyong kinailangan sa pag-aaral.
6

2.2 Lugar ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa University Laboratory School, ang paaralang


sekondarya ng University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato. Isinagawa ang pag-aaral sa
taong panuruan 2011-2012.

2.3 Pamaraan sa Pagpili ng mga Respondente

Ginamit ng mananaliksik ang “complete enumeration” sa pagkuha ng mga respondente


sa pag-aaral na ito. Lahat ng mga nasa ikatlong antas ng sekondarya ng taong pampaaralan 2011-
2012 ng paaralang ULS-USM ang siyang ginamit na respondente.

2.4 Instrumentong Ginamit

Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay isang talatanungan na binubuo ng


dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay tungkol sa sosyo-demograpikong katayuan ng mga
respondente at ang ikalawang bahagi ay ang “Learning Style Survey” na gawa nina A.D. Cohen,
R.L. Oxford, and J.C. Chi (1995). Ang talatanungang ito ay sadyang dinisenyo nina Cohen,
Oxford at Chi upang malaman ang pangkalahatang pagdulog sa pagkatuto sa iba’t ibang larangan
ng karunungan. Nakasulat sa wikang Ingles ang orihinal na kopya nito kaya ito ay isinalin ng
mananaliksik sa wikang Filipino sa patnubay ng kanyang tagapayo. Lahat ng nakapaloob sa
talatanungan ay isinalin ngunit hindi lahat ay isinama sa pananaliksik na ito. Pinili lamang ang
mga katanungang angkop para sa mga respondente, tumutugon sa layunin ng pag-aaral na ito at
yaong may tiyak na kaugnayan sa istilo ng pagkatuto sa wikang Filipino bilang asignatura. Ang
pangkalahatang istilo sa pagkatuto sa asignaturang Filipino ang siyang tuon ng pag-aaral kaya
dito itinuon ang direksyon ng bawat tanong sa talatanungang ginamit sa pananaliksik na ito.
Ang talatanungang ito ay binubuo ng siyam na kategorya sa bawat learning style, na sa
kabuuan ay binubuo ng 99 palarawang pagpapahayag. Ang binilugan ng respondente ay
kasagutan nito na ayon sa kanyang pagtugon.
Sa bawat bilang, ang pagbigay ng puntos ay: 0 para sa hindi, 1 para sa bihira, 2 para sa
paminsan-minsan, 3 para sa madalas at 4 para sa palagi.
Sa kategoryang I, tatlong learning style ang maaaring maging kasagutan: Visual,
Auditory at Tactile o Kinesthetic. Sa kategoryang II ay dalawa lamang ang maaaring naging
learning style: Extraverted at Introverted. Sa kategoryang III naman ay Random-Intuitive at
Concrete-Sequential, sa kategoryang IV naman ay Closure-Oriented at Open-Oriented ang
maaaring naging learning style ng mag-aaral. Subalit sa kategoryang V ang pagpipiliang learning
style ay Global at Particular; sa kategoryang VI ay Synthesizing at Analytic; sa kategoryang VII
ay Sharpener at Leveler; sa kategoryang VIII ay Deductive at Inductive at sa kategoryang IX ay
Field-Independent at Field-Dependent.
7

2.5 Paraan sa Pagtitipon ng mga Datos

Bago ipinamudmod ang mga talatanungan sa mga respondente, ang mga sumusunod na
hakbang ay isinagawa:
Ang mananaliksik ay sumulat ng liham na humingi ng pahintulot na maipamudmod ang
mga talatanungan sa mga mag-aaral na nasaklaw ng pag-aaral. Inihatid nang personal ang liham
sa prinsipal ng paaralan. Pagkatapos makuha ang permiso, ipinamudmod na ng mananaliksik ang
mga talatanungan.
Ang ginawang pagsasalin sa nasabing talatanungan na likha nina A.D. Cohen, R.L.
Oxford, and J.C. Chi (1995) ay isinangguni sa gurong tagapayo upang masuri at lalong
mapaghusay para sa katiyakan ng pagkamit sa layunin ng pananaliksik na ito. Sinikap na
maging tapat sa orihinal ang salin upang hindi maiba ang kahulugan nito. Sa pagsasakatuparan
nito gumamit ng “back translation” ang mananaliksik.
Pagkatapos nito, isa-isang ipinamudmod ng mananaliksik ang mga talatanungan sa mga
respondente na kanya ring mga mag-aaral , binigyan ng sapat na oras ang lahat ng respondente
upang mapagkuro at masagot nang buong kahusayan at katapatan ang lahat ng mga tanong sa
talatanungan, pagkatapos saka muling kinolekta.

