RODRIGUEZ Obra Maestra

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 85

Pangalan: Rodriguez, Maricel D.

Seksyon: PCED-03-401A
IBONG ADARNA
Panuto: Basahin ang mga araling ito. Matapos ay lumikha ng pagsusuri sa mga ito. Sa
gagawing pagsusuri ay balikan ang ating naging talakayan gamit ang PRIZZAPLE, maaari
kang tumuon sa lipunan, may-akda, akda, at mambabasa sa gagawing pagsusuri. Laging
tiyakin ang kaangkupan ng gagamiting lente. Gumamit ng dalawa o higit pang lente o
teoryang magsisilbing tungtungan sa gagawing pagsusuri, ilagay ito sa kaliwang bahagi ng
talahanayan. Ilagay naman sa kanang bahagi ng talahanayan ang mismong pagsusuri.
Tumugon nang naayon sa inilatag na pamantayan. Laging tandaan na sa panunuring
pampanitikan ay laging nakadepende ang pagtingin sa mata ng tumitingin, higit ang
paniniwala ko na may kani- kaniya kayong paningin. Kaya naman, walang puwang ang
kopyahan sa gawaing ito. Sa oras na magpatuloy ang harapang klase ay magkakaroon tayo
ng pagbabahagi ng inyong mga nilikhang pagsusuri. Suri na, at tuklasin ang lalim ng bawat
obra! Ang pagsusuri din ay isang obra.
Aralin 1: Pag-aalay
Lente/Teorya Pagsusuri
 Biyograpikal  Sa araling ito masasabi kong pasok ito sa teoryang
Biyograpikal, sapagkat sa unang-araling ito ay
pinapakita ng may-akda ang kanyang sarili sa una
 Imahismo nitong pagsulat ng kanyang magiging akda.
 Masasabi ko ring pasok ito sa teoryang Realismo, dahil
totoo talagang may mga taong taimtim na nagdarasal
para humingi ng gabay sa panginoon at upang gabayan
sila nito sa lahat ng kanilang gagawin para sa kanilang
buhay.
Aralin 2: Ang Mag- Anak ni Don Fernando
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Noong mga unang araw sang-ayon sa kasaysayan sa
Berbanyang kaharian ay may haring hinangaan, siya ay
si Don Fernando na sa iba mang mga reyno ay
tinitingnang maginoo, kabiyak ng puso niya ay si Donya
Valeriana at sila ay may tatlong anak, sina Don Pedro
ang panganay, Don Diegong mahinhin at si Don Juan na
kanilang bunso. Sa araling ito, masasabi kong pasok ito
sa teoryang Historikal, sapagkat sinimulan ng manunulat
na isalaysay kung sino ang mga mag-anak sa kwentong
ito.
 Humanismo  Masasabi ko ring pasok ito sa teoryang Humanismo,
sapagkat sumisentro ito sa buhay ng kanilang ama na si
Don Fernando at ang kanyang mga anak na lalaki, sina
Don Pedro, Don Diego at Don Juan na may kalakasan
at kahinaan din. Sa kwentong ito ay sisimulan sa
kanilang pagpapakilala ng kanilang pamilya marahil
alaman na natin ang kwentong ito dahil itinuturo ito
magpa sa hanggang ngayon sa paaralan.
Aralin 3: Ang Panaginip ng Hari
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Pumapasok sa araling ito ang teyoryang Imahismo
sapagkat ipinakita na si Haring Fernando ay nanaginip
at sa kanyang panaginip ay nakita niya ang kanyang
bunsong anak na si Don Juan na binugbog at pinatay ng
dalawang tao at maaaring sa Panaginip niya na iyon ay
Hindi niya natanggap ang pagkawala ng kanyang anak
at lumubha ang kanyang karamdaman at sa kanyang
paggising na maaring hindi ito maging totoo sapagkat
ito’y isang panaginip lamang.
 Realismo  Maaari din itong maging Realismo sapagkat noong
nanaginip si Don Fernando at nakita niya sa kanyang
panaginip ang pagkamatay ng kanyang anak ni si Don
Juan ay totoong magaganap Ito dahil ang kanyang
dalawang kapatid na sina Don Pedro at Don Diego ay
tinangka nilang patayin si Don Juan dahil mas ginusto
nilang sila ang maparangalan ng kanilang amang may
sakit. Kapag tayo'y nananaginip karamisan sa mga Ito
ay binibigyan natin ng kahulugan na pwede rin naman
na magyari sa hinaharap at maaari itong isang hudya’t
ng paalala.
Aralin 4: Ang Paglalakbay ni Don Pedro
Lente/Teorya Pagsusuri
 Eksistensyalismo  Sa araling ito ay maaaring maging teoryang
Eksistensyalismo sapagka't ng magkasakit si Don
Fernando na kanilang Ama ay inutusan niya ang
kanyang panganay na anak na si Don Pedro na huluhin
ang Ibong Adarna. Sapagkat nanindigan si Don Pedro
na malalagpasan niya ang kanyang pagsubok at
mahuhuli niya ang Ibong Adarna. Marahil naging
kampante siya na bilang isang panganay na anak siya
ay mas malakas at hindi ito makakakaya ng kanyang
dalawang kapatid na mahuli Ang Ibong Adarna at
ninanais niya rin na hinding hindi siya mabibigo
pagdating sa kagustuhan ng kanyang Ama.
 Imahismo  Pumasok sa aking isipan ang ganda ng punong kakaiba
sa lahat sapagkat ipinakita sa aking napanood na
parang kulay gintong puno ang laging pinamamalagian
ng Ibong Adarna. Kayat masasabi kong pasok ito sa
teoryang Imahismo.
Aralin 5: Ang Paglalakbay ni Don Diego
Lente/Teorya Pagsusuri
 Naturalismo  Sa Araling ito maaari rin itong pumasok sa teoryang
Naturalismo sapagkat noong hindi na nakabalik si Don
Pedro sa kaharian nila ay sinundan ito ng kanyang
pangalawang kapatid na si Don Diego sa pag-aakalang
may nangyari ng masama sa kanyang kapatid kaya
naman sinundan niya ito upang malaman ang kalagayan
niya hindi man natupad ng kanyang kapatid na
panganay ang paghuli sa Ibong Adarna siya naman
ngayon ang magtatangkang humuli nito
 Eksistensyalismo  Maaari di naman na isang uri ng teoryang
Eksistensyalismo dahil noong hindi na nakabalik ang
panganay na anak ni Don Fernando ay naatasan si Don
Diego na sundan ang kanyang kapatid na si Don Pedro
at sa pag-aakalang Hindi na siya makakavalik pa ay siya
na ang humuli sa Ibong Adarna.
Aralin 6: Ang Paglalakbay ni Don Juan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Markismo  Maaaring pumasok ang Araling Ito sa teoryang
Markismo sapagkat noong hindi na nga nakabalik ang
kanyang dalawang kapatid na sina Don Pedro at Don
Diego ay siya na ang huling pag-asa ng kanyang Amang
may sakit. Sa Paglalakbay ni Don Juan ay nanaig ang
kanyang kabutihan sapagkat ng may makita siyang
isang magandang nanghihingi ng pagkain ay agad
naman itong binigyan ni Don Juan kung kayat
natulungan siya ng matandang Estrangherong ito.
Marahil sa nauna niyang dalawang kapatid ay
kabaliktaran ng kanyang pag-uugali dahil maaaring
nakita ng dalawa niyang kapatid ang matanda ngunit Ito
nila Ito tinulungan.
 Moralistiko  Sapagkat si Don Juan ay kakikitaan ng kabutihang pag-
uugali tinulungan niya na bigyan ang matandang
humihingi ng tulong. Marahil sa araling ito ay may
maiiwang aral tayong matututunan sa pagtulong sa ating
kapwa para sa kanila ay isang malaking pagtanaw ng
utang na loob.
Aralin 7: Ang Payo ng Ermitanyo
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa Araling ito pumapasok ang teoryang Realismo
sapagkat ipinapakita ng isang Ermitanyo ang maaaring
kahahantungan ni Don Pedro kapag umawit na ang
Ibong Adarna. Maaari siyang makatulog sa
napakaganda nitong awit at makakatulog na lamang at
kalauna'y magiging bato.
 Naturalismo  Maaari din siyang pumasok sa teoryang Naturalismo
sapagkat sinunod ni Don Juan ang mga bilin ng isang
Ermitanyo sa kanya na kapag umawit na ang Ibong
Adarna na sugatan niya ang kanyang kamay at ipatak
ang dayap sa kanyang mga sugat upang hindi
makatulog sa pag-awit ng Ibong Adarna at upang hindi
siya maging isang bato. Pagkatapos ay mahuhuli na
niya ang Ibong Adarna.
Aralin 8: Sa Bundok ng Tabor
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa araling ito, pumasok sa aking isipan kung gaano ang
hirap na nilampasan ni Don Juan ang kanyang
pagsubok sa paghuli sa Ibong Adarna. Sapagkat ginawa
niyang lahat para lamang hindi siya makatulog at upang
hindi rin siya maging bato.
 Feminismo  Maaaring maging teoryang Feminismo ang araling ito
sapagkat ipinapakita ang isang ibong napakaganda na
sumisimbolo sa kababaihan isang ibong mailap at
mahirap makuha ang loob. Isang halimbawa para sa
mga mga kababaihan na tulad ng isang Ibong Adarna na
kakikitaan ng mga katangiang pambabae.
Aralin 9: Ang Pagtataksil kay Don Juan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Kakikitaan ito ng teoryang Realismo sapagkat sa
Panaginip ni Don Fernando na kanyang Ama ay
nagkatotoo ang kanyang panaginip na may dalawang
taong sasaktan at pahirapan si Don Juan.
 Moralistiko  Pumapasok din sa araling ito ang teoryang Moralistiko
sapagkat sa lahat ng pagsubok na ginawa ni Don Juan
ay napagtagumpayan niya ito ngunit sa kabila ng
kabutihang pinakita ni Don Juan sa kanyang dalawang
kapatid ay nagplano parin sila ng masama na patayin na
lamang ang kanilang kapatid na si Don Juan para
lamang masabing sila ang nakahili sa Ibong Adarna.
Ang aral lamang na mag mamarka dito ay huwag
maging sakim sa kapatid sapagkat hindi ito nagbubunga
ng mabuti.
Aralin 10: Hinagpis ni Don Juan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Markismo  Kakikitaan din ito ng teoryang Markismo dahil kung ano
ang ikinabuti ng ugali ni Don Juan ay ganoon namang
kasama ng ugali ng dalawa nitong akpatid na sina Don
Pedro at Don Diego.
 Moralistiko  Sa Araling ito ay teorayng Moralistiko pa rin sapagkat
ang aral na magmamarka dito ay huwag maging sakim
lalo na sa ating mga kapatid dapat lagi tayong
nagtutulungan sa lahat ng bagay upang maging
maayos ang kahihinatnan nito para sa atin. Kaya’t kahit
na ginawan na ng mabuti ang ipinakita ni Don Juan sa
kanyang dalawang kapatid ay nagtaksil parin sila dito.
Nag plano pa sila Don Pedro at Don Diego na patayin na
lamang si Don Juan upang maangkin nila ang Ibong
Adarna.
Aralin 11: Sagot sa Panalangin
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisimo  Sa araling ito, matapos magawa ni Don Juan ang
kanyang pagsubok ay nanghina ito kinaumagahan.
Mabuti na lamang at may isang matangdang tumulong
sa kanya upang gamutin ang kanyang mga sugat at ng
maging malakas na si Don Juan ay nagpasalamat siya
sa matandang tumulong sa kanya matapos ang mga
nangyari sa kanya.
 Dekonstruksyon  Maaaring pumasok dito ang teoryang Dekonstruksyon
sapagkat noong ginawan ng masama at patayin si Don
Juan ng kanyang dalawang kapatid ay puro sugat sa
katawan at sa mukha ng natamo ni Don Pedro dito
ngunit sa kanyang kabutihang taglay marahil ay
tinulungan siya ng poong maykapal at isang matanda
ang tumulong kay Don Juan upang gamutin ang mga
sugat nito. Nang gumamaling na si Don Juan at bumalik
na sa dati ang kanyang maayos na pangangatawan ay
nagpasalamat siya sa kabutihang ginawa sa kanya ng
isang matanda. at si Don Juan ay tuluyan na ngang
gumaling ang kanyang sugat na natamo mula sa
kanyang sakim na mga kapatid.
Aralin 12: Ang Pag- awit ng Ibong Adarna
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Maaari itong pumasok sa teyoryang Realismo sapagkat
ng umawit na ang Ibong Adarna ay katotohanan at mga
nangyari kung paano siya nahuli ni Don Juan at hindi
talaga siya nahuli nina Don Pedro at Don Diego inawit
niya rin ang mga pagsubok na ginawa ni Don Juan at
ang katitohanang pinagtaksilan si Don Juan ng kanyang
dalawang kapatid.
 Moralistiko  Sa kwentong ito ay may -aral na tatatak sa atin. Dahil
kapag tayo'y gumawa ng hindi maganda sa ating kapwa
ay maaaring magbunga ito ng kapahamakan natin. Sa
awit ng Ibong Adarna hindi man nasabi ni Don Juan ang
katotohanang ginawa sa kanya ng kanyang dalawang
kapatid ay ang Ibong Adarna na mismo ang nakakita at
nagsabi kay Don Juan.
Aralin 13: Pagtitiwala: Daan ng Pagkapahamak
Lente/Teorya Pagsusuri
 Markismo  Sapagkat sa kwentong ito ay nalaman ni Don Fernando
ang kasamaang ginawa nila sa kanilang kapatid
pinagsamantalahan nila ang kabaitang pinakita ni Don
Juan. Marahil ng hindi pa sabihin ng Ibong Adarna ang
totoong nangyari kay Don Juan ay iisipin ni Haring
Fernando na sina Don Pedro at Don Diego ang totoong
humuli sa Ibong Adarna.
 Naturalismo  Pumapasok din dito ang teoryang Naturalismo sapagkat
nalaman na ng kanilang Ama ang ginawang kataksilan
ng kanyang dalawang anak kay Don Juan, Dito
nakaramdam sila ng inggit dahil iisipin nilang si Don
Juan na naman ang mas magaling para sa kanilang
Ama.
Aralin 14: Sa Bundok ng Armenya
Lente/Teorya Pagsusuri
 Markismo  Sa araling ito ay maaaring pumasok ang teoryang
Markismo sapagkat ang kanyang dalawang kapatid na
mas nakakatanda kay Din Juan ay napagplanuhan ng
dalawa na msi Don Juan na lamang ang bumaba sa
ilalim ng balon. Bilang isang nakakatanda sa iyong mga
kapatid at itinuturing na mas malakas ay dapat na ikaw
mismo ang mauunang tumuklas ng hiwaga ng balon.
Maaring naging mahina sina Don Pedro at Don Diego
dahil sila ang mas nakakatanda sa kanilang
mgkakapatid. Mas nanaig ang kalakasan ni Don Juan
sapagkat siya ang bunso ngunit siya din ang bumaba sa
ilalim ng balon para tuklasin ang hiwaga nito.
 Realismo  Masasabi kong pasok din ito sa teoryang Realismo,
sapagkat totoo paring nangyayari ito sa totoong buhay.
Dahil may mga kapatid talaga tayong masasama ang
pag-uugali at mas inuuna nila ang kanilang sarili bago
ang iba.
Aralin 15: Si Donya Juan at ang Higante
Lente/Teorya Pagsusuri
 Eksistensyalismo  Sa kwentong ito mag-isang binaba ni Don Juan ang
kalaliman ng balon at ng magulat siya sa kanyang
makita ang isang pook na napakagandan at sa lugar na
ito ay matagal ng nakatira si Prinsesa Juana sa
higanteng nagbabantay sa kanya. At pumapasok dito
ang teoryang Naturalismo sapagkat matapang na
nilabanan ni Don Juan ang Higante upang mailigtas si
 Feminismo ang Prinsesa.
 Sapagkat sa kwentong ito ay matagal ng nakakulong sa
kamay ng Higante si Prinsesa Leonora at hindi niya
magawang tumakas sapagkat napakalaki at
napakalakas ng Higante upang matakasan niya ito.
Pumapasok sa kwentong ito ang teoryang Feminismo
sapagkat walang karapatan si Prinsesa Leonora na
tumakas sa kamay ng Higante at kung hindi pa dumating
si Don Juan ay Hindi siya makakakaya sa kamay ng
Higante.
Aralin 16: Si Prinsesa Leonora
Lente/Teorya Pagsusuri
 Naturalismo  Katulad ng pagliligtas ni Don Juan kay Prinsesa Juana,
si Prinsesa Leonora naman ang kanyang iniligtas mula
sa Serpiyenteng nagbabantay dito. Pumapasok dito ang
teoryang Naturalismo sapagkat matapang ding iniligtas
ni Don Juan si Prinsesa Leonora.
 Feminismo  Sapagkat iniligtas ni Don Juan kay Prinsesa Leonora at
nakaramdam ng kalayaan siya ng kalayaan pumapasok
dito ang Teoryang Feminismo sapagkat bilang isang
babae hangad din nating maging malaya at mamuhay
ng masagana at magkaroon ng magandang Pamilya.
Aralin 17: Si Don Juan at ang Serpiyente
Lente/Teorya Pagsusuri
 Eksistensyalismo  Sapagkat matapang na nilabanan ni Don Juan ang
higanteng ahas o ang Serpiyente natalo niya ito ng mag-
isa kahit na napakbangis ng nilalang na ito. Hindi
nagpatinag si Don Juan sa higanteng ahas kahit na
napakaraming ulo ng ahas ang makakalaban niya.
 Klasismo  Pumapasok sa kwentong ito ang teoryang Klasismo
sapagkat ng makalaya ang dalawang Prinsesa mula sa
Higante at Serpiyente. At papasok sa kwentong ito ang
teoryang Klasismo sapagkat ng silay uuwi na papuntang
Berbanya ay naalala ni Prinsesa Leonora ang singsing
na pinamana pa ng kanyang ina sa kanya bago
mamatay ang kanyang ina. Marahil napakahalaga ng
singsing na iyon sapagkat iyon na lamang ang maiiwang
ala-ala ng kanyang Ina.
 Markismo  Maaari din itong isang teoryang Markismo sapagkat
naging sakim na naman ang kanyang kapatid na si Don
Pedro kay Don Juan, ng tangkain na namang putulin ni
Don Pedro ang lubid na nakatali kay Don Juan upang
makuha Ang singsing ni Prinsesa Leonora.
 Feminismo  Maaari din namang pumasok ito sa teoryang Feminismo
sapagkat sina Prinsesa Leonora at Prinsesa Juana ay
walang nagawa sa pagtangkang pagputol ni Don Pedro
ng lubid na nakatali kay Don Juan. Hindi nila
naipagtanggol si Don Juan sapagkat malakas rin ang
dalawang magkapatid at hindi nila kayang lumaban sa
mga ito.
Araling 18: Ikalawang Panaginip ng Hari
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Isa na namang panaginip ang nakita ni Don Fernando sa
bunso nitong anak na si Don Juan, Marahil ang
Panaginip niyang ito ay nagbabadya ng kapahamakan
sa kanyang bunsong anak. Nakita niya sa kanyang
panaginip ang walang awang pananakit sa kanyang
anak at itoy kanyang ikamatay. Pumapasok sa kwentong
ito ang teoryang Imahismo sapagkat sa Panaginip ni
Don Fernando ay nakita niya ang kanyang anak na
naghihirap.
 Realismo  Sapagkat sa panaginip ni Don Fernando ay hindi niya
nalalamang naging totoo ang kanyang panaginip mula
sa kanyang bunsong anak. Pumapasok dito ang
teyoryang Realismo sapagkat naging totoo ang
Panaginip ni Don Juan sa kanyang bunsong anak.
Aralin 19: Ang Mahiwagang Lobo
Lente/Teorya Pagsusuri
 Naturalismo  Dahil sa naiwang singsing ni Prinsesa Leonora ay
bumaba ulit si Don Juan sa balon upang makuha ito.
Marahil pumapasok dito ang teoryang Naturalismo
sapagkat nagtiwala na naman si Don Juan sa kanyang
mga kapatid ngunit nabigo na naman si Don Juan sa
ginawang pagtatraydor nito sa kanya. Pinatid nila ang
lubid na nakatali sa kanya dahilan kung bakit hindi niya
nakuha ang singsing ni Prinsesa Leonora.
 Moralismo  Nang mahulog si Don Juan mula sa balon ay inakala
nitong mamamatay na siya sapagkat napakarami niyang
galos at pasa sa katawan. Ngunit isang lobo ang
tumulong sa kanya ginamot ng lobo ang kawawang si
Don Juan sa pamamagitan ng pagdila ng Mahiwagang
Lobo sa mga sugat ni Don Juan at binantayan siya ng
Mahiwagang Lobo hanggang tuluyan ng gumaling at
bumalik sa dating lakas so Don Juan. Pumapasok dito
ang teoryang Moralistiko sapagkat ang aral na maiiwan
sa kwentong ito ay huwag magtiwala sa mga taong
nakapaligid sayo sapagkat kahit ginawan mo na ng
kabutihan kung paulit-ulit ka paring gagawan ng
kasamaan.
Aralin 20: Pagdadalamhati ni Leonora
Lente/Teorya Pagsusuri
 Feminismo  Maaari itong pumasok sa teoryang Feminismo sapagkat
sa kabila ng pagtatanggol sa kanila ni Don Juan sa
dalawang Prinsesa upang makalaya na sila sa mga
higanteng nagbabantay sa kanila ay may isa pa palang
panganib na naghihintay sa kanila dahil sa nangyari kay
Don Juan ay ibinalita nila ang pagkawala nito sa
kanilang Ama at dahil ang kanilang kasama ay ang
dalawang Prinsesa nais ni Don Pedro na ipakasal sila sa
mga Prinsesa at ito ang naging kahinaan ng dalawang
babae. Hindi man lamang nila sinabi ang katotohanang
nangyari kay Don Juan.
 Naturalismo  Sa kwentong ito maaring naging teoryang Naturalismo
sapagkat naging mahina ang dalawang Prinsesa na
aminin ang katotohanang nangyari kay Don Fernando.
At dahil sa takot narin kina Don Pedro at Don Diego ay
sinunod na lamang nila ang kanilang utos.
 Imahismo  Ng sabihin ni Don Pedro na ipakasal na lamang sila sa
dalawang Prinsesa ay wala ng magawa ang dalawang
Prinsesa. Maaaring pumasok ito sa teoryang Imahismo
sapagkat hinihintay ni Prinsesa Leonora na dumating si
Don Juan upang iligtas silang dalawa sa pag-iisang
dibdib kina Don Pedro at Don Diego.
Aralin 21: Talinghaga ng ba?
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sapagkat noong mahulog si Don Juan sa Balon ay sa
pag-aakalang iyon na ang kanyang magiging kasawian
ay may tumulong sa kanyang isang mahiwagang lobo at
ngaun naman ay isang matandang ermitanyo ang
tumulong kay Don Juan sa paghahanap patungo sa
Reynong Cristal. Sa kwentong ito ay pumapasok ang
teoryang Romantisismo sapagkat pagkatapos siyang
tulungan ng mahiwagang lobo ay tinulungan naman ng
isang matandang ermitanyo si Don Juan, at mas
napadali ang kanyang Paglalakbay patungo sa kanyang
pupuntahan.
