Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

ISANG PAGSASALIN SA FILIPINO NG MGA PILING EKSPRESYONG

PANGKULTURA NG MGA CUYUNON PARA SA KAKAYAHANG


PANGKOMUNIKATIBO NG MGA GURONG
HINDI KATUTUBONG CUYUNON SA
SAN MIGUEL NATIONAL HIGH SCHOOL,
LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA

Mary Jane J. Parcon


Kumakatawang Tagapamanihala ng Paaralan/Prinsipal
Tanggapan ng Punongguro
Marcelino Abadiano Javarez National High School
Barangay Maruyogon, Lungsod ng Puerto Princesa
maryjane.jaranilla@yahoo.com

ABSTRAK

 Ang palarawang pananaliksik na ito ay isinagawa upang mailahad ang "Isang Pagsasalin sa


Filipino ng mga Piling Ekspresyong Pangkultura ng mga Cuyunon para sa Kakayahang
Pangkomunikatibo ng mga Gurong Hindi Katutubong Cuyunon sa San Miguel National High
School, Lungsod ng Puerto Princesa."
Ang respondente ay binubuo ng 15 lalaki at 41 babae. Karamihan sa mga guro ay may edad sa
pagitan ng 21 at 60 taong gulang. Ang "mean" ng edad ay nasa 37 taong gulang. Karamihan sa
respondente ay babae na may bahagdan na 73.21 samantalang ang mga lalaki naman ay 26.79
bahagdan. Ang mga gurong respondente ay binubuo ng 6 hanggang 8 guro bawat departamento.
Karamihan sa mga guro ay nabibilang sa Tagalog. Ayon naman sa wikang ginagamit sa tahanan,
karamihan sa mga gurong respondente ay gumagamit ng Tagalog at nakauunawa sa salitang
Cuyunon. Marami rin sa kanila ang di lamang nakauunawa at nakapagsasalita. Karamihan din sa
mga respondente ay nakikipanayam sa mga guro. Sinundan ito ng diwa lamang ang kinukuha at
pakikipagkomunikasyon at pagtatala na may magkatulad na bilang at bahagdan.
Sa paraan ng pagtatamo ng kahusayan sa kakayahang pangkomunikatibo, nanguna ang kasagutan
ng lahat ng respondente na ang kanilang pagkatuto ay mula sa "pakikisalamuha sa mga
katutubong Cuyunon."
Ang mga ekspresyong pangkultura ay ukol sa pagbati, pagdalaw sa tahanan, pagtatanong para sa
mga impormasyong bayograpikal, pagtatanong  at pagbibigay ng impormasyon,
pagpaparating/pagpapaabot ng paanyaya, ekspresyong pang-imbitasyon, oras ng pagsasalo-salo
sa pagkain, paghahanap ng tao, panghihiram/pangungutang, oras/panahon/araw, pagkainis,
pagkawala ng gana o pagkalungkot, karaniwang paggalang, lokasyon at direksyon,
terminolohiyang pangkamag-anakan, paglalarawan ng mga tao, bagay at panahon, mga elemento
ng kalikasan, mga terminolohiyang pampagkain/kulinaryo, mga terminolohiyang
pangkalakalan/komersyo, iba pang terminolohiya/ekspresyon (alahas, prutas, isda, hayop, bahagi
ng katawan, kagamitan, kulay at bilang).
Ang desisyon sa lahat ng paraan ng pagtatamo ng kahusayan ay di-tanggap. Ibig sabihin,
nakaaapekto sa antas ang kahusayan ng paggamit ng mga piling ekspresyong pangkultura ang
lahat ng paraan na ginagamit ng mga respondente sa pakikipagkomunikasyon.
Mahigpit na inirerekomenda na mahalin, ipagmalaki, pahalagahan, linangin, itaguyod at
pagyamanin pa ang pagpapanatili ng Wikang Cuyunon na siyang bibigkis sa lahat ng mga
Cuyunon na salalayan ng kanilang kultura. Gayundin, gamitin ang dayalektong Cuyunon sa pang
araw-araw na pakikipagtalastasan sa mga partikular na sitwasyon. Laging gamitin ang
dayalektong Cuyunon upang magkaroon ng kasanayan sa pakikipagkomunikasyon sa iba na
nabibilang sa pangkat etnikong ito.

