Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Isang Ina, Sa Panahon ng Trahedya

ni Dominador Mirasol
Sa morge ng siyudad nang umagang-umagang yon nanghilabot sa Aling Marta sa namalas na kay lagim
na pagkamatay na sinapit ng anak na si Simon. Makaraang maalis ang nakatakip na puting kumot, rumindi sa
kamalayan niya ang nakanganga’t nakadilat na kaanyuan ng yumao, nagtaka’t nabigla kaipala sa sinapit na kay
lagim na pagkamatay na ni kailanma’y hindi inaasahang magaganap, Sa pagkakatihaya sa mesang namamakat sa
sar-sariwang dugo, ang bangkay ay isang taong namatay nang nakaluhod at nakataas ang mga kamay na kaipalay
nagmamakaawa. May mga taga sa magkabilang braso, an gang ulong nangangapit na lamang halos sa may isang
pulgadang laman at balat at litid ay nakalungayngay nang patikwas. Madaling umiyak ang sino mang ina
sapagkamatay sa isang anak, mgunit nakaapuhap si Aling Marta sa sarili ng ibayong tatag ng loob upang huwag
mapaiyak, at ng mga sandaling iyon, isang ina ang namalaging nakatingin lang sa labi ng yumaong kaisa-isang
anak. Sa simula’y nanghilakbot siya, ngunit sumigid sa kanyang isipan ang ilang pagtatanong. Hayop ba ang anak
niya’t nagmamakaawa na ay kailangan pangtatagain? Anong maliaking pagkakasala ang nagawa ni Simon para
sapitni ang gayong kalagim na pagkamatay? Bakit kailangang sapitin ang gayon ng kanyang anak, Gayong kay
bait nito at ni isa man ay walang kagalit na kabataan sa kanilang lugar? At bigla, mula sa pagtatanong sa iyon sa
sarili, lumikway ang paghihimagsik, ngitngit sa tampalasang lumikha ng gayon kay lagim na kamatayan. Ang
panangis ay nasa kanyang kalooban, gayon man: Anak ko, Simon…, Simon, Simon, Simon! “Hindi ko kaya
magagawan ng paraang maayos mask bahagya ang ayos na ‘yan ng aking anak,” Sabi niya makaikling sandali.
Mula sa isang lalaking payat ay narinig ni Aling Marta ang kasagutan. “Mam’ ya lang ho’y maitutuwid na’ng mga
paa’t kamay ng iyong anak. Pero para maiuwi n’yo ang patay, kelangan ng pantubos.” “Ba’t ko ho tyutubusin pa
ang bangkay ng aking anak?” “Gano’n ho, e…kailangan yon.” “Baka ala ho akong pantubos.” “Di kami na ho’ng
bahala sa patay.” Nag-isip si Aligng Marta: halimbawa’y makapautnag siya ng pantubos sa may kayang
pamilyang pinaglalabadahan, saan na naman hahanap ng pampalibing? Kahit paano’y kailangan maipalibing na
ang kanyang anak, ang kaisa-isang anak na si Simon. Ngunit kailangan niyang bayaran ang serbisyo ng alin mang
punerarya,kailangan bayaran ang kabaong, bilhin ang maliit na sukat ng lupang mapaglilibingan, at sapagkat
kailangang mabasbasan ng simbahan ang bangkay, kailangan pa rin ang pambayad sa pari! Makailang sandaling
pagsasawalang imik, narinig niyang muli ang tinig ng payat na lalaki. “Kung di n’yo matutubos ang patay, kami na
hong bahala.” Hindi alam ni Aling Marta, sa malapit ay may isang ospital at doon dadalhin ang bangkay ng anak
para mapag-aralan ng mga kumukuha ng kurso sa panggagamot. Lalaplapin ang katawan ng yumao, bubusbusin
ang bituka’t sikmura, wakwakin ang dibdib at ilalabas ang mga baga’t puso, ang pantog at apdo at kung anu-ano
pang sangkap ng katawan. Sa labi ng isang yumao ay pinag-aaralan ang iba’t ibang uri ng paraan ng pagliligtas ng
iba pang buhay—sa ngalan ng panggagamot! “Tara na ho kayo sa presinto,” narinig niyang sabi, pamaya-maya
pa, ng alagad ng batas na siyang nagsama sa kanyang sa maorge. Sa presinto, inimbestigahan si Aling Marta ng
mga alagad ng batas: “Napatay ho sa rambulan sa looban n’yo ang iyong anak kagabi. Siguro’y m’yembro ng
gang sa lugar n’yo ang iyong anak at nakalaban ng gang sa me labasan n’yo. Dahil d’yan, maaaring sisihin din ang
iyong anak sa pagkamatay n’ya.” Ilang sandali natanga si Aling Marita sa marinig na sinabi ng isang ng isang pulis
na nagiimbistiga. “Mabait ho ang aking anak!” nasabi nya sa malaking sandali. “Kung mabait ang inyong anak,
ba’t ho gabing-gabi na ay nasa labas pa s’ya ng bahay? Ang totoo ho, magmamadaling araw na halos nang
mapatay ang inyong anak.” “Maaga pa lang kagabi’y nagpaalam sa akin ang anak ko; aniya’y manghihiram siya
ng libro sa iang kaklase. Gabi-gabing na’y di pa siyaumuuwi at ako’y nainip sa paghihintay. Pero kako’y baka hindi
ipinadala sa kanya ‘yong hinihiram na libro at p’wedeng sa bahay na lamang na kaklase s’ya nagbasa. Masipag
ho’t masikap sa pag-aaral ang aking anak..” “Ano ho’ng pangalan ng kaklase ‘yon ng iyong anak?” “Hindi ko ho
alam.” “Ni wala kayong nalalaman na m e kagalit s’ya?” “Mabait nga ho’ ng aking si Simon at wala s’ya ni isang
kagalit sa lugar naming.” Naiiling nang nasabi ng nag-iimbistiga, “Paano hong magkkaro’n ng progeso ang kasong
‘to kung ni isa mang maari nating pagsuspetsahan ay wala kayong kakilala?” “E, ‘yon ho’ng me ari ng
barungbarong na pinangyarihan ng pagpatay sa ‘king anak, ba’t di ‘yon ang tanungin n’yo?” sabi ni Aling Marita.
