Panitikang Pilipino Modyul 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Herrera, Julian Angelo O.

Hunyo 15, 2020


BSA 1-5 Modyul 2

ARALIN 1:
ANG SANAYSAY

Mga Gabay na Tanong sa Sanaysay ni Alejandro G. Abadilla


1. Ano ang nais patunayan ng argumento ni Alejandro G. Abadilla sa sanaysay?
Ang layunin ni Alejandro G. Abadilla sa kanyang sanaysay ay magkaroon ng kalayaan ang
makata sa pagpili ng balangkas at paraan sa pagtula. Nais niyang patunayan na hindi
mahalaga ang pamamaraan sa tula at ang tunay na mahalaga ay ang kalamnan nito.
Ipinaliwanag din niya na na ang sukat at tugma ay hindi sarili ng tulang tagalog at ang mga
pagsisikap na baguhin ang balangkas ay matatagpuan sa makabagong tula sa buong daigdig.

2. Ano ang tinutukoy na kalamnan at kaanyuan ng tula?


Ang kalamnan at kaanyuan ng tula na kanyang tinutukoy ang ideya ni Alejando Abadilla sa
isang tula o panulaan. Ang kalamnan na tumutukoy sa damdaming may hubog, kulay at tinig
pati na rin ang daloy ng pagkakaisa at pagkakasundo ng kulay, tinig at hubog ng damdamin ng
manunulat. At sa kaanyuan naman ay tumutukoy sa kagustuhan ni Abadilla na magkaroon ng
kalayaan ang makata at maaaring magkaroon ng pagbabago na ikinumpara niya pa sa damit na
luma at marumi pati na rin sa luma at sira-sirang kubo.
3. Makatwiran ba ang ipinaglalabang pagbabago sa panulaan ng may-akda?
Ipaliwanag.
Kagaya ng nakalagay sa sanaysay, ang kabaguhan ay isang bagay na hindi maiiwasan sa
mabilis na takbo ng pagkasulong. Nakasaad din dito na ang pagbabagong hangad naman ay
hindi pagwasak at ikinumpara ang balangkas sa damit at ang pagbabago ay parang pag lalaba
ng damit na luma at marumi na, hindi hangad nito hangad na sirain ang damit dahil kung
lalapastanganin o sisirain nila ang damit ay parang ang nilapastanganan nila ay ang sarili nila,
dahil hindi naman nila nais na wasakin ang damit dahil ito ay inalayan nila ng panata sa
mahabang panahon. Kaya kung ako ang tatanungin, makatwiran naman ang ipinaglalaban ng
may akda dahil lahat ng sinabi niya ay may punto at wala naming masamang intensyon sa
sining na ito.

4. Sa kabuuan ng sanaysay, anong makabuluhang ideya ang nais ikintal sa mga


mambabasa?
Sa kabuuan ng sanaysay, ang makabuluhang ideya na nais niya ikintal ay ang pag tanggap ng
pag babago na kahit sabihing ito ay nakakawasak sa kasanayan na mayroon sila dati,
masasabi padin nating makabuluhan naman ang pagwasak. Hindi lang limitado ang
pamamaraan sa pagsulat ng tula at mas maganda parin ang malayang pamamaraan kung saan
nakadepende sa manunulat ang pamamaraan na gagawin.

5. Ano ang diskurso ni Alejandro G. Abadilla? Naglalahad ba siya? Naglalarawan?


Nagsasalaysay? Nanghihikayat? Ipaliwanag.
Sa aking palagay, ang diskurso ni Alejandro Abadilla ay nanghihikayat. Sapagkat
ipinapaliwanag niya ang kaniyang panig patungkol sa isang paksa at ito ay ang pagkakaroon ng
kalayaan ang makata sa pagpili ng balangkas at paraan sa pagtula. Ako bilang isang
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

mambabasa ay nakumbinsi sa kaniyang ipinaglalaban kaya masasabi kong nangungumbinsi


siya at lahat ng sinabi niya ay may punto at nasa tama naman.

Mga Gabay na Tanong sa Sanaysay ni Renato R. Santillan:


1. Sa tingin mo, anong nais ipabatid ng may-akda?
Matapos kong basahin ang sanaysay ni Renato Santillan, napansin ko na ang nais lamang niya
ay pagbigyan pahalaga ang wikang Pangasinense at hingkayatin ang mga taga Pangasinan na
mas lalong pag yabungin ang wikang ito, dahil sa panahon ngayon mas binibigyan pansin na
ang wikang bernakular at napag iiwanan na ang wikang kinalakihan, kaya naman anis ipabatid
ni Renato Santillan na matuto tayo lumingon sa pinang galingan. Nais niyang sabihin na ang
wikang Pangasinense ay hindi nabaon sa limot o namatay dahil ang wikang ito ay patuloy pang
dumadaan sa pagsubok ng pagbabago at pagiging malikhain na siyang pangunahing katangian
ng wika.

2. Masasabi mo bang namamatay o patuloy na yumayabong ang wikang Pangasinan


lalo na sa larangan ng panitikan? Ipaliwanag.
Para sa akin, masasabi ko na patuloy na yumayabong ang wikang Pangasinan pati na rin sa
larangan ng panitikan, dahil ako ay nag base lamang sa sanaysay ni Renato Santillan. Hindi
kasi ako taga Pangasinan kaya hindi malawak ang kaalaman ko patungkol sa wika nila, ngunit
matapos ko basahin ang sanaysay na sinulat ni Santillan, masasabi ko na patuloy na
yumayabong ito, bagamat di masyadong nagagamit ang wikang ito at minsan ay nalilimutan ng
mga mamamayan, patuloy na ginagawa ni Renato Santillan ang kanyang makakaya para
maihayag sa lahat ang mayroon ang wikang Pangasinense, at mapapansin din natin na kahit
malimit lamang gamitin ito ng mga tao, patuloy na nagbabago at pagiging malikhain ang wikang
ito, kahit ang mga salita ay napapatungan ng panibagong bihis upang iakma sa kasulukuyang
panahon. At sa larangan ng panitikan naman ay nag saad si Santillan ng tatlong daan (300) na
soneto at villanelle na siksik sa mga tulang nagpapabangon sa wika at nag papatunay na ito ay
patuloy padin na yumayabong sa larangan ng panitikan.

3. May mga bagong kaisipan bang inilatag tungkol sa tulang Pangasinense ang
sanaysay ni Santillan?
Ang aking napansin na bagong kaisipan na inilatag ni Santillan sa kanyang sanaysay ay ang
kanyang sinabing ang pagkakakilala sa kulturang kinagisnan ay magreresulta sa kaunlaran,
hindi pansarili, kundi sa kaunlaran ng bansa. Pati na rin ang paglarawan niya sa wika na ito ay
hindi namamatay, dumadaan lang sila sa proseso ng pagbabago na kung saan maiaakma sa
kasalukuyang panahon.

4. Paano nilinang ng may-akda ang kaniyang argumento sa sanaysay?


Si Santillan ay gumamit ng madaming pang suportang detalye upang malinang ang kaniyang
argumento sa sanaysay. Ipinakita niya na hindi lang dahil sa kaniyang paniniwala kaya niya
nasasabi ang mga bagay na ito, nag bigay siya ng mga halimbawa ng mga tulang
Pangasinense at ginamitan niya ng mga detalyeng susuporta sa kaniyang mga paniniwala
upang lalong makumbinsi ang mga mambabasa at malinang ang kaniyang argumento.
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

5. Ano ang himig o estilo ng sanaysay?


Ang ginamit na estilo ng may-akda sa sanaysay ay ang pag paglalahad at panghihikayat, dahil
ang sanaysay ay nagbibigay linaw patungkol sa wikang Pangasinense para mas lalo natin
maunawaan kung ano nga ba ang nangyayari dito dahil sinasabi ng karamihan na namatay na
ang wikang Pangasinense dahil sa hindi paggamit ng karamihan sa wikang ito, at nanghihikayat
din ang sanaysay na lumingon sa pinanggalingan at gamitin ang wikang ito at hindi lang ang
wikang bernakular ang dapat pagbigyang pansin ng mga mamamayan dahil ito ang mag
papayabong pa lalo sa wikang Pangasinense at ang pagkakakilanlan ng sarili ay nagmumula sa
pag papahalaga sa sariling kultura at wika.
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

ARALIN 2:
ANG DAGLI AT MAIKLING KUWENTO

Mga Gabay na Tanong sa Dagling Pagsasamantala ni Isaias G. Estrella:


1. Ano ang pinapaksa ng dagling pinamagatang Pagsasamantala?
Ang pinpaksa ng dagling ito ay pagkasilaw ng tao sa karangyaan kahit pa kapalit nito ay huwad
na pag ibig. Pananamantala ay ang kakayahan ng tao na makapagsamantala ng kapwa para
lamang umangat o di kaya’y kapag nagigipit ay natutong makapagsamantala o gumawa ng
mali.