SUSING SALITA:

CUYUNON     - tumutukoy sa wika o lenggwaheng ginagamit ng mga


katutubong Cuyunon sa pakikipagtalastasan.
         
CUYUNO          - tumutukoy sa isa sa mga pangkat etniko na matatagpuan sa
bayan ng Cuyo at sa mga nakatira sa mga munisipyo ng
Coron, Agutaya, Busuanga, El Nido, Taytay, at iba
pang  munisipyo sa Palawan. Ito kasingkahulugan ng salitang
Taga-Cuyo.

LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA   -  ito ang sentro ng kalakalan,


edukasyon, pamahalaan, pananampalataya, at iba pang
larangan sa lalawigan ng Palawan. 

DAGUN            - taon

LAMGAM        - ibon


1. Introduksyon
Ang bawat pamayanan ay pinakikilos ng kultura na siyang salalayan ng mga mithiin, saloobin at
pagpapahalaga ng mga mamamayang nabibilang sa isang lipunang nababalot ng iba’t ibang
paniniwala, pamahiin, kalinangan, pananampalataya, sining, panitikan, pilosopiya, at marami
pang iba. Dito nakikita ang pagkalahi na tunay na naipahahayag sa paraan ng pagkaunawa ng
taglay na kultura.
Kultura ang gumagabay para sa pagkakaroon ng mabuting kaasalan. Ito rin ang batayan ng
pagsulong at pag- unlad ng pagkatao, gayundin ng bayan tungo sa isang layunin. Isang
makapangyarihang lakas ito na nagbibigay ng direksyon sa buhay ng mga taong nasa isang
pamayanan. Totoo! Kabalikat ito sa lahat ng larangan ng buhay nang matamo ang tagumpay na
ninanais, kung kaya’t gumaganda ang takbo ng buhay at nagiging kaaya-aya sapagkat sa kultura
umiikot ang mundo ng bawat isa.
Susi ito ng pagkakakilanlan, pagkakaisa at pagkakatulungan ng mga mamamayan bunga ng
pagkakaroon ng tinatawag na kultura. Samantala, nasisinag ang kapangitan nito sa pagiging
aliping tagasunod sa mga maling paniniwala tulad ng sa mga paraan ng panggagamot ng mga
albularyo kaysa sa panggagamot ng mga nagpakadalubhasa sa larangan ng medisina.
Gayundin ng pagiging piping saksi sa pagsunod sa mga pamahiing balakid sa pag-angat ng antas
ng buhay ng mga mamamayan gaya ng pagwawalis sa gabi, pag awit sa harap ng kalan,
pagtataktak ng sandok sa kaldero, at iba pa.
Kultura rin ang dahilan ng pakikipag – ugnayan sa kapwa sa pamamagitan ng wika, sapagkat,
pinaniniwalaang kung may kultura, may wika. Natural lamang kung walang kultura, walang
wika.
2. Metodolohiya
Ang ginamit sa pag- aaral na ito ay pamaraang palarawan (descriptive research) sa pagsusuri ng
isang pagsasalin sa Filipino ng mga piling ekspresyong pangkultura para sa kakayahang
pangkomunikatibo ng mga gurong nagtuturo na hindi naman mga katutubong Cuyunon sa
paggamit ng mga piling ekspresyong pangkultura ng mga Cuyunon sa larangan ng
pakikipagkomunikasyon.
Ginamitan din ng etnograpikong pagsusuri upang makakuha ng mga datos na nagsilbing
karagdagan sa mga unang natamo para sa ikatatatag ng pag- aaral ng mananaliksik tulad ng
pakikipanayam, pakikipagkwentuhan , pakikipaghuntahan, pakikisalamuha at pakikipag- usap sa
mga tagatugon.
2.1 Mga Instrumentong Gagamitin
Ang mga ginamit nitong instrumento sa pangangalap ng datos na kinakailangan sa pag- aaral na
ito ay tulad ng sumusunod:
Talaan ng mga Piling Ekspresyong Pangkultura ng mga Cuyunon. Ito ang pagbabatayan ng
pagsasaling gagawin sa Filipino at pagbabatayan ng kakayahang pangkomunikatibo ng mga
gurong nagtuturo sa San Miguel National High School, Lungsod ng Puerto Princesa.
Tape Recorder. Gagamitin din ito upang makadagdag ng mga mahahangong impormasyon mula
sa mga tagatugon.
Kamera. Gagamitin din ito sa pagdudokumento ng mga larawan ng mga tagatugong ginamit sa
pag- aaral habang kinakapanayam at naglalahad ang mga ito ng mga kinakailangang datos.
Talatanungan. Gagamitin din ang talatanungan sa mga tagatugon habang isinasagawa ang
pakikipanayam upang makakuha ng sapat na datus na kailangan upang matugunan ang mga
suliranin.
2.2 Pagpili ng mga tagatugon
Ang mananaliksik ay pipili ng 56 gurong pawang hindi katutubong Cuyunon mula sa 62 mga