“Di ba’t kanyo’y sa loob ng kusinaan nangyari ang pagpatay sa aking anak? Maaari hong me alam ‘yong me-ari ng
barungbarong…” “Ayaw hong tumestigo, pa’no ‘yan? At ayaw naming kaladkarin ditto sa presinto ang mga taong
yaw makipagtulungan sa ‘min.” Tumahimik si Aling Marita. “Pero hayaan din ninyo at mag-iimbestiga pa kami,”
pagtapos nang sabi ng pulis na nag-iimbestiga. “Bukas na lamang kayo magbalik…at baka sakaling me makuha
kaming resulta.” “E, di uuwi na muna ho ako,” malungkot na nasabi ni Aling Marita. May lumapit na isang pulis
sa kasamang nag-iimbestiga pa kami,” patapos nang sabi ng pulis na nag-iimbestiga at makaraang ganap na
makalayo si Aling Marita ay nag-usap ang dalwa, pag-uusap na hindi na narinig ng matandang babae “Me
dinampot tayong dalwang pinagsususpetsahan,a,” sabi ng pulis sa kasamahang nag-iimbestiga.”Ba’t hindi mo
inihirap sa matanda ang dalawang iyon? Baka ssakaling me mamukhaan.” “Anak sa bas-la ni Sarge ‘yong isa,
dimo baa lam?” paanas na sabi ng nag-iimbistiga. “Alin do’n?” “ ‘Yong medyo mestisuhin. ‘Yong me malaking
tatong agila sa dibdib.” “Do’n malaki’ng duda ko,a” “Ako man,pero h’wag ka na lamang me’ngay. Makisama ka
ke Sarge.” “Kawawa naman ‘yon, ano pa’ng magagawa natin? Saka, ‘ala naming gusting tumestigo man lang.
‘Yong me-ari ng barungbarong na pinagyarihan ng pagpatay, ayaw. Takot pa’no.” Tumahimik na ang nag-uusisa.
Naidlip na si Aling Marta nang dumating sa kanya ang hiwatog ng kay lagim na pangyayaring iyon sa buhay ng
anak na si Simon. Sa simula,nakahiga lamang siya at walang hangad na matulog at aniya sa sarili’y hihintayin niya
ang anak na nagpaalam nang maaga pa lamang ang gabi para,umano, maghiram ng libro sa isang kaklase, ngunit
hinatak ng maghapong paglalabada, naidlip siya, at sa pagkakaidlip, siya ay nanaginip at buhay na buhay sa
pakiwari nya ang panaginip, kay linaw. Sa panaginip, nakapag paalam sa kanya ang anak at ito’y papaalis na;
pinagmasdan niya ito habang lumalakad na palayo, nananalunton sa tulay ang andamyong tabla na naka balatay
sa latiang kinatitirikan ng mga barungbarong sa lugar nilang iyon sa Tundo. Pinagmasdan niya ito, inihahatid ng
tanaw at nasa isip niyang kaibang-kaiba ang kanyang anak sa yumaong ama nito maging sa paglakad nawaring
alam na alam kung saan patutungo,matatag ang bagsak ng mga paa sa lupa. Kung buhay ang asawa niya, alam
niyang ito man ay matutuwa rin sa nababalitaan ukol sa anak nila, umano’t masikap daw sa pag-aaral si Simon,
mabait at marunong. Kung hindi nga ba ay bakit ito makapag-aral nang libreng matrikula sa mataas na paaralan?
Sa isang katulad niyang mahigit nang apatnapung taong gulang at nag-aapuhap na lamang sa buhay ng kahit
bahagyang hibla ng pag-asa, mahalaga sa kanya ang isang anak na tulad ni Simon, nakapagpapasigla sa kanya. At
habang inihahatid nga niya ito ng tanaw ay kay sigla nya, nasa kanyang mga mata ang makapangyarihang pang-
asam at pananalig na may magandang kinabukasang naghihintay sa anak. Ngunit sa sansaglit, sa bahaging iyon
ng panaginip, biglang nawala sa paningin niya ang anak at ang paligid ay nalatagan ng kay kapal na karimlan at sa
karimla’y umalingawngaw ang tinig ng yumaong tumatawag: Inay… Inay…! Tinig ni Simon, tinig ng kanyang anak
at ang himig ng pagtawag na waring isang humihingi ng saklolo. At sa pagkakahiga, siya ay napbalikwas. Sa isang
sulok ng barungbarong naaniwanan niya sa malabong linawag sa paligid,wala pa si Simon sa loob ng kulambong
ikinabit na niya sa hagaan nito. Maghahatinggabi na marahil,naisaloob niya. Naisaloob niyang marahil ay sa
bahay na ng kaklase nagpagabi sa pagbabasa ang anak,gayunma’y nakadama siya ng di-maunawaang
pagkakabalisa. Maraming istambay ang gabi-gabi’y naglalasingan sa mga eskinita na dinaraanan patungo sa
barungbarong nila, at kapag lasing na ang mga ito’y nagsisipanggulo at madalas na may nagaganapng mga
karahasan. Nakaramdam siya ng kilabot sa isapang iyon at napausal siya ng dasal para sa kaligtasan ng kaisa-
isang anak. Madaling araw na, ngunit wala pa rin ang anak at hindi siya makatulog. Bumangon na siya at
sinindihan ang gasera sa ibabaw ng hapag-kainan, ngunit may naglagos na kay lamig ng hangin sa bahagyang
siwang ng durungawan, sinapol ang liwanag ng gasera at namatay iyon, at tumindi ang kilabot na naramdaman
niya. Hanggang sa ganap nang mag-umaga ay gising pa siya, hindi na naidlip, hanggang sa dumating ang pulis na
iyon at itanong sa kanya kung siya ang inani Simon. Makaraan siyang tumango ay dinugtong ng alagad ng batas:
“Napatay ang inyong anak sa rambulan d’yan kanginang magmamadaling-araw. Sumama kayo sa presinto at me
itatanong kami sa inyo.” Nakatanga siya, nakatulala, gayunma’y naitanong niya makailang sandali: “Naroon ho
