Filipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Mag- aliw sa Kalikasan ng Bohol

Sa buhay hindi natin dapat itago at ilublob ang ating sarili sa ating tahanan o sa ating silid.

Minsan kasi kailangan nating lumabas sa ating sariling mundo. Kailangan nating madiskubre ang

kagandahann at ang kalawakan ng ating kapaligiran. Ang mga tanawing pangkalikasan na nais nating

puntahan. Mga tanawing hindi lang magbibigay gilliw at kulay sa ating mga mata kundi mga tanawing

makapagbibigay ng kasiyahan sa ating buong sarili.

Kaya heto ang mga lugar

na maari mong puntahan upang

ikaw ay maging maligaya sa

paglabas mo sa iyong silid. Una ay sa Camugao falls ng Balilihan.

Sa pagpunta dito malayo pa ang iyong lalakarin tungo sa lokasyon

nito. Ngunit kahit gaano pa ito kalayo sulit naman, dahil sa pagkakita mo pa lang sa pagbagsak ng tubig,

sa pag- agos nito at maging ang tunog ay mapapanganga nalang sa kagandahang taglay dito. Malinis ang
paligid, presko ang hangin, tahimik lang ang kapaligiran at ang maririnig mo lamang ay ang ingay ng

kalikasan na nagbibigay ginhawa sa iyong sarili. Malamig din ang tubig dito at pweding pwedi ang lugar

na ito para sa mga mahihilig lumangoy. Siguradong mawiwili ka sa lugar na ito. Mararamdaman mo sa

kaloob- looban ng katawan mo ang lamig ng tubig na nakakapresko sa iyong sarili. Pangalawa ay kung

naghahanap ka ng kagubatang maaari mong pasyalan, isang kagubatang puno ng mga matatayog at

kaakit- akit na mga puno. Sa Bilar man made forest mo ito makikita. Kaaya- aya ang mga puno dito at

eksaktong lugar para sa meditasyon. Kaya kung may gumugulo sa iyong isipan at puso ito ang

perpektong lugar para sa iyo. Tapos ay dumiretso ka na sa Eco park sa Bilar din naman iyon, malapit lang

naman ito dito. Para kang naglalakbay sa kagubatan. Maaring mga kahoy na malalaki lamang ang iyong

makikita ngunit makapagbibigay bitamina naman ang berding kulay nito sa iyong mga mata. Masimoy

at tahimik ang lugar na ito. Mabato bato man ang daanan ngunit sulit naman. Ang huling suhestiyon

ko na maaari mong puntahan ay sa Hilltop Carmen. Maloyo ang biyahe papunta dito. Mararanasan mo

dito at matatanaw ang kagandahan ng kalikasan dahil sa matatagpuan ito sa tuktok o mataas na lugar.

Makikita mo rito ang mga bulubunduking nagbeberdihan sa kagandahan, masisimoy mo ang malinis at

preskong hangin. Mararanasan mo rin ang pagsakay ng kabayo dito. Mayroon ding malaking kalapati

dito na pwedi mong patungan sa ibabaw. Kahit saan ka lilingon sa lugar na ito makikita mo kahit saan

ang kagandahan ng kalikasan. At marami pang ka aliw- aliw na maari mong maranasan sa lugar na ito.

Ngayong maaga pa at nag- iisip ka pa ng pupuntahan, pumunta kana sa mga lugar na ito.

Siguradong babalik- balikan mo ang kagandahang bigay nito sa iyong mga mata. Maaaring mapagod ka

sa iyong paglalakbay patungo sa iyong destinasyon ngunit may magandang maibibigay naman itong aliw

sa iyo at sulit na sulit naman ang iyong lakad tungo dito. Kaya dapat ay lumabas kana at mag aliw para

ang buhay ay magiliw.

You might also like