 Moralistiko  Sa kwentong ito ay kapupulutan ng aral saapgkat sa
kabaitang tahlay na mayroon si Don Juan ay hindi siya
pinababayaan ng Panginoon at nagpapatuloy parin siya
sa kanyang pagpalakbay kahit na napakahirap na ang
kanyang naranasan.
Aralin 22: Ang Himutok ni Don Pedro
Lente/Teorya Pagsusuri
 Eksistensyalismo  Sa kwentong ito ay maaaring pumasok ang teoryang
Eksistensyalismo sapagka’t ang laging laman ng pusot
isipan ni Prinsesa Leonora ay sinDon Juan parin kahit
na patuloy ang pagsuyo ni Don Pedro sa kanya ay mas
nanaig ang paninindigan nito na si Don Juan parin ang
nilalaman ng puso niya kahit na nakuha na siya ni Don
Pedro.
 Moralistiko  Kakikitaan din ito ng aral ng kwento sapagkat nananaig
parin sa puso ni Prinsesa Leonora ang pagmamahal nito
kay Don Juan. Siya ay masasabi natin na naging tapat
kay Don Juan sapagkat kahit inangkin ni Don Pedro na
mapasa kanya ito Hindi parin magbabago ang
pagmamahal na mayroon siya para kay Don Juan.
Aralin 23: Ang Paghahanap ni Reino de los Cristal
Lente/Teorya Pagsusuri
 Naturalismo  Sapagkat sa kwentong ito sinunod ni Don Juan Ang mga
bilin ng isang matandang ermitanyo sa kanya at sa
kagustuhang makarating sa Reino delos Cristal ni Don
Juan ay sinunod niya ang mga bilin at payo ng eritanyo.
Maaaring pumasok sa kwentong ito ang teoryang
Naturalismo sapagkat ang mga bilin ng mga matandang
ermitanyo na kanyang nasasalubong sa kanyang
Paglalakbay ay Sinusunod ni Don Juan, marahil ay
naniniwala siya na tama ang mga sinasabi ng mga
matatandang ermitanyo.
 Romantisismo  Maaari rin naman itong pumasok sa teoryang
Romantisismo sapagkat sa Paglalakbay ni Don Juan ay
may mga nasasalubong siyang pedeng mapagtanungan
at dahil nga sa butihin nitong pag-uugali ay may mga
taong nagtutulungan siya upang mahanap ang Reynong
Cristal na kayang pupuntahan.
Aralin 24: Pagsapit sa Reino de los Cristal
Lente/Teorya Pagsusuri
 Eksistensyalismo  Sa paglalakbay ni Don Juan ay hindi parin siya sumuko
upang makarating sa kanyang paroroonang lugar, at
siyay lunis na nagtiwala na magagawa niya ang
pagsubok na kanyang nararasana. Sa kwentong ito ay
isang teoryang Eksistensyalismo sapagka’t si Don Juan
ay nanaig parin sa kanyang isipan na makakarating
parin siya sa Reyno delos Cristal at sa tulong ng mga
matatandang ermitanyo ay nakarating din siya.
 Naturalismo  Sa kwentong ito ay pumapasok ang teoryang
Naturalismo dahil ng mamarating si Don Juan sa lugar
ng Reyno delos Cristal ay pinayuhan ito ng isang
malaking agila na nagdala sa kanya sa lugar na iyon na
siyay magtago upang hindi siya makita ng Prinsesa
habang itoy maliligo, at saglit na umalis at lumipad na
ang agila.
Aralin 25: Si Donya Maria ng Reino de los Cristal
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sa kwentong ito ay maaaring kakitaan ng teoryang
Romantisismo sapagkat Hindi naging madali para ky
Don Juan ang Unang pagsubok ni Haring Salermo
sapagkat napakahirap nitong magawa lalo na ang
pagpatag ng kabundukan ay imposibleng magawa ni
Don Juan ngunit dahil sa tulong ni Maria Blanca ay
ginamitan niya Ito ng kanyang Kapangyarihan upang
magawa Ang mga pagsubok ni Don Juan.
 Moralistiko  Sapagkat sa kwentong ito rin ay pinakita ni Don Juan na
handa niyang tanggapin Ang mga pagsubok na ibinigay
sa kanya ni Haring Salermo para makuha niya ang
pagmamahal I Maria Blanca. Ang aral lamang na tatatak
sa kwentong ito marahil ay nabibilang na lamang ang
mga lalaking gagawin ang lahat para lamang sa kanilang
minamahal at marami rin namang tulad ni Maria Blanca
na mga kababaihan ngayon ang mapapalad na
magkaroon ng ganitong magmamahal sayo ng totoo.
Aralin 26: Unang Utos ng Haring Salermo
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sa kwentong ito ay nabasa naman natin ang unqng utos
ni Haring Salermo Kay Don Juan, sapagkat sa unang
utos ng Haring ito ay sadyang napakahirap talagang
magawa ang mga utos nito, lalung lalo ang pagpantay
ng bumdok. Marahil isang himala na lamang ang
makakagawa nito. Ngunit sa hirap ng pinag-uutos ni
Haring Salermo ay hindi ito pinabayaan ni Maria Blanca
dahil tinulungan nito si Don Juan upang magawa niya
ang mga bagay na mahirap magawa.
 Realismo  Sa kwentong ito ay pumapasok ang teoryang Realismo
sapagkat ang panliligaw na ginawa ni Don Juan kay
Maria Blanca ay nangyayari noong unang panahon,
Noon kasi kapag nanliligaw ang mga kalalakihan sa
gusto nilang babae ay nagtutungo muna sila sa mga
magulang nito upang silay payagan. Ngunit napahirap
manligaw noon dahil bago mo makuha ang loob ng
kanilang mga magulang ay gagawin mo muna ang lahat
ng gugustuhin ng kanilang magulang na gusto nilang
makita sayo kung talaga nga bang totoo ang
pagmamahal at karapat dapat ka nga ba sa kanilang
mga anak.
 Moralistiko  Pinakita naman ni Don Juan sa kwentong ito na
talagang karapat dapat siya Kay Maria Blanca dahil
handa itong gawin ang lahat upang makita lamang ni
Haring Salermo na sinusunod talaga siya ni Don Juan.
Ang aral lamang dito ay hindi lahat ng gusto mong
makuha o ninanais ay makukuha mo agad may mga
bagay ding dapat paghirapan at kayang magtiis para
makuha mo ang gusto mo.
Aralin 27: Ikalawang Utos: Ang Prasko
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kwentong ito ay maaaring pumasok ang teoryang
Romantisismo sapagkat ang pag-ibig ni Don Juan kay
Maria Blanca ay sadyang totoo. Sa ikalawang utos na ito
ni Haring Salermo kay Don Juan ay kasalukuyang
nangyayari parin naman hanggang ngayon. Marahil
may-iilan at kakikitaan parin ng pag-uugali ang mga
kalalakihan sa ating unang kagawian noon, Nauuna
muna silang magpunta sa mga magulang ng babaeng
kanilang magustuhan upang humingi ng paghalang na
paipaalam na gusto nila ang kanilang mga anak.
 Imahismo  Sapagkat ng maibahagi sa kwentong ito ang mga maliliit
na duwende, sapagkat Hindi pa aki nakakakita nito kaya
ay pumasok agad sa isipan ko kung ano kaya ang mga
itsura ng mga nilalang na ito, kung magaganda at gwapo
ba sila, magaganda ba ang pananamit nila at Kung ano
ano pang naiisip sa mga nilalang na ito.
 Moralistiko  Ang aral lamang sa kwentong ito ay huwag tayong
magsawang tulong sa nangangailangan sa atin,
sapagkat may kasabihan nga naman tayong mas mabuti
ng tumulong sa iba kaysa tayo ang tulungan.
Aralin 28: Ikatlong Utos: Pag- usod ng Bundok
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sa kwentong ito ay maaaring pumasok ang teoryang
Realismo sapagkat sa ikatlong-utos ng Hari kay Don
Juan ay handa talaga niyang gawin ang lahat para
lamang kay Maria Blanca ngunit sa mga hirap ng
pinagpagawa ng Hari sa kanya ay handa rin namang
tumulong si Maria Blanca kay Don Juan.
 Realismo  Ihalintulad na lamang natin ito sa panahon natin ngayon
na may mga tao talagang handang magsakripisyo para
lamang sa minamahal nila at upang malaman ng
kanilang mga magulang na desidido talaga tayong gawin
ang lahat kahit pa napakahirap nito. Nangyayari parin
naman sa panahon natin sapagkat may mga tao parin
naman na handang magsakripisyo para sa mga mahal
nila. Halimbawa na lamang sa mga magkasintahan
ngayon kung mahal mo talaga ang isang tao kahit na
anong pagsubok pa ang ibigay sa inyo kung talagang
nagtutulungan kayo sa isat-isa ay ilalayo naman kayo
nito sa kapahamakan marahil sa kahit na anong
pagsubok ay naiiwasan niyong mag-away sa mga bagay
na hindi naman dapat palakihin pa.
 Sapagkat ginagawa parin ni Don Juan ang lahat ng
 Moralistiko kanyang makakaya para sa kanyang minahal. Sa
kwentong ito ipinapakita lamang sa atin na dapat tayong
magtulungan sa lahat ng bagay kahit na anong hirap ng
pagsubok ang ibigay sa atin tulad na lamang nila Don
Juan at ni Maria Blanca.
Aralin 29: Ikaapat na Utos: Tanggulang Kahanga- hanga
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sa ikaapat na utos ni Haring Salermo kay Don Juan ay
nais niyang magtayo siya ng isang malaking kaharian sa
gina ng karagatan. Marahil ay talagang nahirapan ng
gusto si Don Juan kung papaano niya magagawa ang
kahilingan ng Ama ni Maria Blanca ngunit nakita naman
natin na nagawang muli no Don Juan ang utos ng Hari
sapagkat tinulungan ito ni Maria Blanca. Sa kwentong ito
ay maaaring ilapat ang teoryang Romantisismo
sapagkat muli na namang napagtagumpayan ni Don
Juan ang pagsubok na ibinigay sa kanya ng Hari at dahil
sa tulong ni Maria Blanca ay ginamitan niya ulit ito ng
kanyang majika upang magawa ni Don Juan ang
kanyang pagsubok.
 Imahismo  Sapagkat sa kwentong ito ay sumagi sa aking isipan ang
naging itsura ang kahariang itinayo sa gitna ng
karagatan iniisip kong napakaganda nito sapagkat isang
majika ang ginamit upang maitayo ito.
 Realismo  Sa kwentong aking napanood ay maaari rmdin naman
itong maging teoryang Realismo sapagkat may mga
tulad din ni Haring Salermo na kung ano ano na lamang
ang iutos sayo marahil inaakala nila na hindi mo ito
magagawa, ngunit sa determinasyon nating magawa ito
kahit na mahirap man ay ginawa parin natin ang ating
makakaya upang ipakita din sa kanila na kaya din natin.
Aralin 30: Mga Huling Kahilingan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sa kwentong ito maaaring pumasok ang teoryang
Romantisismo sapagkat nakita naman natin ang naging
huling kahilingan ni Haring Salermo kay Don Juan.
Marahil kahit sino namang gawin ang isang bagay na
tadtarin ng pirapiraso ang iyong minamahal ay talaga
namang kalunos-lunos at hindi mo siguro maaaring
tatangkaing gawin. Sa kabila ng pagsubok na ito ni Don
Juan at sinunod niya nga ang hari pagkatapos tadtarin
ng pira-piraso si Maria Blanca ay manghang naging isda
pa ito at muli namang nagbalik sa pagihing tao. Talaga
namang kamangha mangha ang nangyari sapagkat
tinulungan na naman ni Maria Blanca si Don Juan upang
magawa ang binigay saa kanyang pagsubok.
 Imahismo  Sapagkat pumasok sa aking isipan kung papaano
tadtarin ng espada si Maria Blanca, sumagi din sa aking
isipan na na ito na ang huling kamatayan ni Maria
Blanca at pagkatapos ay naging isda pala ito iniisip ko
na isang mahiwagang isda din ito at muling nagbalik na
nga sa pagiging tao si Maria Blanca.
 Realismo  Ipinakita rin sa kwentong ito na katulad rin ni Haring
Salermo ang ating mga magulang ay sadyang
napakahigpit pagdating natin sa ating hustong gulang
sapagkat dito na natin mararanasan bilang isang anak
ang maligawan at magkaroon ng kasintahan. Marahil ay
kaya naghihigpit sa atin ang ating mga magulang lalong
lalo na sa ating manliligaw ay para makita kung talaga
bang karapat dapat sila para sa atin.
 Moralistiko  Isang-aral din ang kapupulutan natin sa kwentong ito
sapagkat hindi lahat ng bagay ay agad mong makukuha
ng agaran. Sapagkat kapag pinaghihirapan natin ito ay
maganda ang maibabalik sa atin.
Aralin 31: Kapangyarihan laban sa Kapangyarihan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Markismo  Sa araling ito ay maaaring pumasok ang teoryang
Markismo sapagkat nagkakaroon ng tunggalian sa
pagitan ni Don Juan at Haring Salermo na nasa
katauhan ng isang kabayo na patuloy sa pagwawala
habang nakasakay sa likod niya si Don Juan at dahil sa
pilit na nagwawala ang kabayo ay napilitan itong saktan
ni Don Juan hinampas at sinaktan niya ito ng walang tigil
hanggang sa mapagod rin ang kabayo. Sa kwentong ito
ay nakita nating nanalong muli si Don Juan laban Kay
Haring Salermo.
 Romantisismo  Sa kwentong ito ay gumamit si Haring Salermo ng isang
majika upang siya ay maging isang kabayo. Napaka
imposible rin talagang makakita tayo ng taong may
kapangyarihang maging isang hayop. Marahil ay may
mga kwento-kwento parin tayong naririnig ngunit
kaylagan parin natin ng sapat na ibidensya.
 Eksistensyalismo  Sapagkat nanindigan si Don Juan na Hindi siya sumuko
sa isang kabayong nagwawala upang siyay mahulog,
hindi rin siya nagpadaig sa lakas ng kabayo bagkus
gumawa siya ng maaaring paraan para matigil ang
kabayong nagwawala.
Aralin 32: Sumpa ni Haring Salermo
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sapagkat nangyayari rin ito sa ating buhay. Karamihan
sa mga kabataan ngayon ay sinusuway na nila ang
kanilang mga magulang para lamang makita nila ang
kanilang mga kasintahan. Minsan din ay gumagawa sila
ng pagsisinungaling sa kanilang magulang para lamang
magawa nila ang kanilang magustuhan.
 Romantisismo  Sa kwentong ito maaari din maging isang teoryang
Romantisismo sapagkat ipinapakita rito ni Maria Blanca
na tinutulungan niya si Don Juan gamit ang kanyang
majika o Kapangyarihan na napaka imposible talagang
mangyari sa totoong buhay.
 Markismo  Maaari din itong pumasok sa teoryang Markismo
sapagkat sa kabila ng lahat ng paghihirap ni Don Juan
ay nalagpasan niya ito. May pagtutunggalian ring
naganap sa kwentong ito nila Don Juan, Haring Salermo
at Maria Blanca dahil ginamit muli ni Maria Blanca ang
kanyang kapangyarihan upang hindi sila mahabol ng
kanyang Ama, at sa huli ay natalo din nila si Haring
Salermo at hindi na nga sila nito nahabol.
Aralin 33: Ang Kahilingan ng Prinsesa
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sikolohikal  Maaaring pumasok ito sa teoryang Sikolohikal sapagkat
ipinakita sa kwentong ito ang paraan ng pagsusulat ng
my-akda sa kwento ng pag-iibigan nila ni Don Juan at
Maria Blanca Maayos na naipahayag ng manunulat ang
damdamin na nais ipabatid sa mga manonood mula sa
kwento, sapagkat maaaring maramdaman ng mga
manonood ang ganitong klase ng pag-iibigan ng
dalawang taong nagmamahalan.
 Realismo  Sapagkat tulad ko rin ay napangakuan ng isang
pangako at ito ay aking hinintay. Karamihan satin ay
naranasan naman talagang napangakuan kahit na Alam
nating walang kasiguraduhan Ang pangakong ito, tayoy
umaasa na lamang at nagtitiwalang gagawin nila ito
kahit na walang kasiguraduhan.
 Moralistiko  Ang aral lamang sa kwentong ito kapag tayoy nangako
sa ating kapwa ay siguraduhin natin na tutuparin ito
sapagkat umaasa talaga silang gagawin nila ito. Huwag
na lamang tayong magbitiw ng isang pangako bagkus
gawin na lamang natin ito sa kanila.
Aralin 34: Ang Pagsalubong kay Don Juan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sikolohikal  Maaari rin itong pumasok sa teoryang Sikolohikal
sapagkat ng bumalik na si Don Juan sa kanilang
kaharian ay nagbalik ding muli ang sigla ni Donya
Leonora ng makita niya si Don Juan. Sa kwentong ito
maramdaman ko ang pagiging tapat ni Donya Leonora
kay Don Juan, kakaiba ring istilo ng pagsusulat ang
ginawa ng may-akda sapagkat maaaring makapag-isip
ang mga manonood mula sa kwentong ito kung sino
talaga ang karapat dapat para kay Don Juan.
 Realismo  Sapagkat nangyayari din ito sa totoong buhay.
Halimbawa na lamang ng mga nag-iibigan na nasa
malalayong lugar pa o sa madaling salita ay “Long
Distance Relationship” dahil kahit nasa malayong lugar
parin sila ay nananatili parin ang pagiging tapat at
pagmamahal nila sa isat-isa.
 Moralismo  Ang aral lamang sa kwentong ito ay maging tapat parin
tayo isat-isa at totoo parin ang ipakita natin sa ating
kapwa dahil mas magandang malaman ang totoo o
katotohanan kaysa sa niloloko mo sila o kayay sarili mo
ang niloloko mo.
Aralin 35: Ang Pagdating ni Donya Maria
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sa kwentong ito ay nakita natin ang paggamit muli ni
Maria Blanca ng kanyang mahija, bilang tagapanood ng
isang kwento ay imposible paring mangyari sa reyalidad
ng buhay ang ginawa ni Maria Blanca.
 Realismo  Sa kwentong ito ay maaaring pumasok ang teoryang
Realismo sapagkat nangyayari talaga sa totoong buhay
ang pagkalimot ng isang tao. May mga pangyayari din
sa ating buhay na hindi natin maiiwasan ang mga
aksidenteng nangyayari sa atin, halimbawa na lamang
“Car Accident” o pagkabagok ng ating ulo na nauuwi
minsan sa pagkalimot o maaaring magkaroon ang isang
tao ng amnisya.
 Moralistiko  Sa kwentong ito dapat lamang na hindi tayo sumuko sa
mga taong mahal natin. Dahil alam naman natin na hindi
tayo magiging masaya kapag hindi natin nagawa ang
dapat nating gustong gawin dahil lamang sa nahihirapan
tayo.
Aralin 36: Sa Kabayo ang Latay
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sa kwentong ito ay nakita natin ang ginawang
paghahampas ng negritang babae sa kanyang
kasamang negritong lalaki ay siya namang sakit ang
naranasan ni Don Juan, na dapat ay sa negritong lalaki
ito mapupunta. Pati na rin ang ginawang paggamit ni
Maria Blanca ng kanyang majika para kay Don Juan. Sa
kwentong ito ay napakaimposible rin talagang mangyari
sa reyalidad ng ating buhay.
 Moralistiko  Ang aral lamang dito ay huwag tayong sumuko sa taong
mahal natin kahit na sa sitwasyon ni Don Juan na wala
siyang maalala. Ang maaari lamang nating gawin ay
tulungan din natin sila na bumalik ang kanilang ala-ala
sa paraan ng pagsasalaysay ng mga nakaraang
nangyari sa kanya.
Aralin 37: Huling Baraha
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Sa kwentong ito ay maaaring pumasok ang teoryang
Historikal. Sa Pagbabalik ng ala-ala ni Don Juan dahil sa
kanyang isipan ay nagbalik ang mga nangyaring
nakalipas na panahon, Mula sa mga araw na nakilala
niya si Maria Blanca dahil sa kanyang mga ala-ala noon
na kasama niya si Maria Blanca ay muli itong nagbalik
sa kanya.
 Romantisismo  Sa kwentong ito ay napaka imposibleng mangyari na
isang tao lamang na makagawang wasakin ang isang
malaking kaharian. Dahil nga sa may majika o
kapangyarihan si Maria Blanca ay magagawa niya ang
mga bagay na imposibleng mangyari.
 Realismo  Sapagkat tulad rin ng ginawa ni Maria Blanca ay mas
pinili niya na lamang na wasakin ang kanilang
minamahal sa buhay kaysa ipaubaya ito sa ibang tao.
Nangyayari din talaga ito sa totoong buhay, sapagkat sa
sobrang pagmamahal nila sa isang tao ay hindi na nila
ito pwedeng mapunta pa sa iba.
 Moralistiko  Sa kwentong ito ay magbibigay sa atin ng aral sapagkat
napakamali na gumawa tayo ng hindi maganda para sa
ating kapwa kahit na hindi man tayo ang pinili ng taong
mahal din natin.
Aralin 38: Ang Hinakdal ni Leonora
Lente/Teorya Pagsusuri
 Markismo  Sapagkat sa kwentong ito ay nagkaroon ng tunggalian
Mula sa pag-aagawan nila ni Donya Leonora at Maria
Blanca sa pag-ibig ni Don Juan sapagkat pareho nilang
sinalaysay ang mga pangyayari noong nakasama nila si
Don Juan.
 Historikal  Maaari itong pumasok sa teoryang Historikal. Sa
kwentong ito ay muling nagsalaysay ng mga ala-ala si
Donya Leonora kay Don Fernando tungkol sa tatlong
prinsipeng magkakapatid.
 Realismo  Sa usaping pag-ibig ay talaga namang nangyayari ito sa
totoong buhay. Sapagkat bilang may karanasan narin ay
napagdaanan ko rin ang ganitong sitwasyon na pareho
kaming nagmahal ng iisang tao, napakahirap talaga ng
ganitong sitwasyon sapagkat may masasaktang isa
kung hindi man mapili ang isa sa amin.
 Moralistiko  Sa kwentong ito ay patok na patok para sa mga
nakaranas na ng pgkabigo sa mga minamahal nila,
maaaring maging isang aral ito sa atin na bago tayo
magdesisyon sa buhay ay pakinggan din natin ang ating
mga magulang sa pagpapa-alala nila ng dapat nating
gawin.
Aralin 39: Ang Hatol ng Arsobispo
Lente/Teorya Pagsusuri
 Feminismo  Sa kwentong ito ay masasabi kong naging pantay ang
pagtingin ni Don Fernando sa dalawang dalaga na
banggitin nila ang mga dahilan Kung bakit karapat-dapat
sila para kay Don Juan. Kahit na matagal din silang
magkasama ni Donya Leonora ay hinihingi parin niya
ang paliwanag ni Maria Blanca. Sa kwentong ito ay
maaaring pumasok ito sa teoryang Feminismo sapagkat
binigyan ng antay-pantay na karapatan ang lahat ng
kanyang nasasakupan.
