Division of Lanao Del Norte

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X – Northern Mindanao
DIVISION OF LANAO DEL NORTE
Gov. A. Quibranza Prov’I Gov’t Compound
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte

ARALING PANLIPUNAN 8
UNANG PAMANAHUNANG PAGSUBOK
I. Panuto:Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Isulat ang titik ng
wastong sagot sa patlang bago ang bilang.
______1. Alin sa mga tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang
pisikal o Kultural?
A. lokasyon B. paggalaw C. lugar D. rehiyon
______2. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga- sanga
sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Sa limang pangunahing wika sa daigdig alin sa mga ito
ang pamilya ng wika na kinabibilangan ng wikang Filipino?
A. Austronesian B. Afro-Asiatic C. Indo-European D.Sino-Tibetan
______3. Sinong Naturalist ang may akda sa aklat na “On the origin of species” ang pagtatalakay sa teorya ng
ebolusyon.
A. Tim D. White B. Meave Leakey C. Charles Darwin D. Eugene Dubois
______4. Panahon sa kasaysayan ng daigdig kung kailan naganap ang rebolusyong agrikultural o sistematikong
pagtatanim.
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko
______5. Ano ang tawag sa unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao?
A. Panahon ng Metal B. Panahong Neolitiko C. Panahong Mesolitiko D. Panahong Paleolitiko
______6. Ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egyptian, Indus, at Tsino?
A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.
B. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog.
C. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.
D. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.
______7. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong
pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat?
A. imperyo B. kalinangan C. kabihasnan D. lungsod
______8. Ang mga sumusunod ay mga obra maestra sa panitikan maliban sa ___________
A. Shakuntala B. Ramayana C. Vedas D. Ziggurat
______9. Ang kabihasnang kinikilala sa pagkaroon ng unang urban o city planning o pagplanong panlunsod.
A. China B. Indus C. Egypt D. Mesopotamia
______10. Ito ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundin ang pisikal o bayolohikal na
katangian ng pangkat.
A. relihiyon B. wika C. grupo D. lahi

#GO100
______11. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng
heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West
Philippine Sea
______12. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga sinaunang tao sa Panahong Paleolitiko?
A. Pagtatanim B. Pagmimina C. Pangangaso D. Pagkikiskis ng bato
______13. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya-kasaysayan?
A. May klimang tropikal ang mga bansa malapit sa equator.
B. Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto, talampas at nagtataasang bulubundukin.
C. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na nagbigay-daan sa pagtatag ng unang
imperyo sa daigdig.
D. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot ng Nile sa mga sinaunang taong
nanirahan sa mga lambak nito.
______14. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na pinasimulan ng mga sinaunang
tao noong panahong Neolitiko?
A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan.
B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain.
C. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na magpaamo ng hayop.
D. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa kasalukuyan.
______15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapahiwatig ng kaugnayan ng Heograpiya at Sosyolohika?
A. Dahil sa malamig na klima kung kaya nalagas ang hukbong French ni Napoleon Bonaparte at bigong
masakop ang Russia noong 1812.
B. Ang lokasyon ng Constantinople sa pagitan ng mga rutang pangkalakalan ng Europe at Asya ay salik sa
pag-unlad ng Imperyong Byzantine.
C. Ang pagiging kapuluan ng Pilipinas ay isang salik sa pagkakaroon nito ng iba’t- ibang pangkat
etnolingguwistiko na may iba’t- ibang kaugalian at tradisyon.
D. Sa naganap na armistice sa Korean War noong 1953 ay Nahati sa pamamagitan ng 38th parallel ang Korean
peninsula sa dalawang politikal na yunit- ang North Korea at ang South Korea.
______16. Ayusin ang mga pahayag sa ibaba ayon sa ang tamang pagkasunod-sunod kung paano nabuo ang mga
kontinente ng daigdig batay sa Continental Drift Theory na isinulong ni Alfred Wegener?
I. Nagsimulang maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea hanggang sa mahati sa dalawa: Laurasia sa
Northern Hemisphere at Gondwana sa Southern Hemisphere.
II. Unti-unti ang paggalaw ng mga kontinente. Tinatayang 2.5 sentimetro ang galaw ng North America at
Europe bawat taon.
III. Mayroon lamang isang super continent na tinawag na Pangaea na pinaliligiran ng karagatang tinawag
na Panthalassa Ocean.
IV. 65 milyong taon – Nagpatuloy ang paghihiwalay ng mga kalupaan. Mapapansin ang India na unti-unting
dumidikit sa Asya.
A. IV, III, II, I B. I, II, III, IV C. III, I, IV, II D. III, II, I, IV

#GO100
______17. Ang lokasyon ay tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig. Alin sa mga sumusunod ang
halimbawa ng lokasyong absolute?
A. Ang Ilog ng Brahmaputra ay nakalatag sa hilagang bahagi ng Himalayas.
B. Ang mga bansang may tropikal na klima ay kalimitang makikita malapit sa equator.
C. Ang Pilipinas ay matatagpunan sa timog ng Taiwan at Kanlurang bahagi ng dagat Pasipiko.
D. Ang The Great Pyramid of Giza ay may coordinates na 29 58’ 45.03” N at 31 08’ 03.69” E.
______18. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang
kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
A. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento ng mga sinaunang Tsino.
C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga paaralan sa
kasalukuyan.
D. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng mga kayamanan at
pagkasira ng mga estruktura nito.

II. (Modified True or False) Panuto: Isulat ang TAMA kung ang diwa ay tama. Kung ang diwa ay mali, isulat ang tamang
salita o katawagang dapat humalili sa salitang may salungguhit upang ang diwa ay maging tama.