2.6 Ang Istatistikang Ginamit

Ang mga datos na nakalap ay sinuri sa pamamagitan ng deskriptibong pag-analisa na


gamit ang “frequency, percentage, at mean” sa paglarawan ng mga baryabol sa pag-aaral.
Ginamit din ang “correlation analysis” sa pagsubok ng mga pangunahing palagay o hipotesis.
8

3. Resulta ng Pag-aaral

Talahanayan 1. Ugnayan ng learning style at perpormans ng mga Respondente ng


University Laboratory School ng USM, Kabacan, Cotabato, 2011-
2012.

       

Cramer Chi-square
LEARNING STYLE Coefficient Value Probability
       

I. Paano ko ginagamit ang aking mga


Pandama 0.209 10.384 ns 0.109

II. Paano ko inilalantad ang aking sarili sa


mga sitwasyong pangkaalaman 0.232 6.401 ns 0.094

III. Paano ko pinangangasiwaan ang mga


posibilidad 0.107 1.353 ns 0.716

IV. Paano ko hinaharap ang mga di-


katiyakan at takdang oras o panahon 0.108 1.393 ns 0.707

V. Paano ko tinatanggap ang impormasyon 0.084 0.849 ns 0.838

VI. Paano ko pinoproseso ang mga


impormasyon 0.257 7.846* 0.049

VII. Paano ako nagsasaulo 0.094 1.044 ns 0.791

VIII. Paano ko binibigyang halaga ang mga


tuntunin sa wika 0.213 5.382 ns 0.146

IX. Paano ko tinatanggap ang maramihang


impormasyon o input 0.079 0.740 ns 0.864
       

ns = not significant at 5% level


* = significant at 5% level
9

Ugnayan ng Learning Style o Istilo sa Pagkatuto at ng Perpormans

Kapag ang isang mag-aaral ay nahaharap sa isang sitwasyong pagkatuto na kung paano

niya gamitin ang kanyang pandama, ipinapakita ng apendiks talahanayan 1a na ang mga

respondente ay may istilong visual sa pagkatuto na nakakuha ng mataas na bahagdang 69.9 na

may perpormans na 66%-85%. Pumapangalawa ang auditory na may bahagdang 16.9 at pangatlo

ang tactile/kinesthetic na may bahagdang 8.4 na may parehong 66%-85% na perpormans.

Ipinakikita rin ng chi-square test na ang perpormans sa asignaturang Filipino III ay walang

makabuluhang kaugnayan sa kanilang preperensyang istilo sa pagkatuto sa unang kategorya

(Chi-square Value = 10.384, p = 0.109).

Samantalang ipinakikita ng apendiks talahanayan 1b na ang mga respondente ay may

istilong extroverted na nakakuha ng pinakamataas na bahagdang 48.2 at introverted na may

bahagdang 47.0 na parehong may perpormans na 66%-85% na sumasagot kung paano nila

ilalantad ang kanilang sarili sa mga sitwasyong pangkaalaman. Ipinakikita rin ng chi-square test

na ang perpormans sa asignaturang Filipino III ay walang makabuluhang kaugnayan sa kanilang

preperensyang istilo sa pagkatuto sa ikalawang kategorya (Chi-square Value = 6.401, p = 0.094).

Sa ikatlong kategorya na makikita sa apendiks talahanayan 1c, kung paano nila

pinangasiwaan ang mga posibilidad, lumabas sa pag-aaral na istilong concrete-sequential ang

may pinakamataas na bahagdan 53.0 sa pagkatuto na may 66%-85% na perpormans sa

asignaturang Filipino III. Pumapangalawa ang random-intuitive na may bahagdang 42.2 na may

66%-85% na perpormans. Lumabas sa chi-square test na ang perpormans sa asignaturang


10

Filipino III ay walang makabuluhang kaugnayan sa kanilang preperensyang istilo sa pagkatuto sa

ikatlong kategorya (Chi-square Value = 1.353, p = 0.716).

Sa ikaapat na kategorya ng talatanungan, kung paano nila hinaharap ang mga di-

katiyakan at takdang oras o panahon ay ipinakikita ng apendiks talahanayan 1d na ang mga

respondente ay may istilong open-oriented na nakakuha ng pinakamataas na bahagdang 51.8 na

may 66%-85% na perpormans. Pangalawa naman ang istilong closure-oriented na may

bahagdang 43.4 na may 66%-85% na perpormans. Lumabas sa ginawang chi-square test na ang

perpormans sa asignaturang Filipino III ay walang makabuluhang kaugnayan sa kanilang

preperensyang istilo sa pagkatuto sa ikaapat na kategorya (Chi-square Value = 1.393, p = 0.707).

