Dulang Pantelebisyon PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 33

Ang Pagtuturo ng Dulang

Pantelebisyon (Tele-
Serye) para sa Ikatlong
Taon
ng Refined Secondary
Education Curriculum
(RSEC)
PATROCINIO V. VILLAFUERTE
Konsultant, DepEd-RSEC
Puno, Kagawaran ng Filipino
Pamantasang Normal ng Pilipinas
Maynila
Panimula
Noong kasalukuyang binabalangkas
ang Refined Education Curriculum sa
Filipino para sa ikatlong taon, ay
iminungkahi ko sa Curriculum
Development Division ng Bureau of
Secondary Education na isama ang ilang
piling dulang pantelebsisyon na noo’y
tinawag kong tele-serye bilang tekstong
literari na ipasusuri sa mga estudyante.
Hindi dahil sa nahilig akong manood ng
mga ganitong palabas, kundi nasaksihan
ko kung gaano kapopular sa mga
estudyante sa hayskul ang mga ganitong
uri ng palabas. Naging usap-usapan sa
loob at labas ng paaralan ang mga
programang ipinagmamalaki ng mga
taga-kapamilya at taga-kapuso; na
minsan na ring naging kontrobersiya at
nauwi pa sa pagsampa ng kaso ng
dalawang higanteng television network
dahil na rin sa ratings.
Sa inihandang matrix para sa 2009
RSEC Dokumentong Pangkurikulum sa
Filipino III ng Kagawaran ng
Edukasyon, isinama sa ikalawang
markahan ang konseptong Dulang
Pantelebisyon. Hinati sa nilalaman
(content) at pagganap (performance) ang
pamantayan (standard). Nakasaad sa
nilalaman na ang dulang pantelebisyon
ay anyo ng panitikang popular na
nagtataglay ng mga elementong
makatutulong upang mabisang
mailarawan ang kasaysayan o mga
pangyayari sa buhay ng tao at lipunan.
Kaugnay nito, upang maisakatuparan
ang pagganap (performance), ang mga
mag-aaral ay inaasahang
makapagtatanghal ng 10 minutong movie
trailer batay sa mga sumusunod na
pamantayan: (1) kahalagahang
pampanitikan, (2) kahusayang teknikal,
(3) talinong pantelebisyon at (4) dating
sa mga manonod.
Hindi lamang pagtalakay sa fanta
serye na gamit ang teoryang
romantisismo ang magiging
partisipasyon ng dulang pantelebisyon.
Isasaalang-alang din ang mga uri ng
dulang pantelebisyon tulad ng orihinal at
adaptasyon - soap opera at sitcom.
Magiging bahagi rin ng pag-aaral
ang mga elemento ng teleserye gaya
ng (1) kahalagahang pampanitikan
(pagsulat ng iskrip), (2) kahusayang
teknikal (sining ng pagdidirehe,
sining ng pag-arte at sining biswal),
(3) talinong panteleserye (cinematic
sense, sinematograpiya, epektong
pantunog, musika, kagamitan at
disenyong pamproduksyon).
Mula sa artikulong “Ang Papel ng
Telebisyon sa Pagkatuto ng mga Mag-
aaral” na aking isinulat at nailathala sa
ilang piling aklat at journal ay ganito ang
aking ipinahayag:
Ang telebisyon ay isa sa mga pangunahing
midyum ng dantaon,
kung kaya’t di-mapasusubaliang ito rin
ang mangungunang midyum sa
bagong milenyo. Dahil dito, inaasahang
ang telebisyon sa dantaong ito
ay magkakaroon ng bagong bihis sa
pamamagitan ng pagkakaloob ng
bagong porma gaya ng headset, TV, virtual
3D TV, supermicro density
TV, hologram TV at iba pa.
Anuman ang maging anyo o porma ng
ng telebisyon ay makukuha pa rin natin
nang buong linaw ang mga
programang ating sinusubaybayan sa loob
ng 24 na oras hangga’t ang
mga ito’y nakararating sa atin sa
pamamagitan ng air waves, electro-
magnetic impulses, website broadcast,
fiber optics, cable at iba pang
tinutuklas na wave transmitters.
Sa pamamagitan ng remote control ay
madali nating mahanap
at matuloy ang channel ng programang
nais nating panoorin. Mabilis
nating malalaman kung saang bansa
galing ang ganitong mga
panoorin dahil na rin sa anyo, kulay,
kasuotan at wikang ginagamit ng
mga nagsisiganap sa tagpuan, at
maging sa uri ng kulturang
inilalarawan (Villafuerte, 2000).
Sang-ayon ako sa ipinahayag noon ni
Senador Vicente Sotto III na panahon na
para bigyan ng konsiderasyon ng mga
producer sa show business ang epekto ng
pagpapalabas ng pelikula sa mga