ba’ng aking anak? Gusto kong Makita ang aking si Simon.” “Nasa morge ho’ng bangkay ng inyong anak.” “Isama
n’yo muna ako ro’n. Isama n’yo muna ako sa aking anak. Gusto kong Makita ang aking si Simon.” Walang na ang
dati-rati’y saigla sa gagahiblang pag-asa na nadarama’t namamalas niya, sapagkat wala na, yumao na ang
sandigan nggagahiblang pag-asa. Patay na si Simon, patay na ang kanyang anak, at ang pag-asa ay bangkay na rin
sa kanyangdibdib. Ni hindi niya maipapalibing ang labi ng yumao. Ngayo’y gabi na, at sa buong maghapong iyon,
makaraang maimbestigahan sa presinto, naglakad siyang nang naglakad, nagbakasakaling makapangutang ng
perang maipagpapalibing sa anak. Ngunit sa katayuan nilang isa lamang labandera, sino ang magpapautang sa
kanyang ng malaki-laki rin naming halaga ng pampalibing. Maging ang pinaglalabadahan niyang may kayang
pamilya ni hindi nagkalakas-loob na magpautang sa kanya. Ngayo’y may nadaramang makapangyarihang
pagkauhaw ang kaluluwa niya: nauuhaw siya, kinauuhawan ang dugo ng tumampalasan-ngunit sino ang
tampalasan? Nangangapa ang kanyang isipan ng isang mapaghihigantihan. Nahan ang talampasan? Lumuhod
siya sa munting altar ng barunbarong nila at siya ay nagtanong sa Maykapangyarihan. Kinabukasan ng umaga,
makaraang makaraang makapagsadya sa morge ng siyudad at maipagbigay-alam na, “Di kona ho ‘ata matutubos
ang aking anak,” ay agad siyang nagtungo sa presinto upang mag-usisa sa kinalalabasan ng pag-iimbestiga ng
maykapangyarihan ukol sa pagkamatay ng kanyang anak. “Ikinalulungkot ho naming, pero sa ngayo’y wala pa
kaming Makita ni munting butas para malutas ang kaso ng pagpatay sa inyong anak,” sabi sa kanya ng isang
pulis. Ni munting ebidensiya’y wala kamingg mapanghawakan, ni wala rin ho kaming nakuhang testigo.” ‘Pinatay
na parang hayop ang aking anak ay ni di mahuhuli ang kriminal!” sabi n’ya. “Ikinalulungkot ho naming,
gayunma’y gagawin pa rin naming an gaming magagawa. Kung sakali, patatalastasan na lamang naming kayo…”
Naroon na, nahiwatigan na niya, ang kawalang pag-asa sa ginagawang paghahanap sa tampalasan. Nang
lumabas siya sa himpilan ng pulisya, ganunman, nakabuo siya ng isang pasiya: siya na ang hahanap ng
tampalasan. Sapagkat alam niya, ang pagtatanong , ang paghahanap sa talampasan ay mamamalaging antak sa
kanyang isipan, subyang sa kaluluwa, at ngingit sa dugong dumadaloy sa kanyang nga ugat. At mula nga noon,
araw-araw, oras-oras sa bawat sandali, ang pagtatanong ay nasa kanyang labi, inianas at inihahanap ng
makatutugon. Sa di-mabilang ng mga labi ng paghahanap sa tumampalasan sa anak, lumapit siya sa umpukan ng
mga kabataang nag-iistambay at nagpapalipas ng magdamagsa mga kulahan ng looban, sa nga istambay sa mga
harap ng tindahan, at sa nga restoran-inuman. Tumingin-tingin lang siya, ngunit kapag may nagtanong kung
bakit siya nasa harapan ng mga ito at tatanghud-tanghod, sinasabi sa himig-patanong: “Di n’yo ba kilala kung
sino’ng pumatay sa aking anak?” Madaling makalimot ang nga tao sa lugar nilang iyon-sapagkat karaniwang
pangyayari na lamang ang patayan sa bawat looban sa Tundo! At itinatanong sa kanya: “Sino…?” Sasabihin niya,
idinurugtong pagkuwan: “Pinagtataga raw ho siya sa loob ng kusinaan. Pinagtataga gayong s’ya naman’y
nakaluhod na’t nagmamakaawa!” “Kelan ho ‘yon?” Kailanma’yhindi nya malilimot ang araw na iyon ng
pagkapaslang sa kaisa-isang anat at sinabi niya sa alin mang umpukan kung kalian naganap. “Di ho naming
matanda’n ‘yon.” Isinasagot sa kanya ng madalas. “Ke rami nang napapatay sa lugar na ito.” Lumipas na ang mag
buwan ngunit pagayun-gayon lang ang natatamong kasautan ni aling Marta, gayunma’y hindi siya nagsawa sa
pag-uusisa, gabi-gabi- halos, at napapabayaanna niya ang sarili. Nanlilimahidna ang mga damit nya. Nangingitim
na sa kapal ng libag ang kanyang buong katawan. Sa araw, siya ay natutulog sa kung saang sulok na lamang at sa
gabi’y nama’y naglalakad sa mga eskinita’t bubulung-bulong, iniaanas ang matagal na rin naming paulit-ulit sa
pagtatanong na yaon: “Di ba n’yo nakikila kung sino’ng pumatay sa ‘king anak ?” Hanggang sa isang gabi’y
makapagtanong siya sa isang umpukan ng lango nang mga kabataan, at nakaraang sabihin ang paulit-ulit nang
pagtatanong at ang paulit-ulit nang pagpapakilala kung sino ang kanyang anak at kung saan ito napaslang, isang
kabataan ang nag-abot sa kanya ng baso’ng alak. “Kung iinumin n’yo ‘to, me ipagtatapat ako sa inyo,” ang sabi
ng kabataan. Pasunggab na kinuha ni aling Marta ang baso ng alak natinungga angdi pa nangangalahating laman
niyon, pagkuwan ay sinabi sa kabataan: “O, ngayon, sabihin na kung sino ‘ng pumatay na’yon sa ‘king anak!”