Ipinakikita naman ng apendiks talahanayan 1e na ang pinakamataas ay ang istilong

particular sa pagkatuto na may bahagdang 66.3 na may 66%-85% na perpormans. Sumunod

naman ang mga respondenteng may 28.9% bahagdan naman na may istilong global na may 66%-

85% perpormans sa kategoryang panlima na sumasagot kung paano nila tinatanggap ang

impormasyon. Ipinakikita ng chi-square test na ang perpormans sa asignaturang Filipino III ay

walang makabuluhang kaugnayan sa kanilang preperensyang istilo sa pagkatuto sa ikalimang

kategorya (Chi-square Value = 0.849, p = 0.838).

Sa ikaanim na kategorya, kung paano nila pinoproseso ang mga impormasyon ay

lumabas sa pag-aaral na synthesizing ang istilo sa pagkatuto ng mga respondenteng nakakuha ng

pinakamataas na bahagdang 55.4 na ipinakikita ng apendiks talahanayan 1f na may 66%-85% na

perpormans sa asignaturang Filipino III. Sumunod ang analytic na istilo sa pagkatuto na may

66%-85% na perpormans sa asignaturang Filipino III na may bahagdang 39.8. Lumabas sa


11

ginawang chi-square test na ang perpormans sa asignaturang Filipino III ay may makabuluhang

kaugnayan sa kanilang preperensyang istilo sa pagkatuto sa ikaanim na kategorya (Chi-square

Value = 7.846, p = 0.049).

Lumabas sa pag-aaral na marami sa mga respondente ay may istilong synthesizing sa

pagkatuto. Ito’y nangangahulugan na sila’y higit na matuto sa asignaturang Filipino kumpara sa

mga may istilong analytic sa pagkatuto. Sapagkat ang mag-aaral na mahilig gumawa ng

pagbubuod, natutuwa sa paghula ng mga kahulugan, kahihinatnan ng isang bagay at madaling

nahahalata ang pakakatulad ng isang bagay.

Pinatunayan ito ng pag-aaral nina Irvine at York (1995) na kapag ang learning style ng

isang mag-aaral ay umakma sa kakayahan ng isang mag-aaral, ito’y magdudulot ng magandang

perpormans at matagumpay na pagkatuto.

Sa ikapitong kategorya, kung paano ang mag-aaral ay magsaulo ay kapansin-pansin na

istilong leveler ang may pinakamataas na bahagdang 55.4% na may 66%-85% perpormans at

39.8% para sa istilong sharpener sa pagkatuto na ipinakikita ng apendiks talahanayan 1g na may

66%-85% na perpormans sa asignaturang Filipino III. Lumabas sa ginawang chi-square test na

ang perpormans sa asignaturang Filipino III ay walang makabuluhang kaugnayan sa kanilang

preperensyang istilo sa pagkatuto sa ikapitong kategorya (Chi-square Value = 1.044, p = 0.791).

Sa ikawalong kategorya, kung paano nila binibigyang halaga ang mga tuntunin sa wika

ay kapansin-pansin na ang pinakamataas na istilo ay deductive sa pagkatuto na may bahagdang

56.6 at may 66%-85% na perpormans na ipinakikita ng talahanayan apendiks 1h. Pangalawa

naman ang istilong inductive sa pagkatuto na may bahagdang 38.6 na may 66%-85% na
12

perpormans sa asignaturang Filipino. Ipinakikita ng chi-square test na ang perpormans sa

asignaturang Filipino III ay walang makabuluhang kaugnayan sa kanilang preperensyang istilo

sa pagkatuto sa ikawalong kategorya (Chi-square Value = 5.382, p = 0.146).

Sa pangsiyam na kategorya, mapapansin na ang may pinakamataas na bahagdan 56.6

istilo sa pagkatuto ay ang istilong field-dependent kung paano nila tinatanggap ang maramihang

impormasyon o input na ipinakikita sa apendiks talahanayan 1i. Pumapangalawa ang istilong

field-independent sa pagkatuto na may bahagdang 38.6% na may 66%-85% na perpormans sa

asignaturang Filipino III. Lumabas sa ginawang chi-square test na ang perpormans sa

asignaturang Filipino III ay walang makabuluhang kaugnayan sa kanilang preperensyang istilo

sa pagkatuto (Chi-square Value = 0.740, p = 0.864).

Talahanayan 2a. Ugnayan ng kasarian at perpormans ng mga Respondente ng University Laboratory


School ng USM, Kabacan, Cotabato, 2011-2012.