gurong nagtuturo sa San Miguel National High School , Bgy. San Miguel, Lungsod ng Puerto
Princesa na nasa pagitan ng 21 na taong gulang at 60 taong gulang. Sila ay gumagamit ng iba’t
ibang wikang hindi Cuyunon batay sa kulturang kinagisnan at kinalakihan nila. Samantala,
tinaya ang kanilang kakayahang pangkomunikatibo sa mga mag- aaral na Cuyunon at kapwa
gurong mga Cuyunon sa paggamit ng pagsasalin sa Filipino ng piling ekspresyong pangkultura
ng mga Cuyunon.
2.3 Lugar ng Pag- aaral
Ang pananaliksik ay isinagawa sa San Miguel National High School, Bgy. San Miguel, Lungsod
ng Puerto Princesa na pinagtuturuan ng mga mapapanaligang gurong ginamit na tagatugon sa
pag- aaral.
2.4 Pamamaraang Isinagawa
Mahabang panahong pinag- isipan ng mananaliksik ang pag- aaral na ito kung paano sisimulan,
paano gagawin at kung ano – ano ang mga bagay- bagay na dapat isaalang- alang. Hanggang sa
mapagpasyahan niyang isakatuparan ang kanyang plano na kailangan nang tapusin ang
pananaliksik.
Ang mananaliksik ay nagpadala ng liham sa tagapamanihala ng Sangay ng Lungsod ng Puerto
Princesa upang isagawa ang pag- aaral na ito.
Gayundin naman, hiningi ang pahintulot ng punong-guro ng San Miguel National High School
upang maunlakan at mabigyan siya ng konsiderasyon na maisagawa ang pananaliksik sa
paaralang ito. Gayundin, kasama ang mga gurong hindi Cuyunon na sasagot ng mga
talatanungan.
Hinangad ng mananaliksik na ang isang pagsasalin sa Filipino ng mga piling ekspresyong
pangkultura tulad ng sa Cuyunon ay makatutulong upang i- assess o tayahin ang bisa ng
kakayahang pangkomunikatibo ng mga gurong nagtuturo na hindi katutubong Cuyunon sa
pakikipagtalastasan sa mga mag- aaral sa loob at labas ng silid-aralan at sa mga kapwa guro. Sa
pagtuturo ng mga gurong tagatugon, nakatulong ang pagsasalin na tukuyin ang mabisang paraan
upang maging kaakit- akit ang paghahatid ng kaalaman at kasanayan sa mga estudyanteng
Cuyunon. Ipinamalas din ng mga gurong hindi Cuyunon ang kanilang kahusayan sa paghahatid
ng mga impormasyon sa taglay na kakayahang pangkomunikatibo na naging dahilan upang
magkaunawaan ang mga guro at mga mag- aaral na ito sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto.
Sinaliksik muna ng mananaliksik ang mga piling ekspresyong pangkultura at nakipanayam din
siya sa mga katutubong Cuyunong may katamtamang edad upang makuha ang lahat ng
kailangang ekspresyon na kailangang gawan ng pagsasalin, pagkatapos ay isinagawa ang mga ito
ayon sa larangang kinabibilangan tulad ng pagbati, pagdalaw sa tahanan, pagtatanong para sa at
pagbibigay ng direksyon, pagpaparating/pagpapaabot ng paanyaya, oras ng pagsasalo- salo sa
pagkain, paghahanap ng tao, mga tawag sa telepono, panghihiram, oras / panahon/araw,
pagkainis/ pagkawala ng gana/ pagkalungkot, karaniwang paggalang, lokasyon at direksyon,
terminolohiyang pampagkain/kulinaryo, iba pang terminolohiya/ ekspresyon.
Isang paraan ang pagsasabi ng mga ekspresyong pangkultura ng mga Cuyunon na nabigyan ng
kaukulang katumbas o salin ang mga ito sa Filipino para sa madaliang pagkaunawa ng mga guro
para sa kabutihan ng kanyang mga estudyante na magagamit sa pagpapaigting ng kasanayang
matututunan ang mga ekspresyong pangkultura ng mga ito at mga kapwa gurong Cuyunon para
sa kanilang kakayahang pangkomunikatibo. Ginamit ang mga naisaling mga ekspresyong
pangkultura ng mga Cuyunon sa pakikipagtalastasan ng mga gurong hindi kabilang sa mga
katutubong Cuyunon.
Pinagtibay ang kakayahang pangkomunikatibo ng mga gurong ito sa pamamagitan ng
pagpapasagot sa mga talatanungan at pagtaya ng kalalabasan ng mga datos. Ginamit ng
mananaliksik ang limang guro sa Marcelino A. Javarez National High School, Bgy. Maruyogon
upang mabalideyt ang pagiging makatotohanan ng talatanungan.
Sinikap ng mananaliksik na maisaayos ang antas ng kahusayan sa kakayahang
pangkomunikatibo sa pamamagitan ng pagraranggo.