“Sasabihin ko nab a, ha, mga tsokaran?” “Sabihin mo na, tso,” sulsol ng isang kabataan. “Tutal naman, me atraso
sa atin talaga ‘ng lokong ‘yon,” dagdag pa ng isa. “Maski na nak-a ‘sya ng lespu, e!” “Sa bas-la kamo.” “Sigehan
mo na aba! Saka me katok ‘yang da-tang ‘yan,” dagdag ng isa pa. “Tanyo’ng ayos,tanyo!” Nangisngisan ang
magkakaumpok. “Kilala n’yo ba si ‘Boy Junglebolo?’ ‘Yon hong pirming nakahubad. ‘Yong me tatlong agila sa
dibdib? Malaking agila?” Nangisngisang muli ang magkakaumpok nang agad na umalis si Aling Marta, Bahagyang
sumusuray sa epekto ng ipinainom ng matapang na alak. Sa restoran-inuman sa labasan, tatlong umpukan ng
mga kabataan ang nag-iinuman. Maiingay na ang mga ito, malalaswa na ang pagsasalita, nagngisngisan, habang
ang matandang Instik na may-ari ay nakangising titingin-tingin lang sa pinaggagawa ng mga kabatan. Halatang
natutuwa ang Instik; alam nito, bahagi ang gayon ng paggabing- buhay ng mga kabataang Pilipino. Pumasok si
Aling Marta sa restoran-inumang iyon, luminga-lingang sandali, pagkuwan ay lumapit sa isang umpukang may
isang kabataang nakahubad-baro at may tato sa dibdib, Matagal na pinagmalas-malas niya ang kabataan. Hindi
ito ang hanap niya, naisaloob ng matandang babae. “Ako pa ‘atang napagdidiskitahan ng da-tang ‘to!”
nakangisngis na sabi ng kabataang nakahubad-baro. “Hinahanap ‘kong pumatay sa aking anak!” sabi nya. “O,
narito ho ba‘ng hinahanap n’yo?” “Anak daw ‘yon sa labas ng isang pulis.” “Nahan s’ya? Nahan…” “Teka ho, sino
ba’ng anak n’yo?” Mula, inulit ni Aling Marta ang matagal na paulit-ulit na sinasabi kapag siya ay inuusisa sa
kanyang paghahanap sa tumampalasan sa kanyang anak. “Boy, ‘ikaw ‘tong hanap nitong da-tan,” patudyo ang
pagsasalita ng isang kabataan. Sa pagkakatingin kay ‘Boy Junglebolo’. Humapay-hapay na waringsinasabukay ng
malakas na bugso ng hangin ang katawan ni alin Marta. Ito, ang kabatang ito, pumatay sa kanyang kaisa-isang
anak na si Simon. Nakaluhod na siya’t nagmamakaawa at pinagtataga pa rin! Nanulay ang ngitngit sa kanyang
mga ugat sumapol sa isang matnding kirot sa isipan, naliyab, at sa sansaglit lang ay walang sabi-sabing sumugod
siya. Sa pag-aabot ngdalawa nahawakan karaka ni aling Marta ang isang kamay ng kabataan at
pinagkakagatiyon, pinagkakagat nang pinagkakaga, hanggang sa magkangiwi-ngiwi si ‘Boy Jungle-bolo”. “Aba,
‘ba, ba’t ho?” itinatanong ng kabataan. “Ikaw ang pumatay sa aking anak! Ikaw….” Sigaw ni Aling Marta.
“Nakaluhod na siya’t nagmamakaawa’y pinagtataga mo pa rin! Pinagtataga mo pa rin walangh’ya kang hayop
ka!” Biglang namutla si “O, ngayon, sabihin na kung sino ‘ng pumatay na’yon sa ‘king anak!” “Sasabihin ko nab a,
ha, mga tsokaran?” “Sabihin mo na, tso,” sulsol ng isang kabataan. “Tutal naman, me atraso sa atin talaga ‘ng
lokong ‘yon,” dagdag pa ng isa. “Maski na nak-a ‘sya ng lespu, e!” “Sa bas-la kamo.” “Sigehan mo na aba! Saka
me katok ‘yang da-tang ‘yan,” dagdag ng isa pa. “Tanyo’ng ayos,tanyo!” Nangisngisan ang magkakaumpok.
“Kilala n’yo ba si ‘Boy Junglebolo?’ ‘Yon hong pirming nakahubad. ‘Yong me tatlong agila sa dibdib? Malaking
agila?” Nangisngisang muli ang magkakaumpok nang agad na umalis si Aling Marta, Bahagyang sumusuray sa
epekto ng ipinainom ng matapang na alak. Sa restoran-inuman sa labasan, tatlong umpukan ng mga kabataan
ang nag-iinuman. Maiingay na ang mga ito, malalaswa na ang pagsasalita, nagngisngisan, habang ang
matandang Instik na may-ari ay nakangising titingin-tingin lang sa pinaggagawa ng mga kabatan. Halatang
natutuwa ang Instik; alam nito, bahagi ang gayon ng paggabing- buhay ng mga kabataang Pilipino. Pumasok si
Aling Marta sa restoran-inumang iyon, luminga-lingang sandali, pagkuwan ay lumapit sa isang umpukang may
isang kabataang nakahubad-baro at may tato sa dibdib, Matagal na pinagmalas-malas niya ang kabataan. Hindi
ito ang hanap niya, naisaloob ng matandang babae. “Ako pa ‘atang napagdidiskitahan ng da-tang ‘to!”
