Diagnostic Exam - Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division Office of Olongapo City
Senior High School Stand Alone 2 – MABAYUAN

PANIMULANG PAGSUSULIT
Filipino sa Piling Larang

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.

______ 1. Lahat ng tao ay may ______________.


a. idyolek b. dayalek c. isogloss d. letrang a at b
______ 2. Ito ang indibidwal na paggamit ng wika.
a. idyolek b. dayalek c. isogloss d. sosyolek
______ 3. Alin sa mga sumusunod ang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng varayti ng wika?
a. edad b. kaligrang etniko c. uring panlipunan d. lahat ng nabanggit
______ 4. Ito ay ang pamamaraan ng pakikipag-usap ng tao na nakabatay sa taong kinakausap.
a. soprano b. tenor c. kaligirang etniko d. heograpiya
______ 5. Grupo ng tao sa isang espesipikong lugar.
a. Speech community b. dayalek c. idyolek d. mode
______ 6. Ito ay personal na paggamit ng wika.
a. idyolek b. dayalek c. isogloss d. register
______ 7. Varayti ng wika na ginagamit ng isang speech community.
a. idyolek b. dayalek c. isogloss d. register
______ 8. Pagbabago sa paggamit ng wika dulot ng panlipunang papel na ginagampanan ng
tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.
a. idyolek b. dayalek c. mode d. register
______ 9. Paggamit ng wika na nakabatay sa relasyon ng nagsasalita sa kausap.
a. idyolek b. dayalek c. estilo d. register
______ 10. Midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat.
a. idyolek b. dayalek c. estilo d. mode
______ 11. Tinatawag na ____________ ang isang uri ng babasahing naglalahad ng iba’t ibang
impormasyon katulad ng mga alituntunin, paraan ng paggamit, proseso, at iba pang detalye
hinggil sa isang paksa na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa.
a. manwal b. talaan ng nilalaman c. handbook d. apendise
______ 12. Sa pamamagitan ng ________________, nabibigyang-ideya ang mga mambabasa ng
inisyal na pagtingin sa kabuuang nilalaman ng isang manwal.
a. manwal b. talaan ng nilalaman c. handbook d. apendise
______ 13. Hindi nalalayo sa isang manwal ang isang _______________. Isang halimbawa nito
ang hinggil sa mga benepisyo ng mga manggagawa.
a. manwal b. talaan ng nilalaman c. handbook d. apendise
______ 14. Maaaring maglagay ng ______________ sa huling bahagi ng manwal kung saan
nakalagay ang iba pang impormasyong gustong idagdag na maaaring balikan ng mga gumagamit
nito.
a. manwal b. talaan ng nilalaman c. handbook d. apendise
______ 15. Alin ng hindi bahagi ng isang liham-pangnegosyo?

1
a. petsa b. lagda c. ulong-sulat d. wala sa nabanggit
______ 16. Nagsasaad kung kalian isinulat ang liham-pangnegosyo.
a. ulong-sulat b. petsa c. patunguhan d. bating pambungad
______ 17. Inilalagay rito ang pangalan at katungkulan ng taong ibig pagbigyan ng liham; kung
sino ang pangunahing ibig patunguhan nito
a. ulong-sulat b. petsa c. patunguhan d. bating pambungad
______ 18. Maiksing pagbati sa patutunguhan ng liham.
a. ulong-sulat b. petsa c. patunguhan d. bating pambungad
______ 19. Nagtataglay ng mismong nilalaman ng liham.
a. katawan ng liham b. bating pangwakas c. patunguhan d. lagda
______ 20. Pangalan o lagda ng mismong nagpadala ng liham.
a. katawan ng liham b. bating pangwakas c. patunguhan d. lagda
______ 21. Ang flyer/leaflet at brochure ay ilang mga halimbawa ng _____________.
a. manwal b. handbook c. promotional material d. liham-pangnegosyo
______ 22. Ito ay kadalasang makikita sa mga promotional materials.
a. Tagline b. pangalan ng produkto c. paglalarawan sa produkto d. lahat ng nabanggit
______ 23. Ang _______________ ay kadalasang binubuo lamang ng isang pahinang
nagtataglay ng impormasyon tungkol sa isang produkto o serbisyo.
a. brochure b. poster c. flyer/leaflet d. slogan
______ 24. Ang _______________ ay kalimitang mas mahabang uri ng promotional material at
may pagkakahati-hati ng mga impormasyong nakalagay rito.
a. brochure b. poster c. flyer/leaflet d. slogan
______ 25. Naglalaman ang ______________ ng mas kakaunting teksto at mas nakatuon sa
larawan o ibig iparating na mensahe sa biswal na paraan.
a. brochure b. poster c. flyer/leaflet d. slogan
______ 26. Isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sanhi at epekto ng
iminumungkahing produkto at/o serbisyo.
a. feasibility study b. naratibong ulat c. executive summary d. brochure
______ 27. Isang dokumento na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod na pangyayari o kaganapan
sa isang tao o grupo ng tao.
a. feasibility study b. naratibong ulat c. executive summary d. brochure
______ 28. Nagbibigay ng kabuuang pagtanaw ng lalamaning feasibility study.
a. feasibility study b. naratibong ulat c. executive summary d.
brochure
______ 29. Inilalahad sa huling bahagi ang paglalagom at pagbibigay-mungkahi batay sa
ikalawa hanggang ikawalong bahagi.
a. marketplace b. estratehiya sa pagbebenta c. iskedyul d. rekomendasyon
______ 30. Itinatakda sa bahaging ito ang panahon kung kailan dapat magawa ang mga
produkto/serbisyo.
a. marketplace b. estratehiya sa pagbebenta c. iskedyul d. rekomendasyon
______ 31. Tatalakayin sa bahaging ito ang paraan kung paano maipaaabot sa gumagamit ang
produkto/serbisyo.
a. marketplace b. estratehiya sa pagbebenta c. iskedyul d. rekomendasyon
______ 32. Inilalarawan sa bahaging ito ang pamilihan kung saan ibibigay o ibebenta ang
produkto.
a. marketplace b. estratehiya sa pagbebenta c. iskedyul d. rekomendasyon

2
______ 33. Ang nagsisilbing pangunahing pinagkukuhanan ng impormasyon ng mga tao hinggil
sa nais kainin sa isang restawran.
a. paunawa b. babala c. anunsiyo d. menu
______ 34. Mahalagang impormasyon na makapagbibigay ng sapat na kaalaman sa sinumang
tao

a. paunawa b. babala c. anunsiyo d. menu


______ 35. Nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay ng tao.
a. paunawa b. babala c. anunsiyo d. menu
______ 36. Nagsasaad ng mahalagang impormasyon at mistulang din itong magsasabi kung ano
ang maaari at hindi maaaring gawin
a. paunawa b. babala c. anunsiyo d. menu
______ 37. Pangkalahatang tawag sa anumang pagbabatid ng mahalagang impormasyon sa tao.
a. menu b. patalastas c. infographics d. reproduksiyon
______ 38. Huling bahagi ng proseso sa pagbuo ng menu.
a. menu b. patalastas c. infographics d. reproduksiyon
______ 39. Tawag sa pagsasama ng impormasyon at simbolo/imahen.
a. menu b. patalastas c. infographics d. reproduksiyon
______ 40. Tawag sa pagsasama ng impormasyon at simbolo/imahen.
a. simple b. kolokyal c. sosyal d. patalastas

******************************** Tapos ********************************

You might also like