                   

KASARIAN PERPORMANS
15% - 34% 35% - 65% 66% - 85% 86% - 95% TOTAL
  n % n % n % n %  

Male 3 5.3 21 36.8 32 56.1 1 1.8 57


Female 0 0.0 15 26.3 47 82.5 0 0.0 62
                   

TOTAL 3 2.5 36 63.2 79 138.6 1 1.8 119


                   

Cramer Coefficient = 0.254


Chi-square Value = 7.652 ns
Degrees of Freedom = 3
Probability = 0.054
13

ns = not significant at 5% level


* = significant at 5% set level

Legend:
15% - 34% = Low Mastery
35% - 65% = Average Mastery
66% - 85% = Moving Towards Mastery
86% - 95% = Closely Approximatin Mastery

Ugnayan ng Kasarian at ang Learning Style o Istilo sa Pagkatuto

Ipinakikita ng talahanayan 2a na ang mga babae ang may pinakamataas na bahagdan 82.5

na may perpormans sa asignaturang Filipino III na 66%-85% na ang ibig ipakahulugan ay

“Moving Towards Mastery”. Samantalang ang mga lalaki ay may bahagdang 56.1 na may 66%-

85% na perpormans sa asignaturang Filipino III na may kahulugang “Moving Towards

Mastery”. Lumabas din sa pag-aaral na mas mataas ang perpormans ng mga babae kaysa lalaki.

Pinatunayan ito ng pag-aaral ni Lopez (1995), na mas matagumpay ang mga babae

pagdating sa akademikong performans kaysa mga lalaki at ang pahayag na ito’y sinang-ayunan

din ni Depakakibo (1997).

Subalit ipinakikita ng chi-square test na ang kasarian ay walang mahalagang kaugnayan

sa kanilang perpormans sa asignaturang Filipino III. (Chi-square Value = 7.652, p = 0.054).


14

Talahanayan 2b. Ugnayan ng gulang at perpormans ng mga Respondente ng University Laboratory


School ng USM, Kabacan, Cotabato, 2011-2012.
                   

GULANG PERPORMANS
15% - 34% 35% - 65% 66% - 85% 86% - 95% TOTAL
  n % n % n % n %  

13 - 14 2 3.4 19 32.8 36 62.1 1 1.7 58


15 - 16 1 1.6 17 29.3 43 74.1 0 0.0 61
                   

TOTAL 3 2.5 36 62.1 79 136.2 1 1.7 119


                   

Cramer Coefficient = 0.129


Chi-square Value = 1.990 ns
Degrees of Freedom = 3
Probability = 0.574

ns = not significant at 5% level


* = significant at 5% set level

Legend:
15% - 34% = Low Mastery
35% - 65% = Average Mastery
66% - 85% = Moving Towards Mastery
86% - 95% = Closely Approximating Mastery

Ugnayan ng Gulang at Ang Learning Style o Istilo sa Pagkatuto

Ipinakikita ng talahanayan 2b na ang mga respondenteng may edad na 15-16 ang


nakakuha ng pinakamataas na bahagdan 74.1 na may 66%-85% na perpormans sa asignaturang
Filipino. Samantalang ang may gulang na 13-14 ay nakakuha ng bahagdang 62.1 na may
perpormans sa asignaturang Filipino na 66%-85% na ang ibig ipakahulugan ay “Moving
Towards Mastery”.
Lumabas sa pag-aaral na mas mataas ang perpormans ng mga mag-aaral na may gulang
na 15-16 kumpara sa mas batang mag-aaral na may gulang na 13-14.
Subalit ipinakikita ng chi-square test na ang gulang ay walang mahalagang kaugnayan sa
kanilang perpormans sa asignaturang Filipino III. (Chi-square Value = 1.990, p = 0.574).
15

Pinatunayan ito ng pag-aaral ni Brown na ayon sa kanya hindi totoong mas madaling
matuto ng pangalawang wika ang mga bata. May patunay na marami rin silang mga pagsisikap
na ginawa upang matutunan ang kanilang una at pangalawang wika (Brown, 1994). Ang
kaibahan sa pagkatuto ng wika sa pagitan ng mga bata at may edad na mag-aaral ay nababatay sa
likas at natural na paraan ng pagsasalita ng mga bata at kalimitang hindi nila binibigyang pansin
ang anyo ng wikang sasabihin. Samantalang sa isang may edad na nag-aaral ng wika, tahasang
binibigyan niya ng pokus ang salitang bibigkasin at pinag-iisipang mabuti ang anyo ng wikang
kanyang sasalitain.