 Markismo  Sapagkat sa kwentong ito ay makikita parin natin ang
pagtutunggalian ng dalawang dalaga mula sa puso ni
Don Juan. Patuloy parin ang dalawa sa kanilang
kompetisyon na makuha ang pagmamahal ni Don Juan.
 Moralistiko  Sa kwentong ito ay magbibigay aral padin sa atin na
matuto tayong tumanggap ng pagkatalo dahil maaaring
hindi talaga sila para sa atin kaya't kung hindi man tayo
ang pinili ay huwag tayong magtanim ng sama ng loob
sa ating kapwa.
Aralin 40: Dalawang Kasal
Lente/Teorya Pagsusuri
 Markismo  Sa kwentong ito ay patuloy paring nakikipagtunggalian si
Maria Blanca kay Donya Leonora upang mapakasalan
so Don Juan, at dahil mas mahal ni Don Juan si Maria
Blanca ay ito ang pinili niyang pakasalan. Sa kwentong
ito ay makikita natin na mas pinili ni Don Juan na
pakasalan si Maria Blanca.
 Imahismo  Sapagkat pumasok sa aking isipan ang naging daloy ng
kwentong ito noong pinabaha ni Maria Blanca ang
kaharian dahil sa galit ng arsobispo. Pumasok sa aking
isipan ang isang kahariang nabaha ngunit sa aking
isipang nabuo ay akkaibqng pagbaha ang naisip ko
 Romantisismo  Maaari din itong pumasok sa teoryang Romantisismo
sapagkat sa totoong buhay ay hindi magagawa ng isang
tao ang pabahain ang isang lungsod o isang kaharian
sapagkat kalikasan lamang ang maaaring makagawa ng
bagay na iyon.
 Realismo  Sa nangyaring kaganapan sa dalawang Prinsesa at kay
Don Juan, marahil ay nangyayari din ito sa totoong
buhay. Piliin natin ang taong ating mamahalin sapagkat
mapakalaking desisyon sa atin ang pagpapakasal lalo
na't may masasaktang iba.
Aralin 41: Ang Pagbabalik sa Reino de los Cristal
Lente/Teorya Pagsusuri
 Klasismo  Maaari itong pumasok sa teoryang Klasismo sapagkat
kapag may mga ganito ring eksena sa mga pelikula,
ginagamit parin magpasa hanggang ngayon ang
eksenang ito. Hindi na rin bago sa atin ang paggawa ng
ganitong kwento.
 Realismo  Nangyayari din naman ito sa reyalidad ng ating buhay
na mawawala din tayo sa mundong ating ginagalawan.
At tanggapin na natin ang katotohanang na mamamatay
din naman tayo kaya't gawin natin ang mga bagay na
mabubuti sa ating kapwa at sa ating pamilya.
 Ang aral lamang na ipinakita sa kwentong ito ay maging
 Moralismo maayos ang ating pakikitungo sa ating kapwa upang
maging maayos din ang trato nila sa atin.

FLORANTE AT LAURA
Panuto: Basahin ang mga araling ito. Matapos ay lumikha ng pagsusuri sa mga ito. Sa
gagawing pagsusuri ay balikan ang ating naging talakayan gamit ang PRIZZAPLE, maaari kang
tumuon sa lipunan, may-akda, akda, at mambabasa sa gagawing pagsusuri. Laging tiyakin ang
kaangkupan ng gagamiting lente. Gumamit ng dalawa o higit pang lente o teoryang
magsisilbing tungtungan sa gagawing pagsusuri, ilagay ito sa kaliwang bahagi ng talahanayan.
Ilagay naman sa kanang bahagi ng talahanayan ang mismong pagsusuri. Tumugon nang
naayon sa inilatag na pamantayan. Laging tandaan na sa panunuring pampanitikan ay laging
nakadepende ang pagtingin sa mata ng tumitingin, higit ang paniniwala ko na may kani- kaniya
kayong paningin.Kaya naman, walang puwang ang kopyahan sa gawaing ito. Sa oras na
magpatuloy ang harapang klase ay magkakaroon tayo ng pagbabahagi ng inyong mga
nilikhang pagsusuri. Suri na, at tuklasin ang lalim ng bawat obra! Ang pagsusuri din ay isang
obra.
Aralin 1: Sa Babasa Nito
Lente/Teorya Pagsusuri
 Pormalistiko  Sa araling ito ay ipinababatid ng may-akda sa atin na sa
pagbabasa ng kanyang ginawang tula ay huwag nating
baguhin ang kanyang ginawang berso at huwag ding
baguhin ang mga salita. Suriin natin ito batay sa kanyang
isinulat.
 Sikolohikal  Nararamdaman ko din ang nais iparating ng may-akda sa
atin, sapagkat kung ako din naman ay isang manunulat
hindi rin ako papayag na baguhin ng ibang tao ang aking
akdang isusulat sapagkat pinaghirapan ko iyon. Gusto
lamang iparating ng manunulat ay basahin at unawaing
mabuti ang akdang kanyang isinulat ng may pagmamahal.
Aralin 2: Kay Celia
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Sapagkat bumabalik ang mga nakaraan sa isipan ng isang
makata, ang mga matatamis at masasayang ala-ala nila ni
Celia habang silay namamasyal sa ilog Beata. Kaya naman
maaari itong pumasok sa teoryang Historikal.
 Sapagkat pumasok sa aking isipan ang pamamasyal ng
 Imahismo dalawang nag-iibigan sa ilog Beata. Marahil ay
napakaganda pa noon ng mga ilog malinaw at naglilinis pa,
dahil sa kasalukuyang panahon ngayon ay bibihira na
lamang ang taong nais mamasyal sa ilog sapagkat ang
ating mga ilog ngayon ay madudumi at mababaho na.
 Realismo  Maaari din itong pumasok sa teoryang Realismo, sapagkat
totoong nangyayari din sa mga kabataan ngayon ang mga
negatibong pag-iisip tungkol sa kanilang mga iniibig. Sa
panahon kasi natin ngayon mahirap ng magtiwala sapagkat
marami ng mga manloloko o malalanding tao ngayon.
Aralin 3: Puno ng Salita
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sikolohikal  Sapagkat kung ako man ang nasansitwasyon ni Florante ay
natatakot talaga ako sa maaaring kahihinatnan ko sa gubat,
marahil ay ikamamatay ko na ito sapagkat mababangis ang
mga hayop dito, madilim at nakakatakot pa ang lugar na ito.
 Maaari din itong pumasok sa teoryang Imahismo, sapagkat
 Imahismo pumasok sa aking isipan ang naging itsura ng gubat na
napakaraming mababangis na hayop, tulad na lamang ng
ahas, tigre at lion, idagdag pa natin ang madilim at
mapupunong gubat. Marahil hindi ko na gugustuhing
pumuntanpa sa gubat na ito.
 Marami pa din namang mababangis na hayop na pwede
 Realismo nating makita sa panahon ngayon, nandiyan ang “Manila
Zoo” lugar kung saan pwede mong makita ang ibat-ibang
uri ng mga hayop.
Aralin 4: Ang Reynong Albanya
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sosyolohikal  Umiiyak ang binatang nakagapos at sinasabi niyang
naghahati ang kasamaan sa kaharian ng Albanya. Bawal
magsabi ng totoo, sapagkat may parusa itong kamatayan.
Sa araling ito ay nagpapakita ng isyung pa lipunan
sapagkat maraming mga kabataan ngayon ay biktima ng
ilang mga krimen na hindi naman talaga nila ginawa, at
hindi Rin nila madipensahan ang kanilang sarili spaagkat
walang nais magpatotoo nito sapagkat tikom ang bibig ng
ilang mga nakakita mismo ng totoo sapagkat maaarinsilang
madamay pa o may pagbabanta man sa kanilang buhay.
Kaya karamihan ang nagiging biktima nito ay ang mga
mahihirap.
 Klasismo  Maaari din itong pumasok sa teoryang klasismo sapagkat
ang mga eksenang ipinakita mula sa kwento ay ginagawa
din sa mga telebisyon at naririnig din natin sa radyo. Hindi
na rin bago sa atin ang ganitong eksena.
 Realismo  Marami ding tulad ni Konde Adolfo sa kasalukuyang
panahon natin ngayon na nagnanais ng matataas na
kapangyarihan tulad na lamang sa ating Gobyerno, mas
gusto nilang mataasan pa ang kanikanilang katungkulan
para lamang sa pera at kapangyarihan.
 Moralistiko  Ang naging-aral lamang sa kwentong ito ay huwag tayong
maging gahaman sa kayaman o kapangyarihang
makukuha, sapagkat hindi natin ito madadala sa langit
kapag tayo’y nawala na sa mundong ating ginagalawan.
Aralin 5: Pighati ng Nagmamahal
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sikolohikal  Tiyak na mararamdaman din natin ang bigat ng
mararanasan ni Florante sa kanyang pag-ibig para kay
Laura, na maaari din itong maagaw ng iba sapagkat wala
na siya sa kanyang tabi. Tulad din ni Florante ramdam ko
din ang pagdurusang tinatamasa nya sa kwento dahil ayaw
ko ring mapunta Ang aking minamahal sa ibang tao.
 Realismo  Sa panahon ngayon marami ding tulad ni Florante na may
mga kaagaw sa pagmamahal ng kanilang iniibig. May mga
ganito talagang nangyayari sa totoong buhay na may mga
karibal tayo sa ating mga minamahal.
 Klasismo  Maaari din itong pumasok sa teoryang Klasismo, sapagkat
hindi nawawala sa pelikula ang eksenang may magiging
karibal sa tauo ating mga minamahal sa buhay. Kaya pag
tayo’y manonood sa ating telebisyon, inis na inis talaga
tayo sa mga kontrabida sa pagmamahalan ng ating
pinapanood.
 Moralistiko  Ang naging-aral ng kwentong ito na kahit na hindi naging
maganda ang mga nangyayari sa ating buhay, ay huwag
tayong mawalan ng pag-asa, basta't lagi lamang tayong
humingi ng gabay at pagpapasalamat sa ating Panginoon.
Aralin 6: Magandang Alaala
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Sa araling ito, muling inalala ni Florante ang kanyang
pinakamamahal na si Laura, sapagkat noon kapag patungo
siya sa digmaan ay pinababaunan siya ni Laura ng luha, at
pagkagaling naman niya sa labanan ay hinuhugasan ni
Laura ang mga sugat at galos nito, at kapag siya’y
nulungkot ay pinipilit siyang aliwin ni Laura upang sumaya
ito. Kaya masasabi kong pasok ito sa teoryang Historikal,
dahil muling inalala ni Florante ang mga nangyari sa kanila
ni Laura.
 Sikolohikal  Naramdaman ko ang lungkot na dinanas ni Florante sa
kwentong ito, sapagkat hindi na niya muling makikita pa
ang kanyang minamahal na si Laura. Ranging mga
masasayang ala-ala na kasama nito si Laura. Maayos na
naipahayag ng manunulat ang damdaming nais iparating
sa mga mambabasa, sapagkat naramdaman ko ang poot
na mayroon sa puso ni Florante. Kaya't masasabi kong
pasok ito sa teoryang Sikolohikal.
 Imahismo  Sa araling ito, pumasok sa aking isipan ang nangyari Kay
Florante, ang pagsigaw niya ng kanyang mga hinanakit sa
gubat at ang naging itsura nito habang siya’y nakagapos ng
mahigpit sa puno. Napakalungkot ng nangyari sa buhay ni
Florante dahil hindi na niya makikita pang muli si Laura.
Aralin 7: Kapangyarihan ng Pag-ibig
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Maaari din itong pumasok sa teoryang Realismo sapagkat
pumasok sa aking isipan ang naging itsura ng isang
gererong mandirigma at nakasuot ng kakaibang pananamit.
Sa isipan ko'y napakakisig ng gererong ito at napakaganda
ng kanyang pandigmang pananamit sapagkat nanggaling
pa ito sa kasalukuyang panahon at siyay mandirigma na
tiga persya.
 Klasismo  Ang ganitong uri ng eksena ay mapapanood padin natin sa
telebisyon sapagkat ipinapanood padin naman nila ang
ganitong mga makalumang eksena sa kasalukuyang
panahon natin ngayon.
 Realismo  Totoo naman talagang nangyayari ang sinabi ng morong
taga persya na sadyang napakalaki ng kapangyarihan ng
pag-ibig, sapagkat sa panahon natin ngayon ang mga
kabataan ay gagawin ang lahat para sa kanilang
minamahal, minsan pa nga ay gumagawa tayo ng paraan
para lamang gumawa ng masama sa ating kapwa, kapag
ginawan din tayo ng kasamaan.
 Sikolohikal  Sa araling ito, maaari din itong pumasok sa teoryang
Sikolohikal. Sapagkat naranasan ko ring makapagsalita ng
hindi maganda sa aking kapwa, dahil lamang sa iniisip ko
na baka maagaw siya ng ibang tao, at hindi ko ring
maiwasang magselos sapagkat ayaw ko ring may kausap
na iba ang qking minamahal.
Aralin 8: Duke Briseo: Amang Mapagmahal
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Muling ginunita ni Florante ang mga ginawang pagpaslang
sa kanyang mapagmahal na ama. Inalala din niya ang
ginawang pagpaslang sa kanyang ama na iniutos pa ni
Adolfo na pugutan ng ulo, katawan at mga kamay at wala
man lamang nagtangkang ilibing ito.
 Realismo  Ang ganitong pangyayari ay talagang totoo sapagkat may
mga tao talaga ang sukdulan na ang kasamaan at
nagagawa nilang ipapatay ang taong walang kalaban laban
at itinatapon na lamang nila ang bangkay nito sa mga ilog o
di kaya sa gubat para di nila makita.
 Klasismo  Maaari din itong pumasok sa teoryang Klasismo sapagkat
ang eksenang ganito ay mapapanood parin natin sa
telebisyon. Ang mga pagpatay, krimen, at pagpaslang ng
isang buhay ng tao, na dapat ay binibigyang hustiya talaga.
 Moralistiko  Ang aral na tumatak sa akin ay dapat talagang
maparusahan ang mga taong gumagawa ng anumang
krimen o pagpatay sa ating kapwa na walang kalaban
laban. Dapat lamang na maging parusa nila ay walang
hanggang pagkakulong upang mabayaran nila ang
kanilang ginawa nilang kasalanan.
Aralin 9: Amang Di Dapat Pamarisan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Sapagkat bumalik sa ala-ala ng gerero ang ginawang
pagtataksil ng kanyang ama sa kanyang minamahal.
 Markismo  Maaari din itong pumasok sa teoryang Markismo, sapagkat
nagkaroon ng pagtutunggalian sa pagitan ng kanyang ama
at sa ama ni Florante, sapagkat ikinumpara ng gerero ang
kanyang ama sa ama ni Florante. Sapagkat hindi
naranasan ng gerero ang pagmamahal mula sa kanyang
ama.
 Realismo  Totoong nangyayari sa kasalukuyang panahon ang mga
kabataang wala ng mga magulang at minsan pa ay nasa
pangangalaga sila ng kanilang mga kamag-anak hindi rin
maiiwasang pagmalupitan sila nito sapagkat hindi naman
sila ang nagpalaki sa mga ito.
 Moralistiko  Ang naging aral lamang sa kwentong ito ay igalang parin
natin ang ating mga magulang, kahit na nakagawa sila ng
hindi maganda sa atin, sapagkat sila parin ang nagpalki at
nag-aruga sa atin.
Aralin 10: Nakaambang Pangani
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Pumasok sa aking isipan ang naging itsura ni Florante at
ng dalawang mababangis na lion, sapagkat iniisip ko ang
magiging kahihinatnan ni Florante kapag siya'y ginawang
pagkain ng dalawang lion. Marahil ay lasog lasog na ang
mga katawan ng binatang ito at ito na marahil ang magiging
kamatayan niya.
 Sikolohikal  Nakaramdam ako ng lungkot at takot sa kwentong
ito,sapagkat kapag siya'y kinain ng mababangis na hayop
ay ito na marahil ang magiging huling araw niya at hindi
niya na muling makikita pa si Laura, at ang pag-ibig ng
dalaga ay makukuha na ni Adolfo dahil wala na si Florante.
 Moralistiko  Sa araling ito ang naging aral lamang sa kwentong ito ay
huwag tayo agad basta-bastang lumaban sa mga
mababangis na hayop at huwag tayong gumawa na maaari
nilang ikagalit bagkus magdasal na lamang tayo sa
Panginoon na mailigtas p tayo sa kapahamakan.
Aralin 11: Ang Tagapagligtas
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Ikamamatay na dapat ni Florante ang araw na ito dahil nais
na siyang kainin ng dalawang mababangis na lion, ngunit
dahil sa gererong napadaan ng nakarinig siya ng mga tinig
ng isang lalaki at nakita din niya ang dalawang liong
papalapit kay Florante ay agad itong nilabanan ng girero at
sa huli ay nailigtas naman ang binata sa kapahamakan.
 Imahismo  Maaari din itong pumasok sa teoryang Imahismo, sapagkat
pumasok sa aking isipan ang ginawang pagtatanggol ng
isang gerero kay Florante, pumasok din sa aking isipan ang
naging labanan ng dalawang lion at ng girero. Marahil
napakahusay nito pagdating sa pakikipaglabanan sapagkat
mababangis ang nakalaban nilang hayop.
 Moralistikocp  Ang aral na tatatak sa kwentong ito ay dapat lamang
tulungan natin ang mga taong nangangailangan ng tulong,
Lalo na't buhay ang dapat mong iligtas. Sa ginawang
pagliligtas ng isang gerero ay sadyang Kahanga-hanga
talaga kahit na alam niyang mababangis ang makakalaban
nito.
Aralin 12: Atas ng Langit
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Maaari itong pumasok sa teoryang Historikal sapagkat sa
paggising ni Florante ay agad na isinalaysay ng gerero ang
ginawang pagliligtas nito sa binata. At nawalan na din siya
ng malay pagkatapos niya itong mailigtas.
 Sikolohikal  Sa aralin ito ay maaaring pumasok ang teoryang
Sikolohikal, sapagkat naramdaman ko ang naging
paghihirap ni Florante sapagkat sa muli nitong paggising ay
may ginusto pa niyang mamatay na lamang kaysa
mabuhay pang muli.
 Realismo  Nasabi ni Florante sa araling ito na dapat ay hindi na
lamang siya nabuhay sapagkat mapakalaking hirap ang
kanyang dinaranas. Sa panahon natin ngayon ay talagang
nangyayari ang ganitong eksena tulad ng naging sitwasyon
ni Florante, sapagkat may mga taong binigyan pa ng
pagkakataong mabuhay kahit na silay mag-isa na lamang,
dahil maaaring may mga misyon pa silang dapat gawin dito
sa ating mundong ginagalawan.
Aralin 13: Mga Mapagpalang Kamay
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sikolohikal  Nakaramdam ako ng pagkaawa sa sinapit ni Florante,
sapagkat tulad din ng ginawa ng gerero ay nais niya ding
tumulog sa binata hanggang bumalik ang lakad nito ay
patuloy parin ang pagnanais na makatulog sa problema ng
binatang si Florante.
 Historikal  Nang magbalik na ang lakas ni Florante ay naglakas loob
na na magtanung-tanong na ang gerero kay Florante.
Tinanong niya kung ano ba ang naging dahilan ng kanyang
paghihirap marahil magugunita ni Florante ang mga
nangyari sa kanyang buhay sa pagnanais malaman ng
gerero ang kanyang mga naging karanasan.
 Moralistiko  Ang naging-aral sa kwentong ito ay huwag tayong humingi
ng anomang kapakit kapag rayoy tutulong sa ating kapwa.
Mas magandang tumulong tayo ng bukal sa ating loob.
Aralin 14: Bugtong na Anak
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Isinalaysay ni Florante ang kanyang mga naging karanasan
sa isang gerero, binanggit niya rito ang pangalan ng
kanyang mga magulang, kung saan siya lumaki at muli
niyang inalala ang mga naging karanasan niya noong siya'y
bata pa lamang. Isinalaysay din niya Ang mga
mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay. Kaya naman
masasabi kong pasok ito sa teoryang Historikal.
 Sosyolohikal  Sa pagsasalaysay ni Florante sa kanyang buhay, lalo na
ang mga naging karanasan niya noong bata pa lamang
siya. Maaari din itong pumasok sa teoryang Sosyolohikal.
Sapagkat sa panahon ngayon bihira na lamang maglaro
ang mga bata ng mga larong pinoy, dahil sa panahon natin
ngayon ay nauuso na Ang paggamit ng makabagong
teknolohiya o ng ating “cellphone” dito sila mas tumututok
dahil maraming laro ang pwede ng gawin ngayon sa
cellphone.
 Romantisismo  Nabanggit din ni Florante sa gerero na noong sanggol pa
lamang daw siya ay muntikan na siyang madagit ng isang
buwitre, ngunit iniligtas lamang siya ng kanyang pinsang si
Menalipo kaya Hindi siya tuluyang nakuha ng buwitreng ito.
Masasabi ko ring pasok ito sa teoryang Romantisismo
sapagkat noong sanggol pa lamang si Florante ay lapitin na
siya ng disgrasya ngunit may mga tao paring nagliligtas sa
kanya sa kabila ng pangyayaring mararanasan niya.
 Imahismo  Sapagkat pumasok sa aking isipan ang naging itsura ni
Florante noong siya'y bata pa lamang. Marahil sa
pagsasalaysay ny ng kanyang mga nakaraan ay naging
makulit na bata din siya at nagagawa din niyang mamasyal
sa burol at maturing pumana ng ibon at iba pang mga
hayop. Iniisip ko na napakagaling manghuli ni Florante ng
mga hayop ngunit iyong tulad lamang nv mga legal na
hayop Ang hinuhuli ni Florante ang pumsok sa aking isipan.
Aralin 15: Laki sa Layaw
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sosyolohikal  Sa araling ito sinabi ni Florante na Hindi dapat palakihin sa
layaw ang mga bata, sapagkat higit ang hirap kaysa sarap.
Masasabi kong pasok ito sa teoryang Sosyolohikal
sapagkat ipinapakita lamang dito na hindi dapat palakihin
ng mga magulang ngayon ang kanilang mga anak na puro
lamang ginhawaang ibibigay sa kanila, sapagkat kapag
dumating ang araw na naghihirap na ang buhay ninyo ay
hindi na gugustuhin ng bata, sapagkat nasanay siya ng
mga bagay na ipinaranas mo sa kanya noong una pa
lamang.
 Realismo  Totoong nangyayari sa kasalukuyang nating panahon ang
mga pangyayaring ito. Sapagkat Sapagkat may mga
magulang talaga na pinalaki nila ang kanilang mga anak
na puro na lamang pasarap sa buhay at kasaganaan kaya't
sa paglaki ng kanilang mga anak ay nagiging tamad na ang
mga ito o hindi kaya'y dapat na masunod lagi ang gusto
nila.