2. Paano inilarawan ang mga tauhan sa dagli?


a. Kalagayan sa buhay
Si Manuel ay isang abogado at mayaman ngunit hindi kaaya aya ng itsura. Samantalang si
Tonia at kaniyang ina ay hindi marangya ang buhay kaya’t nagaasam ng lalaking magbibigay
karangyaan sa kanila.
b. Paniniwala
Si Manuel ay naniniwalang walang magkakagusto sa kanya dahil sa panglabas na anyo na
mayroon ang binate ngunit naniniwala ang mag ina na higit na kailangan ng lalaking magbibigay
karangyaan sa kanila kaya naman sa huli ay nagkatuluyan parin si Manuel at Tonia.
c. Ugali
Mapanlait at mapagsamantala si Tonia at ang kanyang ina samantalang si Manuel ay
mapagbigay luho sa mga ito kahit na pinagsasamantalahan lang ang kaniyang salapi o
masasabi mo ring isang uto-uto.

3. Paano ipinahayag ang mga kulturang Pilipino na nakapaloob sa akda?


Isa sa kulturang Pilipino na aking napansin na nakapaloob sa akda ay ang pagkuha ng hintulot
sa magulang ng isang anak upang makatuluyan ito, ngunit hindi maganda ang pagpapakita ng
kulturang ito sa dagli sapagkat salapi ang ginamit ni Manuel upang maging ganap na
magkasintahan sila ni Tonia.

4. Paano sumasalamin sa ating lipunan ang akda?


Hanggang ngayon ay makikita pa rin ang pagsasamantala hindi lang sa aspetong huwad na
pag ibig ngunit sa ibang bagay tulad na lang ng kurap na gobyerno at pati na rin sa mga
negosyo. Ang pananamantala para sa sariling kapakanan ay sumasalamin sa ating lipunan
dahil sa mga taong gagawin ang lahat para sa kanilang kapakanan kahit na may natatapakan
na silang iba, na imbis na mag hatakan pataas ay nag papaunahan lamang sa taas.

5. Ano-anong mga suliraning panlipunan ang nakapaloob sa akda at paano ito


mabibigyang solusyon?
Kitang kita sa pamagat mismo na ang pananamantala ay isang suliraning panlipunan dahil
makikita ang samut saring pananamantala ang ginagawa sa mga walang laban. Pati na rin sa
kung paano palakihin at impluwensiyahan ng nanay ni Tonia ang kaniyang anak. Sa pag
solusyon naman dito, sa aking palagay ay dapat maging isang magandang modelo ang mga
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

namumuno sa atin upang maipamulat sa mga mamamayan ang mga bagay na ito, kasi ang
kaugalian ay mahirap na solusyonan lalo na at kinalakihan na ng karamihan pati na rin ang pag
impluwensiya ng magulang sa isang anak. Walang ibang solusyon kundi ang tulungan sila na
mamulat sa katotohanan at nasa sa kanila na iyon kung tatanggapin ba nila at babaguhin ang
kanilang pagkakamali.

Mga Gabay na Tanong sa Dagling Karera ni Jomar G. Adaya:


1. Ano ang pangunahing konsepto o kaisipan ng dagli?
Sa akdang ito, ikinukumpara ang sugal sa ating buhay. Minsan talo, minsan panalo. Minsan
malas, minsan swerte. Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba. Hindi natin maididikta ang
kapalaran. Walang nakakaalam nito. Maari tayong magpredikta, pero pwedeng magkatotoo,
pwede ring hindi. Maaaring umaayon na sa plano ang lahat, at nang malapit na sa huli, biglang
masisira at magbabago ang lahat na sa madaling salita ay walang kasiguraduhan ang lahat na
para bang sugal.

2. Paano nakaimpluwensiya ang pamagat ng akda sa nilalaman nito?


Ang pamagat na Karera ay tumutukoy sa sugal na ipinapakita sa may akda kung saan ang
mananakbo ay susundan ang pinakawalang kalapati o manlalakbay at susundan nito kung saan
ito bababa. Ngunit maaari ring may mas malalim na depinisyon ang pamagat na ito, maaaring
ang pamagat na karera ay nakaimpluwensiya sa akda dahil da mithiin ng mga karakter na
nakapaloob sa dagli, katulad ng mananakbo na nais lamang habulin ang kanilang kapalaran sa
mananakbo kung sila nga ba ay makakamit na malamnan ang kaniyang sikmura.

3. Iugnay ang dagli sa mga sumusunod:


a. Lipunan
Maiuugnay ko ang dagli sa lipunan sa estado ng mga tao, karamihan kasi ay umaasa nalang sa
sugal o kapalaran para makakuha ng pangangailangan sa buhay, na kadalasan ay nagiging
sanhi ng prolemang pampamilya at karahasan dahil sa hirap ng buhay at sa salapi na nakataya
sa sugal na ito.
b. Sosyo-ekonomiko
Maiuugnay ko ang dagli dahil ipnapakita ng dagli ang estado ng bansa sa sosyo-ekonomiko sa
pagiging mapamaraan ng mga Pilipino sa paghahanap buhay, dahil di hamak na mayroong
kakulangan ng trabaho sa Pilipinas na isang problema sa ekonomiya sa bansa. Kaya naman
ang mga Pilipino ay kumakapit sa patalim na magkaroon lamang ng hanap buhay sa
pamamaraan ng pagsugal na nakapaloob sa underground economy.
c. Politika
Sa Politika naman, maiuugnay ko ang dagli dito dahil sa sugal. Ang sugal ay nakapaloob sa
underground economy kung saan walang tax na nakukuha ang gobyerno dito. Higit na ipinag
babawal ang ganitong klase ng libangan ng gobyerno sapagkat walang napapakinabangan ang
gobyerno dito. Para sa mga taong mahihirap katulad ng mananakbo sa dagli, handa silang
isugal ang konsepto ng batas na bawal ang ganitong uri ng “libangan” o “hanap-buhay” upang
matugunan ang pang araw-araw na pangangailangan.
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

4. Batay sa nabasang dagli, ipaliwanag ang pagkakapareho ng mananakbo at ng


manlalakbay.
Ang mananakbo at manlalakbay ay walang ibang gusto kundi ang makamit ang kalayaan. Ang
kalayaan na makalipad at magampanan ang papel nito sa kalikasan bilang ibon para sa
manlalakbay, at makalaya o makatakbo papalayo sa kasalakuyang estado kahit minsan lang,
na makapamuhay man lang ng hindi sumasala sa pagkain at sa pamamagitan ng paglasap ng
katiting na tagumpay bunga ng masugid na pagsubaybay at paghabol sa kalapating may dala
ng kanilang kapalaran ang para naman sa mananakbo.

5. Paano ginamit ang wika sa ganito kaiksing akda? Ipaliwanag.


Ang ginamit na pamamaraaan ni Jomar Adaya sa paggamit ng wika sa ganitong klaseng akda
na maiksi lamang ay hindi niya binanggit ang mga bagay ng deretso, gumamit siya ng mga
simbolo para ilarawan ang mga tauhan sa dagli para tayong mga mambabasa ay napapaisip
parin sa mensaheng nais ipabatid sa akda. Ang mga tauhan ay ginamit niya ring simbulo na
kung saan may mensahe na makakarating saatin.

Mga Gabay na Tanong sa Maikling Kuwentong Handog sa Kanyang Ina:

1. Anong pagkamulat ang ibinigay ng teksto sa iyo?


Minulat ako neto sa mga pagkakamaling nagagawa natin ng hindi natin alam, ang pagpapairal
ng init ng ulo bago alamin ang buong storya na aking naranasan din. Ngunit minulat din ako nito
sa pagmamahal ng magulang at ng anak, dahil wala naman tayong ibang hangad kundi ang
pasayahin ang kapamilya natin na parang ginawa ni Ben na kahit sa sobrang liit na bagay basta
may pagmamahal ay sobrang nakakapag palambot ng damdamin na ipinakita ng nanay na
hinanap niya ang maaari pang makain sa balot na nadaganan.