3. Resulta ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa “Isang Pagsasalin sa Filipino ng mga Piling Ekspresyong
Pangkultura ng mga Cuyunon para sa Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Gurong Hindi
Katutubong Cuyunon sa San Miguel National High School, Lungsod ng Puerto Princesa”.
Ang resultang ay nagsasaad ng patunay na ang pakikipagpanayam ay isang magandang paraan
upang madaling maunawaan ang isang lenggwahe. Madali ring matutunan ito kapag nauunawaan
ang diwa ng usapan na maaaring sa pamamagitan ng “facial expression” o reaksyon.
Ito ay nagpapakita lamang na malaki ang naiiambag sa pagkatuto ng pakikisalamuha sa mga
taong gumagamit nito. Gayundin, madaling matuto ang isang tao ng isang wika kapag ito ay
malimit niyang marinig sa kanyang mga kahalubilo o kasalamuha.
Sa labinsiyam na batayan ng pag-aaral ng mga piling ekspresyong pangkultura, ang labingwalo
ay “may kahusayan” ang mga respondente. Samantala, sa paggamit ng iba pang terminolohiya o
ekspresyon ang mga respondente ay “may katamtamang kahusayan”.
Ang resultang ito ay nagpapakita lamang na ang mga gurong respondente ay nakagagamit at may
kakayahan sa pag-unawa ng dayalektong Cuyunon.

4. Kongklusyon
1. Ang mga gurong respondente ay may katamtamang edad ng masigasig sa
pagtuturo.
2. Karamihan sa respondenteng guro ay babae.
3. Binubuo ng anim (6) hanggang walong (8) guro ang bawat asignatura.
4. Ang kalimitang ginagamit na wika ng mga respondenteng guro ay Tagalog.
5. Malaki ang bahagi ng pakikisalamuha sa pagkatuto ng mga guro ng dayalektong
Cuyunon.
6. Kinakailangang magkaroon ng kaaalaman sa paggamit ng dayalektong
Cuyunon upang magkaroon ng pagkakaunawaan sa pag-uusap na gamit ang wikang
ito.
7. Madaling matuto ang isang tao ng isang wika kapag ito ay malimit niyang
marinig sa kanyang mga kahalubilo o kasalamuha.
8. Ang pakikipagpanayam ay isang magandang paraan upang madaling
matuto at makaunawa ng isang lenggwahe ang isang indibidwal.
9. Ang mga gurong respondente ay nakagagamit at may kakayahan sa
pag-unawa ng dayalektong Cuyunon.
10. Nakaaapekto sa antas ng kahusayan ng paggamit ng mga piling ekspresyong
pangkultura ang lahat ng paraan na ginagamit ng mga respondente sa
pakikipagkomunikasyon. Sa kabuuan, may makabuluhang pagkakaugnayan ang
kahusayan sa mga ekspresyong pangkultura ng mga Cuyunon sa kakayahang
pangkomunikatibo ng mga gurong hindi katutubong Cuyunon.