manonood at ang repleksyon ng imahe sa
bansa. Ayon pa sa kanya:
Siguro panahon na para bigyan natin
ng halaga ang epekto ng mga ipinalalabas
natin sa pelikula at telebisyon at kung
paano kalaki ang epekto nito sa isip ng
ating mga kababayan, lalo na sa mga
kabataan. Mahirap kasi na pulos na
lamang pagkita ng pera ang ating
pinagtutuunan.
Kailangan sigurong isipin din
nating makatulong sa paglikha ng isang
makabuluhang istorya na tutugma
sa ating kaisipan at tutulong sa imahe
natin sa karatig na bansa. Kahit ang
mga wholesome TV program ay dapat
maglaan ng mga larong pang-
edukasyonal na makapagpapayaman sa
pag-iisip ng mga Pilipino (Villafuerte,
2000).
Ang Tele-serye sa Pananaw ng
Tagapagtaguyod ng Dulang
Pantelebisyon
Ganito ang pagkakalarawan ni Allan
Diones, isang reporter ukol sa tele-serye:
Sabi-sabi, humina ang mga pelikulang
lokal dahil sa mga teleserye. Malalaki ang
cast ng mga teleserye at libre pa sa mga
manonood, pero hindi dahil lang sa
teleserye (kaya humina ang pelikula),”
sabi ni Toto Natividad, direktor ng
seryeng Palos ng
ABS-CBN.
“Ang pelikula, may bayad. Libre na
ang teleserye, may premyo pa na
pwede kang manalo ng P100,000 kung
sino ang
pumatay.”
“Andiyan pa ang film piracy /
Traffic (pagpunta sa mga sinehan).
Bombing.”
“Mas mura ang lotto. Kesa manood ng
sine, ibibili ng pagkain o load. Uunahin
pa ang load sa sine.”
“Ang mga bata ngayon, sa computer
nahuhumaling. May interaksyon kasi.
Meron pang internet sex.”
Pahapyap na Pagsusuri ng Isang
Telefantasya sa Pananaw ng
Reporter
Narito ang isang artikulong
magpapatunay kung paano inilalarawan
at ipinaghahambing ang dalawang
magkatapat na programa sa magkaibang
istasyon ng telebisyon:
Lobo, Inilampaso ng Dyesebel
ni Abu Tilamsik
Inaasahan nang mataas ang rating
ng pagsisimula ng telefantasyang
Dyesebel nu’ng Lunes pero hindi naman
sukat akalaing ganu’n ito kataas.
Kahit pagsamahin ang ratings ng
katapat na LOBO ni Angel Locsin at
PBB Teen Edition Plus, hindi pa rin ‘yun
kayang taasan o pantayan man lang ang
rating ng Dyesebel.
Mamayang gabi ay mapapanood
na si Marian Rivera bilang Dyesebel
kaya asahan nating mataas pa ito at
ma-maintain ang magandang rating.
Nu’ng Lunes din nagsimula ang
Maligno ni Claudine Barreto pero
hindi ito ganun ka-impressive sa
rating.
Halaw sa Abante Tonite, Abril 30,
2008
Ang halimbawa sa itaas ay isa lamang
puna at hindi maituturing na pagsusuri
dahil hindi dumaan sa proseso ng
wastong pagsulat ng panunuri sa
tekstong literari.
Ang Pagsulat Bilang Isang
Proseso
Ang pagsulat ay isang prosesong
nangangailangan ng apat na hakbang:
(1) paghahanda o bago sumulat, (2)
pagsulat ng burador, (3) pagrerebisa at
(4) pag-eedit.
1. Ang paghahanda. Ang anumang
isinasagawang paghahanda bago
sumulat ay tinatawag na paghahanda.
Kabilang dito ang pag-iisip, pagtatala,
pakikipag-usap, pagbabalangkas,
pagngalap ng mga datos, pag-iinterbyu,
pagsasaliksik, atbp.
2. Ang pagsulat ng burador. Nagsisimula
ang hakbang na ito sa tuwing isinusulat
ang mga nabuong ideya sa pangungusap
at talata. Mahalaga ring maisulat sa
bahaging ito ang mga pangunahing ideya
at sumusuportang ideya. Hindi
isinasaalang-alang dito ang wastong
pagbabaybay.
3. Ang pagrerebisa. Ang pagrerebisa ang
susi sa epektibong pagdodokumento. Sa
bahaging ito, masusing pinag-iisipan
ang mga pangangailangan at inaasahan
ng mga mambabasa. Mahalaga rito na
maging malinaw ang mga naitalang
pangungusap.
4. Ang pag-eedit. Kailangang maiwasto
ang gramatika, mekaniks, at
pagbaybay.
Ang mga Dapat at Di-dapat Gawin
sa Pagsulat ng Pagsusuri sa
Dulang Pantelebisyon
1. Pumili ng paksang aangkop sa layunin
at pangangailangan.
2. Gawing malinaw ang paglalahad ng
paksang susulatin.
3. Pagsunud-sunurin ang mga hakbang.
4. Gawing kongkreto ang pahayag.
Narito ang isang pagsusuri
sa isang tele-serye:
Joaquin Bordado, Naiibang Superhero