2. Ano ang pangunahing konsepto o kaisipan ng maikling kwento?


Ang pangunahing kaisipan ng maikling kwento ay ang kagustuhan ng anak na si Ben na
mapaligaya ang kaniyang inay na mayroong sakit sa kaniyang kaarawan sa pamamagitan ng
pag bibigay ng isang bagay na magugustuhan ng kaniyang inay tulad ng panyo na binigay niya
dati.

3. Paano nakaimpluwensiya ang pamagat ng akda sa nilalaman nito?


Ang pamagat na “Handog sa kaniyang ina” ay isang pamagat na nagbibigay palatandaan sa
kung ano ang mangyayari sa storya, ngunit nakaimpluwensiya ito sa naging kasukdulan sa
maikling kuwento. Bilang mambabasa nabigyan na ako ng ideya na mag bibigay siya ng regalo
sa kaniyang inay na makapag papasaya sa kaniya sa kabila ng sakit na dinadala, ngunit dahil
din sa palatandaan ng pamagat, mas lalong naging kamangha mangha ang pag sulat sa
kuwentong ito at naging isang magandang katuruan ito para sa ating mambabasa na inaasahan
ko ay ang ipapakita lamang ay ang pagmamahal ng isang anak sa magulang.
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

4. Iugnay ang maikling kwento sa mga sumusunod:


a. Lipunan
Maiuugnay ko sa lipunan itong maikling kwento sa mga nagiging problemang pampamilya dahil
sa kakulangan sa pagpapahalaga. Kaya dumarami ang mga batang napapariwara ay dahil din
sa kung paano sila ituring sa kanilang mga tahanan, hindi man pisikal ngunit alam naman natin
na madalas ay mas mabigat pa dalhin ang mga salitang tumatagos sa damdaming natin katulad
ng batang si Ben na ang nais lamang ay paligayahin ang kanyang ina ngunit nagalit pa ito dahil
sa pag papairal ng init ng ulo bago alamin ang buong storya. Alam naman natin na walang
lipunan kung walang pamilya, kaya tiyak na hindi rin magiging maayos ang lipunan kung hindi
maayos ang pamilya.
b. Sosyo-ekonomiko
Maiuugnay ko sa sosyo-ekonomiko ang kwentong ito dahil sa estado ng ekonomiya ng bansa,
kung saan makikita natin ang kalagayan ng pamilya ni Ben na may kakulangan sa pinansyal na
pangangailangan lalo na sa umpisang bahagi ng kwento kung saan si Ben ay naghahanap ng
bagay na maireregalo sa kaniyang inang may sakit kung saan napapayuko nalang siya sa
tuwing kinakapa niya ang kaniyang bulsa at treinta sentimos lamang ang mayroon siya.
Pinapakita dito sa maikling kwento ang nararanasan ng mga kagaya nila na walang kapasidad
na makasabay sa nangyayari sa ekonomiya, maiuugnay ko ito sa ating bansa dahil higit na kita
naman natin na mataas ang pursyento ng mga taong nakakaranas ng kahirapan dito na isang
sosyo-ekonomikal na problema
c. Politika
Maiuugnay ko ang maikling kuwento sa Politika sa paraan na sinisimbolo ng batang si Ben ang
mga mamamayan ng bansa at ang nanay ni Ben naman ang gobyerno, sapagkat kitang-kita
naman ang pagkabulag ng gobyerno sa ginagawa ng mga mamamayan dito sa PIlipinas. Isang
halimbawa ay ang pagkakaroon ng mga protesta patungkol sa ginagawa ng gobyerno, kaysa
makita ng gobyerno ang nais ipabatid ng mga nag poprotesta o kung bakit nag poprotesta ay
ang nakikita nila ay ang paglaban ng mga mamamayan sa gobyerno.

5. Paano binuo ng may-akda ang bawat pahayag sa kuwento? Ipaliwanag.


Ang may akda ay hindi nagmamadali sa pag kwento, detalyado ang mga bagay bagay nan ais
niya ipakita ngunit hindi niya ito ginagawang masyadong mahaba. Nag pokus ang may akda sa
pag papakita ng kinakaharap ng pangunahing tauhan kasabay ng pagoobserba niya sa pag-
uugali ng mga tao. Napakahusay ng pagkabuo ng may-akda sa bawat pahayag dahil ang
detalye ay kumpleto, makikita mo kung paano ipinakilala ang tauhan, nakasaad ang mga lugar
at tagpuan, at maganda ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Nagawa niya ito sa
paraang hindi nakakabagot at sa paraang maipapakita niya ang nais niya na ibatid sa mga
mambabasa ng madali.

Mga Gabay na Tanong sa Maikling Kuwentong Multo ng Isang Trahedya:

1. Naging matagumpay ba ang paggamit ng wika ng may-akda sa paglikha ng mga


diyalogo sa kuwento? Ipaliwanag.
Para saakin, nagging matagumpay ang paggamit ng wika ng may akda sa mga diyalogo sa
kuwento sapagkat ako mismo na mambabasa lamang ay nakakaramdam ng emosyon tulad ng
lungkot, kaba, pagkasabik sa kung ano pa ang mangyayari at iba pa pati na rin naipakita ng
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

may akda ang karaniwang ginagamit na diskurso ng mga tao kaya mas lalong kapanipaniwala
at nakakahikayat basahin. Sa madaling salita, naging epktibo ang paggamit ng wika ng may
akda dahil pakiramdam ko ay kasama ako sa kuwentong kanyang isinulat.

2. Ano ang pinapaksa ng maikling kuwento?


Ang pinapaksa ng maikling kuwento ay kagaya nga ng pamagat na “Multo ng Isang Trahedya”,
ang pinapaksa ng maikling kuwento na ito ay ang multo natin sa buhay, ang mga bagay na
hindi natin maibabaon sa limot at laging sasagi sa ating mga isipan, ang sugat na naidulot nito
sa atin kagaya ng multo sa buhay ng magulang ni Shiela, ito ay ang pagkamatay ng kanilang
anak na dapat mag tatawid sa kanila sa kahirapan, pati na rin ang multo sa buhay ng kontrabida
na si Bong, ito ay ang pagkamatay ng kaniyang inay at ang panglalait sa kaniya ng mga tao.

3. Paano inilarawan ang mga tauhan sa kuwento?


a. Kalagayan sa Buhay
Lahat ng tauhan na nabanggit sa kuwento ay mayroong mahirap na kalagayan sa buhay. Si
Shiela ay isang working student dahil para lamang makapag aral dahil ang kaniyang magulang
ay mahirap lang rin lamang at nakatira lang sa skwater’s area. Pati na rin ang pangunahing
tauhan ng kuwento na ang guro ni Shiela ay nang galling lamang sa buhay na kung saan
namumulot lamang ng mga kalakal kasama ang holdaper na kaniyang kababata na si Bong
Baho. Ngunit ang guro ni Shiela ay naging isang guro kaya masasabi kong maganda na rin ang
kaniyang kalagayan sa buhay.
b. Paniniwala
Ang paniniwala na nakita ko sa maikling kwento ay ang paniniwala na ang isang malaking
trahedya sa buhay ang malaman na ang mga taong naging bahagi ng buhay ng isang
indibidwal ay bubuo ng isang di malilimutang tagpo na magpapaalala sa atin upang multuhin pa
lalo ng kahapon na nang galing sa pamagat ng kwento na “Multo ng isang trahediya.”
c. Ugali
Si Shiela ay isang napaka sipag na bata na walang ibang gusto kundi ang makamit ang
kaniyang pangarap at ang kaniyang mga magulang naman ay kapos-palad ngunit ginagawa
parin ang makakakaya matulungan manlang ang kanilang anak. Ang guro naman ni Shiela ay
masasabi kong napaka bait dahil sa pinakita niyang pakikiramay sa studyanteng namatay pati
na rin ang pagsubok niya na kausapin ang kababata niyang pumatay sa kaniyang studyante at
bisitahin ito sa kabila ng lahat ng nangyari. At si Bong Baho naman ay masasabi kong isang
masiyahin na bata noong kasa kasama pa niya ang kababata na guro na ni Shiela sa
kasalukuyan, ngunit nabalot ng pagkamuhi ang kaniyang pagkatao dahil sa lahat ng kaniyang
pinagdaanan sa buhay.