Reperensya

Almario, Virgilio S. et.al. Patnubay sa Pagsasalin. Maynila : Pambansang Komisyon


sa Kultura at mga Sining. 1996.

Bernales, Rolando A. et.al. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Valenzuela


City:Mutya Publishing House, Inc. 2007.

Bernales, Rolando A. et. al. Sining ng Komunikasyong Pang - Akademiko.


Valenzuela City:Mutya Publishing House, Inc. 2007.

Brislin, Richard V. Back – Translation : A Cross - Cultural Research. Honolulu :


Hawaii, USA: Institute of Culture and Communication East West Center. 2010.pp.22-40.
Carpio, Perla S. et.al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Malabon City :
Jimcyzville Publications 2012.

Feleppa, Robert. Translation as a Basis for Cultural Description . Kansas, USA :


Department of Philosophy Wincheta State University. Pp.127-141.

Garcia, Lakandupil C. et . al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Cabanatuan City :Jimney Publishing House. 2006.

Lado,Robert. Teachers of English to Speakers of Other Language. Inc. TESOL


QUARTERLY, Vol.13 no 4 Dec 1979, pp.565-571. Article Stable URL :/www
.jstor.org/stable/356450.

Pollard, David A. at Chan Sin- Wai. “An Encyclopedia of Translation.” Hongkong


: The Chinese University Press. 2005.

Santiago, Alfonso O. Ang Panimulang Linggwistika. Quezon City : Rex Printing


Company, Inc. 1979.

Santiago, Alfonso O. Sining ng Pagsasaling - Wika. Quezon City : Rex Printing


Company,Inc.1997.

Santiago, Alfonso O. Sining ng Pagsasaling-Wika sa Filipino mula sa Ingles. Rex


Printing Company, Inc. : Quezon City. 1994.

Savory, Theodore. The Art of Translation. London: Alden Press.1959.


TUNGKOL SA AWTOR

TALA SA BUHAY NG MAY AKDA

Pangalan : MARY JANE JARANILLA – PARCON

Petsa ng kapanganakan : IKA-30 NG DISYEMBRE 1972

Lugar ng Kapanganakan : NAVOTAS, METRO MANILA

Tirahan : LOT 11 BLOCK 4, PROXVILLE 6, BGY


MANDARAGAT, PPC

Asawa : NICANOR S. PARCON

Anak : KAYE JANIECKA J. PARCON

Mga Magulang

Ama : TEOFILO A. JARANILLA

Ina : REBECCA S. JARANILLA

EDUKASYON

Post- Gradweyt : HOLY TRINITY UNIVERSITY


MAED- FILIPINO
PUERTO PRINCESA CITY
( 2015)

Tersyarya : PALAWAN STATE COLLEGE


BSED – FILIPINO
TINIGUIBAN HEIGHTS, PPC
(1989 – 1993)
Sekondarya : PALAWAN STATE COLLEGE
LABORATORY HIGH SCHOOL
TINIGUIBAN HEIGHTS,PPC
(1985 – 1989)
Elementarya : SAN PEDRO ELEMENTARY SCHOOL
NATIONAL HI-WAY,BGY. SAN PEDRO,PPC
(1983 – 1985)

: NAVOTAS ELEMENTARY SCHOOL


SAN JOSE, NAVOTAS, METRO MLA
(1979 – 1983)