___ 19. Sanskrit ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga Sumerian.

______20. Ang dalawang pinakabantog na labi ng homo erectus ay ang taong Java at si Lucy.

___ _ 21. Manchuria ang tawag sa sinaunang China na nangangahulugang “Gitnang Kaharian”.

__ 22. Mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia umusbong Sumer, ang kauna-unahang


kabihasnang umunlad na imperyo sa daigdig.

___ 23. Tumutukoy ang Vedic sa kasaysayan, panahon, imperyo, kultura, at sining na may
impluwensya ng Greek.

______24. Ang Olmec ay ang lungsod sa Mesoamerica na nangangahulugang “tirahan ng diyos”.

______ 25. Naniniwala ang mga sinaunang Tsino sa Feng Shui kung saan ang pinunong Tsino ay may pahintulot
mula sa langit na pamunuan ang China.

__ 26. Si Ying Zheng ang kinilalang “Unang Emperador” ng China at nagawang pag-isahin ang mga
nagdidigmaang estado.

______ 27. Emperador ang pamagat-pantao na inuukol lamang para sa lahat ng pinuno ng Ehipto

III. Buuin ang Triple Matching Type sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga terminolohiya at konsepto batay
sa partikular na heograpiya ng isang kabihasnan. Isulat ang letra ng dalawang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A B C
___, ___28-29. Egypt A. Sa pagitan ng mga ilog A. Lupain ng Yucatan Peninsula
___, ___30-31. Tsino B. Nasa gitna ng kontinente B. Timog ng Mediterranean
___, ___32-33. Indus C. Biyaya ng Nile C. Nasa Kanluranng Yellow Sea
___, ___34-35. Mesoamerica D. Nasa tangway ng Timog Asya D. Dumadaloy ang Indus River
___, ___36-37. Mesopotamia E. May matabang lupain sa Huang Ho E. Nasa Kanlurang Asya

#GO100
IV. (Crossword Puzzle) Panuto: Buuin ang krusigrama gamit ang mga sagot na inilalarawan ng bawat bilang.
Pahalang 38. Relihiyong napatanyag at isinulong ng mga Persian.
Pababa 39. Strukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o diyos ng Sumer.
Pahalang 40. Sistema ng pagsusulat ng mga Egyptian.
Pababa 41. Tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
Pahalang 42. Kilalang pinakamahusay na manunulat at makata ng India at may akda sa dulang Shakuntala na
tinatayang isinulat niya ay hango mula sa kaisipang Hindu.
Pababa 43. Ito ang distansyang angular sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog ng equator.
Pababa 44. Salitang English na tumutukoy sa sistematikong pag-aaral sa pag-uugali, ebolusyon at kultura ng tao.
Pababa 45. Dating pangalan ng bansang Iran.
Pababa 46. Tawag sa lalawigan ng Imperyong Persian.
Pababa 47. Lagusan o daanan sa kabundukan sa pagitan ng Afghanistan at Pakistan na nag-uugnay sa Timog Asya at
Kanlurang Asya.
Pahalang 48. Kauna-unahang pangkat ng tao na nakadiskubre ng bakal.
Pahalang 49. Sila ang sinasabing bumuo ng kabihasnang Indus.
Pababa 50. Sagradong aklat para sa mga Hindu; binubuo ng mga himnong pandigma, ritwal at mga salaysay.
39
38
43 44
42

41 45 46

47

48

50

49

#GO100
ANSWER KEY

1. D
2. A
3. C
4. C
5. D
6. B
7. C
8. D
9. B
10. D
11. D
12. C
13. D
14. D
15. C
16. C
17. D
18. B
19. CUNEIFORM
20. TAONG PEKING
21. ZHONGGOU
22. AKKAD
23. HELLENISTIC
24. TEOTIHUACAN
25. MANDATE OF HEAVEN
26. TAMA
27. PARAON/ PHARAOH
28.

IV. (Crossword Puzzle) Panuto: Buuin ang krusigrama gamit ang mga sagot na inilalarawan ng bawat bilang.
Pahalang 38. Relihiyong napatanyag at isinulong ng mga Persian.
Pababa 39. Strukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o diyos ng Sumer.
Pahalang 40. Sistema ng pagsusulat ng mga Egyptian.
Pababa 41. Tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
Pahalang 42. Kilalang pinakamahusay na manunulat at makata ng India at may akda sa dulang Shakuntala na
tinatayang isinulat niya ay hango mula sa kaisipang Hindu.
Pababa 43. Ito ang distansyang angular sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog ng equator.
Pababa 44. Salitang English na tumutukoy sa sistematikong pag-aaral sa pag-uugali, ebolusyon at kultura ng tao.
Pababa 45. Dating pangalan ng bansang Iran.
Pababa 46. Tawag sa lalawigan ng Imperyong Persian.
Pababa 47. Lagusan o daanan sa kabundukan sa pagitan ng Afghanistan at Pakistan na nag-uugnay sa Timog Asya at
Kanlurang Asya.
Pahalang 48. Kauna-unahang pangkat ng tao na nakadiskubre ng bakal.
Pahalang 49. Sila ang sinasabing bumuo ng kabihasnang Indus.
Pababa 50. Sagradong aklat para sa mga Hindu; binubuo ng mga himnong pandigma, ritwal at mga salaysay.

#GO100
Z O R O A S T R I A N I S M
I
G K A L I D A S A
G A N
U T T
H I E R O G L Y P H I C S H
E A E T A R
O T R U T O
G K S D R P
R H I T T I T E A O
A Y A P L
P B Y O
I E V G
Y R E Y
A P D
D R A V I D I A N
S S
S

#GO100
#GO100

You might also like