4. Paano sumasalamin sa ating lipunan ang maikling kuwento?


Katulad sa kwento, ang mga pangyayaring ito ay makikita din natin sa ating lipunan, kung saan
ang mga tao lalo na ang mga kapos-palad ay kumakapit sa patalim at gumagawa ng krimen
para lamang maiahon sa hirap ang kanilang sarili o para magkaroon ng sapat na pera para sa
kanilang pangangailangan. Katulad din sa kwento, hindi naman makakamit ng biktima ang
hustisya lalo na kung huli na ang lahat kagaya kay Shiela na hindi naman na maaabot ang
kaniyang pangarap dahil siya ay sumakabilang buhay na. Sumasalamin ang lahat ng
pangyayaring ito sa ating lipunan dahil makikita natin at maimumulat tayo nito sa mga bagay na
kayang gawin ng mga tao na magbibigay katuruan satin na laging mag iingat dahil kagaya sa
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

kwento ay maraming krimen ang nangyayari sa bansa sa pang araw araw na maaaring ikasira
din ng pangarap natin katulad ng pangarap na makikita sa mat ani Shiela bago siya mamatay.

5. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng kuwento?


Bilang isang taong mahilig sa mga kwentong ganito, ako ay sang-ayon sa naging wakas ng
kwento kung saan ipinakita sa huling kataga ng pangunahing tauhan “nakita ko ang sariling
ibinilanggo sa mga sumbat ng mga multo ng isang trahedya” na nag papakita ng kahulugan
ng pamagat. Marami mang katanungan ang naiwan sa atin dahil sa open ending nito, ako ay
sang-ayon parin dahil nakakasabik ang ganitong klaseng pagwakas at mapapaisip tayo sa kung
ano pa man ang nangyari sa kwento.
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

ARALIN 4:
ANG DULA

Mga Gabay na Tanong sa Dula ni Rene O. Villanueva:


1. Ano-ano ang iba’t ibang suliraning kinaharap ng pangunahing tauhan?
Ang mga kinakaharap na suliranin ng pangunahing tauhan na si Lola Goya ay ang kahirapan na
hindi na nabago ng gobyerno na kahit anong palit ng namumuno ay mangangako lang sa
umpisa ngunit wala ring mangyayari, isa pa ay ang anak ni Lola Goya na si Elsa na napaka
tigas ng ulo na hindi nakinig sa kanya at matapos na iwanan siya ng kaniyang kabiyak na si
Erning ay iniwan ang tatlong natitirang buhay na anak kay Lola Goya para may mag alaga sa
bata ngunit hindi sapat ang kakayanan ng pangunahin tauhan na nagdulot pa ng mga
karagdagang mga suliranin para kay Lola Goya.

2. Sumasang-ayon ka ba sa ginawang solusyon ng pangunahing tauhan sa kanyang


mga suliranin? Bakit?
Labis akong sumasang-ayon sa ilang ginawang solusyon ng pangunahing tauhan sa kanyang
mga suliranin, ngunit hindi sa lahat ng aksyon niya ay sang-ayon ako. Una, ang suliranin niya
sa kaniyang kahirapan ay labis akong pinabilib, ipinakita niya ang walang humpay na pananalig
sa maykapal pati na rin ang aksyon na kinakailangan para masolusyonan ang kahirapan at ito
ay ang kaniyang pagtitinda ng turon at banana cue, sumunod naman ay ang ginawang solusyon
ni Lola Goya sa pag asa ng kaniyang anak sa kaniya upang alagaan ang tatlong natitirang
anak, sang-ayon parin ako sa mga aksyon na ginawa ni Lola Goya na kahit nakakaawa ang
pangyayari para sa kaniya na sa kaniya iniasa lahat, kitang kita natin ang pagmamahal na
ipinapakita niya para sa kaniyang anak, na kahit nakakasagabal ang mga apo sa kaniyang
kabuhayan ay pilit niyang ipinagsasabay ito. At ang huling suliranin ay ang sakit na nadama ng
bunsong apo na si Edita, at ang ginawang solusyon ni Lola Goya na ihampas ang ulo nito
upang maibsan ang hirap na nadarama ng apo kahit labag sa kaniyang loob, ako ay hindi parin
sang-ayon sa kaniyang nagging aksyon, ngunit hindi ko maikakaila na may punto ang ginawa ni
Lola Goya at dahil din sa hirap ng buhay kaya niya nagawa iyon, ngunit para saakin kahit kalian
hindi magandang solusyon ang pag patay kasi sa huli, pag patay parin iyon.

3. Ano ang ideya ng may-akda hinggil sa pagiging isang dakilang mamamayan?


Sa aking pagkakaintindi ang ideya ng may akda hinggil sa pagiging isang dakilang mamamayan
ay isang mamamayan kung saan may pagmamahal, pagpapakumbaba, pananalig sa maykapal,
at lakas ng loob at determinasyon sa pagharap sa suliranin sa pamamagitan ng sariling
kakayahan. Kagaya ni Lola Goya na hinarap sa kahirapan sa buhay, politikal na suliranin, at sa
pag-uugali ng kaniyang anak at ng mga taong nakapalibot sa kaniya ngunit sa kabila ng lahat
ng ito ay ipinakita niya ang pagtanggap sa lahat ng suliranin, pagharap dito sa pamamagitan ng
sariling pamamaraan sa kung saan kaya ng sariling kakayahan, at pananatiling positibo sa
kabila ng lahat ng pinagdaanan.

4. Ano ang naramdaman mo matapos mabasa ang dula? Ipaliwanag.


Halo halo ang emosyon na aking naramdaman matapos basahin ang dulang ito, sapagkat lahat
ng nakasaad dito ay masakit mang aminin pero kitang kita na ganito ang Pilipinas.
Nakaramdam ako ng galit at inis sa mga suliraning pinag dadaanan ng pangunahing tauhan lalo
na sa ginawa ng gobyerno na itinatak na sa isip ng mga mamamayan na wala silang mapapala
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

kung sa gobyerno sila aasa, na alam ko ay madaming tao ang ganito na din ang pag iisip dito
sa Pilipinas. Nakaramdam din ako ng awa siyempre kay Lola Goya sapagkat para saakin ay
hindi karapat-dapat para kay Lola Goya ang kaniyang mga pinag daanan, hirap, lungkot, at
mapapait na pangyayari lamang ang sumalubong sa kaniyang tuwid na pagtingin sa kaniyang
buhay kung saan ginagawa niya ang lahat mabigyan lang ng maayos na buhay ang sarili na
hindi iniisip ang sariling edad, ngunit sa kabila ng lahat sobrang bilib ko sa mga nagawa ni Lola
Goya sa kabila ng lahat, ipinakita niya parin ang buhay ng isang taong hindi sumusuko anoman
ang kaharaping suliranin sa buhay, kaya masasabi ko na oo nga, isang dakilang mamamayan
ng republika si Lola Goya.

5. Ano ang iplikasyon ng dulang ito sa iyo bilang isang Pilipino, bilang isang
mamamayang naninirahan sa Republika ng Pilipinas?
Bilang isang Pilipino at bilang isang mamamayang naninirahan sa republika ng Pilipinas, ang
implikasyon ng dulang ito sa akin ay hindi negatibo kahit na puno ng lungkot at hinagpis ang
tinalakay ng dula. Ang implikasyon nitong dula sa akin ay positibo kung saan magagamit ko ang
mga karanasan ni Lola Goya bilang inspirasyon at bilang pang mulat sa akin na maging isang
dakilang mamamayan ng republika katulad ni Lola Goya. Kung paano niya tanggapin ang mga
suliranin at gawan ito ng paraan sa paggamit ng sariling abilidad, kung saan hindi iniisip ang
sariling kahinaan at hayaan na maging sagabal ito. Minulat ako ng dulang ito lalo na sa isa sa
sinabi ni Lola Goya at ito ay ang masabi niyang “Swerte parin ako” sa kabila ng lahat ng
paghihirap, tintingnan niya ang positibo sa negatibo na talagang nakakapag pamangha sakin at
nagging isang aral sakin kung paano humarap sa pagsubok sa buhay. At bilang Pilipino,
ipinakita sakin ni Lola Goya kung gaano kahalaga ang pagmamahal, pagpapakumbaba, at
pananalig sa maykapal.