Naiibang superhero si Joaquin Bordado,


na gagampanan ni Robin Padilla sa
bagong telepantasya ng GMA. Hindi siya
typical superhero. Iba siya, hindi kagaya
ng dalagang lumulunok ng bato at
nagiging Darna o binatang nag-aangat ng
barbel at nagiging Captain Barbell.
Hesitant superhero siya. Hindi niya gusto
na maging superhero. Hindi niya alam
kung bakit siya binigyan o niregaluhan
ng maraming tao.
Bawat tao ay special. Ang mga bordang
ito ay inilagay sa katawan ni Joaquin
para sa isang misyon, hindi para kay
Joaquin. May collective mission sila, at
magpapatuloy sila kay Joaquin. Ang
mga tattoo sa katawan ni Joaquin
Bordado ay daga, ahas, kris, warrior,
girl, kerubin, musang, dragon, agila at
monster. Ma-appreciate ba ng mga bata
ang telepantasyang ito? Maa-appreciate
ng mga bata. Ma-appreciate ng mga
lalaki. Matutuwa ang mga bakla.
- Halaw sa Abante, Abril 20, 2008.
Pangwakas

Ganito ang ipinahayag ni Gina


Marissa Tapia sa kanyang aklat na Mga
Anino sa Kahon – Mga Piling Dulang
Pantelebisyon (1993):
Nang magsimula akong magsulat
saadyo at telebisyon, pakiramdam
ko’y unti-unting nalansag ang lahat ng
aking “armas”. Hindi umaangkop
ang aking labis na pagpapa-intelektwal sa
daigdig ng komersyalismo.
“Masa” daw (sic) ang target ng mga
serye sa radyo at telebisyon. Pag wala
raw (sic) mass appeal, mababa ang
rating. (Ang rating ay basehan ng mga
advertisers kung maraming nanonood o
nakikinig sa isang programa.) Kailangan
daw tumaas ang rating para bumenta at
dumami ang advertisements para tumagal
at pare-parehong masasaya magmula sa
producers hanggang sa tagatimpla ng
kape sa produksyon.
Ang mga tele-serye o dulang
pantelebisyon ay patuloy na kinikilala,
pinapahalagahan at tinatangkilik
pambansa at pang-internasyonal.
Inaasahang ang bawat paaralang
pansekundarya ay magkakaroon ng
school library media center na
pamamahalaan ng mga trained personnel
na siyang mamamahala sa distribusyon
ng iba’t ibang CDs na naglalaman ng
mga dulang pantelebisyon upang
magamit ng guro sa pagtuturo ng
Filipino at nang makapagsimulang
makapagsulat ang mga estudyante ng
mga pagsusuri para rito.

You might also like