 Moralistiko  Ang naging aral lamang na tumatak sa kwentong ito ay
pangaralan din natin ang ating mga anak ng maayos, at
huwag natin silang palakihin na puro lamang kasaganaan
at kasiyahan ang ibibigay natin sa kanila, sapagkat darating
ang araw na ipaparanas din ng tadhana ang kahirapan sa
atin.
Aralin 16: Nahubad na Balatkayo
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sikolohikal  Makikita sa kwentong ito ang pagpupursige ni Florante sa
kanyang pag-aaral. Bilang mambabasa ay naramdaman ko
ang pag-iisa ni Florante habang siya'y nag-aaral sa Atenas
at hiwalay sa kanyang pamilya sapagkat napakahirap ng
naging sitwasyon ni Florante Lalo na't ang kaisa-isa niyang
kaibigan ay pagkukunwari lamang ang ipinakita sa kanya.
 Eksistensyalismo  Labing isang taong gulang si Florante nang ipadala sa
Atenas upang mag-aral. Dito ay natuto siyang mamuhay ng
mag-isa at mag-aral ng pilosopiya, astronolohiya at
matematika. Sa araling ito natuto ngangmamuhay ng mag-
isa si Florante kahit na siyay labing-isang taong gulang pa
lamang ay kinaya nya ang mag-aral para sa kanyang sarili.
Kayat masasabi ko na pasok ito sa teoryang
Eksistensyalismo.
 Moralistiko  Ang naging aral lamang na tatatak sa kwentong ito ay
huwag tayo agad magtiwala sa mga taong nakilala natin.
Kahit pa naging kaibigan natin ito, huwag parin nating
ibigay ang buo nating tiwala sa kanila.
Aralin 17: Nalulumbay na Puso
Lente/Teorya Pagsusuri
 Markismo  Sa kwentong ito masasabi kong nagkaroon ng tunggalian
sa pagitan nila Florante at ni Adolfo. Sapagkat hindi
mahigitan ni Adolfo ang talinong mayroon si Florante kaya
naman nakaramdam ng inggit itong si Adolfo sapagkat
gusto niya siya lamang ang magaling at matalino, ayaw
niyang nalalamangan ng ibang tao. Kaya upang makaganti
kay Florante ay tinangka niyang patayin ang binata para
wala na siyang magiging kakompitensya.
 Romantisismo  Sa kwentong ito, nalaman ni Adolfo na nadadaig na siya ni
Florante pagdating sa katalinuhan kaya naman sa galit ni
Adolfo para gantihan si Florante ay tinangka niyang patayin
ang binata. Ngunit Hindi siya nagtagumpay dahil iniligtas ni
Menandro si Florante sa kapahamakan, kaya naman hindi
natuloy ang pagpatay kay Florante at nailigtas ito sa
kapahamakan.
 Realismo  Sa ganitong eksena ay masasabi kong totoong nangyayari
ito sa totoong buhay. Sapagkat may mga kaibigan talaga
tayong may mga tinatagong galit sa atin kapag silay
nalalamangan sa galing at talino na mayroon tayo. Kaya
naman gagawa sila ng paraan para bumagsak tayo at
upang sila ang magiging magaling.
 Moralistiko  Ang naging-aral na tatatak sa atin Mula sa kwentong ito, ay
huwag nating ibigay ang buong tiwala natin sa mga
nagigibg kaibigan natin. Mas mabuti na lamang na lumayo
na lamang tayo sa kanila upang maiwasan ang
pagkakatoon ng inggit sa ating galing at talento.
Araling 18: Paalam, Bayan ng Atenas
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sikolohikal  Sa araling ito ay nakaramdam ako ng kalungkutan para sa
mararanasan ngayon ni Florante sa pagkawala ng kanyang
Ina. Sapagkat napakasakit para sa atin ang mawalan ng
minamahal sa buhay sapagkat naranasan ko din ang
mawalan ng mahal sa buhay. Nawalan din ako ng kapatid
dahil sa pagkakaroon ng pneumoniya, at dahil mahal ko
ang aking kapatid sapagkat bata pa ito noong namatay ay
napakasakit talaga sa damdamin sapagkat hindi mo lubos
maisip na wala na pala ito.
 Romantisismo  Sa kwentong ito masasabi kong pasok ito sa teoryang
Romantisismo. Sapagkat binilinan ni Antenor so Florante
na gaganting muli si Adolfo sa kanya Kaya agad na
binilinan siya ng kanyang gurong si Antenor na lumayo
muna kay Adolfo sapagkat hindi ito matatahimik hanggat
hindi nakakagati si Adolfo kay Florante.
 Moralistiko  Ang naging-aral sa kwentong ito ay huwag tayong sumuko
kahit na may mga araw na binibigyan tayo Ng panginoo ng
mga problema sapagkat alam niyang kakayanin natin ito, at
may mga dahilan kaya't binibigyan tayo ng Panginoon ng
mga pagsubok.
Aralin 19: Bayan ng Crotona
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Sa araling ito, maaaring pumasok ang teoryang Historikal,
sapagkat nang bumalik si Florante sa Albanya ay nanariwa
sa kanyang damdamin ang pagkamatay ng kanyang Ina.
Marahil ay inalala niya rin ang mga panahong nakasama
niya ang kanyang Ina, sapagkat ito na pala ang huling
makikita niya ang kanyang ina.
 Realismo  Masasabi ko na totoong nangyayari ito sa ating buhay, ang
pagkawala ng ating mga mahal sa buhay sapagkat
napakasakit talaga sa atin at mananariwa talaga sa ating
mga puso ang mga ala-alang iniwan nito sa atin. Kayat
kahit masakit ara sa atin ay kailangan natin itong
tanggapin.
Aralin 20: Kagandahang Walang Kawangis
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sinabi sa kwentong ito na nakilala ni Florantebsi Laura na
isang napakgandang babae. Kaya't pumasok sa isipan ko
ang naging itsura ng isang napakagandang babae na si
Laura, na tila ba'y isang angel sa ganda na may
magandang mga mata, kulot na mahaba ang buhok,
makikinis at mapuputing mga balat ang pumasok sa aking
isipan.
 Realismo  Sa kwentong ito, masasabi kong totoong may mga
magandang babae parin sa ating kasalukuyang panahon
na biniyayaan ng kagandahang itsura. Kaya masasabi kong
pasok ito sa teoryang Realismo.
 Klasismo  Masasabi ko ring pasok ito sa teoryang Klasismo, sapagkat
ang kagandahang itsura na binigay sa atin ay nagmula pa
sa ating mga ninuno na hanggang sa ngayon ay namama
pa rin natin ang magandang itsura na mayroon ang ibang
mga kababaihan.
Aralin 21: Pangarap na Pag- ibig
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sikolohikal  Bago sumabak si Florante sa pakikipagdigma ay kinausap
muna niya si Laurau pang sabihin san kanya ang tunay
niyang pag-ibig sa dalaga ngunit hindi sumagot si Laura ng
pagpapayag nito sa binata. Kaya naman naramdaman ko
ang naging sitwasyon ng dalawang taong nag-iibigan, dahil
para kay Laura, ayaw lamang niya na mawala sa piling niya
ang binata sapagkat makikipagdigma ang binata at alam
niyang mapanganib ito para sa kanya.
 Realismo  Sa araling ito, maaaring pumasok sa teoryang Realismo,
sapagkat nangyayari parin magpasahanggang ngayon ang
ganitong eksena ng pag-iibigan ng dalawang tao. Dahil
may mga kabataan parin ang nahihiyang magsabi ng
kanilang tunay na nararamdaman para sa kanilang iniibig.
Dahil natatakot sila na baka mabusted sila ng kanilang
nililigawan.
 Klasismo  Masasabi ko ding pupwede itong pumasok sa teoryang
Klasismo, sapagkat ang eksenang na nagyari sa kwento ay
talagang mapapanood parin natin magpasa hanggang
ngayon sa ting mga telebisyon. lalo na iyong mga eksena
noon pang dekada '90 na kahalintulad talaga ng mga taong
nag-iibigan.
Aralin 22: Tagumpay at Pighati
Lente/Teorya Pagsusuri
 Markismo  Sa araling ito, masasabi kong pumapasok ito sa teoryang
Markismo, sapagkat nagkaroon ng tunggalian sa pagiging
malakas nina Florante at Osmalik dahil hinamon ng
labanan ni Osmalik si Florante. Pareho man silang malakas
pagdating sa pakikipagdigma ngunit may kahinaan din ang
Isa sa kanila. Iyon na nga ay si Osmalik dahil natalo siya ni
Florante. Kaya't masasabi kong naging malakas si Florante
at naging mahina naman ang kalaban nitong si Osmalik.
 Romantisismo  Masasabi kong pasok din ito sa teoryang Romantisismo,
sapagkat sa labanan na naganap kina Florante at Osmalik
ay napagtagumpayan ni Florante ang labanang ito, marahil
ay naging inspirasyon niya si Laura upang hindi siya
sumuko sa laban na naganap sa kanilang dalawa.
 Imahismo  Sa nangyaring labanan kina Florante at Osmalik pumasok
sa aking isipan ang naging set-up ng kanilang labanan. Sa
limang oras nilang paglalaban ay pumasok sa aking isipan
ang naging itsura nang dalawang taong ito. Nakikita ko sa
aking imahinasyon ang madugong labanang ito na puro sila
galos sa katawan at sa limang oras na pakikipaglaban ay
naging mahina na si Osmalik, kaya naman
napagtagumpayan ni Florante ang naging labanang ito.
Aralin 23: Pag-ibig na Pilit
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sa araling ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Romantisismo, sapagkat sa araw ding ito ay bibitayin na si
Laura sapagkat tumanggi siya sa pag-alok ng pag-ibig sa
kanya, ngunit dumating si Florante at nailigtas nito ang
dalaga. Nailigtas sa kapahamakan si Laura dahil kung hindi
dumating si Florante ay walang magliligtas kay Laura at
malamang ito na ang magiging katapusan ni Laura.
 Realismo  Maaari itong pumasok sa teoryang Realismo, sapagkat
totoo paring nangyayari parin ang pagkakaroon ng inggit sa
kanilang kapwa dahil mas gusto nilang sila lagi ang
nagtatagumpay at ayaw nilang malamangan, kaya’t may
mga ganito paring mga tao ang nananatili sa mundo.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kwentong ito, huwag tayong maging
gahaman sa ibang tao o magkaroon ng inggit sa iba,
sapagkat sa pagkakaroon natin ng inggit o selos sa ibang
tao ay makakagawa tayo ng hindi magandang bagay sa
ating kapwa.
Aralin 24: Patibong na Taksil
Lente/Teorya Pagsusuri
 Markismo  Sa araling ito, nagkaroon na naman ng labanan sapagitan
ng hukbo ni Miramolin at ni Florante, kayat masasabi kong
pasok ito sa teoryang Markismo sapagkat nagkaroon ng
tunggalian sa dalawang panig, napagtagumpayan parin ni
Florante ang labanang ito, kahit na pangalawang laban niya
na ito ay naging malakas parin siya hanggang sa marami
ng mga hari ang gumagalang kay Florante.
Aralin 25: Ang Hinagpis ng Gerero
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Sa araling ito, isinalaysay ni Aladin ang nangyari sa
kanyang buhay kay Florante, sinabi niya sa binata na
nagmula siya sa Persiya at anak ni Sultan Ali-Alab at
ikinuwento din niya ang ginawa ng kanyang ama sa pag-
agaw sa pinakamamahal nitong si Flerida at
pinagbintangan pa siyang iniwan daw niya ang kanyang
hukbo, kayat nahatulan siya ng parusa na pugutan ang
kanyang ulo. Ngunit binigyan siya ng kondisyon, hindi
na siya pupugutan ng ulo kung aalis na siya sa Persiya
ngayon din at hindi na muling magpapakita. Kaya’t
masasabi kong pasok ito sa teoryang Historikal sapagkat
naalala at naisalaysay pa ni Aladin ang nangyari sa kanya.
 Romantisismo  Masasabi kong pasok siya sa teoryang Romantisismo,
sapagkat sa kabila ng nangyari sa buhay ni Aladin ay hindi
natuloy ang kanyang pagbitay dahil binigyan siya ng
kasunduang aalis na lamang siya sa kanilang lugar at hindi
na muling babalik pa. Kaya’t sa araw ding iyon ay umalis na
si Aladin.
 Moralistiko  Ang aral na tatatak sa kwentong ito, ay huwag tayong
sumuko sa kabila ng mga nagaganap na problema sa ating
buhay, sapagkat may mga taong naghihintay din sa ating
pagbabalik. Manalig lamang tayo sa Panginoon at humingi
ng gabay upang hindi tayo panghinaan ng loob.
Aralin 26: Mga Tinig ng Pag-ibig
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Masasabi kong pasok ito sa teoryang Romantisismo,
sapagkat nang dahil kay Flerida ay hindi na pupugutan ng
ulo si Aladin. Kaya’t nailigtas ni Flerida si Aladin sa
kapahamakan. Ngunit kapalit naman nito sa paghiling ni
Flerida na huwag na lamang pugutan ng ulo si Aladin ay
ipapakasal na lamang siya kay Sultan Ali-Alab bukas na
bukas din. Kaya naman sa kagustuhang ni Flerida na hindi
matuloy ang kasal na ito ay nqkaisip siya ng paraang
tumakas na lamang.
 Imahismo  Pumasok sa aking isipan ang ginawang pagtakas ni Flerida
upang hindi matuloy ang kasal nila ni Sultan Ali-Alab na
gagawin din bukas. Inisip ko ang naging itsura ni Flerida na
nagbihis siyang gerero at marahil nagmuka siyang lalaki sa
kanyang pananamit at inisip ko din na nagawa ni Fleridang
tumakas gamit ang lubid lamang mula sa bintana ng
kanyang kwarto pababa upang makatakas.
 Sikolohikal  Naramdaman ko ang kagustuhan ni Fleridang makatakas
sa magiging kasal nila ni Sultan Ali-Alab, sapagkat hindi
naman talaga ito Ang kanyang minamahal. Maayos na
ipinahayag ng manunulat ang naging daloy ng kwento.
Sapagkat napukaw ang aking damdamin sa naging
sitwasyon ni Flerida na nais talaga niyang makatakas sa
magiging kasal nila bukas.
 Moralistiko  Ang aral na tatatak sa kwentong ito, ay gumawa rin tayo ng
paraan upang malayo tayo sa kapahamakan, sapagkat
hindi natin alam kung may magliligtas ba sa atin.
Aralin 27: Sa Bingit ng Kamatayan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Sa araling ito, sinalaysay ni Laura ang mga nangyari sa
kanyang buhay, ikinuwento niya kay Flerida ang mga
ginawa ni Adolfo. Ayon sa kanya napaniwala ni Adolfo na
gugutumin ng hari ang taong bayan kayat nagkagulo ang
mga ito. Ipinapatay din ni Adolfo ang hari at ang mga
matapat na alagad nito. Inagaw din ni Adolfo ang pagkahari
at pinilit pa ng binatang ito na ipakasal sa kanya. Handa na
sana siyang magpakamatay ngunit dumating ang hukbo ni
Menandro na siya palang nakatanggap ng sulat nito.
Tumakas si Adolfo at kasama siya nito at pinagtangkan pa
siyang gahasain ng binata sa gubat, mabuti at dumating si
Flerida at nakita nito ang kahalayang ginawa ni Adolfo sa
kanya, agad nitong pinana sa dibdib ang binata kayat
namatay ito. Masasabi kong pasok ito sa teoryang
Historikal, sapagkat inalala ni Laura ang mga nangyaring
naganap sa kanyang buhay na kasama si Adolfo.
 Romantisismo  Masasabi ko ding pasok ito sa teoryang Romantisismo,
sapagkat nang tumakas si Adolfo sinama niya si Laura at
pinagtangkan pa niya itong halayin sa gubat, mabuti na
lamang ay dumating si Flerida at nakita niya ang
kahalayang ginawa sa dalaga at agad naman niya itong
pinana at saktong tumama Ito sa dibdib ni Adolfo at
namatay din ito, kaya’t nailigtas sa kapahamakan si Laura.
Kung hindi lamang dumating si Flerida ay Hindi niya
maililigtas si Laura, marahil ay nagtagumpay si Adolfo sa
paghalay sa dalaga. Mabuti na lamang at nailayo sa
kapahamakan si Laura.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kwentong ito, kahit na anong kasamaan
ang gawin natin sa ating kapwa ay hindi parin tayo
magtatagumpay. Sapagkat kabutihan parin ang mananaig
sa lahat ng bagay.
Aralin 28: Masayang Wakas
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa kwentong ito, pumasok sa aking isipan ang
masasayang pagdiriwang ng apat na bida at kasama din sa
pagdiriwang na iyon ang lahat ng kanilang nasasakupan.
Pumasok din sa aking isipan na naging magarbo ang
kanilang pagdiriwang at napakasaya ng apat na bida
sapagkat wala ng problema ang kanilang kakaharapin.
Kaya't masasabi kong pasok ito sa teoryang Imahismo.
 Realismo  Sapagkat totoong nangyayari ang ganitong eksena ng
pagtatagumpay sa buhay sa ating mga pinagdaraanang
problema ay napagtagumpayan din natin ito, kahit na
napakaraming hadlang ang pumasok sa ating buhay.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kwentong ito ay kahit na ano pang
problema ang dumating sa ating buhay ay huwag tayong
sumuko, dahil kabutihan parin ang mananaig sa mundo.
Kaya't magdasal tayo sa Panginoon ng paghingi lagi ng
gabay at magpasalamat din tayo sa ating mga biyayang
natatanggap mula sa kanya.

NOLI ME TANGERE
Panuto: Basahin ang mga kabanatang ito. Matapos ay lumikha ng pagsusuri sa mga ito. Sa
gagawing pagsusuri ay balikan ang ating naging talakayan gamit ang PRIZZAPLE, maaari kang
tumuon sa lipunan, may-akda, akda, at mambabasa sa gagawing pagsusuri. Laging tiyakin ang
kaangkupan ng gagamiting lente. Gumamit ng dalawa o higit pang lente o teoryang
magsisilbing tungtungan sa gagawing pagsusuri, ilagay ito sa kaliwang bahagi ng talahanayan.
Ilagay naman sa kanang bahagi ng talahanayan ang mismong pagsusuri. Tumugon nang
naayon sa inilatag na pamantayan. Laging tandaan na sa panunuring pampanitikan ay laging
nakadepende ang pagtingin sa mata ng tumitingin, higit ang paniniwala ko na may kani- kaniya
kayong paningin.Kaya naman, walang puwang ang kopyahan sa gawaing ito. Sa oras na
magpatuloy ang harapang klase ay magkakaroon tayo ng pagbabahagi ng inyong mga
nilikhang pagsusuri. Suri na, at tuklasin ang lalim ng bawat obra! Ang pagsusuri din ay isang
obra.
Kabanata 1: Isang Salusalo
Lente/Teorya Pagsusuri
 Markismo  Masasabi kong pasok ito sa teoryang Markismo, sapagkat
nagkaroon ng sagutan sa pagitan nina Padre Damaso at
Tinyente Guevara, dahil sa pagkamit ng kapangyarihan na
kanilang natanggap sa pagtitipong naganap sa kalye
Anluwagi. Sa kanilang pag-uusap ay nabanggit nila ang
monopolyo sa tabako at narinig ito ni Padre Damaso, dito
na siya nagsalita ng hindi maganda sa mga Indio, at sinabi
pa niya na hindi dapat nangingialam ang hari ng Espanya
sa pagbinigay parusa sa mga erehe. Ngunit tutol dito si
Tinyente Guevara, sinabi niyang nararapat lamang ang
parusa sa mga ito. Inilahad din niya ang tunay na dahilan
ng pagkakalipat niya sa ibang parokya. Ito daw ay dahil
ipinahukay niya ang bangkay ng isang marangal na lalaking
napagbintangang isang erehe, dahil ayaw lamang
mangumpisal nito. Nagalit naman si Padre Damaso sa mga
paliwanag ni Tinyente Guevara.
 Realismo  Pasok din ito sa teoryang Realismo, sapagkat totoong
nangyayari ang eksenang ganito sa ating buhay. Sa
kasalukuyang nating panahon ay marami ng mga bata
ngayon ay nilalait nila ang kapwa nila Pilipino. Tulad na
lamang ng mga aeta, kapag nakikita sila ng mga bata di
nila maiwasang tuksuhin sila nito sasabihin nilang maiitim
ang kulay ng balat ng mga ito, kulit na kulot ang buhok at
Hindi magandang itsura. Ang pag-uugaling ito ay hindi
tamang pamarisan tulad ni Padre Damaso na
mapanghusga sa mga tao.
 Moralistiko  Ang naging aral na tatatak sa akin sa kabanatang ito, ay
bilang isang Pari o kahit sino ka man ay hindi dapat nang-
aapi ng kapwa natin Pilipino. Sa kabanatang ito huwag
tayong manghusgasa mga taong pangkaraniwan ang itsura
sa atin dahil magdudulot ito ng hindi magandang ugnayan
sa ating kapwa.
Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Dumating sa salo-salo sina Kapitan Tiago at Crisostomo
Ibarra at agad namang ipinakilala ni Kapitan Tiago si Ibarra
sa kanynag mga bisita, at nagkita sila ni Tinyente Guevara
na agad naman niyang ikinatuwa ng makita ang binata at
halos mangiyak ngiyak din ang Tinyente habang nag-uusap
sila ni Ibarra. Ayon kasi sa kanya, kilala ang kanyang ama
sa pagiging mabait nito. At naalalang muli ni Ibarra ang
kanyang ama, napawi naman ang kanyang mga hinala sa
pagkamatay ng kanyang mga hinala sa pag kamatay ng
kanyang ama. Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito
sa teoryang Historikal, sapagkat sa pag kikita nila Ibarra at
Tinyente Guevara ay nag kwentuhan sila tungkol sa mga
nangyari sa kanilang buhay noon.
 Sosyolohikal  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Sosyolohikal, sapagkat naipahayag ng manunulat ang
damdaming nais niyang iparating sa mga mambabasa.
Naramdaman ko ang kanyang hinanakit sa pag kamatay ng
kanyang ama, at bilang anak nakaramdam din ako ng
kasiyahan na may mga tao ding nakakakilala sa kanyang
ama bilang isang mabait na tao.
 Moralistiko  Ang aral na pumasok sa kabanatang ito ay huwag agad
tayong mag tiwala sa mga taong nakapaligid satin, dahil
hindi pa natin sila lubos na kilala. Huwag natin ibigay ang
buong tiwala natin sa kanila. Dahil baka pag sisihan natin
Ito balang araw na ibinigay natin ang buong tiwala natin sa
kanila.
Kabanata 3: Ang Hapunan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Nangyayari parin sa totoong buhay ang eksenang ganito.
Ang pakikisama na ginawa ni Ibarra sa kanyang mga
nakilalang tao sa salo-salong naganap. Marami paring tulad
ni Ibarra na nagpapakita ng magandang pag-uugali sa mga
taong kanyang nakakasalumuha. Kaya't masasabi kong
pasok ito sa teoryang Realismo.