Mga Gabay na Tanong sa Dula ni Romeo P. Peña:

1. Sa ano-anong katangian nagkakatulad at nagkakaiba ang Hawaii sa Pilipinas?


Kagaya ng ipinakita sa dula, may mga katangiang pagkakatulad at pagkakaiba ang Hawaii sa
Pilipinas, dahil na rin sa mga Pilipinong nag migrate o nanirahan na sa Hawaii. Napag usapan
nila ang mga kasaysayan at kultura na mayroon sa Pilipinas at ipinakita ito sa dula upang
mapatunayan ng mga tauhan na sila ay isang tunay na Pilipino at matapos nilang maiulat ang
mga kasaysayan at kulturang ito ay naihahalintulad nila ito sa kasaysayan at kulturang mayroon
din sa Hawaii na nalaman nila ng dahil sa pag mamigrate sa Hawaii. Ipinakita din sa dula ang
mga kantang pangkatutubo ng Pilipinas at Hawaii, ngunit siyempre hindi naman maiiwasan na
magkaroon ng pagkakaiba ang dalawa, isang halimbawa na rin ang binanggit na restorant na
tinawag na Golden Coin Restaurant ng Hawaii na sinasabing inahahalintulad din sa Goldilocks,
ngunit sinabi ng isa sa tauhan na kahit ikinumpara sa Goldilocks ang nasabing restorant ay may
pagkakaiba parin kumpara sa tunay na lutong Pinoy.

2. Bakit mahalaga na hindi makalimutan ang nakaraan o ang pinamulang lugar ng


isang tao katulad ng inilahad ng mga pangunahing tauhan sa kuwento?
May kasabihan nga tayo na matuto tayong lumingon sa ating pinang galingan, dahil ang
paglingon ay tanda ng paggalang sa pinang galingan. Kitang kita sa dula ang pagka Pilipinong
nag migrate na sa Hawaii, nasasabi nilang Pilipino sila kasi nagagawa nilang lumingon sa
pinang galingan nila, dahil simula’t sapul nahubog naman ang pagkatao nila sa pagka Pilipino
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

nila. Nang dahil din sa pag lingon nila sa kanilang pinang galingan at hindi pagkalimot sa
nakaraan ng kanilang pinag mulang lugar, nagagawa nila na maihayag kung sino sila, at
nakikita nilang buo ang pagkatao nila, kasi kung hindi mo magawang alalahanin ang iyong
nakaraan sa pinang galingang lugar, hindi mo lubos masasabi kung sino ka, kaya maganda din
ang ginawa ng may-akda na ginamit ang pamamaraan ng pagpapakilala sa umpisa ng dula na
nagpapakita ng paglingon sa nakaraan kung saan nag umpisa at nanggaling.

3. Nagtagumpay ba ang may-akda na ihatid ang mensaheng nais niyang iparating sa


mambabasa? Sa paanong paraan?
Para sa akin nagging matagumpay ang may-akda na ihatid ang mensaheng nais niyang
iparating sa atin, dahil ako mismo ay inaamin na hindi ko magawang ipag malaki na ako’y isang
Pilipino dahil nakikita ko na ang pamahalaan na mayroon tayo ay hindi naisasakatuparan ang
mga pangakong kanilang binitawan at maraming problema ang kinakaharap ng mga Pilipino na
hindi din masolusyonan. Ngunit matapos ko basahin ito nagkaroon ako ng lakas ng loob na ipag
malaki ang bayan ko na tulad nila na tumitingin din sa magandang bahagi ng Pilipinas tulad ng
pag sabi na mayaman parin talaga ang Pilipinas ng dahil lang sa mga mall na binanggit sa dula.
Dahil bago ko basahin itong dula masasabi kong mahirap ang Pilipinas dahil mataas ang
pursyento ng mga taong nag hihirap sa bansa ngunit nabuksan ang isip ko na hindi lang dapat
sa mga negatibong bagay nag tutuon ng pansin, pasalamatan parin natin ang yaman na
mayroon ang Pilipinas kaya ngayon ay masasabi kong mayaman parin nga ang Pilipinas sa
dami ng tinataglay na kagandahan ng lugar na ito. Pati na rin ang pagbalik tanaw na nag
papakita na itinataas parin natin ang pagka Pilipino natin.

4. Ano ang kahalagahan ng dulang ito sa tulad mong Pilipino?


Ang kahalagahan nitong dulang ito sa kagaya kong Pilipino ay ang kakayahan nito na imulat
tayong mga Pilipino sa kung paano dapat natin mahaling ang sarili nating lahi at pinang
galingan. Tinutulungan tayo nito na mas lalong pasalamatan na tayo ay naging Pilipino lalo na
at naipapakita ng may akda ang iba’t ibang tauhan na mga Pilipino na masasayang nagbabalik
tanaw sa kasaysayan ng Pilipinas pati na rin ng koneksyon ng bansang ito sa kung sino sila
ngayon.

5. Bilang isang Pilipino paano mo maipagmamalaki ang iyong lahi?


Kagaya ng mga tauhan, maipagmamalaki ko ang aking lahi sa paraan ng pagbabahagi sa iba
patungkol sa kasaysayan ng aking pinagmulan, maaari akong gumamit ng teknolohiya at social
media na uso ngayon para sa pagbabahagi ng kasaysayan ng aking pinagmulan, pati na rin
ang pakikilahok sa mga selebrasyon na kung saan ay ginugunita ang mga pinag daaanan ng
bayan natin, maaari rin naman na gamitin ang tinataglay na sariling panlasa pagdating sa
pagkain at ibahagi ito sa mga dayuhan dahil malaki din ang parte nito sa kasaysayan natin, at
siempre higit sa lahat maipagmamalaki ko ang aking lahi at pinang galingan sa paggamit ng
sariling wika na mayroon tayo at iyon ay ang wikang Filipino.
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

ARALIN 5:
ANG TALUMPATI

Mga Gabay na Tanong sa Talumpati ni Pangulong Pangulong Joseph Ejercito Estrada:

1. Ano-ano ang mga suliraning binanggit ng Pangulo sa kaniyang talumpati?

Ang pinaka pinupunto ng Pangulong Joseph Estrada na suliranin sa kaniyang talumpati ay ang
malubhang lagay ng ekonomiya ng bansa kabilang na dito ang estado ng mga mahihirap.
Ihinayag niya ang mga pangunahing suliranin katulad ng edukasyon, sapat na pagkain, at
tahanan na talagang may koneksyon sa kahirapan. Isa ring suliraning binanggit ng Pangulo ay
ang mga krimen, maliit man o malaki, kabilang na rin ang mga krimen na naranasan sa mga
nakaraang taon bago ang pamumuno ni Pangulong Joseph Estrada lalo na sa loob mismo ng
pamahalaan.

2. Paano inilatag ni Pangulong Estrada ang kanyang mga plataporma sa kanyang


talumpati?

Inilatag ng Pangulong Estrada ang kaniyang mga plataporma sa kaniyang talumpati sa


pamamagitan ng pag umpisa sa nakaraan at pangyayari sa kaniyang buhay para maipakita niya
sa madla kung paano siya bilang isang indibidwal at siempre bilang isang pinuno ng bansa.
Binigyan niya ng pokus ang mga mamamayang mahihirap sa pag latag ng kaniyang mga
plataporma, na nag papakita na alam niya kung sino ang pinaka nangangailangan ng tamang
pamumuno ng isang Pangulo. At pagdating naman sa mga krimen na nangyayari ay ginamitan
niya ng mga pambabanta at sinabi ang katagang “Walang kaibigan, walang kumpare, walang
kamag-anak” kaya naman mas lalong naging nakakakumbinsi ang talumpating kaniyang
ginawa.