KWALIPIKASYON

Professional Board Examination for Teachers (PBET) - May, 1993 Passer


National Qualifying Examination for School Heads (NQESH) - May, 2015 Passer

KARANASAN SA PAGTUTURO
 MARCELINO ABADIANO JAVAREZ NATIONAL HIGH SCHOOL (MAJNHS)
BGY. MARUYOGON, LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA
OFFICER IN-CHARGE
ENERO 5, 2015 – KASALUKUYAN
 SAN MIGUEL NATIONAL HIGH SCHOOL (SMNHS)
SAN JUAN RD., BGY. SAN MIGUEL, LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA
OFFICER IN-CHARGE
HULYO 30, 2014 – ENERO 4, 2015

 MARCELINO ABADIANO JAVAREZ NATIONAL HIGH SCHOOL (MAJNHS)


SAN MIGUEL NATIONAL HIGH SCHOOL (SMNHS)
MASTER TEACHER I
HUNYO 2, 2014 – KASALUKUYAN

 SAN MIGUEL NATIONAL HIGH SCHOOL (SMNHS)


TEACHER III
HULYO 6, 2005 – HUNYO 1, 2014

TEACHER I
ENERO 1, 2002 – HULYO 5, 2005
PUERTO PRINCESA SCHOOL OF ARTS AND TRADES (PPSAT)
TEACHER I
ENERO 1, 1996 – DISYEMBRE 31, 2001

PUERTO PRINCESA SCHOOL FOR PHILIPPINE CRAFTSMEN (PPSPC)


TEACHER I
HULYO 8, 1994 – DISYEMBRE 31, 1995

 SEMINARIO DE SAN JOSE


CLASSROOM TEACHER
HULYO 1, 1993 – MARSO 31, 1994

MGA DINALUHANG SEMINAR/WORKSYAP/PAGSASANAY

A. INTERNASYONAL

 December 5-7, 2014


INTERNATIONAL TRAINING/SEMINAR/WORKSHOP/READSHOP ON READING
Stiarc Lipa City, Batangas

 October 13-15, 2014


1ST INTERNATIONAL CONFERENCE ON CHILDREN’S LIBRARIANSHIP
Tagaytay International Convention Center, Tagaytay City

 October 5-25, 2012


INTERNATIONAL SCHOOL EXCHANGE PROGRAM FOR GLOBAL EDUCATION
Schwarzheide, Germany
Potsdam, Germany

 November 3-5, 2011


1st PHILIPPINE INTERNATIONAL UNIVERSITY THEATER ASSOCIATION
FESTIVAL/CONFERENCE/WORKSHOP
Holy Trinity University, Puerto Princesa City

B. PAMBANSA

 January 24-26, 2015


1st CLUSTER ASSEMBLY OF SECONDARY SCHOOL HEADS
Great Eastern Hotel, Quezon City

 September 26-28, 2014


NATIONAL ORIENTATION SEMINAR FOR SCHOOL HEADS, PRINCIPALS AND
ADMINISTRATORS ON PREPARATION AND RESOURCE ALLOCATION FOR
SENIOR HIGH SCHOOL OF THE ENHANCED BASIC EDUCATION
Hotel Supreme, Baguio Cit
 September 17-20, 2014
2014 NATIONAL LITERACY CONFERENCE AND AWARDS
Benitez Hall, Teachers Camp, Baguio City

 July 31 – August 2, 2014


2014 NATIONAL CONFERENCE OF SCHOOL PRINCIPALS
Bacolod Pavillon Hotel, Bacolod City

 May 25-31, 2014


SEVEN-DAY CAREER DEVELOPMENT PROGRAM
Palawan Bethel Baptist Christian Academy, Puerto Princesa City

 Abril 24-27, 2014


PAMBANSANG SEMINAR-GAWAING KAPULUNGAN SA FILIPINO
Carlos P. Romulo Hall, Teachers Camp, Baguio City

 Nobyembre 20-22, 2013


PAMBANSANG KOMPERENSYA SA WIKA: TUNGO SA MAKABULUHANG
PAGTUTURO AT PANANALIKSIK SA FILIPINO
MSU- Iligan Institute of Technology, Iligan City