4. Kongklusyon

Pagkatapos ng ginawang pananaliksik, ay humantong sa mga sumusunod na


pangkalahatang kongklusyon:
1. Iminumungkahi sa mga guro na dapat bigyan ng sapat at pantay na pagkakataon ang bawat
mag-aaral upang makamit ang ganap na pagkatuto sa asignaturang Filipino.
2. Ang isang guro ay dapat gumawa ng isang epektibong banghay-aralin na maaaring gamitan
ng iba’t ibang estratehiya o pamamaraan sa pagtuturo upang magkaroon ng makabuluhang
pagtuturo na umaayon sa bawat mag-aaral.
16

APENDIKS
PANSARILING TALAMBUHAY

Pangalan: MARY JANE BENITO MARTIN


Petsa ng Kapanganakan: Ika-04 ng Enero, 1986
Lugar ng Kapanganakan: Lower Calarian, Zamboanga City
Anak: ELIZALDE BENITO MARTIN, Jr.

LUGAR NA PINAG-ARALAN

Elementarya: Katidtuan Central Elementary School 1999 1st Honorable Mention


Katidtuan, Kabacan, Cotabato

Sekundarya: University Laboratory School 2003 Salutaturian


USM, Kabacan, Cotabato

Kolehiyo: University of Southern Mindanao 2007 Cum Laude


Kabacan, Cotabato

Dalubhasaan: Doctor of Philosophy in Filipino


(on-going)
Mindanao State University-IIT
Iligan City

Master of Arts in Language Teaching (Fil) 2012


University of Southern Mindanao
Kabacan, Cotabato

PINAGTURUANG LUGAR

Misamis Oriental State College of Agriculture and Technology 2007


Claveria, Misamis Oriental

University of Southern Mindanao


Kabacan, Cotabato 2008-

Present
17

TALASANGGUNIAN

a.) Di-Limbag na Tesis

ALAMADA, RUBEN K. 2007. Learning Style and Multiple Intelligence Among Students of
Pikit National High School S.Y. 2006-2007. Master’s Thesis. USM. Kabacan,
Cotabato.

ALELIGAY, R. 1982. Relations Between Certain Variables and Students’ Performance in


College Chemistry. Master’s Thesis, Colegio de la Purisima Conception, Roxas
City.

ARANCES, L. 1975. The Impact in Nationalism among The Fourth Year High School Students
of Central Mindanao University, School Year 1974-1975. Master’s Thesis.
Lyceum of Baguio, Baguio City.

BAGUIO, V. 1990. Ang mga Saloobin ng mga Guro sa Filipino bilang Wikang Panturo sa
Paaralang Elementarya ng Pitong Distrito sa Timog Bukidnon. Master’s Thesis,
CMU, Musuan, Bukidnon.

BANGKULIT, E. 2011. Mga Salik na Nakaaapekto sa Pasalitang Pagpapahayag sa Wikang


Filipino ng mga mag-aaral sa unang taon, Pamantasan ng Katimugang Mindanao.
Mater’s Thesis. USM. Kabacan, Cotabato.

DUNN; DUNN and PRICE (1978). Teaching Students Through Their Individual Learning
Styles. Reston, V A.

GILLAMAC, I. 1991. The Status of the Implementation of the Bilingual Education Program in
the Secondary Schools in Bukidnon as Perceived by Administrators and Teachers.
Ph.D. Dissertation. Central Mindanao University, Musuan, Bukidnon.

GONZALES, A. 1998. Ang Pagtuturo ng Filipino sa Antas Tersyarya, Susing Talumpati sa


Pambansang Seminar sa Pagpapatupad ng Filipinong Language Component ng
New General Education Curriculum, Manila Philippine Normal University.

HEBRON, R. 1991. Factors Associated with Student’s Academic Achievement and Evaluation
Practices of the Faculty in Central Mindanao University. First Semester 1989-
1990. Ph.D. Dissertation, Central Mindanao University, Musuan, Bukidnon.

KOLB. 1984. Experimental Learning: Experience As The Source of Learning and Development.
Englewood Cliffs, NJ: Prentice Hall.
18

LADICA, T.N. 2003. Isang Panukalang Karagdagang Pagtuturo sa Filipino 4 sa Paaralang


Dagat Kidavao Christian Academy. CMU, Musuan, Bukidnon.

LAGASCA, V. 1984. Attitude of the Students towards Filipino as a Medium of Instruction in


Secondary Home economics, School Year 1982-1983. Masteral Thesis. CEU.
Manila.

MONTA, F.D. 1995. Statistical Analysis of Factors Affecting Academic Performance. Master’s
Thesis. UPLB College Laguna.

NELSON. 1995. Cultural Differences In Learning Styles. In Reid, J. (Ed.), Learning Styles In
the ESL/EFL Classroom, 3-18. Boston, MA: Heile & Heinle.