 Moralistiko  Ang aral na tatatak sa kabanatang ito ay natuto tayong
maging magalang sa mga taong ating nakakausap, at
matuto din tayong makisama sa ibang tao dahil darating
ang araw na kakailanganin mo ng tulong nila upang
maiwasan ang pagkakaroon ng kaaway.
Kabanata 4: Erehe at Pilibustero
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Masasabi kong pasok ito sa teoryang Historikal, sapagkat
isinalaysay ni Tinyente Guevara kay Ibarra ang tungkol sa
kanyang ama at ang mapait na sinapit nito. Isinalaysay din
ng Tinyente ang lahat ng detalye sa buhay ng kanyang
ama, kung bakit siya nakulong, ang rason ng kanyang
pagkabilanggo, at sinabrin niya ang mga paratang sa kanya
noong siya ay nasa kulungan hanggang sa kanyang
pagkalaya sa kanyang mga kaso at isinalaysay din niya
noong ang kanyang ama at dapat ng makalabas ay
binawian na siya ng buhay sa loob ng kulungan.
Isinalaysay lahat iyon ni Tinyente Guevara kay Crisostomo
Ibarra.
 Realismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Realismo, sapagkat nangyayari sa totoong buhay ang
naging eksena ng kwentong ito. Marami ding tulad ni Don
Rafael na ama ni Ibarra ang nabibilanggo sa kulungan at
pinaparatangan ng masama kaya't akala ng iba na may
nagawa itong masama. Marami ding nakukulong sa atin na
hindi man lamang inaalam ang totoong dahilan kaya't
kinukuling na lamang sila ng mga mayayamang
nagrereklamo sa kanila at ginagawan nila ng making
kwento.
 Ang naging aral sa kabanatang ito, ay hindi lahat ng nga
 Moralistiko taong nakukulong ay masasayang tao na. Sapagkat iyong
iba ay naparatangan lamang ng maling kwento mula sa
ibang tao. Dapat lamang makamit ang hustisya ng mga
taong tulad rin no Don Rafael.
Kabanata 5: Isang Bituin sa Gabing Madilim
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Pumasok sa aking isipan ang mga bagay na nakita ni
Ibarra sa kanyang pagmamasid. Ang binibining may
mamahaling kasuotan, mga dyamante at ginto at ang mga
anghel na nag-aalay ng mga bulaklak. Pumasok din sa
aking isipan ang mga nagsipagdalo sa nasabing salo-salo
ang mga kastila, Intsik, Prayle at mga Pilipino at ang naging
itsura ni Maria Clara, sapagkat sinabi ni Ibarra na
napakaganda ng dalaga kaya't pumasok sa aking isipan
ang naging itsura ng dalagang ito, makikinis na mga balat
at napakagandang mukha at nakasuot ng malaprinsesang
kasuotan ang pumasok sa isip ko. Pumasok din sa aking
isipan ang mga itsura ng mga batang pransiskano na payat
at putlain, naawa din ako sa mga naging itsura ng mga
batang ito. Kaya masasabi kong pasok ito sa teoryang
Imahismo.
 Realismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong totoong may mga ibang
lahi ang nakikita na natin sa ating bansa. May mga intsik,
kastila at ibat-iba pang lahi may mga babae ring natatangi
ang kanilang kagandahang itsura, at may mga bata parin
magpasahanggang ngayon ay mga malnutrisyon. Makikita
parin naman natin ang mga batang kulang sa bitamina,
sapagkat maraming Pilipino parin na kahirapan ang
problema kaya't hindi nila masuportahan ng maayos ang
kanilang mga anak.
 Moralistiko  Sa kabila ng nga pagsubok na ating pinagdaraanan sa
ating buhay ay huwag parin tayong sumuko sa mga
pagsubok na ito, sapagkat may mga tao paring
nagmamahal sa ating buhay kaya't huwag tayong mawalan
ng pag-asa sa buhay.
Kabanata 6: Si Kapitan Tiago
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Masasabi kong pasok ito sa teoryang Historikal, sapagkat
ang sentro ng paksa sa kabanatang ito ay umikot sa
katauhan at pag-uugali ni kapitan Tiago, sapagkat binanggit
dito nang manunulat ang mga naging karanasan noon ni
kapitan Tiago at nabanggit din sa kabanatang ito ang mga
nangyari sa buhay ni kapitan Tiago. Si kapitan Tiago ay
nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan
ng malabon. Nakapagtapos siya nang pag-aaral sa lohika
sa tulong ng isang dominikanong kaibigan ng kanyang
pinaglingkuran. Isang dalaga naman mula sa Santa Cruz
ang napang-asawa ni kapitan Tiago, siya ay si Donya Pia.
Pareho silang masipag sa pagnenegosyo kaya sila ay
yumaman at naging kabilang sa mga prominenteng pamilya
sa bayan. Ang pagsasama nila ng anim na taon ni Donya
Pia ay nabiyayaan ng isang sanggol na babae,
pinangalanan itong Maria Clara. Namatay si Donya Pia
mula sa panganganak kaya si Tiya Isabel na kanyang
pinsan ang naging katuwang niya sa pagpapalaki kay Maria
Clara. Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa
teoryang Historikal, sapagkat maayos na isinalaysay ng
manunulat ang naging buhay ni kapitan Tiago, mula sa
kanyang pagkabata hanggang siya'y nagkaroon ng asawa
at anak.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kwentong ito, ay hindi mababago ng
anumang kayamanan ang pagkatao ng isang nilalang,
sapagkat may mga tao paring kayang manindigan para sa
kanyang sariling bayan, at hindi ipapalit ang kanilang
dignidad para sa pera o kayamanan.
Kabanata 7: Suyuan sa Asotea
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Historikal, sapagkat nang magkitang muli sina Ibarra at
Maria Clara ay ginugol ng dalawa ang kanilang oras
sanpag-aalala sa kanilang mga nakaraan mula noong sila
ay mga musmos pa lamang. Si Maria Clara ay nagbalik
tanaw mula sa kanyang buhay sa Beaterio habang si Ibarra
naman ay sa kanyang pag-aaral at pakikipag sapalaran sa
Europa. Kapwa nakapag-usap Ang dalawang magsing-irog
at inalala nila ang masasayang araw nila noon na
magkasama.
 Sikolohikal  Masasabi ko ding pasok ito sa teoryang Sikolohikal, dahil
makikita natin sa kabanatang ito ang pagmamahalan ng
dalawang magsing-irog, sapagkat nangmakita silang
dalawa at nakapag-usap, at inalala nila ang kanilang mga
masasayang nakaraan noong bata pa lamang sila. Maayos
na naipahayag nang manunulat ang damdaming nais
niyang iparating sa mga mambabasa, sapagkat bilang
isang babae ay madali kong naramdaman ang kanilang
masayang pag-iibigan.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay huwag muna tayong
magpadalosdalos sa ating mga desisyon lalo na sa ag-ibig
dahil minsan sa pag-ibig madali tayong maging marupok.
kaya dapat ay huwag nating ibigay lahat ng ating tiwala sa
ating minamahal. Dahil minsan ang pag-ibig ay hindi
lamang puro saya, dahil darating rin sa ating buhay na iiyak
din tayo dahil sa pag-ibig.
Kabatana 8: Mga Alaala
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Historikal, sapagkat nangbumalik si Ibarra sa Maynila ay
nanlumo ito sa mga nakita niya sapagkat ng makita niya ito
ay lalo lamang pumangit ang Escolta pagkatapos ng pitong
taon na paglisan niya sa lugar na ito. Nanumbalik sa kanya
ang mga nakaraan na nagdaan sa lugar na ito, ang
tawanan at ala-ala ng kanyang bayan ay tuluyan ng
nawala. Maging ang kalagayan ng mga tao ay lalo ng
lumala at mas lalong dumami ang bilang ng mga alipin.
 Sosyolohikal  Sa kabanatang ito, nakita ni Ibarra ang sa kanyang bayan
ang naging kalagayan ng mga tao dito ay hindi na
nasolusyonan at mas lalo pang dumarami ang mga
mahihirap. Sa kabanatang ito ay nagpapakita ng isyung
panlipunan, kung saan laganap sa panahon natin ngayon
ang mga Pilipinong mahihirap at hindi natutugunan ang
kanilang pangangailangan sapagkatwalang ginagawang
aksyon ang mga nakatataas para sa kalagayan nila.
Hanggang ngayon ay nangyayari parin ang ganitong
pangyayari sa ating lipunan.
Kabanata 9: Mga Bagay-bagay Ukol sa Bayan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Naturalismo  Sa kabanatang ito, naging sunudsunuran si kapitan Tiago
sa kagustuhan ni Padre Damaso lalo na sa mga usapin
tungkol kay Maria Clara, sapagkat nagalit si Padre Damaso
ng malaman niya kung saan pupunta sila Maria Clara at
dalidali niyang pinuntahan si kapitan Tiago. Sinabi niya dito
na hindi siya sangayon sa pakikipag mabutihan ni Maria
Clara kay Ibarra. Hindi raw sila dapat na magkatuluyan
dahil si Ibarra ay isang kaaway. Sa pag-alos ni Padre
Damaso sa kanilang tahanan ay napaisip si kapitan Tiago
tungkol kay Ibarra at pagkatapos ay pinatay niya anv mga
nakasinding kandila na inalay niya sa altar para sa maayos
at ligtas na pagbibyahe ni Ibarra.
 Sosyolohikal  Nagpapakita rin ito nang isyung panlipunan, sa pagkat tutol
sj Padre Damaso na pangalawang ama ni Maria Clara sa
pag-iibigan ng dalawa. Laganap parin sa panahon ngayon
ang pangyayaring ganito, sapagkat may mga magulang
nagusto nila na sila ang magdedesisyon ng mapapang-
asawa ng kanilang mga anak, at gugustuhin nilang
mapunta ang kanilang anak sa napagkasunduang tao na
alam nilang makakakuha sila ng pera at kayaman dito.
Kaya't masasabi kong pasok ito sa teoryang Sosyolohikal
dahil nangyayari parin ito sa ating lipunan.
 Moralistiko  Huwag tayong magtiwala agad sa mga tao na nasa paligid
natin, maging mapanuri tayo at huwag agad tayong basta
Basta na lamang manghusga sa mga taong hindi pa natin
lubos na kilala. Mas mabuti ng kilalanin muna natin ang
mga tao na nasa paligid natin at makisama.
Kabanata 10: Ang Bayan ng San Diego
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Pumasok sa aking isipan ang naging itsura ng bayan ng
San Diego. Napakagandang lugar ang pumasok sa aking
isipan, ang isang bukid na napapaligiran ng lawa at ilog.
Pumasok sa aking isipan na napakalinaw at ganda ng lawa
at ilog ilog na ito. Pwedeng maglaba ng kasuotan ang Sino
mang gagawi dito, sapagkat napakaliniw ng tubig at
napagkujunan din ng mga isdang makakain. Kaya naman
maraming mga tao ang manghangmangha sa bayan na ito
dahil sa magagandang tanawin dito.
 Historikal  Sa kabanatang ito isinalaysay ng manunulat ang naging
kasaysayan ng bayan ng San Diego, sapagkat dito
nagsimula ang angkan ni Ibarra. Isinalaysay din ng
manunulat na may napakagandang tanawin, mayroon ding
gubat na malapit sa bayan, kung saan nagsimula ang
kasaysayan. Sinabi noong unang panahon ay may isang
matandang kastilaang nagkaroon ng interes sa isang lupa
malapit sa kagubatan, bagamat walang tunay na
nagmamay-ari sa lupa ay nagbigay ang isang matanda
nang kaunting salapi at mga material na bagay tulad ng
mga damit, alahas sa mga taong naninirahan sa lupain.
Ngunit ilang araw ay natagpuang nagpatiwakal ang
matanda sa gubat. Maraming hakahaka ang umusbing
kung bakit niyaniyon nagawa pero walang nakahanap ng
tunay na dahilan. Nakalipas ang ilang buwan ay isang
binata naman ang dumating sa bayan na nagpakilalang
anak siya ng yumao. Ang kanyang pangalan ay Don
Saturnino, naninirahan siya sa bayan ng San Diego, kung
saan siya na rin ay nagkaroon ng pamilya. Ang kanyang
anak na si Don Rafael ay siya namang ama ni Ibarra. Kaya
pasok ito sa teoryang Historikal.
 Realismo  Totoong may mga ganitong tanawin ang makikita natin sa
Pilipinas, nagsulputan narin ang mga magandang tanawin
upang maraming pumuntang mga tao, at maipagmalaki ang
kagandahang ng kanilang lugar at hindi lamang mga
Pilipino dahil marami na ring mga dayuhan ang dumarayo
sa ating bansa upang makita ang magagandang tanawin.
Kabanata 11: Ang Mga Makapangyarihan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Markismo  Sa kabanatang ito, nagkaroon ng pagtutunggalian ang
bagong pumalit kay Padre Damaso bilang parokya. Si
Padre Salvi at ang Alperes, sapagkat sila ang
makapangyarihan sa kanilang bayan sila ang mga taong
nangingibabaw sa bayan ng San Diego dahil mahigpit ang
labanan sa kapangyarihan ay mayroon ding hidwaan ang
dalawang taong ito ngunit hindi lamang nila pinapakita sa
publiko dahil maaaring masira ang imahe nila. Masasabi
kong pasok ito sa teoryang Markismo, sapagkat pati sa
kapangyarihan at pamumuno sa bayan ay pinag-aagawan
ng ilang mga tao sa kanila tulad ni Padre Salvi at ang
Alperes. Sinasabi sa kabanatang ito ay may alitan sila sa
 Sosyolohikal isat-isa kahit na sila ang makapangyarihan sa kanilang
bayan.
 Pasok din ito sa teoryang Sosyolohikal, sapagkat ito ang
naganap ngayon sa ating lipunan, lalo na sa ating gobyerno
kahit na sila'y may katungkulan na, nagpapataasan parin
sila ng kanilang mga galit sa kanilang kapwa dahil lamang
sa pera at kapangyarihan na nais nilang makuha.
 Realismo  Totoong nangyayari ito sa kasalukuyang panahon dahil
may mga tao talagang mas hinahangad nila ang
kapangyarihan at kayamanan kaysa sa kaligtasan at
kapakanan ng kanilang kapwa sa kagustuhan nilang
makamit ang kanilang mga ninanais.
 Moralistiko  May mga tao talaga sa ating paligid na pakitang tao lamang
ang pagtulong nila para sa kanilang kapwa at kapag hindi
ka na nila kailangan, wala na silang pakialam sayo. Kaya
nag naging aral lamang nito sa atin kilalanin muna natin
ang isang tao bago tayo magtiwala sa kanila.
Kabanata 12: Araw ng mga Patay
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Habang ang dalawang dalawang tauhan ay abala sa
kanilang paghuhukay sa disoras na ng gabi ay naisipan
nilang kwentuhan ang isat-isa tungkol sa kanilang naging
karanasan sa trabaho. Naunang magbahagi ng kanyang
karanasan ang sepulturero at sinabi niya ang mga
nagdaang nangyari sa kanya. Sinabi niyang bagong lipat
lamang siya sa bayan, dahil hindi niya nakayanan ang mga
utos sa kanya sa dating libingan kung saan siya
nagtatrabaho, lalong lalo na ang paghuhukay ng kalilibing
pa lamang para ilipat ito sa ibang lugar. Ang isa namang
sepulturerong may higit na karanasan kaysa sa kasama
niya ay inilahad din niya na noon ay may isang bangkay na
dalawampung-araw palamang naililibing na ipinahukay sa
kanya at sariwa pa ang bangkay. Sinabi niyang iniutos
lamang ito sa kanya na ilipat sa libingan ng mga intsik ang
bangkay, ngunit Hindi niya Ito nagawa sapagkat umulan ng
malakas at itinapon na lamang niya ito sa lawa. Sa
kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Historikal, sapagkat kapwa sila nagbahagi ng kanilang mga
naging karanasan at nagbalik sa kanilang mga ala-ala ang
mga nakaraang naranasan nila.
 Cultural Studies  Masasabi ko ring pasok ito sa teoryang Cultural Studies,
sapagkat ang sementeryong ito ay naging bahagi na ng
bayan ng San Diego, Kung saan napakatagal na ng
sementeryong ito at sa katagalan ay napabayaan na ng
mga taong naninirahan dito ngunit nananatili parin ito sa
bayan ng San Diego.
 Moralistiko  Kahit napakahirap ng mga gawain ng mga sepulturero ay
nakakayabparin nilang gawin ng walang takot sapagkat
iniisip nila na kailangan nila ng trabaho para sa
pangangailangan ng kanilang pamilya kahit na disoras na
ng gabi ay pinagtatrabaho parin sila dahil sanutos ng isang
masamang prayleng si Padre Garrote. Kaya’t ang naging
aral sa kabanatang ito ay igalang natin ang isang taong
yumao na at ipagbigay alam din natin sa kamag-anak nila
ang totoong nangyari kung may taong naghahanap ng
puntod ng kanilang kamag-anak at upang malaman nila
ang naging dahilan nito.
Kabanata 13: Ang Unang Banta ng Sigwa
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sikolohikal  Sa kabanatang ito, naramdaman ko ang galit na mayroon
Kay Ibarra sa nangyari sa kanyangn ama, sapagkat hindi
makatao ang ginawa sa bangkay ng kanyang ama. Dahil
ng magtungo siya sa libingan ng kanyang ama at nakita
niya ang sepultureroat tinanong niya sa mga ito kung
nasaan ang puntod ng kanyang ama, agad namang naalala
ng sepultutero ang tinutukoy ng binata, gayunman sinabi ng
isang tagapag libing na sinunog niya ang krus na nasa
puntod ng kanyang ama at itinapon din niya ang bangkay
nito sa lawa. Maayos na naipahayag ng manunulat ang
damdaming nais niyang ipabatid sa mga mambabasa,
sapagkat sa kabanatang ito ay madaling napukaw ang
aking damdamin sa pag-alipustang ginawa sa bangkay ng
ama ni Ibarra. Kaya masasabi kong pasok ito sa teoryang
Sikolohikal.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito ay dapat na
maparusahan ang taong gumawa ng paglapastangan sa
bangkay ng kahit sinoman sapagkat dapat nating igalang
ang bangkay ng taong nawala na at bigyan natin ng
maayos na libingan.
Kabanata 14: Tasyo, Baliw o Pilosopo
Lente/Teorya Pagsusuri
 Cultural Studies  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Cultural Studies, sapagkat ang ginawang pagbisita ni Ibarra
sa kanyang ama at ni Pilosopo Tasyo sa puntod ng
kanyang asawa ay isang paniniwala o tradisyon na ating
ginagawa na nakatatak na sa mga Pilipino, ito ay
pagpapakita ng pagpapahalaga at pag-aalala sa kanila.
 Moralistiko  Matututuhan natin sa kabanatang ito ang pag-alaala sa
ating mga yumao ang pagbisita sa kanila upang hindi natin
sila nakalimutan kahit na wala na sila sa mundong ibabaw.
Sa paraang ito, dito lamang natin sila muling makakasama
kahit na silay wala na sa mundong ating ginagalawan.
Kabanata 15: Ang Dalawang Sakristan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Markismo  Sa kabanatang ito, nagkaroon ng tunggalian sa pagitan ng
dalawang sakristan na sina Basilio at Crispin at ang
sakristan mayor ay sinita ang dalawa sa palyadong
pagpapatunog sa kampana. Sinabihan pa sila na hanggang
ikasampu pa sila ng gabi sa simbahan, ngunit lagpas na sa
ika-9 ng gabing pahintulot upang maglakad sa kalsada.
Makikiusap sana si Basilio sa sakristan mayor, ngunit hinila
niya pababa si Crispin sa simbahan hanggang siya’y
mawala na, hindi makaganti si Basilio sa sinapit na
kalupitan sa kapatid, gumawa siya sa paraan, nang tumila
na ang ulan kumuha siya ng lubid at nagpadausdos
hanggang makarating sa simbahan. Nahanap niya ang silid
na pinagdalhan sa kapatid ngunit sarado ang pinto. Sa
kabanatang ito, lubos na inalipin nila ang dalawang batang
magkapatid dahil sa murang edad ng dalawa ay hindi dapat
sila pinagtatrabaho at tinatrato na parang hindi tao. Naging
mahina ang dalawang bata, sapagkat sa pamumuno ng
sakristan mayor ay naging malupit siya sa mga bata.
 Realismo  Ang ganitong eksena ang pagmamalupit sa mga bata ay
totoong nangyayari parin magpasahanggang ngayon dahil
may mga tao paring gumagawa ng ganitong ilegal na
trabaho para sa mga bata, pinamamalimos o di kaya'y
pinagbebenta nila ng sampaguita at sila ang gagawin
nilang paraan para magkapera lamang ang mga taong may
hawak sa kanila.
 Moralistiko  Sa kabanatang ito, ang naging aral na tumatak sa akin ay
may mga tao parin talagang mapanghusga sa kanilang
kapwa. Madalas pa na napagbintangan ang mga taong
mahihirap habang ang hustisya na dapat sana nilang
makamit ay hindi na nila nakakamit dahil ang nagkakamit
nito ay iyong mga mayayamang tao na may pera at
kayamanan ang batayan nila.
Kabanata 16: Si Sisa
Lente/Teorya Pagsusuri
 Markismo  Sa kabanatang ito, bilang isang isang mabuting ina sa
kanyang dalawang anak at asawa, ang nais lamang ni sisa
ay lumaking mabuti at masaya ang kanyang mga anak
kahit na sugarol, lasenggo at walang kwenta ang kanyang
asawa ay hindi parin magawang lumaban ni sisa ditto.
Naging mahina si Sisa lalo na sa kanyang asawa, hindi
niya naipagtanggol ang kanyang sarili kahit nabugbog at
sinasaktan na siya ng kanyang asawa, hindi niya
nagawang lumaban. Kayat masasabi kong pasok ito sa
teoryaang Markismo.
 Realismo  Totoong nangyayari sa totoong buhay ang ganitong
pangyayari, dahil maraming Pilipinong mahihirap ang mga
walang trabaho, lalo na sa kanilang mga asawang walang
permanenteng trabaho at mas pinili nilang gawin na lamang
ang kanilang mga bisyo at saktan ang kanilang asawa
kapag hindi sila nabigyan ng pera dahil gusto nilang mabili
ang gusto nila para lamang sa kanilang bisyo.
 Sikolohikal  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Sikolohikal, sapagkat nangyayari parin ito sa ating lipunan.
Maraming mga mahihirap na Pilipino sa atin ang walang
maayos na trabaho. Sa katauhan ni Sisa hangad ng
maraming ina, na lumaki ang kanilang mga anak na maging
mabait at magalang. Kahit na wala silang maipapamana sa
kanila dahil nga sa kahirapan nila sa buhay.
 Moralistiko  Ang nagging aral na tatatak sa akin sa kwentong ito, ay
ang pagmamahal ng isang ina ay isang dakila kahit na
napakarami na nilang nagawa at isinakripisyo para sa
kanailang pamilya, sapagkat gusto nilang mapabuti ang
kaligtasan ng kanilang mga anak at palaki silang mabait at
may paggalang sa kanilang kapwa.