nakangisngis na sabi ng kabataang nakahubad-baro. “Hinahanap ‘kong pumatay sa aking anak!” sabi nya. “O,
narito ho ba‘ng hinahanap n’yo?” “Anak daw ‘yon sa labas ng isang pulis.” “Nahan s’ya? Nahan…” “Teka ho, sino
ba’ng anak n’yo?” Mula, inulit ni Aling Marta ang matagal na paulit-ulit na sinasabi kapag siya ay inuusisa sa
kanyang paghahanap sa tumampalasan sa kanyang anak. “Boy, ‘ikaw ‘tong hanap nitong da-tan,” patudyo ang
pagsasalita ng isang kabataan. “O, ngayon, sabihin na kung sino ‘ng pumatay na’yon sa ‘king anak!” “Sasabihin
ko nab a, ha, mga tsokaran?” “Sabihin mo na, tso,” sulsol ng isang kabataan. “Tutal naman, me atraso sa atin
talaga ‘ng lokong ‘yon,” dagdag pa ng isa. “Maski na nak-a ‘sya ng lespu, e!” “Sa bas-la kamo.” “Sigehan mo na
aba! Saka me katok ‘yang da-tang ‘yan,” dagdag ng isa pa. “Tanyo’ng ayos,tanyo!” Nangisngisan ang
magkakaumpok. “Kilala n’yo ba si ‘Boy Junglebolo?’ ‘Yon hong pirming nakahubad. ‘Yong me tatlong agila sa
dibdib? Malaking agila?” Nangisngisang muli ang magkakaumpok nang agad na umalis si Aling Marta, Bahagyang
sumusuray sa epekto ng ipinainom ng matapang na alak. Sa restoran-inuman sa labasan, tatlong umpukan ng
mga kabataan ang nag-iinuman. Maiingay na ang mga ito, malalaswa na ang pagsasalita, nagngisngisan, habang
ang matandang Instik na may-ari ay nakangising titingin-tingin lang sa pinaggagawa ng mga kabatan. Halatang
natutuwa ang Instik; alam nito, bahagi ang gayon ng paggabing- buhay ng mga kabataang Pilipino. Pumasok si
Aling Marta sa restoran-inumang iyon, luminga-lingang sandali, pagkuwan ay lumapit sa isang umpukang may
isang kabataang nakahubad-baro at may tato sa dibdib, Matagal na pinagmalas-malas niya ang kabataan. Hindi
ito ang hanap niya, naisaloob ng matandang babae. “Ako pa ‘atang napagdidiskitahan ng da-tang ‘to!”
nakangisngis na sabi ng kabataang nakahubad-baro. “Hinahanap ‘kong pumatay sa aking anak!” sabi nya. “O,
narito ho ba‘ng hinahanap n’yo?” “Anak daw ‘yon sa labas ng isang pulis.” “Nahan s’ya? Nahan…” “Teka ho, sino
ba’ng anak n’yo?” Mula, inulit ni Aling Marta ang matagal na paulit-ulit na sinasabi kapag siya ay inuusisa sa
kanyang paghahanap sa tumampalasan sa kanyang anak. “Boy, ‘ikaw ‘tong hanap nitong da-tan,” patudyo ang
pagsasalita ng isang kabataan. Bigla, namutla si ‘Boy Junglebolo’, kaipala’y nakagunita, nanlisik ang mga tmatan
nagsisipamula at kamukat-mukat, pinagsasampal nito ang matandang babae. Ngunit ni hindi natinag sa
pagkakasakmal ng mga ngipin ni Aling Marta sa isang kamay nito. Kumuyom sa saansaglit ang kamay ng malayan
ng kabataan, at nagbigwasan pagkuwan sa mukha ang matandang babae, binigwasan nang binigwasan ng
suntok, hanggang sa gumalampay na humandusay sa sementong lapag ng restoran-inuman. Makailang minuto
pa, nag-awatan ng kasamahang mga kabataan si ‘Boy Junglebolo’. “Me katok na ‘yong da-tan, pinapatulan mo
pa,” anang isang umaawat. “Senga naman, Boy,” anang isa pa. Nailabas si Aling Marta sa restoran-inuman nang
hindi n’ya halos namamalayan. Nang mahimasmasan, ang unang dumating sa isipan niyang dapat gawin ay
magsumbong sa pulisya-ngunit nang gabi ring ‘yon, hindi niya alam na may di-pagkaraniwang pangyayaring
magaganap. Nang makaalis na si Aling Marta patungong presinto, nakiumpok si ‘Boy Junglebolo’ sa umpukan ng
mga kabataang napagtanungan ni Aling Marta at nagtataka itong nag-uusisa: “Ba’t nala’an nong da-tan na
ako’ng naka-dedbol sa anak n’ya?” “Ewan naming,”ang kasagutan. Dib a napagkamalan lang ‘yon,no’nglusubin
natin ang looban?” “Lasing ako noon,” nasabi ni ‘Boy Junglebolo’, anas halos, parang sa sarili nagsalita.
Makailang minuto pa, hindi na nag-iimik si ‘Boy Junglebolo’, nag-iinom na lamang nang nag-iinom, tangay-tangay
ng kakatwang nadarama sa sarili. Marahil ay sumbat ng kapag kinanti ay nasasaktan? Hindi alam ni ‘Boy
Junglebolo’ ang katotohanang iyon ang hindi niya matakasan,namalaging nasa kanya ang kakatwang nadarama
sa sarili at ang nagawang karahasan sa matandang babae ay siya lamang nagpalubha sa antak na nadarama. At
sa paghahangad ngang matakasan ang nadarama, nag-iinom nga siya nang nag-iinom, nagpakalasing ng labis at
nang mangmamadaling-araw na iyon, makaraan ang pag-iinuman ng mga kabataan, umuwi siyang susuray-suray
sa matinding kalasingan, at sa kalasinga’y hindi napansin ang humahagibis na trak ng basura at siya’y nahagip at
bumaligtad sa kalsada, nagulungan ang ulo. Samantala, hindi pa alam nang umagang yaon ay natagpuang
bangkay na si ‘Boy Jungelo’, lasog ang ulo’t di makilala sa kumukulapol na dugo, si Aling Marta ay naglalakad,
patuloy ng naglalakad, at sa bawat bahay na may karatula ng isang abugado ay kumakatok ang matandang
babae, nagtatanong kung may abogadong maaaring humawak ng kaso ng pagkapaslang ng kaisa-isa niyang anak.