3. Ano ang reaksyon mo hinggil sa mga platapormang ipinahayag sa talumpati?

Siyempre bilang isang Pilipino, masaya ako sa ganong plano para sa ating bansa dahil para sa
ikabubuti din naman natin ang mga ito. Lalo na ang pagbigay pansin niya sa mga mamamayang
totoong nangangailangan at bibigyan ng pangunahing atensyon ang mga ito, dahil bilang
mamamayan ng Pilipinas, ang hangad ko lang din naman na hindi ko nakikita sa ating bansa ay
ang pagkaka pantay-pantay ng lahat. At sa kaniyang talumpati, nag pakita siya ng pag-asa sa
mga kagustuhan natin na mas umunlad at maging maayos ang bansa, kaya naman puro
positibo ang aking reaksyon hinggil sa mga platapormang ipinahayag niya sa kaniyang
talumpati.

4. Ano ang mahalagang bagay na natutuhan mo sa talumpati? Bakit?

Natutunan ko sa talumpati na ipinahayag ni Pangulong Estrada ay ang pamamaraan niya ng


pag pili ng mga salita at wika sa kaniyang ihinahayag. Dahil lahat naman tayo ay may
hinahangan na maganda para sa ating bansa, kaya kahit na mahalaga na matutunan natin ang
ganoong klaseng pag iisip ang pinaka mahalaga parin na aking natutunan ay ang salita na
kaniyang ginamit, sapagkat dahil dito natutulungan niyang maimpluwensiyahan ang madla,
nabibigyan niya ng pag-asa ang makikinig sa pamamagitan ng salita. Kung paano niya haplusin
ang damdamin ng mga tagapakinig ay isang mahalagang bagay lalo na sa pamumuno sa isang
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

bagay. Kung magagamit ko rin ang aking boses at pagsasalita para makapag bigay ng
positibong bagay sa madla, hindi man bilang pangulo, ngunit bilang isang mamamayan na ang
nais lang din ay ang ikabubuti ng nakararami, ay masasabi ko na itong natutunan ko sa
kaniyang talumpati ay talagang napakahalaga para magkaisa ang mga tao sa ating paligid.

5. Nakatulong ba ng malaki ang mga pananalitang ginamit sa talumpati upang


mahikayat ang mga nakikinig o mambabasa?

Masasabi kong ang mga pananalitang ginamit sa talumpati ang nagbigay buhay sa kaniyang
talumpati, sa mga salitang kaniyang binitawan ay makakaramdam ka ng emosyon at kusa ka
nalang mahihikayat ng dahil sa mga binitawan niyang salita. Sa kung paano niya sinabi na
“walang kamag-anak” ay nag papakita lang na seryoso siya sa ginagawa niya, pinapakita ng
mga salitang kaniyang pinili kung sino siya kaya masasabi ko hindi lang basta nakatulong ng
malaki, dahil eto nagbigay kulay sa kaniyang talumpati.

Mga Gabay na Tanong sa Talumpati ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III:


1. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang wikang ginamit ng may-akda upang
ipahayag nang malinaw ang mensahe ng talumpati?
Gumamit ang Pangulong Aquino III ng wikang ginagamit natinsa pang araw-araw, hindi bastos,
ngunit hindi masyadong pormal. Nakakatulong ito na mas madaling ipaintindi sa tagapakinig
ang nais niya ipabatid at para makaramdam ng pagka komportable sa pakikinig dahil parang
nakikipag usap lang siya ng normal. Masasabi kong nakatulong ito dahil ako rin mismo ay
naintindihan agad ang nais niya ipabatid, ang mga bagay na nais niya gawin, at iba pa.

2. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng talumpati sa naunang talumpating


binasa?
Para sa akin parehas naman maganda ang layunin ng talumpati, parehas lang ito na nag
papakita ng konsiderasyon sa bansa. Parehas itong nag hahayag ng malinaw na impormasyon
at masasabi ko na itong mga talumpati na aking binasa ay parehas na epektibo. Ngunit kung
ako ay mamimili, mas gusto ko ang pamamaraan ng talumpati ni Pangulong Estrada, mas
ramdam mo ang emosyon, mas ramdam mo yung pag intindi niya sa kababayan, at mas
nakakakumbinsi na totoo siya sa kaniyang mga sinasabi. Ang talumpati naman ni Pangulong
Aquino III ay mas impormatibo, ngunit di ko masyadong maramdaman ang emosyon sa
kaniyang talumpati, parang naging kulang lang sa akin yung sinasabi niya na “ako rin” at parang
lumabas kasi na minana lang niya ang posisyon niya sa unang bahagi ng kaniyang sinabi at isa
ako sa may ayaw ng Political Dynasties.

3. Paano ipinakita ng may-akda ang kanyang ideya ukol sa pagbabagong hatid ng


bagong pamunuan?
Inumpisahan niya mula sa mga ginawa at tinahak ng kaniyang mga magulang na parang nag
kekwento lamang para maging komportable ang mga tagapakinig hanggang sa kinonekta na
niya ito sa mga balak niya sa pamumuno sa ating bansa. Naging impormatibo ang pamamaraan
niya sa pag hahatid ng bagong pamunuan ngunit dahil sa wikang ginamit niya at mga salitang
pinili mas madali niyang naihahayag ang mga impormasyon na nais niyang ipahatid sa mga
tagapakinig. Pinapakita niya na ang mga platapormang hinain niya ay para sa mga Pilipino at
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

ginamitan niya pa ng matatamis na salita at pakikiramdam sa mga mamamayan para mas


lalong makumbinsi ang mga tagapakinig.

4. Paano nagpahayag ang mananalumpati? Naglahad ba siya? Nagsalaysay?


Naglarawan? Nanghikat? Nangatuwiran? Ipaliwanag.
Sa aking napansin, halo-halong pamamaraan ang ginamit na pag papahayag ng
mananalumpati, dahil sa unang bahagi makikta natin na nagsasalaysay lang siya at nagbibigay
na kaonting background bilang pagbibigay parangal sa magulang ni Pangulong Aquino III sa
mga nagawa nila, at pagdating naman sa pagpapakita na nararapat sa kaniya ang posisyon at
naiintindihan niya ang mga mamamayan, siya ay nanghihikayat para tayo ay maniwala sa
kaniya at nagbigay pa ng mga halimbawa upang lalo tayong makumbinsi. Sa mga plano naman
niya ay naglalahad siya dahil dito ay naging impormatibo na ang talumpati sa bahaging ito.

5. Ano ang epekto sa iyo ng talumpating iyong binasa? Bakit?


Bukod sa nakita ko ang halaga at kakayahan ng talumpati, ang epekto sa akin ng aking
binasang talumpati ay nakukuha nito ang aking tiwala, hindi lang dahil sa mga platapormang
nakita ko ngunit dahil din nakikita ko ang pakikiramdam ng mananalumpati sa mga
mamamayan. Nang dahil sa talumpati, madami tayong maiisip na pangyayari na puro positibo
ng dahil sa sinabi nila ngunit kahit anong sabihin ay wala namang kasiguraduhan sa kanilang
mga sinasabi. At dahil itong talumpating ito ay nangyari na noong nakaraang taon,
nakakaapekto ito sa akin na ang nais lamang nila ay hikayatin tayo gamit ang matatamis na
salita, pero dahil nakita ko na ang mga nangyari sa ilalim ng kaniyang pamumuno, ang naging
epekto saakin nitong talumpati ay ang mag base sa gawa hindi sa matatamis na salita, ngunit
hindi parin maiiwasan sa ilang pagkakataon kaya naman dapat lagi natin isa-isip na ang tanging
layunin ng talumpati at mananalumpati ay hikayatin tayo sa mga sinasabi nila.
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

ARALIN 3:
ANG TULA

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Napagawi Ako sa Mababang Paaralan:


1. Ano ang paksa ng tula?

Ang paksa ay patungkol sa karpinterong ng siya ay bumalik sa kaniyang pinang galingang


mababang paaralan. Sinaad niya sa tula ang mga naaalala niya sa kapaligiran ng dating
paaralan, at ngayon ay ibang iba na. Maraming pagbabagong pisikal ang nangyari sa paaralan
na kaniyang pinang galingan, at kung paano naman nangyari ang mga pagbabagong ito ay
malinaw niyang nakita dahil sa mga nakaukit na pangalang nag sisimbolo na sila ang gumawa
ng pagbabagong iyon, at ang mga pangalan na nakita niya ay mga naging kaklase niya noong
siya ay nag aaral pa at bago maulila sa kaniyang mga magulang. Ipinakita sa tula ang lungkot
at pagsisisi ng persona, na kung di sana siya huminto sa pag aaral ay baka nakaukit din ang
kaniyang pangalan sa mga pagbabago sa paaralan.

