Professional Documents
Culture Documents
Ako Si Pamela
Ako Si Pamela
Marso,
Heto pa rin ako!
Iniisip kung paano ako magsisimula?
Kung paano kita muling bubuoin?
Pinulot ko ang isang pirasong salamin
Pinuwesto ko siya sa baba
At nagdesisyon akong, dito ako magsisismula.
Abril,
Inabot ko sayo ang aking mga kamay
Hindi ko ramdam ang higpit
Ngunit sapat na saakin ang hinawakan mo’ko
Naging CCTV, kamera, komekero
Ibat ibang karakter ang ginampanan ko
Makita ko lang muli,
Masulyapan ko lang muli,
Ang iyong mga ngiti sa labi mo
Mayo,
Naging malapit tayo sa isat isa
Muli kong nasilayan ang matatamis mong mga ngiti
Muli kong narinig ang malalakas mong mga tawa
Ang saya saya ko!
Dahil unti unti ka ng bumabalik
Unti unti na kitang nabubuo
Hunyo,
Naalala mo pa ba noong kaarawan ko?
Noong inalayan mo ako ng isang napakagandang kanta
Saksi ang bituwin, ang buwan at ang kalangitan
Kung paano mo hinawakan ng pagkahigpit-higpit ang aking mga kamay
At kung paano mo binitawan ang mga salitang
Mahal kita.
Hulyo,
Ang buwan kung saan sa pagitan ng ikaw at ako
Ay nagkaroon ng tayo
Hinayaan kong magmahal ang puso ko
Kahit ramdam ko yung takot at pangamba
Sige susugal na muna ako , makikipaglaro kay tadhana
At panghahawakan ang mga sinabi mong Mahak mo ako.
Agosto,
Naging masaya tayong dalawa ,
Ikaw ang nagsilbing bituwin kapag ang mundo’y madilim
Ikaw ang nagsilbing araw pagkatapos ng dilim
Ikaw ang nagsilbing bahag-hari
Pagkatapos ng bagyong dumating
Setyembre,
Ang buwan kung saan nangako ka.
Nangakong hindi mo ako iiwan
Pangakong kahit na anong mangyari ako ay iyong ipaglalaban
Pangakong ako laang ang babaeng iyong papakasalan
Ang babaeng iyong mamahalin at pipiliin
Oktobre,
Nagbiro ang tadhana
Dumating ang isang nakakapinsalang unos
Hawak ko ng mahigpit ang iyong mga kamay
Kahit na ang hangin ay unti unti ka ng tinatangay
Nobyembre,
Dumating ang isang napakalakas na lindol, niyanig at hinulog ang
Mga pirasong pinaghirapan kong buoin
Hindi!
Pinilit kong pulutin
Ang mga mata ko’y nanlalabo
Ang puso ko’y nagsusumamo
Ang mga kamay ko ay punong-puno na ng dugo
Disyembre,
Tila ba akoy nasa karagatan?
Nahihirapan na akong huminga
Unti unti na rin akong nalulunod sa mga luha na nanggaling sayong mga mata
Enero,
Tuluyan na nga akong inalayo sayo ng karagatan
Pero pinilit kong magpakatatag at ilangoy ang mga paa ko pabalik sayo!
Hindi pa naman siguro ito ang huli diba?
Lalaban ako!
Babalik ako sayo!
Pebrero,
Mahal, nakabalik na ako!
Itong mga sugat ko sa kamay
Itong mga namamaga kong mga mata
Mahal, huwag mo tong pansinin
Mahal, nakabalik na ako.