PA-ALISBO, A. Q. 20011. Some factors Influencing the Performance and Learning Styles of
Grade IV Pupils in Kidapawan City Division. Dissertation. USM. Kabacan,
Cotabato.

PENARANDA, T.G. 1995. Ang Paglinang ng Kagamitang Panturo sa Filipino para sa


Ikalawang Taon ng Mataas na Paaralan ng San Andres. Central Mindanao
University, Musuan, Bukidnon.

PENGIRAN-JADID.1998. Analysis of the Learning Styles, Gender, and Creativity of Bruneian


Performing and Non-Performing Primary and Elite and Regular Secondary
School Students and Their Teacher’s Teaching Styles. Doctoral Dissertation. St.
John’s University, 1998. Dissertation Abstracts International, 59(06), 1893A.

TAGLUCOP, L.M. 2006. Reading Speed and Levels of Comprehension Among the College
Freshmen Students of Southern Christian College, Midsayap, Cotabato.

TALMADGE & SHEARER.1969. Relationship Among Learning Styles, Instructional


Methods and the Nature of Learning Experiences. Journal of Educational
Psychology.

VILLA, F. 2003. Factors Affecting Teaching Efficiency and Pupil Achievement in Edukasyong
Pantahan at Pangkabuhayan in District Bagumbayan II, Division of Sultan
Kudarat. Master’s Thesis. USM. Kabacan, Cotabato.

WEHRWEIN & DICARLO. 2007. Gender Differences in Learning Style Preferences Among
Undergraduate Physiology Students. Advances in Physiology Education,
31(2), 153-157.
19

b.) Mga Aklat

AQUINO, F. et.al, 2001. Sining ng Komunikasyon. Manila. National Book Store.

BARR, P. S. 2000. The Learning Process. New York: Henry Holt and Company.

BELVEZ, P. 2000. Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Quezon City. Rex Printing Company
Inc.

BUGELSKI, H.A. 1998. The Psychology of Learning. New York: Holt, Rinehart and Winston,
Inc.

COPPER, DAVID. 1991. A Practical Handbook of Language Teaching. Cassell Prentice Hall.

ELLIS.1985. Understanding Second Language Acquisition. Oxford, England: Oxford University


Press.

HONEY and MUNFORD. 1992. The Manual of Learning Styles. Maidenhead: Peter Honey
Publications.

IRVINE and YORK. 1995. Learning Styles Culturally Diverse Students: A Literature Review.
In Handbook of Research on Multicultural Education. James A. Banks (Ed.) New
York: Simon & Schuster Macmillan.

ITTELSON, J.C. 2000. Audiovisual Education, Encarta Encyclopedia.

JAVIER, C. 1979. Makabagong Pilipino Para sa Kolehiyo. Phoenix Press, Inc. Quezon City.

KEEFE. 1979. Learning Style. An overview. In J.W. Keefe (Ed.), Student Learning Styles:
Diagnosing and Prescribing Programs. Reston, V A: National Association of
Secondary School Principals.

KRAUSE.2003. How we Learn and Why We Don’t (4th Ed.). Mason, OH: Thomson Custom
Publishing.

SKINNER, B.F. 1957. Verbal Behavior. New Verbal Behavior. New York: Appletons.
Century Crafts.

STEWART & FELICETTI (1992). Learning Style of Marketing Majors. Educational Research
Quarterly.
20

CLARK, R. 2009. Building Student Achievement: In-School and Out-of-School Factors.


http://www.ncrel.org/policy/pubs/html/pivol13/dec2002c.htm

FUJITA, K. 2009. The Effects of Extracurricular Activities on the Academic Performance of


Junior High Studentds.
http://www.kon.org/urc/v5/fujita.html

HOLLRAH, R. 2009. Extracurrilar Activities.

LI, CHEN, AND TSAI 2008. A Comparison of the Learning Styles Among Different Nursing
Programs In Taiwan: Implications For Nursing Education. Nurse Education
Today.

http://www.public.iastate.edu/-rhetoric/1051+17/rhd/lrah/.cof.html

(http://www.learnig_styles_online.com/inventory).

