Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Labang Inilaan

ni Angelica R. Bacolod

Salitang pagsuko ilang ulit na sinambit,


Sa pagpasok sa paaralan, tiyaga ang siyang bitbit;
Tuhod minsa’y nanginginig sa propesor na mahigpit,
Sa Puong Maykapal ako’y kumakapit.

Sa kahab aan ng daan tumagaktak ang pawis,


Mga hakbang ko’y ubod na ng bilis
Kolehiyo ng Edukasyon, nais ko nang masapit
Sa nag-uumpukang estudyante ako’y makikisiksik.

Malayo-layo na rin ang aking nalakbay,


tangi lang namang nais makamit ang tagumpay;
Mga paghihirap na walang humpay,
sumusubok kung gaano tayo katibay.

Kapag ito’y akin nang makamit


pasasalamat sa inyo’y aking ibabalik,
Sa aking paglingon kayo ang nasisilip
Ang kabutihan ninyo’y kailanma’y di mawawaglit.

Bakas na lamang tanging maiiwan


Sa lahat ng hirap na pinagdaanan
Lahat naman ng hirap ay my hangganan
At malalasap din yaring inaasam.
Doon Sa Amin
ni Angelica R. Bacolod

Beach, isla at tampok sa mga turista,


Sa probinsya ng Palawan makikita;
Madalas na sambit ng mga kakilala
"bess kelan din kaya ako makakapunta??"

Kayangan, Mt. Tapyas, Sleeping Giant,


Ilan sa ipinagmamalaki naming Coronians;
Halika’t iyong silipin, munting paraiso sa amin,
Nang iyong masilayan, ang pinagpalang lupain.

Mapagabi o umaga, turista dito ay dagsa,


Karamiha’y sa malayo pa nagmula;
Ngunit tagal ng byahe at pagod,
mapapawi sa taglay na rikit nitong isla.

Ang kanyang birheng kagandahan,


Ay dinarayo ng karamihan;
Isang munting isla sa Palawan,
Coron ang ngalan.

You might also like