“E, wala ho rito’ng abugado, pa’no yan?” madalas na isinasagot sa kanya: ito’y makaraang pagmasdan ang
kaayusan niya. “Ibang kaso ang hinahawakan ng abugado rito,” paminsan-minsa’y naririnig naman niya. Hindi
siya tumigil sa paglalakad, gayunman. Patuloy sa pagkatok sa bawat pintong may karatula ng isang abugado,
sapagkat sa presnito ay sinabi sa kanya ng isang pulis na para makapagharap siya ng demanda laban sa
pinagsususpesahan niya, kailangan niya ng isang abogado. Paulit-ulit siyang nabibigo ngunit patuloy pa rin siya
sa paglalakad, sa paghahanap ng isang makakatulong na abogado, hanggang sa abutin siya ng katanghaliang-
tapat sa paglalakad, lakad, lakad, lakad, at sa sansaglit ng pagtingala sa langit,nasilaw siya sa liwanag ng araw sa
kalangitan. Tungkong Kalan ni Felicida C. Banzon Tungkong kalan ang tahanan, paaralan at simbahan sa
paghubog sa ating kabataan ng magagandang gawa at asal. Sa kasalukuyang panahon at sibilisasyon,
nakakalungkot sabihin ang katotohanang ang tatlong ito ay may kani-kaniyang pagkukulang, kayat ang
karamihan sa ating kabataan sa ngayon ay nangangaligaw ng landas. Saksi ng panahong nakalipas kung paanong
ang pagmamahal at kalinga ng tahanan, ang mga turo ng mga guro, at ang mga pangaral ng mga pari ay ang
nagkatulung-tulong upang ang kabataan ay mahulog sa kabutihan, kapakumbabaan, paggalang, kalinisang
pangkatawan at pangkaluluwa at iba pang mga katangiang maaaring ipagmalaki at ikarangal. Inabot ko pa ang
tinatawag na panahon ng wastong pagmamahal at pagkalinga ng magulang. Kung sa bagay, kahit na noong araw
ay may mga bata ring lumalabas na “tupang itim ng pamilya”, ngunit kung paghahambingin ang bilang ay
masasabing higit na nakakarami ang ganyang uri ng kabataan ngayon. Ano kaya ang dahilan? Marahil ay ang
katotohanan ng sinabi ni Balagtas sa kanyang Florante at Laura na sa “Sa taguring bunso’t likong pagmamahal,
ang isinasama ng bata’y nunukal, ang iba marahil sa kapabayaan ng dapat magturong tamad na magulang.”
Karamihan sa mga bata noon ay hubog sa magagandang pangaral at tumpak na pagmamahal at disiplina ng mga
magula. Ang mga magulang ay lagging my panahon para sa mga anak. mga bata noon ay nagpapasintabi muna
at humihingi ng paumanhin at pahintulot bago magsidaan sa harap ng matatanda. Hindi rumaragasang takbuhan
at kaingayang di-magkamayaw ang ginagawa kahit na may matatandang nagkakaharap-harap, kahit madagil o
matisod sa kanilang pagtakbo ang matatanda ay hindi pansin at walang pakundangan. Noong araw, ang mga
bata ay hindi basta nakasasabad sa usapan ng matatanda, kung hindi tanungin ay hindi sasagot. Indi katulad
ngayon na may mga batang kahit hindi tinatanong ay nagpapauna nang nagsasalita at nagbibigay ng
impormasyon. Sa kasalukuyang panahon, ay pagsabad at pakikihalo ng mga bata sa salitaan ng matatanda ay
pangkaraniwan na lamang. Ano ang ugat na pinagmulan ng mga lahat ng ito? Sa aking palagay, ay ang aktitud o
ang tinatawag na “twisted sense of value” sa Ingles na sa malayang pagsasaling-wika aybalikukong
pagpapahalaga sa mga bagay-bagay. Sa ngayon ay tinuturing ng ibang mga magulang na listo at matalino ang
isang batang matabil at nakikipagtalo sa matatanda. Ang ganito ay pinapayagan at pinalalampas nila sapagkat
ang bata ay nadudungo raw kapag sinasawata sa katabilan. Ngunit ano ang nangyari? Lumabis naman ang
kalistuhan kayat umabot sa sukdulang umaangil at sumasagot ng pabalang-balang sa matatanda. Napansin ba
ninyo na buhira na ang mga kabataan namumupo sa matatanda? Maging sa mga lalawigan at mga baryo ay
marami naring kabataan ang hindi nagsisipamupo sa matatanda, dahil sa maling palagay na ang pamumupo ay
palatandaan ng kadunguan at pagpapakababa.labis magpasunod ang ibang mga magulang. Ipinatatamsa sa mga
anak ang labis na kalayawan na lampas sa tunay na kahulugan ng tunay na kalayaan. Tila napapanahong
ipagunita sa atin ang sinabi ng Dakilang Lumpo na si Apolinario Mabini na “Ang kalayaan ay ukol lang sa mabuti
at kailanman ay di sa masama.” Bakit natin itututring na kadunguan at pagpapakababa ang pagpapakita ng
paggalng sa matanda? Napipingasan ba an gating pagkatao kung pinaiiral antin ang dating mabubuting kaugalian
ng paggalang sa matatanda? Malulugod naman tayo kung ang sumusunod sa mga tuntunin ng kagandahang-
asal. Sa pagkabulid sa kasamaan ng anak, ang mga magulang ay may bahagi. May mga magulang na halos wala
nang panahon para sa mga anak sapagkat lubhang abala sa mga gawaing sosyal. Lahat ng bahay sa pamamahay
ay iniaasa na lamang sa mga katulong. Ang bata ay lumalaki sa kandungan ng yaya sa halip na sa masintahing
dibdib at bisig ng ina. Ang ama naman ay lubhang abala sa mga Gawain at hindi niya maipadama sa anak ay ang
init ng pagmamahal. Ang araw ng Linggo na dapat ipagsama-sama ng mag-anak ay naiuukol din ng mga
magulang sa labas ng tahanan dahil sa gawaing panlipunan. Hindi pa huli ang lahat. Kailangan lang ilingap ng
mga magulang ang mga paningin sa kapaligiran, ituon ang isip sa kinabukasan ng minamahal na mga supling at
ipadama sa mga anak ang mapagpalang haplos ng mga kamay nahuhubog sa mga ito bilang mabubuting
mamayanan ng bayan. Ang paaralan man ay isang tungkong may mahalagang papel na ginagampanan sa buhay
ng kabataan bagaman sa pagkukulang ng guro ay masasabing kahati rin ang mga magulang. Ang guro ay dapat
na maging halimbawa ng mga mag-aaral. May mga gurong kulang ng pagmamalasakit sa mga tinuturuan at hindi
inaalintana ang kapakanan ng mga ito. Ang ibang mga guro naman ay kulang ng pang-unawa sa damdamin ng
mga bata. Dapat isa-isip ng isang guro na siya ang dapat maging patnubay ng kanyang mga tinuturuan tungo sa
landas ng kabutihan. Marahil ang isa pang bagay na nagiging dahilan ng kapabayaan ng ibang guro ay ang
pangungunsinte ng mga magulang sa mga anak. Kapag nalaman ng ibang mga magulang na nakagalitan o
napagsabihan ng guro ang anak ay susugod agad sa paaralan at karakarakang papanigan ang anak ng hindi
inaalam ang dahilan. Maaaring isa pang sanhi kung bakit nawawalan ng lubos na pagsisikap sa pagtuturo ang
ilang guro ay ang kanilang kasiyahan sa maliit na sahod kung ihahambing sa ibang propesion. Maging ano pa
man ang mga suliranin ng isang guro, katungkulan niyang hubugin sa matuwid na landas ang mga batang
tinuturuan. Sa kanyang mga kamay nakasalalay ang ikauunlad ng kaisipan ng kabataang pagasa ng bayan.