Kabanata 17: Si Basilio
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Realismo. Sapagkat sa kapahamakang nangyari sa
kanilang dalawang magkapatid ay nagawang makatakas ni
Basilio sa simbahan. Hinabol siya ng mga guwardiya sibil at
nadaplisan ng bala ang kanyang noo, sa kabila ng
pangyayaring ito ay nagawa niya paring makatakas sa mga
ito, ngunit naiwan naman ang kanyang kapatid na si Crispin
sa loob ng simbahan at ikinulong sa kuawartel.
 Markismo  Mula sa ginawang pagtakas ni Basilio upang makalabas sa
loob ng simbahan sa kanyang murang edad ay natakasan
niya ang kalupitan ng mga guwardiya sibil, ngunit bago niya
nalampasan ang pagsubok na ito, ay hinabol muna siya ng
mga guwardiya sibil. Hindi nila mahuli si basilio ngunit
nadaplisan naman ito ng bal sa kanyang noo. Kahit hinabol
siya ng nga guwardiya sibil, mabilis naman siyang tumakbo
upang hindi mahabol nila. Bata man siya atmusmos
lamang, natakasan naman niya ang mga guwardiya sibil na
may hawak na baril. Mabuti na lamang ay natakasan niya
ito at nakauwi sa kanila.
 Sosyolohikal  Masasabi ko ring pasok ito sa teoryang Sikolohikal,
sapagkat sa kabanatang ito, ay nangyayari parin ito sa
ating lipunan. Sa panahon natin ngayon maraming mga
kabataan na mahihirap ang napagbibintangang nagnakaw,
nangholdap at nangdukot ng mga bagay na hindinsa kanila.
Kayat minsan sila ang mga nahuhuli ng mga pulis at
hinahabol kahit na wala naman talaga silang
kasalanan.Kayat maraming kabataan ngayon ay may mga
ganitong kaso sa ating lipunan.
 Klasismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Klasismo, sapagkat ang ganitong uri ng eksena ay
napapanood parin natin magpasa hanggang ngayon sa
ating telebisyon at napapakinggan din natin sa radyo. Ang
mga ganitong pangyayari ay hindi talaga mawawala sa
ating pamumuhay, kahit lumipas mang ang panahon.
 Moralistiko  Ang aral sa kwentong ito, kahit na may mga problema
tayong kinahaharap sa ating buhay, ay huwag tayong
mawalan ng pag-asa, kahit gusto man tulungan ni Basilio si
Crispin ay hindi niya ito magawa, sapagkat mahirap lamang
sila at walang may gusting tulungan sila. Kayat inisip na
lamang ni Basilio ang mga pangarap na nais niyang gawin
sa kanyang paglaki kasama ang kanyang Ina at kapatid.
Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap
Lente/Teorya Pagsusuri
 Markismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Markismo, dahil saa gin awing pang-aabuso ng mga
makapangyarihan sa mga mahihirap, tulad na lamng ng
pamilya nila ni Sisa dahil nga sa estado ng pamumuhay
nila hindi nila kayang lumaban sa mga makapangyarihang
tao dahil alam nilang wala silang laban sa mga ito at hindi
nila mapapantayan ang mga ito.
 Sosyolohikal  Masasabi kong pasok din ito sa teoryang Sosyolohikal,
dahil sa kabanatang ito marami paring mga mahihirap na
pamilya.
Kabanata 19: Mga Karanasan ng Isang Guro
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sikolohikal  Sa kabanatang ito, maayos na naipahayag ng manunulat
ang nais niyang ipabatid sa mga mambabasa kung gaano
kalakas ang kapangyarihan ng mga prayle para sirain ang
kinbukasan ng mga kabataan at habang tumatagal ay
nababawasan ang bilang ng mga bata na nag-aaral.
 Markismo  Masasabi kong pasok din ito sa teoryang Markismo, Nang
makausap ni Ibarra ang isang guro ay sinabi nito kung
gaano niya ninais na baguhin ang lumang pamamaraan sa
pagtuturo dahil ayaw ng guro ang ganitong pamamaraan
ng mga prayle sa pagtuturo sa mga bata. Pilit niya itong
binago ng patago ngunit siya ay pinarusahan ni Padre
Damaso sa harapan ng kanyang mga mag-aaral.
Mababakas sa teoryang ito na hindi kaya ng isang guro ang
pamamaraan ng mga pari sa pagtuturo sa mga bata, dahil
makapangyarihang tao sila at dapat na masunod ang
kautusan nila.
 Moralistiko  Ang aral sa kabanatang ito na tatatak sa akin ay huwag
tayong sumuko at mawalan ng pag-asa para sa pagtuturo
ng kaalaman sa mga bata na nais matutong sumulat at
magbasa.
Kabanata 20: Ang Pulong sa Tribunal
Lente/Teorya Pagsusuri
 Markismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Markismo, sapagkat ng maganap ang isang pagpupulong
ay gusto nilang makapagsalita ang bawat isa sa kanila at
sabihin ang gusto nilang mangyari sa pagdating ng
kapistahan ng San Diego, ngunit ang kanilang magandang
layunin sa kanilang bayan ay hindi na mangyayari sapagkat
mayroon na palang ibang plano ang Kapitan sa pagdating
ng kapistahan ng kanilang bayan.
 Sosyolohikal  Sa kabanatang ito, nagkaroon ng pagpupulong sa tribunal
ang mga kasapi ng mga lapian sa bayan at magmungkahi
ng kanilang saloobin sa nalalapit na pista ng San Diego. Sa
naganap na pagpupulong ay hindi sinangayunan ng kapitan
ang kanilang mga saloobin sa gagawin sa kapistahan. Ang
ginawang pagtanggi ng Kapitan sa magandang saloobin ng
mga kasapi ay nagpapakita ng isyung panlipunan sapagkat
nakapagdesisyon nap ala ang kapitan na mangyayari sa
kanyang bayan at mas pinili niya ang hindi paboran ang
mga magandang saloobin ng mga kasapi ng bayan dahil
mas pinili niyang makipagkasundo sa ibang taong iba ang
hangarin para sa gaganaping pista ng San Diego.
 Moralistiko  Ang nagging aral sa kwentong ito, ay mas piliin natin ang
magandang layunin ng mga taong bayan sapagkat ito ang
mas makakabuti para sa lahat.
Kabanata 21: Ang Kasaysayan ng Isang Ina
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, totoo paring nangyayari ang ganitong
eksena dahil may mga tao paring mapanghusga na akala
nila ay masamang tao na ang dinakip ng isang guwardya
sibil. At dahil nga sa kasalanang hindi naman talaga totoo
dahil nga sa kahirapan nila Sisa ay hindi na niya nagawang
ipagtanggol ang kanyang mga anak kahit na totoong wala
itong kasalanan.
 Imahismo  Sa nangyari kay Sisa bilang isang Ina para sa kanyang
dalawang anak pumasok sa aking isipan ang nagging
kalagayan ni Sisa dahil hindi niya mahanap ang kanyang
mga anak at humantong ito sa pagkawala ng kanyang
katinuan sap ag-iisip. Pumasok din sa aking isipan ang
nagging itsura ni Sisa marahil siya ay kaawa-awa at
pinagtitinginan na ng mga tao sapagkat ito ay nagging
isang baliw na.
 Moralistiko  Sa kabanatang ito ang nagging-aral na tumatak sa akin ay
huwag tayo basta bastang magbintang sa mga taong hini
natin alam ang totoong ginawa ng isang taong nahuli ng
mga pulis. At huwag agad tayong manghusga ng ibang tao.
Kabanata 22: Liwanag at Dilim
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang
pagkikita nila Ibarra at Mari Clara marahil
napakagaanda ni Maria Clara dahil kahit ang kura ay
pinagmamasdan siya nito. Nakaklungkot lamang dahil
saglit lamang ang pag-uusap ng dalawa.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito ay kahit na sobrang
lupit ni Pedro sa kanyang asawang si Sisa ay hinanap
parin niya ang kanyang mga anak at asawa. Nag-aalala
parin siya sa sinapit ng kanyang pamilya.
Kabanata 23: Ang Pangingisda
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, pasok ito sa teoryang Realismo,
sapagkat sa kabanatang ito ay nangyayari parin ang
ganitong eksena sa ilang mga lugar na ginaganapan ng
pagdiriwang na maraming bangka upang makasakay dito
ang ilang mga tao at makapanghuli ng ilang isda ngunit sa
ilng mga lawa ay may buwaya paring nakatira.
 Imahismo  Sa kabanatang ito, masasabi ko ring pasok ito sa teoryang
Imahismo, sapagkat pumasok sa aking isipan ang ilang
mga taong sumakay sa bangka upang manghuli ng mga
isda, marahil ay napakalinis ng lawing kanilang pinuntahan
at napakasaya marahil ng kanilang panghuhuli ng isda.
Pumasok din sa aking isipan ang isang buwayang bila na
lamang lumabas sa lawa marahil ay napakalaking buwaya
nito at nakakatakot ng mangisda kung may ganoon palang
nilalang sa lawa.
 Markismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong nagkaroon ng tungalian
sa pagitan ng isang buwaya at ng tao marahil sa lakas ng
buwaya dahil mayroon siyang matatalim na mga ngipin at
makakapal na balat ay matatalo niya ang isang taong
bibiktimahin niya, ngunit sa kabutihang palad ay hidi
nagtagumpay ang buwaya nalalas agad ng isang binate
ang katawan ng buwaya upang hindi siya makagat nito.
Nagtagumpay ang binate laban sa buwaya. Kayat
masasabi kong pasok ito sa teoryang Markismo.
Kabanata 24: Sa Kagubatan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Romantisismo, sapagkat ng mabasa ni Padre Salvi ang
isang libro ay nagalit ito at agad niya itong pinunit.
Pagkatapos ay dumating ang mga guwardiya sibil at agad
nagtungo kay Ibarra, ngunit hindi nila ito nadakip sapagkat
sinabi niya na kasiyahan iyon at maaari silang makisalo.
Hindi na nila dinakip si Ibarra at umalis na ang mga
guwardiya sibil upang hanapin si Elias.
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang
pagpapakita ni Sisa sa kasiyahang naganap, at marahil
kaya siya kumaripas ng takbo ay nakita niya ang Alperes
na baka ikulong na naman siya nito. Marahil ay mas lalong
nabaliw na si Sisa. Pumasok din sa aking isipan na kung
sakaling makikita ito ni Ibarra at ang kanyang dalawa pang
anak ay maaaring maagapan ang pagkawala ng pag-iisip ni
Sisa.
 Realismo  Ang ginawang pagnanakaw ng tingin ni Padre Salvi sa
mapuputing mga paa ni Maria Clara ay isang pagnanasa.
Sa kabanatang ito, nangyayari parin ang ganitong eksena
sa totoong buhay sapagkat may mga nababalitang mga
pari na nangbiktima ng mga kababaihan.
Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Historikal, sapagkat nang dumating si Ibarra sa bahay ni
Pilosopo Tasyo ay nakita niyang sumusulat ito ng
heroglipiko at nalaman niyang naging sanggunian siya ng
kanyang ama, nagbalik muli ang mga alaala ng kanyang
ama at ninanais niyang isangguni kay tandang tasyo ang
mga dapat niyang gawin sa pagtatayo ng paaralan.
 Markismo  Sa pag-uusap ng dalawa binanggit ni Ibarra na nais niyang
sumangguni sa kay Tandang tasyo sa mga binabalak
niyang gawin, at sinabi naman ng matanda na mahihirapan
siya sapagkat ang lupaing kanyang kinatatayuan ay pag-
aari ng kanyang kaaway at wala siyang lakas na panlaban
 Moralistiko  Ang naging aral sa kwentong ito ay sumunod tayo kapag
tayoy pinapayuhan ng mas nakatatanda sa atin dahil sila
ang mas may alam sa mga bagay na nais nating gawin.
Huwag din tayong magpadalosdalos sa gusto nating
mangyari dahil baka ito pa ang ikapahamak natin sa
badang huli.
Kabanata 26: Ang Bisperas ng Pista
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito,masasabi kong pasok ito sa teoryang
Realismo, sapagkat totoong nangyayari ang ganitong
pagdiriwang ng isang pista sa lahat ng lugar, at may mga
kasiyahang nagaganap, paghahanda ng pagkain at
pagkakaroon ng palaro na ginaganap sa araw ng pista.
 Klasismo  Masasabi ko ring pasok ito sa teoryang Klasismo, sapagkat
ang pagdiriwang ng pista ay noon pang sinaunang
panahon na hanggang ngayon ay nananatili parin sa ating
lugar, at taon-taon natin pinagdiriwang ang kapistahan.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito ay huwag tayong basta
basta na lamang magtitiwala sa mga tao, sapagkat hindi
natin alam kung sila bay may balak na masama sa atin
tulad na lamang ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kay Ibarra,
huwag basta bastang magtiwala sa mga tao sa paligid niya
at sa mga taong nakakasalumuha niya.
Kabanata 27: Sa Pagtatakipsilim
Lente/Teorya Pagsusuri
 Markismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Markismo, sapagkat nang Makita ni Maria Clara ang isang
lalaking naggigitara at namamalimos ay may ketongin pa
itong nakakahawa. Si Maria Clara ay lumapit at ibinigay
niya sa may ketongin ang regalo ng kanyang ama dahil
wala siyang maibigay. Si Maria Clara ay isang marangya at
hindi siya nagdalawang isip na tumulong sa mas na
ngangailangan. Dinakip naman ng mga guwardiya sibil si
Sisa marahil ay ikukulong na naman siya ng mga ito, at
tuluyan ng mabaliw.
 Realismo  Masasabi ko ding pasok ito sa teoryang Realismo,
sapagkat tulad ng ginawang kabutihan ni Maria Clara sa
isang lalaking ketongin, hindi siya nandiri dito tulad ng
sinasabi ng iba na baka silay mahawa sa kanyang sakit
kapag lumapit sa lalaking iyon. Kahit wala siyang dalang
pera ay ibinigay na lamang niya ang kwintas na regalo pa
ng kanyang ama na galling pang Europa. Marami paring
tulad ni Maria Clara na may magandang puso na
nagbibigay tulong sa mas nangangailangan.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, Isang magandang
halimbawa ang ginawa ni Maria Clara sa mga kabataan sa
kanyang ginawang pagtulong sa mas nangangailangan at
kahit wala siyang dalang pera ay nakapagbigay parin siya.
Kabanata 28: Ilang Sulat
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Imahismo, sapagkat pumasok sa aking isipan ang
ginawang pagtugtog ng piano ni Maria Clara at ang
pagsasalita nila ng kastila. Dahil sa panahon ngayon hindi
pa ako nakakakita ng tumutugtog ng Piano sa araw ng
Pista kayat napaisip ako kaagad marahil sikat na sika tang
nangyaring Pista ng San Diego noong panahon dahil
nailathala pa sa pahayagan ang nangyaring pista.
 Realismo  Sa kabanatang ito, may iilan parin naman na nakakaintindi
ng salitang Kastila ngunit hindi ito natutuhan ng ilang tao,
marahil noon ay mayayaman lamang ang may karapatang
magsalita ng wikang kastila. Nguni tang ilang salitang
kastila ay malaya na nating nababanggit hindi tulad noon.
Kabanata 29: Kinaumagahan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Realismo, sapagkat totoong nangyayari parin magpasa
hanggang ngayon ang pangyayaring ito sa ibat-ibang lugar,
at taon-taon ay pinagdiriwang natin ang kapistahan ng ating
lugar.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kwentong ito, ay hindi lahat ng tao na
ating nasasakupan ay kayang magsuot ng magagarang
kasuotan, isipin din natin na mas kailangan nila ng
makakain kaysa ang bumili at magsuot ng magagarang
damit para sa pista.
Kabanata 30: Sa Simbahan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sosyolohikal  Sa kabanatang ito masasabi kong pasok ito sa teoryang
Sosyolohikal, ang ilang mga taong nagtitis sa amoy ng mga
pawisang nagsipagsimba sa loob ng simbahan upang
making sa sermon ni Padre Damaso ay nagpapakita ng
isyung panlipunan, sapagkat ang mga makapangyarihan ay
pirming nakaupo sa unahan upang hindi nila maamoy ang
pawisang mga tao, at dahil silay kilala sa kanilang bayan.
 Realismo  Totoong nangyayari parin magpasa hanggang ngayon ang
araw-araw na pagmimisa upang makinig ng sermon ng pari
para sa atin.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kwentong ito ay kahit na pawisan ang
ating mga katabi sa pagsisimba ay huwag parin natin silang
pandirihan sapagkat tulad din natin silang gusting makinig
ng sermon ng pari at maligtaas.
Kabanata 31: Ang Sermon
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Realismo, sapagkat totoong nangyayari parin sa toong
buhay ang pagbabahagi ng mga salita ng Diyos sa mga
taong nagsisimba. At ang may ilang pari parin ang
nagpapatama sa mga taong kanyang nakakasalamuha
kapag hindi nila gusto ang ginawa ng taong iyon sa kanya o
kinaiinisan niya.
 Sosyolohikal  Sa kabanatang ito, ang ginawang pagsesermon o
pagbabahagi ng salita ng Diyos sa mga taong nagsisimba
ay nagpapakita ng isyung panlipunan, sapagkat sa
panahon ngayon kapag nagbabahagi na ang pari sa
pagpapahayag ng salita ng Diyos o pagbabahagi ng
kanyang buhay ay marami parin talagang tao na inaantok o
nakakatulog sa misa, karamihan pa nga ay gumagamit sila
 Moralistiko ng selpon upang hindi sila mainip sa misa.
 Ang naging aral sa kabanatang ito, ay kapag tayoy
nagsisimba matuto tayong gumalang sa mga taong
nakakasalumuha natin sundin natin ang mga hindi dapat
gawin kapag nasa simbahan na tayo halimbawa na lamang
ay matulog o magselpon sa loob ng simbahan huwag din
tayong gumawa ng ingay sa loob ng simbahan kapag tayoy
nagsisimba.
Kabanata 32: Ang Kalo
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sa kabanatang ito, napilitang bumaba si Ibarra at hawak
niya ang isang kutsarang bakal, nang mahulog ang buhay
na bato mabuti na lamang ay hindi natamaaan si Ibarra sa
binabalak ng taong madilaw. Iniligtas ni Elias si Ibarra sa
kapahamakan na binabalak ng taong madilaw. Kayat
masasabi kong pasok it sa teoryang Romantisismo.
 Realismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Realismo, sapagkat totoo talagang may mga taong
masasama ang pag-uugali para sa kanilang kapwa. Kapag
hindi nila gusto ang isang tao ay gagawan nila ng
kasamaan para mawala ito. Mabuti na lamang at may mga
tao paring handang magssalita para sa kaligtasan ng isang
taong tulad ni Ibarra.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kwentong ito, ay lagi parin tayong
maging handa sa lahat ng oras at humingi tayo sa
Panginoon ng paggabay niya upang maiwasan natin ang
kapahamakaang gagawin sa atin ng mga masasamang tao.
Kabanata 33: Malayang Pagkukuro
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sikolohikal  Tiyak na nalungkot sa sinapit ng taong namatay sa
pagbagsak ng batong buhay sa lalaking madilaw ngunit
dahil din sa kanya ay mapapahamak naman si Ibarra.
Naging masama parin siya sa paggawa ng hindi mabuti sa
kanyang kapwa. Tulad ng sinabi ni Elias kay Ibarra hindi
nila gusto ang mabuting hangarin ng ama ni Ibarra kayat
Malaki ang galit nila kay Ibarra.
 Moralistiko  Sa kabanatang ito, ang aral na tatatak sa akin ay kahit na
anong masasamang gawin sayo, basta magtiwala ka
lamang sa panginoon at humingi ng paggabay upang
maiwasan ang masasamang hangarin ng mga tao sa iyo.
Lagi paring gumawa ng kabutihan sa kapwa.
Kabanata 34: Ang Pananghalian
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sikolohikal  Nang dumating si Padre Damaso sa pananghaliang
naganap ay nagparinig ito tungkol sa ama ni Ibarra, hindi
nakapagtimpi si Ibarra sa mga masasamang narinig niya
tungkol sa kanyang ama, kayat sinunggaban niya ang
Padre at sobrang galit niya ay muntik niya na itong
mapatay. Kahit sino naman talagang anak ang makarinig
ng kung ano-anong salita tungkol sa kanyang ama ay
nakapag-iinit talaga ng ulo lalo pa at alam ni Ibarra na
inalipusta nila ang libingan ng kanyang ama.
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang ginawa ni
Ibarra kay Padre Damaso, sa laki ng katawan ng padre ay
nabalyahan agad ito ni Ibarra, marahil ay sa sobrang galit
niya ng mabanggit ang kanyang ama. Pumasok din sa
aking isipan kung napatay niya ang Pari ay maaari rin
siyang makulong.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay matuto tayong
maging malakas sa mga taong nang-aapi at nangungutya
sa atin. Kahit pa ang ating ama ang kanilang babanggitin at
sasabihan ng masamang salita ay ipagtanggol parin natin
dahil iyon ang nararapat sa mga taong masasama ang pag-
uugali, at huwag nating hayaang apihin an gating mga
mahal sa buhay natin.
Kabanata 35: Mga Bali-balita
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sosyolohikal  Sa nangyari sa pagitan nila Padre Damaso at Ibarra ay
nagpapakita ng isyung panlipunan, dahil maraming tao ang
pinag-uusapan sila pagkatapos ng nangyari sa kanilang
dalawa. At usap-usapan din sila ng lahat ng tao, at
magpasa hanggang ngayon ay hindi parin maiiwasan ang
mga taong pinag-uusapan o tsismisan kapag may gulong
nangyari sa lugar ninyo.
 Realismo  Totoong nangyayari parin sa totoong buhay ang pag-
uusapan ka kapag mayroong nangyaring away sa lugar
ninyo. At may ilang tao parin ang manghuhusga sa
pagkatao mo kahit hindi nman nila alam ang totoong
nangyari.
 Moralistiko  Ang aral sa kabanatang ito, ay huwag tayong makisalita
kapag mayroong nag-uusap na mga makakatanda sa atin,
sapagkat itoy pagpapakita ng maling pag-uugali.
Kabanata 36: Ang Unang Suliranin
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sikolohikal  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoyang
Sikolohikal, sapagkat labis ang kalungkutan ni Maria Clara
dahil hindi na sila pwedeng magkita ng kanyang
kasintahang si Ibarra dahil sa nagawa nito kay Padre
Damaso. At ipapakasal na lamang siya sa ibang tao. Lubos
parin ang kalungkutang sinapit ni Maria Clara sapagkat
hindi na muling magkakasama pa ang dalawang nag-
iibigan.
 Realismo  Masasabi kong totoo paring nangyayari sa ating buhay
angna ipakasal tayo ng ating magulang sa ibang tao,
sapagkat gusto nila na kakilala nila ang taong magiging
asawa ng kanilang anak. Kahit pa ayaw Maria Clara na
ipakasal sa iba, kaylangan niya paring sundin ang kanyang
ama sapagkat nagkasundo na sila ni Padre Damaso, na
ipakasal na lamang si Maria Clara sa ibang tao. Marami
paring tulad ni Maria Clara na kahit hindi nila mahal ang
isang tao ay ito parin ang itatadhana sa iyo ng ating mga
magulang.