 Oktubre 29-31, 2013


SULONG:DANGAL NG FILIPINO 2013
Palawan State University, Puerto Princesa City

 October 20, 2013


MEDIA WORKSHOP
Capitol Compound, Puerto Princesa City

 August 22-23, 2013


BALANCING LIFE AND WORK SEMINAR: A PROFESSIONAL DEV’ T
TRAINING PROGRAM
Palawan State University, Puerto Princesa City

 April 26-28, 2013


NATIONAL SEMINAR ON THE SCHOOL MANAGEMERNT IN THE K TO 12
A & A Plaza Hotel, Puerto Princesa City

 January 24-26, 2013


LEADERSHIP AND CAPABILITY BUILDING SEMINAR (MODULE II)
Palawan National School Gym, Puerto Princesa City

 Nobyembre 21-23, 2012


PAMBANSANG SEMINAR SA FILIPINO
MSU-Iligan Institute of Technology, Iligan City
 April 1-31, 2011
SPECIALIZED ENGLISH ENHANCEMENT COURSE FOR ELEMENTARY AND
HIGH SCHOOL TEACHERS (SPEECH)
SPEECH Laboratory, Puerto Princesa City

 September 8-11, 2010


2010 NATIONAL LITERACY CONFERENCE AND AWARDS
Benitez Hall, Teachers Camp, Baguio City

 Mayo 21-23, 2010


PANUNURING PAMPANITIKAN, PANULAAN AT MGA NAPAPANAHONG
PAGDULOG SA PAGTUTURO
Tropical Sun Inn, Puerto Princesa City

 December 15-16, 2009


ANTI-GRAFT AND CORRUPTION PREVENTION SEMINAR
Abueg Gym, Palawan National School, Puerto Princesa City

 April 14-16, 2009


CONSULTATIVE SEMINAR ON ALS NEW STATUS AND PROSPECTS AS WELL
AS PROGRAM IMPLEMENTATION CONCERNS FOR THE BALIK-PAARALAN
PARA SA OUT-OF-SCHOOL ADULTS PROGRAM IMPLEMENTER
Tagaytay International Convention Center, Tagaytay City

 June-December, 2008
HOUSEKEEPING NC II
PPSAT, Puerto Princesa City

 November 7-9, 2008


MIDYEAR DEMOFEST 2008
Palawan State University, Puerto Princesa City

R TRAINING OF THE INTEL TEACH TO THE FUTURE PROGRAM


J.J. Leido Nat’l High School, Calapan City

 January-March, 2003
POWER PACK-PRO
STI, Puerto Princesa City
MGA PAGKILALA
 April, 2015
GAWAD SA NATAAS NG TUNGKULIN
PASATAF
Baguio City

 February 17, 2015


BOARD OF JUDGES
STREET DANCING AND FLOAT COMPETITION
Bgy.Maruyugon, Puerto Princesa City

 February 3-7, 2015


MEMBER OF SCREENING COMMITTEE FOR SECONDARY
2015 MIMAROPARAA MEET
Narra, Palawan

 December 7, 2014
COORDINATOR
INTERNATIONAL TRAINING/SEMINAR/WORKSHOP/READSHOP ON READING
Stiarc Lipa City, Batangas

 November 29, 2014


OVER-ALL CHAIRMAN
SEARCH FOR MR AND MS ALS OLYMPICS
San Miguel National High School, Puerto Princesa City

 November 28, 2014


ORGANIZER
80TH NATIONAL BOOK WEEK CELEBRATION
San Miguel National High School, Puerto Princesa City

 October 21, 2014


CHAIRMAN
IN-SERVICE TRAINING
San Miguel National High School, Puerto Princesa City

 Oktubre 11, 2014


TAGAPANAYAM
PANDIBISYONG SAMAHAN NG MGA GURO SA FILIPINO
Macarascas National High School, Puerto Princesa City

 Oktubre 11, 2014


PUNONGGURO
NAITAAS ANG MEAN PERCENTAGE SCORE NG NAT
Macarascas National High School, Puerto Princesa Cit
 September 29, 2014
ACTIVE PARTICIPATION
PISTAHAN 2014
Bgy. San Miguel, Puerto Princesa City