(http//www.carla.umn.edu/about/Profiles/CohenPapers/Learningstyles_survey.pdf)

(http://ww.mb.com.ph)
21

Apendiks Talahanayan 1a. Ugnayan ng Learning Styl at Perpormans kung Paano nila
Ginagamit ang Kanilang Pandama ng mga Respondente
University Laboratory School ng
USM, Kabacan, Cotabato, 2011-2012

                   

LEARNING STYLE PERPORMANS


15% - 34% 35% - 65% 66% - 85% 86% - 95% TOTAL
  n % n % n % n %  

Visual 1 1.2 24 28.9 58 69.9 0 0.0 83


Auditory 2 8.7 6 7.2 14 16.9 1 1.2 23
Tactile/Kinesthetic 0 0.0 6 7.2 7 8.4 0 0.0 13
                   

TOTAL 3 2.5 36 43.4 79 95.2 1 1.2 119


                   

Cramer Coefficient = 0.209


ns
Chi-square Value = 10.384
Degrees of Freedom = 6
Probability = 0.109

ns = not significant at 5% level


* =significant at 5% level

Legend:
15% - 34% = Low Mastery
35% - 65% = Average Mastery
66% - 85% = Moving Towards Mastery
86% - 95% = Closely Approximating Mastery
22

Apendiks Talahanayan 1b. Ugnayan ng Learning Style at Perpormans kung Paano nila
Inilalantad ang kanilang Sarili sa mga Sitwasyong
Pangkaalaman ng mga Respondente ngUniversity Laboratory
School ng USM, Kabacan, Cotabato, 2011-2012.

                   

LEARNING STYLE PERPORMANS


15% - 34% 35% - 65% 66% - 85% 86% - 95% TOTAL
  n % n % n % n %  

Extroverted 0 0.0 23 27.7 40 48.2 0 0.0 63


Introverted 3 5.4 13 15.7 39 47.0 1 1.2 56
                   

TOTAL 3 2.5 36 43.4 79 95.2 1 1.2 119


                   

Cramer Coefficient = 0.232


Chi-square Value = 6.401 ns
Degrees of Freedom = 1
Probability = 0.094

ns = not significant at 5% level


* =significant at 5% level

Legend:
15% - 34% = Low Mastery
35% - 65% = Average Mastery
66% - 85% = Moving Towards Mastery
86% - 95% = Closely Approximating Mastery
23

Apendiks Talahanayan 1c. Ugnayan ng Learning Style at Perpormans kung Paano nila
Pinangangasiwaan ang mga Posibilidad
ng mga Respondente ngUniversity Laboratory School ng
USM, Kabacan, Cotabato, 2011-2012

                   

LEARNING STYLE PERFORMANCE


15% - 34% 35% - 65% 66% - 85% 86% - 95% TOTAL
  n % n % n % n %  

Random-Intuitive 1 1.9 18 21.7 35 42.2 0 0.0 54


Concrete=Sequential 2 3.1 18 21.7 44 53.0 1 1.2 65
                   

TOTAL 3 2.5 36 43.4 79 95.2 1 1.2 119


                   

Cramer Coefficient = 0.107


Chi-square Value = 1.353 ns
Degrees of Freedom = 1
Probability = 0.716

ns = not significant at 5% level


* =significant at 5% level

Legend:
15% - 34% = Low Mastery
35% - 65% = Average Mastery
66% - 85% = Moving Towards Mastery
86% - 95% = Closely Approximating Mastery
24

Apendiks Talahanayan 1d. Ugnayan ng Learning Style at Perpormans kung Paano nila
Hinaharap ang mga di-Katiyakan at ang Takdang Oras o
Panahon ng mga Respondente ngUniversity Laboratory
School ng USM, Kabacan, Cotabato, 2011-2012.

                 

LEARNING STYLE PERPORMANS


15% - 34% 35% - 65% 66% - 85% 86% - 95% TOTAL
  n % n % n % n %  

Closure-Oriented 1 1.9 16 19.3 36 43.4 1 1.2 54


Open 2 3.1 20 24.1 43 51.8 0 0.0 65
                   

TOTAL 3 2.5 36 43.4 79 95.2 1 1.2 119


                   

Cramer Coefficient = 0.108


Chi-square Value = 1.393 ns
Degrees of Freedom = 3
Probability = 0.707

ns = not significant at 5% level


* =significant at 5% level

Legend:
15% - 34% = Low Mastery
35% - 65% = Average Mastery
66% - 85% = Moving Towards Mastery
86% - 95% = Closely Approximating Mastery
25

Apendiks Talahanayan 1e. Ugnayan ng Learning Style atPerpormanskung Paano nila Tinatanggap ang
Impormasyon ng mga Respondente ng University Laboratory School ng USM,
Kabacan, Cotabato, 2011-2012.