Kabanata 37: Ang Kapitan Heneral
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Romantisismo, sapagkat kahit na masama ang tingin ng
mga pari kay Ibarra ay may tao paring handang tumulong
sa kanya at mailayo siya sa mga taong masasama ang
hangarin sa kanya. Tulad din ni Ibarra hangad din niya na
maging maganda ang hangarin sa kanyang bayan at hindi
Manalo ang kasamaan.
 Sikolohikal  Sa kabanatang ito, ang pagmamahalin nina Ibarra at Maria
Clara ay talagang totoo ngunit may mga tao paring
pinaglalayo sila upang hindi sila magkatuluyan. Sapagkat
ayaw ng mga pari kay Ibarra at gusto nila na makasal sa
ibang tao si Maria Clara. Napakalungkot ng nangyari sa
pag-iibigan ng dalawa kahit na sobrang mahal nila ang isat-
isa, may mga tao parin talagang tutol sa kanilang
pagmamahalan.
 Moralistiko  Ang aral sa kabanatang ito ay, kahit na maraming
masasamang tao ang may ayaw sa mga kabutihang
ginagawa mo, ay ipagpatuloy parin natin an gating
magagandang hangarin para sa ating bayan.
Kabanata 38: Ang Prusisyon
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito masasabi kong totoo paring nangyayari
sa ating kasalukuyang panahon ang mga prusisyon o pag-
aalay lakad ng mga tao kasama ng mga santong
ipinapalibot sa daan. Kayat pasok ito sa teoryang Realismo
 Klasismo  Ang prosisyon ay ginawa noong pang sinaunang panahon
at hanggang ngayon ay nananatili parin ito sa ating kultura
at hindi na kaylan man nawala pa sa ating buhay. Dahil
taon-taon nating ginagawa ang pagpoprosisyon dahil ito an
gating nakasanayan. Kayat masasabi kong pasok ito sa
teoryang Klasismo.
Kabanata 39: Si Donya Consolacion
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, totoong may mga tao parin sa
kasalukuyang panahon ang pinagmamalupitan nila ang
kanilang kapwa. Tulad na lamang ng mga nagsisilbihan o
bilang katulong, marami parin talagang kasambahay ang
ginagawan sila ng kalupitan at humahantong na sa
kamatayan ang mga ito.
 Romantisismo  Sa kabanatang ito, sa ginawang kalupitan ni Donya
Consolacion kay Sisa ay naabutin ito ng kanyang asawa at
sinabing bihisan ito, ipagamot ang mga sugat niya, at
huwag ng pagmalupitan pa dahil susunduin ito ni Ibarra.
Mabuti na lamang at masusundo na ito ni Ibarra at hindi na
muling daranasin ang pagmamalupit sa kanya ni Donya
Consolation.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay huwag na sanang
dumami pa ang mga taong sinasaktan ng wala naman
silang ginawang kasalanan sa mga ito. At sa mga taong
nagmamalupit ay sana baguhin na nila ang maling pag-
uugali nila. Dahil baka silay makulong sa pagmamalupit na
ginagawa nila sa ibang tao.
Kabanata 40: Ang Katwiran at Lakas
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong nangyayari parin ang
ganitong eksena sa kasalukuyang panahon dahil may mga
tao paring may mga galit sa kanilang kapwa upang makuha
ang gusto nila.
 Romantisismo  Nang magsimula na ang palabas, nakapukaw lamang ang
tingin ni Padre Salvi kay Maria Clara at ng dumating si
Ibarra sa palabas na iyon na naganap ay agad namang
pumunta si Padre Salvi saTinyente upang sabihin dito na
paalinisin sa palabas si Ibarra ngunit hindin ito magagawa
ng Tinyente dahil Malaki ang naiambag ni Ibarra sa
Palabas na naganap. At mabuti na lamang ay hindi
napaalis si Ibarra dahil may kaguluhang naganap sa
palabas at agad namang kinuha ni Ibarra ang mga babae
at agad silang lumabas upang maiwas sa gulong
nangyayari.
 Moralistiko  Ang aral na natutuhan ko sa kwentong ito ay hindi lahadt
nang iutos natin sa iba, kahit tayoy nakakataas ay susundin
na nila. Kaya tang gumagawa ng kasamaan ay hindi parin
nagwawagi.
Kabanata 41: Dalawang Dalaw
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa nangyaring kaguluhan sa naganap na palabas ay
nabalitaan ni Ibarra ang pagkakasakit ni Maria Clara. Sa
kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang maaaring
magawa ni Ibarra sa kanyang kasintahan, pumasok din sa
aking isipan na dadalawin niya si Maria Clara ngunit
makakapasok kaya siya sa bahay nila Maria Clara gayong
galit sa kanya si Padre Damaso. Kaya naman sa
kabanatang ito ay napaisip ako na baka lalo lamang
magkagulo. At baka lalo pang lumubha ang kalagayan ng
dalaga.
 Realismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok din ito sa teoyang
Realismo, sapagkat bilang isang kasintahan ay totoo paring
nangyayari ang ginawa ni Ibarra na pagbisita kay Maria
Clara dahil itoy maysakit. Ang pagbisita sa iyong
minamahal lalo na silay may karamdaman ay nangyayari
parin naman magpasa hanggang ngayon sapagkat upang
malaman ang kalagayan ng isang taong malapit sa puso
natin.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kwentong ito,ay kahit na alam nating
may banta sa buhay natin ay huwag parin tayong tumigil sa
paggawa ng kabutihan.
Kabanata 42: Ang Mag-asawang de Espada
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Nangyayari parin sa kasalukuyang panahon natin ang
paghahanap ng mapapang-asawang dayuhan, marami
naring mga Pilipino ang may asawang mga dayuhan sa
panahon natin ngayon at ang ilan pa ay sa ibang bansa na
nakatira kasama ng kanilang mga pamilya. Kayat masasabi
kong pasok ito sa teoryang Realismo.
 Sikolohikal  Sa kabanatang ito, maayos na isinalaysay ng manunulat
kung sino sina Donya Victorina Delos Reyes de Espadana
ang asawa nitong si Dr. Tiburcio de Espadana at ang isang
binatang kastilang si Don Alfonso Linares na inaanak ni
Padre Damaso. Kaya naman mabilis kong naintindihan ang
daloy ng kwento si Don Linares marahil ang mapapang-
asawa ni Maria Clara.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kwentong ito, para sa akin ay ang
ipaglaban ang taong mahal natin sapagkat baka pagsisihan
natin sa bandang huli na hindi man lamang natin nagawang
ipaglaban ang ating taong pinakamamahal dahil lagi na
lamang magulang natin ang naag dedesisyon para sa ating
kinabukasan.
Kabanata 43: Mga Panukala
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Realismo, sapagkat totoong nangyayari parin sa totoong
buhay ang pagpaplano ng ating mga magulang na ipakal
ang kanilaang anak kahit na hindi naman talaga mahal ng
kanilang anak ang lalaking ipapakasal sa kanila. Marami
parin talagang mga magulang ang nagdedesisyon para sa
kanialng mga anak.
 Imahismo  Pumasok sa aking isipan ang lalaking ipapakilala ni Padre
Damaso kay Maria Clara at itoy kanyang magiging asawa.
Marahil napaka yaman ni Don Linares sapagkat pumayaag
si Padre Damaso na ito ang magiging asawa ng kanyang
anak. Pumasok din sa aking isipan ang magiging reaksyon
ni Maria Clara sa lalaking kanyang magiging katuwang sa
buhay marahil siya ay lubos na malulungkot dahil hindi si
Ibarra ang kanyang mapapang-asawa habang buhay.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay matuto tayong
lumaban para sa ating pag-ibig sapagkat pagsisisihan rin
natin ito habang buhay dahil hindi tayo naging masaya sa
taong ating kinakasama.
Kabanata 44: Pagsusuri ng Budhi
Lente/Teorya Pagsusuri
 Klasismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Klasismo, sapagkat ang pagkukumpisal ay bahagi na ng
ating kultura at itoy gawain pa noong sinaunang panahon at
hanggang ngayon ay nananatili parin ang kagawian sa mga
katoliko. Kinukumpisal natin an gating mga nagawng mali
sa ating buhay upang mabawasan an gating ksalanan. Iyan
ang paniniwala ng mga katoliko.
 Realismo  Totoong nangyayari parin ang pagkukumpisal ng mga
katoliko sa simbahan, sapagkat itoy bahagi na ng ating
kultura at ayon sa kanilang paniniwala kailangan din nilang
makapag kumpisal upang mabawasan ang kanilang
kasalan.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kwentong ito ay magtiwala tayo sa
panginoon at lagi tayong magdasal sa kanya ng paggabay,
upang malayo tayo sa ano mang karamdaman at sa mg
ataong nais tayong saktan.
Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang isang
lugar na pinuntahan ni Elias, malalaking buhay na bato at
pumaso din sa isip ko kung bakit gustong gawin ni Elias na
maging ama niya ang isang lalaki na may sugat sa noo.
Pumasok din sa aking isipan na magiging kakampi sila ni
Ibarra lalo na at ang gusto nila ay kabutihan para sa
kanilang bayan dahil silay inapi.
 Realismo  Marami paring pamilya ang nangungulila sapagkawala ng
kanilang mga mahal sa buhay, tulad na lamang nila Elias
Ibarra at ng lalaking may sugat ang noo. Totoo paring
nangyayari sa totoong buhay ang maghiganti sapagkat
ginawan ka ng kasamaan lalo na at kasama pa ang
pamilya mo. Tulad nila na mahihirap ang buhay at hindi
makamit ang katarungan ay nais nilang maghiganti sa mga
nang-alipusta sa kanila.
 Moralistiko  Ang aral na tumatak sa aking isipan ay matuto tayong
ipaglaban an gating karapan lalo na para sa ating pamilya.
Huwag tayong pumayag na apihin ng sino man at
ipagdasal natin sa panginoon na patnubayan tayo sa lahat
ng ating laban.
Kabanata 46: Ang Sabungan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, totoong nangyayari parin sa ating buhay
ang pagsusugal, lalo na ang pagsasabong. Ito ay mula pa
sa sinaunang panahon at hanggang ngayon ay daladala
parin natin sa kasalukuyang panahon. Kahit anong sugal ay
ginagawa ng ilan sa atin kahit alam nilang bawal ito.
 Klasismo  Ang pagsasabong ay naging bahagi na ng ating kultura at
hanggang ngayon ay mayroon paring gawaing ganito sa
atin. Ang ganitong pagsasabong ay noon pang sinaunang
panahon at hanggang ngayon ay nananatili parin sa ating
kultura at hindi lamang pagsasabong marami pang ibang
pamamaraan ng pagsusugal ang legal na sa atin
halimbawa na lamang Casino, ang pagsusugal ng ilang tao
sa Casino ay legal. Kayat masasabi kong pasok ito sa
teoryang Klasismo.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito ay, huwag nating
sanayin ang ating sarili sa pagsusugal, sapagkat ito ang
sisira sa ating pamilya at baka humantong pa sa
pagkakalulong natin sa sugal at baka pati sahod na
maibigay natin sa ating pamilya ay magastos pa.
Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisimo  Ang gulong nangyari kina Donya Consolacion at Donya
Victorina ay pinangkaguluhan ng mga tao sa kanilang
paligid, Sa naging asal ni Donya Victorina ay hindi naging
maganda sa pandinig ni Donya Consolacion kaya silay
nagpang-abot. Mabuti na lamang at dumating ang Alperes
kaya natigil ang pag-aaway ng dalawang Donya. Sa
kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Romantisismo sapagkat hindi nagpang-abot ng latigo si
Donya Victorina kay Donya Consolacion.
 Realismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong totoo paring nangyayari
ang ganitong eksena sa ating buhay dahil may mga tao
parin na may inggitan sa isat-isa at nagdudulot ng away sa
kanilang lugar. Tulad ni Donya Concolacion na matapore,
walang ginawa kundi ipagmayabang ang kanyang
magagarang damit, marami paring tulad niya ang
nabubuhay sa mundo na akala nilay igagalang sila ng mga
tao sa paligid nila.
 Moralistiko  Ang aral na tumatak sa kabanatang ito, ay huwag tayong
magmalaki sa ating kapwa sapagkat baka ikagalit pa nila
ito, at humantong pa sa away. Mas magandang igalang
parin natin ang mga taong nakakasalamuha natin upang
hindi magkaroon ng gulo sa ating lugar.
Kabanata 48: Ang Talinghaga
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sa kabanataang ito, nakamit ni Ibarra na siyay hindi
ekskomulgado at mali ang binibintang sa kanya ni Padre
Damaso kayat nagtungo agad siya sa bahay nila Maria
Clara upang ipamalitaa na siyay hindi ekskomulgado at
payagan siyang makasama si Maria Clara. Sa kwentong
ito, hindi nagtagumpay si Padre Damaso sa bintang niya
kay Ibarra at nakamit din ni Ibarra ang hakahaka sa kanya,
sapagkat pinatunayan niya ang kanyang sarili na siyay
hindi ekskomulgado.
 Sikolohikal  Naramdaman ko na naging masaya si Ibarra ng makita niya
si Maria Clara ngunit may lungkot din sa kanyang mga
mata, sapagkat sa kinaroroonan ni Maria Clara ay naroon
si Linares ang mapapang-asawa ni Maria Clara. Sa
kabanatang ito maayos na naipahayag ng manunulat ang
nais niyang sabihin sa mga mambabasa napukaw agad ng
aking pansin na parehas nilang dalawang gustong mag-
usap ngunit naroon si Linares kayat hindi na sila nakapag-
usap ni Maria Clara tungkol sa kanilang dalawa.
 Moralistiko  Ang aral na natutuhan ko sa kabanatang ito ay matuto
tayong ipaglaban an gating paag-ibig para sa ating
minamahal at huwag parin tayong sumuko sa mga taong
gusto tayong pabagsakin.
Kabanata 49: Ang Tinig ng mga Inuusig
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Imahismo, sapagkat pumasok sa aking isipan ang
dalawang taong nag-uusap ng hating gabi sa lawa, marahil
napakalamig ng gabing iyon, pumasok din sa aking isipan
kung may iba pang taong nakikinig sa kanilang usapan. Sa
gabing iyon napaisip ako naba may mga guwardiya sibil sa
paligid nila na nagmamasid.
 Historikal  Sa pag-uusap nila Ibarra at Elias nagbalik sa kanilang
nakaraan ang mabubuting nagawa ng kanilang magulang.
Tulad ni Ibarra, hangad din ni Elias na tumulong sa kanya
upang matapos na ang kaasamaan sa kanilang bayan.
 Moralistiko  Ang aral sa kwentong ito ay maging maingat parin tayo sa
ating gagawing pamamaraan na mapabuti an gating bayan,
sapagkat may mga tao paring gagawa ng paraan upang
mapaabagsak ka lamang.
Kabanata 50: Ang Kaanak ni Elias
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Historikal, sapagkat ibinahagi ni Elias ang kanyang
nakaraan kay Ibarra, bumalik lahat ng mapait na alala ni
Elias sa nangyari sa kanyang nino at sa kanyang pamilya.
Nalamang lahaat ni Ibarra ang mapait na nakaraan ni Elias
ng gabing iyon.
 Sikolohikal  Napakasakit ng nakaraan ni Elias sa nangyari sa kanyang
pamilya at nino. Sa kabanatang ito, maayos na sinabi sa
kwento ang sunodsunod na pangyayari sa buhay ni Elias,
bilang mambabasa naantig ang aking puso sa nangyari sa
nakaraan ni Elias at nais niyang maghiganti sa mga taong
umapi sa kanila. Naramdamang kong labis ang hinanakit ni
Elias sa mga taong nang-api sa kanila, kaya naintindihan
ko na kaya ayaw niyang magtiwala na sa mga taong
nakakasalumuha niya at tanging si Ibarra lamang ang
kanyang nakakausap at napagsasabihan ng kanyang
nakaraan.
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang naging
nadaloy ng nakaraan ni Elias, pumasok sa aking isipan ang
mapait na sinapit ng kanyang ninuno at ng kanyang
pamilya. Inisip ko kung paano nalampasang lahat ito ni
Elias at naliwanagan ako sa nangyari sa kanyang buhay.
Kabanata 51: Mga Pagbabago
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Malaking pagbabagong naganap ang ginawa ni Padre
Salvi, sapagkat noon ay kinaiinisan at hinuhusgahan ng
padre si Ibarra, ngunit ng malaman niyang walang
ginawang kasalanan si Ibarra ay kinamayan niya ng may
saying kasama si Ibarra. Dahil sa pag-aakala ni Padre Salvi
masama ang hangarin ni Ibarra kaya marahil ganoon na
lamang ang pagkamuhi ng padre kay Ibarra mabuti na
lamang at nalamang wala itong sala. Kayat nagbago ang
turing ng padre kay Ibarra.
 Realismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok din ito sa
teoryang Realismo, sapagkat totoo paring may mga taong
nagkakamit ng hustisya at may mga tao parin talagang
mapanghusga dahil hindi muna nila inaalaman ang buong
pangyayari bago nila husgahan ang isang tao. Marami
parin sa kasalukuyang panahon natin ang tulad ni Padre
Salvi na mapagkunwari.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay huwag tayong
makalimot na humingi lagi ng gabay sa panginoon. Alam
nating marami sa ating nakakasalamuha ang
mapagkunwari kayat huwag parin tayong agad na
magtitiwala sa mga taong nakapaligid sa atin. Ang
magandang gawin ay kilalanin muna rin natin ang mga
taong makakasama natin.
Kabanata 52: Ang Baraha ng mga Patay at mga Anino
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Romantisimo, sapagkat nang dumating ang mga guwardiya
sibil upang hanapin at hulihin si Elias ay nakita nila si
Lucas, ngunit sinabi nitong hindi niya kilala si Elias at
nagpatuloy sa paghahanap ang mga guwardiya sibil, may
nakita silang isang lalaki at tinanong ito.Siya ay si Elias
ngunit hindi pala kilala ng mga guwardiya sibil ang itsura ni
Elias kaya nansinungaling siyang hinahanap niya si Elias
ang lalaking may pekas sa mukha at bumugbog sa
kanyang kapatid. Dali dali namang umalis ang mga
guwardiya sbil upang dakpin si Lucas nap ag-aakalang si
Elias. Sa kananatang ito, hindi nahuli ng mga guwardiya
sibil si Elias, sapagkat nagsinungaling siyang hindi siya ang
taong hinahanap nila, mabuti na lamang at hindi kilala ng
mga guwardiya sibil ang itsura ng kanilang hinahanap.
 Imahismo  Pumasok sa aking isipan ang kaganapang nangyari sa
pagsalakay sa loob ng libingan, pumasok sa aking isipan
kung paanong napunta doon si Elias na nasa pintuan ng
mga patay. At nang dumating ang mga guwardiya sibil
mabuti na lamang at hindi nila namukaan si Elias sapagkat
nagkunwari itong hindi siya ang taong kanilang hinahanap.
Kabanata 53: Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Sa kabanatang ito, bumisita si Don Filipo sa bahay ni
Tandang Tasyo at silay nag-usap. Habang silay nag-uusap
ay bumalik sa mga alala ni Pilosopo Tasyo ang mga sinapit
ng mga mamamayan sa kanilang bayan, sapagkat
napakalupit ng pamamahala sa kanilang bayan at hindi na
niya ninais mabuhay kung sakaling hindi parin magbabago
ang patakang ito, sapagkat sinabi niyang maraming
kabataan ang tutulad sa kanilang pag-uugali. At sinabi din
niya kay Don Filipo na hindi na siya magtatagal sa
mundong ito at nais niyang makausap si Ibarra, dahil may
mahalaga itong sasabihin sa kanya.
 Sikolohikal  May ilang araw ng nahihiga si Pilisopo Tasyo dahil sa
mabilis niyang panghihina ng kanyang katawan at
nangtungo si Don Filipo sa kanyang bahay at nakapag-
usap ang dalawa. Sa kabanatang ito maayos na
naisalaysay ng manunulat ang mga nais niyang iparating
sa mga mambabasa sapagkat mas lalo kong naunawaan
na habang tumatanda na si Pilosopo Tasyo ahirap na tao y
hindi niya parin nakitang naging maayos ang kanilang
bayan at tulad niya hangad din niya ang kalayaan ng
kanyang bayan. Sapagkat ayaw niya ring mas lalong
nagdurusa ang mga mahihirap sa kamay ng mga padre at
mga kastila sa pang-aapi sa mga ito.
Kabanata 54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag, Walang Hindi Nagkakamit ng Parusa
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sa kabanatang ito, nagtungo si Elias sa bahay ni Ibarra
upang ipamalitang siyay dadakpin ng mga guwardiya sibil
sapagkat nalaman ni Elias ang pag-aalsa laban kay Ibarra.
Sinabihan siya nitong sunugin niya ang mga kasulatang
makapipinsala sa kanya at umalis ng malayo upang hindi
siya madakip. Ngunit habang naghahanap ng mga
kasulatang makapipinsala kay Ibara ay nalaman niyang
ang ninuno ni Ibarra ang pumatay sa kanyang pamilya kaya
agad itong umalis na may galit kay Ibarra. Nang gabing
iyon nagtungo si Ibarra sa bahay nila Maria Clara at ilang
sandal pa lamang ay nakarinig ito ng mga putok ng baril,
nagsipagtago ang ilan at si Ibarra ay bumaba na sa bahay
nila Maria Clara. Nagbalik siya sa kanyang laboratoryo at
may kumatok sa kanyang pinto, alam na ni Ibarra na
dadakpin siya at hindi na siya nanlaban pa. Bumalik si Elias
at nagtungo sa silid ni Ibarra nakita niya ang ilang sulat na
magpapahamak kay Ibarra kaya agad nyang sinunog, at
pagkatapos ay agad ding dumating ang mga guwardiya
sibil upang hanapin ang mga kasulatan ni Ibarra, wala
silang nakita sapagkat nadatnan nilang nasusunog na ang
silid ni Ibarra. Sa kwentong ito, masasabi kong pasok ito sa
teoryang Romantisismo, sapagkat kung hindi bumalik si
Elias sa silid ni Ibarra ay nakita na ng mga guwardiya sibil
ang ilang kasulatang magpapahamak kay Ibarra.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay maging
mapagpatawad tayo sa ating kapwa kahit na alam nating
may ginawang masama sa ating pamilya ang mga ninuno
ng ibang tao sa atin.
Kabanata 55: Ang Kaguluhan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Masasabi kong pasok ito sa teoryang Imahismo, sapagkat
pumasok sa aking isipan ang nangyaring putukan na
naganap sa labas ng bahay nila Maria Clara, pumasok sa
aking isipan ang mga guwardiya sibil na nagpapaputok ng
kanilang mga baril. Marahil sa sitwasyon nila noon ay
nakakatakot, sapagkat pumasok sa aking isipan ang mga
tao na nakatira doon na kanya kanyang nagsipagtago at
dalidaling nagsara ng kanilang mga bintana at pintuan.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay kapag mayroon
tayong narinig o nakitang nag-aaway sa daan o may
nangyaring kaguluhan sa labas agad tayong pumasok sa
ating bahay at huwag na tayong lumabas pa at sumilip sa
bintana upang Makita kung ano ang nangyayari, sapagkat
baka ikapahamak mo pa ito. Manatili na lamang tayo sa
ating bahay upang maging ligtas tayo.