Totoong mahirap ang mga gawain at tungkulin ng isang guro, ngunit dapat niyang gampanin ng buong katapatan
at iisantabi ang mga pansariling suliranin at damdamin. Ang simbahan, katulad ng tahanan at paaralan, ay may
tungkulin sa kabataan. Ang pag sisimba ay inihahalintulad lang sa pangkaraniwang gawain at isang paraan upang
Makita ang mga kakilala at kaibigan. Nararapat pagsumikapan ng mga alagad ng simbahan na maitanim sa puso
ng kabataan ang tunay na kahulugan ng kabanalan at pag-ibig sa Diyos. Marahil ang kakaibang kilos ng kabataan
ay bunga ng pandaigdig na pagbabago sa ating pamumuhay at kabihasnan. Ang suliranin natin ngayon ay kung
paano magkakatulung-tulong ang Tungkong Kalan, tahanan, paaralan at simbahan, para sa kapakanan n gating
kabataan at kaunlaran ng bayan. Tata Selo Maliit lang sa simula ang kalumpun ng taong nasa bakura ng
munisipyo, ngunit ang tumaas ang araw, at kumalat ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno
ang bakuran ng bahay –pamahalaan. Naggitgitan ang nga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan, bawa’t isa ay
naghahangad makalapit sa istaked. “Totoo ba, Tata selo? “Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
Nasa loob ng istaked si Tata selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May naka alsang putok ang noo.
Nakasungaw ang luha sa Malabo at tila lagi nang may inaaninaw sa mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga
tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap
niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa
nagkakagulong tao. “Hindi ko mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang kahangga.” Talagang hindi
ko mapaiwalaan.” Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang gadali at natuyuan na ng dugo ang putok sa noo.Sa kanyang
harapan, di kalayuan sa istaked,ipinagtulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang
sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang
nagsasalisod na alikabok. “Bakit niya babawiin ang aking mga saka?” tanong ni Tata selo.”Dinaya ko nab a siya sa
partihan?Tinuso ko ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama niya lang ako.Hindi bat kaya maraming nagagalit
sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?” Hindi pa rin umalis sa harap ng
istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang
tinitignan. “Hindi mo n asana tinaga ang kabesa,” anang binata anak ng pinakamayamang propitary sa San
Roque, na tila isang magilas na pinunong-bayang malayang nakalalakad sa pagitan ng maraming tao at ng
istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo. “Binabawi po
niya ang aking saka,” simbong ni Tata Selo. “Saan po ako pupunta kungwala akong saka?” Kumumpas ang
binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung
gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya ano mang oras.” Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon ng
sigarilyo at mariing tinapakan pagkatapos. “ Alam po ba ninyong datingamin ang lupang iyon? Naisangla lamang
po nang magkasakit ang aking asawa, naembargolamang po ag kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang
iyon, kaya nga po ako hindi nagbibigayng kahit isang pinangko kung amihan. Kung hindi ko naman po mababawi,
masaka ko man lang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kanina, ‘Kung maari mo sana, ‘ ‘Besa,’ wika ko po, ‘kung
maaring po sana, wag naman ninyo akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka , ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda
na ngunit ako pa nama’y malakas pa. Ngunit……Ay! Tinungkod po niya ko ng tinungkod, tignan po ninyo ang
putok sa aking noo, tignan po n’yo.” Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si
Tata Selo at lumapit sa isang pulis. “Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?” Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling
si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang
isang magbubukid o anak-magbubukid, na naniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong
balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binhi ay may halas. May sukbit itong lilik. “Pinuntahan
niya ako sa aking saka, Amang.” Paliwanag ni Tata Selo. “Doon bas a may sangka. Pinaaalis ako sa aking saka, ang
wika’y iba naraw ang magsasaka. Nang makiusap ako’y tinungkod ako. Ay! Tinungkod ako, Amang. Nakikiusap
ako, sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?” “Wala na nga kayong mapupuntahan,
Tata Selo.” Gumagapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata. “Patay po ba?”
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat. “Pa’no po niyan si
Saling?” muling taong ng bata. Tinukoy nito ang maglalabimpitong taong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina.
Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga
magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang pumayag si Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?”