2. Ang pagkakasulat ba nito ay ginamitan lamang ng mga salitang may literal na


kahulugan? Ipaliwanag.

Gumamit ang may-akda ng mga salitang may literal na kahulugan dahil diretso lamang ang
pinupunto ng may-akda at maiintindihan mo agad dahil hindi na pinaikot ang kahulugan nan ais
iparating sa bawat taludtod. Hindi na siya gumamit ng mga simbolo o anomang maaaring
gamitin na magpakita ng paglalarawan lamang sa nais niyang ipunto, ang literal na kahulugan
lamang ng mga salita ang ginamit sa pag buo ng tula na ito.

3. Anong imahen ang ipinakita ng tula? Bakit?

Ang imahe na nakita ko sa tula ay ang imahe ng mga mamamayang kapos-palad na walang
kakayahan na makapag tapos sa pag aaral. Pinapakita dito ang kaibahan ng nakatapos at sa
hindi, dahil katulad ng mga kamagaral niya dati na ipinakita sa tula na may Dr, Eng, o Atty sa
pangalan na nag papakita na nakapag tapos ng karerang tinahak, ay may kakayahan na gawin
ang mga bagay na pinakita sa tula na mag bigay ng donasyon o mag pagawa ng kalsada, na
hindi nagawa ng persona sa tula, at iyon ay dahil lamang sa hindi siya nakapag tapos ng pag
aaral.

4. Sa iyong palagay, sinunod ba ng manunulat ang proseso ng pagsusulat kaya siya


nakabuo ng ganitong uri ng tula? Ipaliwanag.

Sa aking palagay, hindi sinunod ng manunulat ang proseso ng pagsusulat kaya siya nakabuo
ng ganitong uri ng tula. Napansin ko kasi na ang tugma at sukat ay wala sa tulang ito, marahil
dahil ito sa paggamit lamang ng salitang literal ang kahulugan. Ngunit maaaring sinunod din
niya ang proseso ng pagsusulat dahil may tinatawag din tayong klase ng tula na malayang
taluduturan kung saan ang sukat at tugma ay hindi mahalaga.
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

5. Sa iyong pananaw, ano ang kahalagahan ng pagsulat ng tula sa kasalukuyang


panahon?

Sa aking pananaw, ang kahalagahan ng pagsulat ng tula sa kasalukuyang panahon ay magamit


ito upang maging boses sa mga tunay na damdamin ng mga tao. Bilang Pilipino ang pag gamit
ng tula ay isa rin sa paraan ng pag respeto sa panitikang Pilipino, at katulad ngayon na
maraming problema at pagsubok ang dinaranas ng ating bansa, maaaring magamit ng mga tao
ang tula sa pag papakita ng saloobin natin. Dahil kumpara sa normal na paraan ng ating
pagpapahayag sa kasalukuyang panahon kung saan direkta na lahat na maaaring pinopost sa
social media, etc., mas nakakakumbinsi parin ang ganitong klase ng pagpapakita ng tunay na
damdamin natin lalo na dito rin maipapakita ang tunay na pagpapahalaga hindi lang sa
panitikang Pilipino, kundi pati na rin sa buong Pilipinas.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang In Memoriam:


1. Ano ang paksa ng tula?

Ang paksa ng tula ay patungkol sa isyung panlipunan, ang mga nasawi na bunga ng
pampolitikong pamamaslang. Ipinapakita sa tula ang nangyari sa mga sumakabilang buhay na
mga kakilala, binibigyang saysay ng persona ang pagkamatay ng mga kakilala na namatay ng
dahil sa kadahilanang baka matupad ang kanilang pangarap na kinatatakutan ng mga berdugo
na tinutukoy sa tula.

2. Ang ang layunin ng may-akda? Naglalahad ba siya? Naglalarawan?


Nagsasalaysay? Nanghihikayat? Ipaliwanag.

Ang layunin ng may-akda ay maimulat tayo sa pampolitikang isyu na kaniyang tinutukoy kaya
naman pagsasalaysay ang ginawa ng persona sa tula. Ipinapakita satin ng may-akda at
imunumulat tayo sa malagim na katotohanan na kinakaharap natin na dapat natin pagbigyang
pansin. Kung gaano kalupit, kasakit, at kasaklap and maaaring sapitin sa buhay kagaya ng mga
sumakabilang buhay sa tula.

3. Sino ang persona sa tula? Bakit?

Ang persona na pinapakita sa tula ay ang mga mamamayan na may bukas na isip at may
kagustuhan na malampasan ang pang-aapi na kinakaharap sa lipunan. Dahil karamihan ay
nagtutulug-tulugan o nag wawalang-bahala nalang sa ganitong pang-aapi na kinakaharap.

4. Paano nilinang ng may-akda ang ideya niya sa kabuuan ng tula?

Gumamit ang may akda ng persona na may bukas na isip na nakakakita sa mga kawalang-
hiyaan na nangyayari sa lipunan. Nilinang ng may akda ang kaniyang ideya sa pamamagitan ng
pag papakita ng saloobin ng persona bilang isang mamamayan na nakakakita sa mga
nangyayari at kung paano niya isalaysay ang mga pangyayari sa kaniyang mga kakilala.

5. Paano ginamit ang wika? May mga hindi karaniwang paggamit ba ng mga salita?
May mga naitanghal bang kahulugan na lampas sa literal na antas? Ipaliwanag.

Ang wika ay ginamit sa hindi pangkaraniwang pamamaraan, ang mga salita ay maaaring
nagsisimbolo sa isang bagay tulad ng berdugo o pagiging malupit at panginoon o
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

makapangyarihan/maimpluwensiya na tinutukoy sa tula. May mga salita rin katulad ng “alang-


alang” na pinaulit ulit ng may akda nag nag papakita ng emosyon ng persona kung gaano
kalupit, kasakit, at kasaklap ng mga pangyayari sa kaniyang mga kakilala.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Gunita:


1. Ano ang paksa ng tula?

Ang pinapaksa sa tula ay pinapaksa ang mga nagiging kakulangan para sa ating gunita at
nagpapakita ng nagiging kawalan ng gunita.

2. Sa paanong paraan ipinahayag ng may-akda ang temang nais niyang iparating sa


mambabasa?

Gumamit siya ng malalalim na salita na nagsisimbolo sa mga bagay na nais niya iparating sa
mga mambabasa patungkol sa gunita. Itong tulang ito ay isang tula na puno ng
matatalinghagang salita kaya naman ay mahirap ito intindihin, ngunit naipahayag niya ang nais
niyang iparating sa paggamit ng mga simbolo katulad ng ugat na sumisimbolo sa pagdaloy na
nag bibigay ng buhay.

3. Sa anong akda mo maiuugnay ang tulang nabasa?

Maiuugnay ko ang tulang ito sa nabasa kong akda na pinamagatang Disiplina. Pinapakita sa
akdang ito ang halaga ng pagsisikap na maiuugnay ko sa tulang ito, kasi kailangan natin ng
tiyaga at pagsisikap para labis na makuha ang mensahe na nais iparating sa tulang ito pati na
rin ang maisagawa natin ang mensahe na ibinahagi niya sa atin.

4. Anong uri ng tula ang “Gunita” ni Mike L. Bigornia?

Tulang patnigan ang tula ni Mike Bigornia na Gunita.

5. Ano ang tono ng tula? Ipaliwanag.

Gumamit ng natuturan na tono ang tula, sapagkat nag papakita ang tula ng kahalagahan o
importansya patungkol sa gunita. Pinapakita sa tula ang mga kakulangan para sa gunita na
ipinapakita ng may-akda na maaari nating punan ang kakulangan na kaniyang inihayag dahil sa
ganoon paraan mapapahalagahan natin ang ating gunita.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Makapili:


1. Para sa iyo, ano o sino ang tinutukoy na “Makapili” sa tula?
Ang tulang Makapili ay tumatalakay sa problema sa pag uugali ng mga Pilipino, kaya para sa
akin ang tinutukoy na makapili o maka-Pilipino sa tula ay ang mga Pilipino na may kaugalian na
katulad ng binabanggit sa akda na nag papakitang makabansa sa umpisa ngunit lumalabas ang
tunay na kulay sa huli.

