Sapi o Sanib

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

"Sapi o Sanib"

Ang sapi o sanib ay mga bagay na di pangkaraniwan at sadyang nakakatakot na mangyayari sa isang
tao.

Sino-sino ba ang sumasapi at sumasanib sa isang tao?

May mga iba't-ibang klase o uri na mga hindi nakikita ng pangkaraniwang mata ang sumasanib sa
katawan ng tao una na riyan ang mga demonyo, engkanto, lamang lupa, duwende, maligno, kapre,
tikbalang, espiritu, kaluluwa at maging ang mga aswang.

Bakit po nasasaniban ang ilang mga tao ang iba naman ay hindi?

Sinasaniban ang tao kapag bukas ang portal nito sa katawan kaya madaling pasukin ng mga iba't-
ibang nilalang at kapag mahina ang pananampalataya nito sa diyos na lumikha.

Paano ko malalamn na bukas ang portal ko sa katawan?

Hindi mo malalaman agad na bukas ang portal mo hanggat wala ka nararamdaman na presensya nila
at kapag may naramdaman ka na laging mabigat ang pakiramdam mo, masakit ang ulo, nasusuka,
nanghihina at nilalamig ang buong katawan.

Paano ko malalaman na sinasaniban na ako?

Kapag may naramdaman kang mabigat na pakiramdam, masakit ang ulo, nasusuka, nanghihina at
nilalamig ang buong katawan. Hindi mo rin mararamdaman na sinasaniban ka na dahil para ka
lamang nanaginip pero ibang espiritu na ang nasa katawan mo.

Makikita mo nasa madilim na lugar ka pati ang espiritu o engkanto o kung sino man ang sumanib
sayo ay kasa kasama mo at patuloy kang tinatakot.

Bakit po ako sinasaniban?


May mga taong sinasaniban dahil may nagambala sila, may sumama, naputol na puno, may
tinamaan na alaga tulad ng mga hayop, may nabangga o may nagkakagusto sa kanila at isa na rin
diyan ang nakukulam o nababarang sila.

Paano po mawawala ang sanib sa akin?

Pede tayong pumunta sa mangagamot, magtatawas, pastor, pari o kahit sinong sa alam natin na
makakatulong sa atin maging ang mga alagad ng diyos na may kakayahan mag palayas ng
masasamang espiritu.

Ano po ang magandang depensa para di po ako masaniban ng mga espiritu, demonyo, engkanto at
kung anu ano pa?

Ang pinakamaganda at mabisang depensa ay matibay na pananalig sa diyos, panalangin at ang


pagbabasa ng bibliya!. Isama mo na rin diyan ang medalyon ng San Benito na may debusyon at
panalangin.

Maari ka ring maglagay sa bulsa ng asin at luya para di ka malapitan ng masasamang espiritu.

Lagi rin po tayong maglagay ng asin, luya at uling sa ating bulsa.

Lagi po tayong mag ingat at magpasintabi bilang respeto narin sa kanila!

To god be the glory!

You might also like