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-
aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa . Abut-abot ang
busina ng dyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao. Tumigil ang
dyip sa di-kalayuan sa istaked. “Patay po ba? Saan po ang taga?” Naggitgittan at nagsisiksikan ang mga
pinagpapawasang tao. Itinaas ng may katabaang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay
. Nanulak ang malaking lalaking hepe. “Saan po tinamaan?” “Sa bibig” Ipinasok ng alkalde ang kanyang palad sa
bibig,hinugot iyon at mariing inihagod hanggang sa Kanang punong tainga “Lagas ang ngipin” “Lintik na
matanda.” Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggigitan , nagtulakan. Nanghataw na ng babtuta
ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si tata selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang
pulis ang kumuha kay tata selo sa istaked. “Mabibilanggo ka niyang, Selo,” anang alkalde pakapasok ni tata selo
sa kanyang tanggapan Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo, Umupo si Tata Selo sa silyang nasa
harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa. “Pa’no nga
ba ang nagyari?” kunot-noo at galit na tanong ng alkalde. Matagal bago nakasagot si Tata Selo. “Binabawi po
niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon,
amin po, naisangla lang po at naembargo. “Alam ko na iyan.” Kumukumps at umiiling na putol ng nabubugnot na
alkalde. Lumunok si Tata SElo. Nang muli siyang tumingin sa alkalde, may nakasungaw na luha sa kanyang
malalabo at tila nang may inaaninaq na mata. “Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,”wika ni Tata Selo.
“Kayak o pong magsaka. Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa
po ako.” “Saan mo tinaga ang kabesa?” Matagal bago nakasagot si tata Selo. “ Nasa may sangka po ako ng
dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako g pitas sa pilapil. Alam ko pong pinapanood ako ng kabesa, kung kaya
po naman pinagbubuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po’y talagang malakas pa, na kayak o pa pong
magsaka. Walang anu-anong po, tinawag niya ako at nang ako’y lumapit, sinabi niyang makaaalis na ako sa aking
saka sapagkat iba na ang magsasaka.” “Bakit po naman, Besa?” tanong ko po. Ang wika’y umalis lang daw po
ako. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko uli, ‘malakas pa naman ako, a.’ Nilapitan po niya ako. Nakiusap po ako
sa kanya, ngunit ako po’y… Ay! Tinungkod po niya ako nang tinungkod.” “Tinaga mo na no’n,” anang
nakamatyag na hepe. Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin—may mga eskribiyente pang nakapasok
doon ay nakatuon kay Tata Selo. Nakayuko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng
maruming kutod. Sa pagkakatak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang mga putik, maaalikabok at
luyang paa. “Ang inyong anak, na kina Kabesa raw?” usisa ng alkalde. Hindi sumasagot si Tata Selo. “Tinatanong
kita,” anang alkalde. Lumunok si Tata Selo. “Umuwi nap o si Aling Presidente.” “Kailan?” “Kamakalawa pa po ng
umaga.” “Dib a kinakatulong siya ro’n?” “Tatlong buwan na po.” “Bakit siya umuwi?” Dahan-dahan umangat ang
mukha ni Tata Selo. Naiiyak na napayuko siya. “May sakit po siya.” Nang sumapit ang alas-dose inihudyat iyon ng
sunoud-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lang ng minisipyo ay umalis ang alkalde upang
mananghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis. “Napatay mo pala si kabesa,” anang
malaking lalaking hepe. Lumapit it okay Tata Selo na nakayuko at di pa tumitinag sa upuan. “Binabawi po niya
ang aking saka,” katwiran ni Tata Selo. Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag halos mangudngod ang matanda.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod,” nakatingala, umiiyak, at kumikinig ang labing katuwiran ni Tata Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod si Tata Selo, nakakapit
sa unipormengkaki ng hepe. “ Tunungkod po niya ako nang tinungkod… Ay! Tinungkod po niya ako nang
tinungkod…” Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatinginn ang dalawang pulis. “ Si Kabesa kasi ang
nagrekomenda kay Tsip,e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang
muling pagmalupitan ng hepe. Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat
ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng buwang
iyo’y dapat nang nag-uulan. Kung may humihiphip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga
papel sa itaas. “Dadalhinko siguro sa kabisera,Selo,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa
matandang nasa loob ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.” Wali ni papag sa loob ng istaked at maruming
sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya’y may natutuyong tamak-tamak na tubig.
Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay.
Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang
kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng maitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon. “Habang-buhay
siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ito ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang
sapatos ng alkalde. “Patayin na rin ninyo ako, Presidente,” Paos at bahagya nang marinig si Tata Selo. “Napatay
ko po ang kabesa. Patayin na rin ninyo ako.” Takot humipo sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya
nahipo ang rehas ngunit pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan kung alikabok iyon. Nang tingnan niya si
Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito. May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon
kaysa kahapon. Pumasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang
magbubukid sa bagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion.
Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan
ang Kabesa. Nagtataka at hindi makapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di-pangkaraniwang
hayop na itinatanghal. Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong alas-dos, dumating
ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na
humagulgol. Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di-nagtagal ai
si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa paglalakad si Tata
Selo. Halos buhatin siya ng dalawang pulis. Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit nanagkaroon ng lakas
si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng alkalde. Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
“Hindi ka sana naparito, Saling,” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka, Saling, may sakit ka!” Tila tulala
ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay
tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw. Matigas ang kanyang namumutlang mukha. Pinapaglipat-lipat
niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis. “Umuwi ka na, Saling,” hiling ni
Tata Selo. “Bayaan mo na… bayaan mo na. Umuwi ka na anak. Huwag , huwag ka nang magsasabi…” Tuluyan
nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde sa istaked. Pagkabalik sa istaked, pinanood na naman
siya ng mga tao. “Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basing sako, hindi nga halata.” “Ang
anak, dumating daw? “Naki-mayor.” Sa isang ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si
Tata Selo pagkaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal ng
istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang
sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis.
Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapag. Matagal siyang
nakadapa bago niya narinig na may tila gumigising sa kanya. “Tata Selo… Tata Selo…” Umangat ang mukha ni
Tata Selo. Inaaninaw ng mga luhaan niyang mata ang tumatawag sa kanya. Iyon ang batang dumalaw sa kanya
kahapon. Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya. “Nando’n, Amang, si Saling sa
Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo. Puntahan mo siya, Amang. Umuwi na
kayo.” Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bat’y saglit na nagpaulik-ulik, pagkaraa’y takot at
bantulot na sumunod……. Mag-iikaapat a ng hapon. Papahilig na sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May
kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting; ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya,
nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at tila laging
nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapuling sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas
ang batang inutusan niya kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit
hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi. Habang nakakapit sa
rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinukuha na sa kanila, lahat ay! Ang laha ay kinukuha na sa
kanila.

You might also like