 September 24, 2014


COORDINATOR
REINFORCEMENT TRAINING-SEMINAR ON ENVIRONMENTAL AWARENESS
FOR ELEMENTARY AND SECONDARY STUDENTS
San Miguel National High School, Puerto Princesa City

 September 5, 2014
CO-CHAIRMAN,COMMITTEE ON DOCUMENTATION
DepEd 18TH FOUNDING ANNIVERSARY CELEBRATION
City Coliseum, Puerto Princesa City

 December 15, 2013


RESOURCE SPEAKER
TWO-DAY SEMINAR AND CONFERENCE FOR INSTRUCTIONAL MANAGERS
OF ALS BP-OSA
Grace Park Tourist Inn, Bgy.Bancao-Bancao, Pto. Princesa City

 February 23, 2013


AKTIBONG MIYEMBRO
SAMAHANG PANDIBISYON NG MGA GURONG NAGTUTURO SA FILIPINO IV
Lungsod ng Puerto Princesa

 February 7, 2013
CLEANEST CLASSROOM OF THE YEAR SY 2012-2013 AWARD
SUPREME STUDENT GOVERNMENT PROGRAM
San Miguel National High School, Puerto Princesa City

 December 16-17, 2012


RESOURCE SPEAKER
TWO-DAY SEMINAR AND CONFERENCE FOR INSTRUCTIONAL MANAGERS
OF ALS
BP-OSA
Balay Aplaya, Bgy. Manalo, Puerto Princesa City

 December 14, 2012


SUPERINTENDENT’S AWARD
As Instructional Manager of ALS BP-OSA
Turissimo Hotel, Puerto Princesa City
 October 26, 2012
TEACHER/ADVISER/COACH
INTERNATIONAL YOUTH EXCHANGE PROGRAM FOR GLOBAL EDUCATION
Schwarzheide, Germany

 September 29, 2012


CERTIFICATE OF COMMENDATION
PISTAHAN SA BARANGAY 2012
Bgy. San Miguel, Puerto Princesa City

 March 28, 2012


BOARD OF DIRECTOR
PARENT-TEACHERS-ASSOCIATION
San Miguel National High School, Puerto Princesa City

 December 13, 2011


HIGHEST DynED SCORE AWARD
SPEECH
Legend Hotel, Puerto Princesa City

 October 10-11, 2011


RESOURCE SPEAKER
TWO-DAY DIVISION TRAINING WORKSHOP FOR ALTERNATIVE LEARNING
SYSTEM INSTRUCTIONAL MANAGERS, LGU AND NGO PARTNERS
East Central School, Puerto Princesa City

 October 16-17, 2009


RESOURCE SPEAKER
TWO-DAY SEMINAR ON ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM PROGRAM&
CORE STRANDS
FRAN Hotel, Puerto Princesa City

 September 29, 2008


ACTIVE PARTICIPATION
TODO FUN SA PISTAHAN 2008
Bgy. San Miguel, Puerto Princesa City

 Agosto 29, 2008


HURADO
BUWAN NG WIKA 2008
Seminario de San Jose, Puerto Princesa City
 Agosto 17, 2007
TAGAPAGSANAY
2007 PANDISTRITONG PAMPANITIKANG PATIMPALAK
Irawan National High School,Lungsod ng Puerto Princesa

 Agosto 3, 2007
TAGAPAGSANAY
IGKAS-TALINO 2007
Palawan National School, Lungsod ng Puerto Princesa

 Agosto 18, 2006


TAGAPAGSANAY
2006 PANSANGAY NA PAMPANITIKANG PATIMPALAK
Palawan National School, Lungsod ng Puerto Princesa

 April 5, 2006
DEDICATED SERVICE TO THE FEDERATION
FEDERATION OF PARENT TEACHERS AND COMMUNITY ASSOCIATION OF
PPCITY
San Miguel National High School, Puerto Princesa City

 Agosto 19, 2005


TAGAPAGSANAY
2005 PANSANGAY NA PATIMPALAK- PAMPANITIKAN
Palawan National School, Lungsod ng Puerto Princesa

You might also like