Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Oras para sa pamilya

Ang “No homework Policy” o 3611 house bill ay ipinasa sa kamara ni House Deputy Speaker Evelina
Escudero na layuning tuluyan nang tanggalin ang takdang aralin sa mga mag-aaral bilang dagdag Gawain
mula kindergarten hanggang grade 12.

Nakagugulat na may panukalang muli patungkol sa pagbibigay ng Takdang Aralin, una ang ( senate bill
966) ni Senator Grace Poe na walang takdang aralin sa araw ng sabado at lingo, at ang bago house bill
3611 o No home work Policy ni House Speaker Escudero.

Sa pagsulong ng Housebill 3611 sa kamara nitong Agosto 7, 2019, maaring magdulot ito ng samut-saring
reaksyon mula sa mga magulang, mag-aaral at mga guro.

Ayon kay Secretary Leonor M. Briones, Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, hindi bata ang gumagawa
ng home work, nawawalan ng bonding ang mga bata sa magulang, lolo’t lola, at mga kaibigan, lahat na
pormal na pag-aaral (assignments, projects, school activities etc.) ay gagawin lamang sa loob ng
paaralan.

Maraming paraan sa pagkatuto ang maaring gamitin at gawin, di lamang sa paggawa ng takdang aralin
sa mga tahanan. Importante paring may malayang oras ang bawat bata matapos ang anim na oras na
pagkababad sa loob ng silid-aralan.

You might also like