                 

LEARNING STYLE PERPORMANS


15% - 34% 35% - 65% 66% - 85% 86% - 95% TOTAL
  n % n % n % n %  

Global 1 2.6 13 15.7 24 28.9 0 0.0 38


Particular 2 2.5 23 27.7 55 66.3 1 1.2 81
                   

TOTAL 3 2.5 36 43.4 79 95.2 1 1.2 119


                   

Cramer Coefficient = 0.084


Chi-square Value = 0.849 ns
Degrees of Freedom = 3
Probability = 0.838

ns = not significant at 5% level


* =significant at 5% level

Legend:
15% - 34% = Low Mastery
35% - 65% = Average Mastery
66% - 85% = Moving Towards Mastery
86% - 95% = Closely Approximating Mastery
26

Apendiks Talahanayan 1f. Ugnayan ng Learning Style at Perpormans kung Paano nila
Pinoproseso ang mga Impormasyon ng mga
Respondente ngUniversity Laboratory
School ng USM, Kabacan, Cotabato, 2011-2012

                   

LEARNING STYLE PERPORMANS


15% - 34% 35% - 65% 66% - 85% 86% - 95% TOTAL
  n % n % n % n %  

Synthesizing 0 0.0 14 16.9 46 55.4 1 1.2 61


Analytic 3 5.2 22 26.5 33 39.8 0 0.0 58
                   

TOTAL 3 2.5 36 43.4 79 95.2 1 1.2 119


                   

Cramer Coefficient = 0.257


Chi-square Value = 7.846*
Degrees of Freedom = 3
Probability = 0.049

ns = not significant at 5% level


* =significant at 5% level

Legend:
15% - 34% = Low Mastery
35% - 65% = Average Mastery
66% - 85% = Moving Towards Mastery
86% - 95% = Closely Approximating Mastery
27

Apendiks Talahanayan 1g. Ugnayan ng Learning Style at Perpormans kung paano sila nagsasaulo ang
Mga Respondente ng University Laboratory School ng USM, Kabacan,
Cotabato, 2011-2012

LEARNING STYLE PERPORMANS


15% - 34% 35% - 65% 66% - 85% 86% - 95% TOTAL
n % n % n % n %

Sharpener 1 2.1 13 15.7 33 39.8 0 0.0 47


Leveler 2 2.8 23 27.7 46 55.4 1 1.2 72

TOTAL 3 2.5 36 43.4 79 95.2 1 1.2 119

Cramer Coefficient = 0.094


Chi-square Value = 1.044ns
Degrees of Freedom = 3
Probability = 0.791

ns = not significant at 5% level


* =significant at 5% level

Legend:
15% - 34% = Low Mastery
35% - 65% = Average Mastery
66% - 85% = Moving Towards Mastery
28

86% - 95% = Closely Approximating Mastery

Apendiks Talahanayan 1h. Ugnayan ng Learning Style at Perpormans kung Paano nila Binibigyang
Halaga ang mga Tuntunin sa Wika ng mga Respondente ng University
Laboratory School ng USM, Kabacan, Cotabato, 2011-2012

LEARNING STYLE PERPORMANS


15% - 34% 35% - 65% 66% - 85% 86% - 95% TOTAL
n % n % n % n %

Deductive 0 0.0 23 27.7 47 56.6 1 1.2 71


Inductive 3 6.3 13 15.7 32 38.6 0 0.0 48

TOTAL 3 2.5 36 43.4 79 95.2 1 1.2 119


29

Cramer Coefficient = 0.213


Chi-square Value = 5.382ns
Degrees of Freedom = 3
Probability = 0.146

ns = not significant at 5% level


* =significant at 5% level

Legend:
15% - 34% = Low Mastery
35% - 65% = Average Mastery
66% - 85% = Moving Towards Mastery
86% - 95% = Closely Approximating Mastery

Cramer Coefficient = 0.079


Chi-square Value = 0.740ns
Degrees of Freedom = 3
Probability = 0.864

ns = not significant at 5% level


* =significant at 5% level

Apendiks Talahanayan 1i. Ugnayan ng Learning Style at Perpormans kung Paano nila Tinatanggap ang
Maramihang Impormasyon o Input ng mga Respondente ng University
Laboratory School ng USM, Kabacan, Cotabato, 2011-2012

LEARNING STYLE PERPORMANS


15% - 34% 35% - 65% 66% - 85% 86% - 95% TOTAL
n % n % n % n %

Field-Independent 1 2.1 14 16.9 32 38.6 0 0.0 47


Field-Dependent 2 2.8 22 26.5 47 56.6 1 1.2 72

TOTAL 3 2.5 36 43.4 79 95.2 1 1.2 119


30

Cramer Coefficient = 0.079


Chi-square Value = 0.740ns
Degrees of Freedom = 3
Probability = 0.864

ns = not significant at 5% level


* =significant at 5% level

Legend:
15% - 34% = Low Mastery
35% - 65% = Average Mastery
66% - 85% = Moving Towards Mastery
86% - 95% = Closely Approximating Mastery

You might also like