2. Ano ang mensaheng nais ihatid ng tula?


Ang mensaheng nais ihatid ng tula ay ang nakakabahalang pag uugali ng mga Pilipino. Ang
pagkakainti ko na kahulugan ng makapi ay maka-pilipino kung saan nag kukunwaring may
kaugaliang makabansa ngunit sa likod naman ng iyon ay may tinatagong pagka gahaman sa
kayamanan.
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

3. Sang-ayon ka ba sa ideya o kaisipang inihatid ng may-akda?


Sa aking opinyon, sang ayon ako sa mga kaisipan na inihatid ng may akda sapagkat hanggang
ngayon ay makikita parin ang ganitong kaugalian ng mga Pilipino na kahit masakit man sabihin
ay pakiramdam ko hindi na mawawala ito sapagkat kahit sa panahon ng Hapon, na naibanggit
din sa tula, ay makikita na ang pagka balimbing ng mga Pilipino.

4. Maiuugnay ba sa kasalukuyang panahon ang kaisipang inilahad sa tula?


Magbigay ng mga patunay.
Oo, kagaya sa nakalahad sa tula, may mga kumakain din ng kanilang mga salita matapos
silang mabigyan ng luho, mayroon ding mga tao na hindi naikukulong ng dahil sa pangalan at
koneksyon hanggang ngayon katulad nila Koko Pimentel at Debold Sinas na lumabag sa
quarantine rules ngunit dahil sa pangalan ay hindi ito nakulong. At ang sugal na binanggit din sa
huling bahagi ng tula ay makikita parin natin hanggang ngayon kagaya ng bagong balitang
patungkol sa lalaking nag samantala sa gcq para magpatayo sa sabungan.

5. Naging mabisa ba ang mga salitang ginamit sa tula?


Para sa akin, naging mabisa ang mga salitang ginamit sapagkat madaling maunawaan ang nais
ipabatid ng may-akda kahit pa ang mensahe ay mas malalim pa sa mga salitang nakasaad sa
tula.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Mga Lipaking Palad:


1. Bakit iniugnay ng may-akda sa lipaking palad ang mga manggagawa?
Iniugnay ng may-akda sa lipaking palad ang mga manggagawa dahil ang katagang lipaking
palad o kinakalyo na palad ay maaaring magpakita ng hirap ng trabaho na ginagawa ng mga
manggagawa, ngunit sa kabila ng lahat ay itinuturing lang sila na mababang uri at hindi
nagagawang pasalamatan.

2. Ano ang naramdaman mo matapos mabasa ang tula?


Ang naramdaman ko matapos mabasa ang tula ay lungkot para sa mga manggagawa, dahil
higit na mahirap ang kanilang mga ginagawa at malaki ang naiaambag nila sa bansa ngunit
wala manlang makapagpakita ng pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kanila na gumagawa
sa isa sa pinaka mahirap na trabaho.

3. Nagtagumpay ba ang may-akda na ihatid ang mensaheng nais niyang iparating sa


mambabasa? Sa paanong paraan?
Para sa akin matagumpay ang may-akda sa paghahatid ng mensaheng nais niyang iparating sa
mambabasa, dahil makikita naman sa tula na detalyado pati ang paghihirap ng mga mang
gagawa na pinag dadaanan at sa dami ng kanilang niambag. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi
parin nagagawang bigyan halaga ang mga taong ito, ni hindi mapasalamatan o mabigyan ng
sapat na kabayaran kasi alam naman natin na mababa lamang ang kinikita ng mga ito sa kabila
ng hirap na kanilang trabaho.

4. Ano ang implikasyon ng tula sa pagtingin sa mga manggagawa ng mga


mambabasa?
Malaki ang epekto ng pag tingin sa mga manggagawa ng mga mambabasa sapagkat
madaming bagay ang maimumulat sa atin sa pagtingin sa karanasan at kahirapan ng mga
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

mangagawa. Maaaring makatulong ito sa mas lalong pag bibigay halaga kahit sa maliliit na
bagay, pagbibigay pasasalamat sa mga bagay na hindi manlang napapansin ng karamihan, at
pag papakita rin ng halaga nila sa lipunan ng kahit ano mang trabaho dahil lahat ay may halaga
at walang maituturing na mababang antas lamang.

5. Magbigay ng limang problema na kinakaharap ng mga ordinaryong manggagawa


sa kasalukuyan.
Una sa lahat ay ang mababang sahod na kanilang natatanggap sa kabila ng mahirap na
ginagawa, pangalawa ay ang pagtingin at pagmamaliit ng kapwa tao sa may ganitong antas ng
trabaho, pangatlo ay ang pasasalamat na dapat na nabibigay sa kanila ay hindi sa kanila
napupunta, marahil napupunta ito sa nag pondo ng ginawang obra, pangapat ay hindi maayos
na pamamahala ng ahensya para maipagtanggol ang karapatan ng mga manggagawa laban sa
mga maling palakad ng mga kumpanya, at panglima ay ang pagiging kontraktwal ng kanilang
trabaho.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Awit ng Maliliit:


1. Ano-ano ang mga hinaing ng mga maliliit ang inilahad sa tula?
Marahil ang mga hinain ng mga maliliit na inilalahad sa tula ay and pagharap ng mga kagaya
nila sa kalagayang mahirap at ang nais lamang nila ay makamtan ang kalayaan. Pinapakita na
marami sila na nagtitiis at nag titimpi lamang sa mga pinagdadaanan na para bang paulit-ulit
lamang na walang ibang solusyon kundi ang magtulong tulong ang mga maliliit sa huli at
lumaban makamtan lamang ang kalayaan.

2. Paano nasolusyonan ng persona ang kanyang hinaing na isinaad sa tula?


Nasolusyonan ng persona ang kaniyang hinaing sa pamamagitan ng pagtipon at pagtulong
tulong ng mga kagaya niyang mga maliliit, na mapupunta sa paglaban ng karapatan upang
maibsan na ang pagtitiis, paghihirap, at mailabas ang poot na kanilang nararamdaman.

3. Bilang isang mag-aaral, ano ang nakikita mong kasagutan na maaring gawin para
sa paglutas ng problemang inilahad sa tula.
Bilang isang mag-aaral, ang kasagutan na aking nakikita na maaaring gawin sa paglutas ng
problema na kanilang nararanasan ay ang kung ano ang kanilang ginawa. Wala ng ibang
magagawa kung ang lahat ay nagbubulag-bulagan sa kanilang pinagdadaanan ng dahil sa hindi
naman nararanasan ng kararami ang nararanasan ng mga maliliit sa tula. Kaya naman ang
pagsasanib pwersa upang ipag tanggol ang karapatan at makaalpas sa paghihirap ang tanging
solusyon na aking naiisip sa problemang kinakaharap nila

4. Anong mensahe ang inilahad ng tula para sa mambabasa?


Iba’t ibang mensahe ang naiparating sakin ng tula, sa tingin ko ang nais ipakita nito ay maging
gising tayo sa katotohanan at bigyan pansin ang mga maliliit na ito dahil lahat tayo ay karapat
dapat sa kalayaan. Marahil ipinapakita rin nito ang posibleng epekto sa patuloy na pagbubulag-
bulagan ng pamahalaan sa kanilang nahihirapan, na mapupunta sa hindi kaaya ayang
katapusan.
Herrera, Julian Angelo O. Hunyo 15, 2020
BSA 1-5 Modyul 2

5. Ano ang implikasyon ng tulang ito sa iyo bilang isang mamamayang kabilang sa
isang lipunan?
Bilang isang mamamayan sa lipunan na nakamtan ang kalayaan, ang epekto nito sakin ay
matulungan ako na maging bukas ang isip lalo na sa kanila na dumaraan sa ganitong pag
subok kung saan sa likod ng pag titiis at pag titimpi, ay may poot na na nabubuo kaya
mahalagang mapakita natin sa kapwa mamamayan natin ang mga bagay na maaaring
magpamulat sa kanila sa pinagdadaanan ng mga maliliit at makapag tulong tulong sa pag
bibigay ng pantay na karapatan sa kanila kung saan hindi kailangan umabot sa puntong
magsasama sama sila at lalaban para lamang makamtan ito.

You might also like