WORKSHEET Sa EsP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

WORKSHEET

LEARNING AREA:EDUKASYON sa PAGKATAO

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Napapahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pamamagitan
ng pagsusuri sa mga balitang napakinggan, patalastas na nabasa/narinig,
napanood na programang pangtelebisyon at nabasa sa internet.(EsP 5
PKP- Ia-27)

balitang napakinggan
patalastas na nabasa / narinig
napanood na programang pangtelebisyon
nabasa sa internet

INRODUKSIYON NG ARALIN:

Ang Balita ni Kuya Lito

Isang umaga, nakikinig ng balita sa radio si Kuya Lito. “Magandand umaga, mga kababayan! Ito na
naman po ang RACC Balita, Nagbabalita ngayon!”
“Naitala kahapon na dalawampu’t apat na bata na may gulang na walo hanggang sampu ang nakagat
ng aso sa bayan ng San Jose. Ito ay ayon kay Dr. Dhan R. Alejandro ng Veterinary office.”
Kung hindi ito maaagapan maaari itong ikamatay. “Pinag-iingat din ang mga may-ari ng aso na maging
responsible sa kanilang mga alagang hayop na pabakunahan ng anti-rabies at itali ang mga ito upang hindi
makadisgrasya.”
Nababahala si Kuya Lito sa napakinggang balita sa radio. Kinausap niya ang kanyang nakababatang
kapatid. Binigyan niya ang mga ito ng babala tungkol sa rabies na dala ng kagat ng aso.
“Ano ang dapat naming gawin kapag nakagat ng aso Kuya? “ tanong ni Gian sa Kuya.
“Dapat ay sabihin kaagad sa magulang o sinumang kasama sa bahay na kumunsulta na agad sa
doctor para malapatan ng paunang lunas.”
“Salamat po, Kuya Lito.” Sabi ni Gian.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang natutuhan mo sa kuwentong iyong binasa?
2. Nagkaroon ka ban g pagkakataong hindi maniwala sa balitang iyong narinig sa radio, nabasa sa
pahayagan o sa internet? Ipaliwanag ang dahilan.
3. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga balitang naririnig mo sa radio, nababaa sa
pahayagan o internet?
4. Naranasan mo nab a na tama ang iyong pagkakaintindi sa balitang iyong narinig o nabasa? Magbigay
ng halimbawa.
5. Kung ikaw ang bata sa kuwento, susunod ka ba sa paalala ng iyong kuya ukol sa balita niyang
napakinggan?

*Ang mga balita ay maaring balitang napakinggan

patalastas na nabasa / narinig
napanood na programang pangtelebisyon
nabasa sa internet
*Dalawang uri ng balita:
1. Mapangjamong balita- mga balita na may kinllaman sa mga pangyayaring may karahasan,droga
at seksuwal.
Halimbawa:
a.Lalaki patay matapos umanong manlaban sa pulis
b.Pulis sangkot sa droga.
c.Tatlong pulis huli dahil sa pangingikil.

2.Magandang balita-naglalaman ng mga balita na kaaya-aya,nakakatulong sa

mamamayan,nakapgdudulot saya sa tumatangkilik.
Halimbawa:
a.Mga artista na tumulong sa gitna ng krisis
b.Mga mag-aaral na gumagawa ng paraan para makatulong sa kapwa.

Gawain 1. Isulat sa mga kahon ang mga balitang iyong napakinggan sa radio, nabasa sa pahayagan, o
internet. Ikategorya ito sa Magandang Balita o Mapanghamong Balita. Gawin ito sa kuwaderno.

Magandang Balita Mapaghamong Balita

Gawain 2.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba at kumpletuhin ang pangungusap na nasa loob ng kahon. Gawin ito sa
malinis na papel.

1. Ano-ano ang mga balitang tumatak sa iyong isipan noong nagdaang araw na masasabi mong
Magandang Balita o Mapaghamong Balita?

2. Paano mo nasabi na ang mga ito ay magandang balita o kaya ay mapaghamong balita?

3.Kung ang mga balita ay tungkol sa mga negatibong bagay, ang gagawin ko ay
_____________________________________________________________
dahil naniniwala ako na _____________________________________________

Gawain 3.Bumuo ng isang balita tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng mga mag-aaral.Isulat ito sa malinis na
papel.

________________________________________________________________________________________

_____

Gawain 4:Sagutin ang katanungan sa ibaba.

Bilang isang mamayan, ano ang mga dapat nating isaalang-alang sa mga balita na napapakinggan o
nababasa?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________________.

Gawain 5. Lagyan ng tsek (/) ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa balitang napakinggan
radyo, nabasa sa pahayagan, o internet at ekis (x) kung hindi mo ito nabigayn ng mapanuring pag-iisip. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

____________ 1. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kumpletong detalye ang balita ukol sa lindol.
____________ 2. Nababasa ko ang isang balitang tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas
____________ 3. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan o internet.
____________ 4. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig sa radyo.
____________ 5. Naisagawa ko ang sunud-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita.

Karagdagang gawain:
Bigkasin nang may lakas, sigla at damdamin ang tula sa ibaba.

Mapanuri ako
Mapanuri ako sa aking pinakikinggan
Balita ma o sabi-sabi lamang
O anumang pinag-uusapan
Dapat kong suriin at pahalagahan

Hindi ikinakalat ang anumang usapan

Na walang patunay o ebidensya man
‘wag nang ihatid sa iba para di-makasuhan
Upang maayos ang tunay na balitaan

Ang mabuting pagninilay sa katotohanan

Hatit ay saya at di-demanda ang patutunguhan
Kaya dapat lamang na mapanuri sa napakinggan
Tamang impormasyon ilabas ng tuluyan

Pagkatao mo’y babantayog sa katotohanan

Kung tamang impormasyon ang iyong ipahayag
Mapanuri ako sa bawat minute at oras
Dahil iyan ang salamin ng pusong busilak
Bumuo ng pangako tungkol sa pagiging mapanuri sa narinig na balita sa radio, nabasa sa pahayagan, o
internet. Isulat ito sa isang malinis na papel.

Halimbawa:

Ako si ___________________________ ay nangangako at naniniwalang mahalagang pag-iisipan kong

mabuti at susuriin muna ang balitang aking narinig o nabasa bago ko ito paniwalaan upang hindi magdulot ng
kalituhan. Dahil dito ay magiging mapagmatyag ako sa katotohanan para sa pagkakaroon ng maayos na
pamayanan. Magiging modelo ako ng tamang pagsusuri ng balita, para sa totoo at walang pinapanigan kung
hindi ang katotohanan lamang.
Gabayan nawa ako ng Poong Lumikha.

_______________________________
Lagda ng Mag-aaral

You might also like