Kabanata 56: Mga Sabi-sabi at Kuru-kuro
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa nangyaring putukang naganap kagabi dahil sa mga
guwardiya sibil, kinaumagahan ay marami ng
nagsipagbukas ng kanilang mga bintana at marami naring
tao ang nasal abas upang pag-usapan ang nangyaring
kaguluhan kagabi. Sa panahon natin ngayon ang ganitong
pangyayari ay masasabi kong nangyayari parin sa ating
kasalukuyang panahon, sapagkat kapag may mga gulo o
away na nangyari sa ating lugar pagkatapos nito ay marami
ng mga tao sa labas upang pag-usapan ang pangyayaring
naganap sa kanilang lugar.
 Klasismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok din ito sa
teoryang Klasismo, sapagkat ang kuro-kuro o pakikipag
tsismisan ay noon pang sinaunang panahon, laganap parin
magpasahanggang ngayon ang kagawiang ito sa mg
 Moralistiko Pilipino.
 Ang naging aral sa kwentong ito, ay huwag tayong makisali
o makinig sa mga usapin ng mga matatanda, sapagkat
nagpapakita iyon ng hindi paggalang.
Kabanata 57: Sa Aba ng mga Nalupig
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sosyolohikal  Sa kabanatang ito masasabi kong pasok ito sa teoryang
Sosyolohikal, sapagkat ang ginawang pag-aalipusta at
pagpapahirap kay Tarsilo at nang iba pang mga bangkay
na kinilalang sina Pedro na asawa ni Sisa na isang baliw
na, Si Lucas at si Bruno ay nagpapakita ng isyung
panlipunan sapagkat nangyayari parin ang ganitong eksena
sa ating lipunan. May mga taong handang pumatay ng
kapwa niya tao bastat makapagsalita lamang sila sa mga
bagay na hindi naman nila ginawa at napagbintangan
lamang sila o napag-utusan dahil hangad din ng mga taong
ito na magkaroon sila ng salapi pagkatapos nilang magawa
ang kanilang gusto.
 Realismo  Totoong nangyayari parin sa ating kasalukuyang panahon
ang mga pangyayaring ganito, sapagkat may mga
nababalita paring inalipusta at pinatay ang mga taong
natatagpuan ng mga pulis. May mga taong gumagawa
parin ng ganitong gawain ang pagpatay sa kanilang kapwa
kapag may ginawa silang kasalanan o may atraso sa mga
ito ay sinusuplong nila.
 Moralistiko  Ang aral sa kwentong ito ay huwag tayo agad magtiwala sa
mga taong nakapaligid sa atin, sapagkat baka tayo pa ang
mapahamak sagagawin natin pagbabalak na maghiganti.
Kabanata 58: Ang Isinumpa
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, totoo paring nangyayari sa ating
kasalukuyang panahon ang pangyayaring nangyari kina
Ibarra, Don Filipo at nang iba pang bilanggo, maraming
tulad nila ang napagbintangan lamang at hindi talaga nila
ginawa ang mga bagay na ipinaratang sa kanila. Sa
panahon din natin ngayon may mga ilang tao parin ang
hindi nakakamit ang hustisya para sa kanilang pamilya
dahil narin sa estado ng buhay nila.
 Historikal  Nang madakip si Ibarra at ng ilan pang mga bilanggo ay
agad silang pinaglakad sa kalsada, nadaanan ni Ibarra ang
kanyang nasusunog na bahay at kanya na lamang
minasdan bumalik sa kanyang alaala ang mga nakaraan ng
kanyang pamilya sa bahay na iyon, dahil iyon na lamang
ang natira sa kanya. Naalala din niya ang dinanas ng isang
tao sa lansanganng Maynila at ang hirap ng isang babaeng
namatay matapos Makita ang nakasabit na ulo ng kanyang
anak, naalala di niya ang mga sinapit ni Elias
 Moralistiko  Ang naging aral na tatatak sa akin sa kabanatang ito, ay
huwag parin tayong sumuko sa mga taong nanghuhusga
sa ating pagkatao, sapagkat hindi naman nila alam ang
totoong nangyari. Ipagdasal na lamang natin at humingi
tayo ng paggabaay sa Panginoon dahil siya lamang ang
nakakaalam ng lahat.
Kabanata 59: Pag-ibig sa Bayan at Sariling Kapakanan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Realismo, sapagkat nangyayari parin sa ating buhay na
may mga tao parin talagang sisiraan ang pagkatao mo sa
iba para lamang masabi nilang masama ka palang tao.
 Sosyolohikal  Sa isang maganda at maaliwalas na bulwagan sa isang
bahay sa tondo ay pinangaralan ni Kapitana Tinchang si
Kapitan Tinong sapagkat nakipagkaibigan pala ito kay
Crisostomo at sa pag-aakala nilang ipapadakip sila sa mga
guwardiya sibil. Sa kabanatang ito, ang dalawang mag-
asawang nag-uusap tungkol sa magiging kalagayan nila
pagkatapos madakip ni Ibarra ay nagpapakita ng isyung
panlipunan, Kung saan laganap parin sa atin ang
pakikipagkaibigan sa mararangyang tao, sapagkat kung
ikaw ay may kaibigang mayayaman ay malakas ka sa lahat
at hindi ka kayang tapakan ngunit kapag may problema ng
dumating ay hindi na nila kayang tulungan ang taong
minsan na nilang naging kaibigan.
 Moralistiko  Ang naging aral na tumatak sa akin sa kabanatang ito ay,
huwag nating lubusing maging sobrang bait sa ibang tao,
sapagkat sa oras na ikaw naman ay may problema ay
iiwanan kana nila na para bang hindi ka na nila kilala.
Kabanata 60: Ikakasal si Maria Clara
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Dumating sina Donya Victorina, ang asawa nito at ang
kanyang pinsang si Linares sa bahay nila Kapitan Tiago
upang pag-usapan ang kasal nila Maria Clara at ni Linares,
umalis si Maria Clara sa pag-uusap ng kanyang pamilya at
ng mga bisita dahil alam niyang ang sadya ng mga itoy
ipakasal siya kay Linares. Pumunta siya ng kanyang silid at
doon ay umiiyak lamang siya. Nakita siya ng kanyang
amain na si Padre Damaso at tinanong kung bakit siya
umiiyak. Sa kabanatang ito hiniling ni Maria Clara sa
kanyang amain na huwag ng ituloy pa ang kasal nila ni
Linares sapagkat papasok na lamang siya sa kombento o
di kayay kapalit ang buhay niya. Nasunod ang gusto ni
Maria Clara ipinasok siya sa kombento at hindi na natuloy
ang kanyang kasal kay Linares.
 Realismo  Sa kabanatang ito, totoo paring nangyayari ang ganitong
eksena, sapagkat sa kasalukuyang panahon ay kapag hindi
mo gusto ang isang tao at ang mga magulang mo lamang
ang tanging mag dedesisyon sa buhay mo ay pipiliin mona
lamang lumayo sa kanila, sapagkat hindi ka naman
magiging masaya.
 Ang naging aral nito para sa akin, ay huwag tayong
 Moralistiko mawalan ng pag-asa sa buhay natin, gawin parin natin
kung ano ang tama. Kung mahal moa ng isang tao huwag
mong pipilitin ang sarili mo sa ibang taong hindi mo naman
minahal. Kaya matutu ka ring ipaglaban ang sarili mo tulad
ni Maria Clara, dahil naging maayos naman ang naging
desisyon niya.
Kabanata 61: Ang Habulan sa Lawa
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Romantisismo, sapagkat tinulungan ni Elias si Ibarra na
makatakas sa pagkakahuli sa kanya ng mga guwardiya
sibil kahit na alam niyang malaki ang kasalanan ng mga
ninuno niya sa taong ito ay handa parin siyng tulungan nito.
Pinaghahanap na ng mga guwardiya sibil si Ibarra at sa
dagat ay may nakita silang lalaking akala nila ay si Ibarra
kaya’t pinagbabaril nila ito at pagkatapos nilang makakita
ng dugo sa may dagat ay umalis na rin sila. Natamaan si
Elias ng mga bala at nakaligtas naman sa kapahamakan si
Ibarra.
 Imahismo  Pumasok sa aking isipan kung papaano nagawa ni Elias na
itakas si Ibarra sa pagkakahuli ng mga guwardiya sibil sa
binata, marahil ay napakahusay talaga ni Elias pagdating
sa pagliligtas ng taong nangangailangan ng tulong. At
napaisip din ako na kahit pa may ginawang masama ang
mga ninuno ni Ibarra sa pamilya ni Elias ay tinulungan parin
siya nito, pumasok din sa aking isipan kung saan na nga ba
pupunta si Ibarra pagkatapos ng nangyari sa lawa.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay huwag tayong
magtanim ng sama ng loob sa ibang tao, matuto tayong
magpatawad sa ating kapwa, sapagkat ito ang mas
nararapat na gawin natin habang tayoy nabubuhay sa
mundong ibabaw.
Kabanata 62: Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa
teryangRomantisismo, sapagkatnakapagdesisyon na si
Maria para sa kanyang sarili, kung papasok na lamang siya
sa kumbento o buhay niya na lamang ang iaalay niya. Dahil
sa pag-uusap nila ng kanyang amaing si Padre Damaso ay
minabuti niya na lamang na pumasok sa kumbento ang
kanyang anak, kaysa buhay niya ang mawala.
 Realismo  Masasabi kong totoo paring nangyayari sa kasalukuyang
panahon ang pagkakaroon ng “depression” sa kanyang
sarili, tulad ni Maria Clara ay hindi na niya alam ang
gagawin niya ng malaman niya sa pahayagan ang sinapit
ng kanyang kasintahan. Kayat nagpasya siyang
magkumbento na lamang o kayay mamatay na lamang.
 Moralistiko  Ang aral sa kwentong ito, ay maging metatag tayo kahit
para sa ating sarili. Kahit na alam nating wala na an gating
minamahal ay ipagpatuloy parin natin ng ating buhay.
Huwag din tayong sumuko spagkat may iba pang paraan
para mabawasan ang ating kalungkutang dinaranas.
Kabanata 63: Ang Noche Buena
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Romantisismo, sapagkat nagpakitang muli si Basilio, siyay
tinulungan ng ibang pamilya sapagkat siyay nakitang
walang malay at sugatan. Mabuti na lamang at may
mabubuting tao parin ang handang tumulong sa mga
nangangailangan. At kahit paika-ikang maglakad ay
pinuntahan parin ni Basilio ang kanilang bahay upang
hanapin ang kanyang kapatid at ang kanyang Ina.
 Sikolohikal  Masasabi ko ring pasok ito sa teoryang Sikolohikal,
sapagkat nang bumalik si Basilio saa San Diego ay
hinanap niyang agad ang kanyang Ina at kapatid. Bigo
siyang mahanap ang kanyang kapatid, ngunit sa bahay ng
Alperes ay nakita niya ang kanyang Ina at agad niya itong
pinuntahan ngunit hindi siya makapasok sa loob at tinangka
niyang akyatin ang isang puno upang makapasok sa loob
at nahulog ito. Agad na nakita ni Sisa ang isang batang
may sugat ang noo, at namukaan niyaang batang iyon, siya
ang kanyang anak. Nakitang muli ni Sisa ang kanyang
anak at natulog sa tabi niya. Nang magising si Basilio agad
niyang niyakap ang kanyang Ina ngunit nalaman niyang
wala na itong buhay. Sa kabanatang ito, maayos na
naipahayag ng manunulat ang damdaming nais niyang
iparating sa mga mambabasa. Napukaw ang aking
damdamin sa sinapit ng Ina ni Basilio, sapagkat hangad ni
Basilio namabuo na silang pamilya.
 Imahismo  Pumasok sa aking isipan kung papaano nalagpasan ni
Basilio ang mga hirap na kanyang sinapit at sa pagkawala
ng kanyang Ina, marahil sa mura niyang edad ay hindi niya
pa kayang mamuhay mag-isa. At pumasok din sa aking
isipan kung papaano niyang nagawang sunugin ang
bangkay ng kanyang Ina at ni Elias sapagkat napakabata
niya pa para gawin ang ganoong bagay.
Kabanata 64: Huling Kabanata
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Historikal, sapagkat isinalaysay ng manunulat ang mga
nangyari sa buhay ng mga tauhan. Natagpuan na lamang
patay na sa higaan si Padre Damaso, at si Padre Salvi
naman ay nasa maynila na at nagsesermon sa Sta Clara,
ilang lingo na lamang ay ganap ng Monghe si Maria Clara
at si Kapitan Tiago naman ay nangayayat at naninilaw na
ang kanyang mga balat, madalas di diyang makitang nasa
sugalan. Si Donya Victorina. Si Linares naman ay namatay
na, ayon sa balita sa kanya ay namatay siya dahil sa
masamang pag-aalaga ni Donya Victorina sa kanya. Ang
Alperes naman nagtaglay ng katungkulang tenyente grado
comandante siya ay umuwi na ng Espanya at iniwan ang
kanyang asawa na nanlilimahid sa dumi. At walang naging
malinaw na balita kay Maria Clara.
 Sikolohikal  Sa pagtatapos ng kwentong ito, maayos na isinalaysay ng
manunulat ang nais niyang iparating sa mga mambabasa,
Mas lalo kong naunawaan ang daloy ng kwento at
nakaramdam ako ng lungkot sa sinapit ng ilang mga bida
sa kwentong ito.
 Moralistiko  Ang aral na tumatak sa kabanatang ito ay habang tayoy
nabubuhay sa mundong ibabaw, gumawa tayo ng mabuting
gawain para sa ating pamilya at sa ating kapwa at sa ating
bayan, upang hindi natin pagsisihanan sa huli.

EL FILIBUSTERISMO
Panuto: Basahin ang mga kabanatang ito. Matapos ay lumikha ng pagsusuri sa mga ito. Sa
gagawing pagsusuri ay balikan ang ating naging talakayan gamit ang PRIZZAPLE, maaari
kang tumuon sa lipunan, may-akda, akda, at mambabasa sa gagawing pagsusuri. Laging
tiyakin ang kaangkupan ng gagamiting lente. Gumamit ng dalawa o higit pang lente o
teoryang magsisilbing tungtungan sa gagawing pagsusuri, ilagay ito sa kaliwang bahagi ng
talahanayan. Ilagay naman sa kanang bahagi ng talahanayan ang mismong pagsusuri.
Tumugon nang naayon sa inilatag na pamantayan. Laging tandaan na sa panunuring
pampanitikan ay laging nakadepende ang pagtingin sa mata ng tumitingin, higit ang
paniniwala ko na may kani- kaniya kayong paningin.Kaya naman, walang puwang ang
kopyahan sa gawaing ito. Sa oras na magpatuloy ang harapang klase ay magkakaroon tayo
ng pagbabahagi ng inyong mga nilikhang pagsusuri. Suri na, at tuklasin ang lalim ng bawat
obra! Ang pagsusuri din ay isang obra.
Kabanata 1: Sa Kubyerta
Lente/Teorya Pagsusuri
 Klasismo  Sa kabanatang ito masasabi kong pasok ito sa teoyang
Klasismo, sapagkat magpasa hanggang ngayon ay
nananatili parin sa kasalukuyang panahon ang ilog pasig,
bagamat hindi na kasing linaw at linis ng tubig dati ay
nananaatili parin ang sa panahon natin ngayong ang ilog
pasig na minsan ng nakapaglayag ang barkong tabor sa
lugar na ito.
 Imahismo  Pumasok sa aking isipan ang ganda ng ilog pasig noon
sapagkat makikita natin sa kabanataang ito kun gaano
kaganda at kalinis ng tubig ng ilog pasig noon. Kung
napangalagaan lamang sana ang ilog pasig at may
disiplina ang mga tao sa kanilang pagtatapon ng basura
ay mapapanatili ang parin sana ang ganda at linis ng ilog
pasig na ito.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito ay matuto tayong
alagaan ang ating kapaligiran at sanayin natin ang
pagkakaroon ng disiplina na hindi na magtapon ng
basura kung saan saan, sapagkat nakakasira ito ng
ganda ng ating kalikasan.
Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Masasabi kong pasok ito sa teoryang Realismo,
sapagkat masasabi kong totoo paring nangyayari sa
totoong buhay na may mga mahirap na tao parin ang
nagsisiksikan sa loob ng barko dahil maliit lamang ang
kanilang ibinayad para lamang makasakay o makarating
lamang sa kanilang pupuntahan. Ang ilang mga taong
mayayaman naman ay nagbabayad ng malaking halaga
para lamang hindi sila makatabi sa mga nagsisiksikang
tao.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay huwag tayong
maghangad sa kung ano ang wala tayo. Matuto tayong
magtiis at magtipid at huwag tayong makisabay sa mga
mararangyang tao.
Kabanata 3: Mga Alamat
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Historikal, dahil sa naganap na umpukan sa kubyerta ay
napagkwentuhan nila ang ilang mga alamat tungkol kay
Donya Geronima at sa buwayang naging bato, nagbalik
sa kanilang ala-ala ang mga kwentong kanilang
naibahagi sa kanilang pag-uusap.
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang
kagandahan ng ilog pasig noon, sapagkat sapanahon
natin ngayon ay wala ang ganda ng ilog na ito dahil
napapaligiran na ng mga basura at maitim na tubig na
ang ilog ngayon. Marahil kung napangalagaan sana ang
ilog ng mga tao ay malinis at magand parin ito tulad ng
dati.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kwentong ito, ay alagaan natin ang
ating kalikasan, sapagkat kung magkakaroon man ng
tag-ulan ay hindi magkakaroon ng pagbaha sa atin.
Kabanata 4: Kabesang Tales
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, masasai kong pasok ito sa teoryang
Realismo, sapagkat totong nangyayari parin sa ating
kasaluyuang panhon ang mga taong kanilang ginigiit lalo
na sa lupa. Kung wala kang hawak na titulo ng lupa ay
hindi ka mananalo at kahit ipaglaban mo ito kung wala ka
namang sapat nap era para sa ipambabayad mo sa
abogado mo ay ikapapahak mo ito.
 Imahismo  Pumasok sa aking isipan ang sinapit ni Juli, sapagkat
siya ang nagdurusa ngayon dahil kailangan niya ng 500
piso para lamang matubos ang kanyang ama. Pumasok
sa aking iaipan ng paghihirap ni Juli na maging alila na
lamang sa pagkat wala na siyang naiisip na paraan para
sa kanyang ama.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito ay huwag na tayong
gumawa pa ng mga hakbang na magpapahamak sa
ating pamilya. Sapagkat tulad ni Juli ay masasabi kong
hindi natin matitiis na nasa masamang kalagayan ang
ating ama. At huwag din tayong makalimot magdasal
palagi sa Panginoon.
Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang
pagmamalupit ng mga guwardiya sibil noon sa mga tao
sa pagpapahirap nila at paghihigpit kung silay makakita
ng mga maling gawain ng mga tao sa kanila. Mabuti na
lamang at may kalayaan na ang mga tao ngayon hindi
tulad noon.
 Realismo  Totoong nangyayari parin sa kasaluyuang panahon ang
pandurukot ng tao lalo na at kailangan nila ng “ransom” o
pambayad sa taong kanilang adinukot upang pakawalan
nila. Kaya’t masasabi kong totoong nangyayari parin ang
ganitong gawain sa ating kasalukuyang panahon.
 Moralistiko  Ang naging aral na tatatak sa akin sa kabanataang ito
ay, matuto tayong magtimpi ng ating galit, huwag tayong
lumaban sa mga pulis kung sa tingin natin ay
ikapapahamak natin ito.
Kabanata 6: Si Basilio
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Nagising si Basilio sa tunog ng kampana para sa misa de
gallo. Palihim siyang umalis ng kanyang bahay at
nagtungo sa gubat na kinahihimlayan ng kanyang Ina.
Habang nasa puntod si Basilio ay naalala niya ang
kanyang mga pinagdaanang hirap noong siyay bata pa.
Bumalik sa kanyang alaala ang mga hirap ng kanyang
naranasan sapagkat siyay mag-isa na lamang sa buhay.
 Romantismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok din ito sa
teoryang Romantisismo, sapagkat nang mag-isa na
lamang si Basilio sa kanyang buhay ay sobrang hirap
ang kanyang pinagdaanan, mabuti na lamang at nakita
niya si Kapitan Tiago na nasa San Diego rin. Kinuha
naman siyang utusan nito at pinayagan siyang mag-aral
sa San Juan de Letran. Sa kabila ng pag-aalipusta sa
kanya ng ibang tao sa kanyang payak na pananamit ay
nagtapos siya ng may marking sobresalinte o
pinakamataas at nagkamit ng mga medalya. Sa kabaitan
at pagtulong ni Kapitan Tiago kay Basilio ay nabago ang
buhay nito.
 Moralistiko  Ang naging aral na tumatak sa akin sa kabanatang ito,
ay huwag tayong sumuko sa ating mga problema sa
buhay sapagkat makakatagpo parin tayo ng mga taong
mabubuti ang kanilang kalooban.
Kabanata 7: Si Simoun
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Nang makita ni Basilio si Simoun na naghuhukay malapit
sa puntod ng kanyang Ina ay sinabi nitong naroon din
nakahimlay ang puntod ng kanyang Ina sinabi niya ring
labing tatlong taon ng nakahimlay sa gubat ang puntod
ng kanyang Ina. Nagpakilala naman si Simoun kay
Basilio at isinalaysay niya ang kanyang buhay makalipas
ang labing tatlong taon kay Basilio. Bumalik ang mga
nakalipas na alala ng isalay say ni Simoun ang kanyang
naging bhay makalipas ang 30 taon. Naglagalag siya at
nagsikap makaipon ng maraming salapi upang
maisagawa ang kanyang layon. Kaya;t masasabi kong
pasok ito sa teoryang Historikal.
 Imahismo  Pumasok sa aking isipan ang hirap na pinagdaanan nina
Basilio at Simoun sa nakalipas ng 30 taon. Pumasok din
sa aking isipan na sobrang yaman na ni Simoun
sapagkat sinabi niyang siya’y magbabalik upang
maibagsak ang masamang pamahalaan.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay maging
mapagtimpi tayo sa ating galit upang hindi tayo
makasakit ng ating kapwa. Kilalanin muna naatin ang
taong kaharap natin upang sa huli ay hindi tayo
magsising nakagawa tayo ng mali sa taong iyon.
Kabatana 8: Maligayang Pasko
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, totoo paring nagyayari sa ating buhay
na sa t;wing sasapit ang pasko ay hindi natin
nakakasama ang ating mga mahal sa buhay, at totoo
paring nangyayari na hindi natin nakakasama sa
pagdating ng pasko ang ating mga mahal sa buhay
 Sikolohikal  Masasabi ko ring pasok ito sa teoryang Sikolohikal,
sapagkat sa kabanatang ito, nakaramdam ako ng lungkot
sa sinapit ni Tata Selo mag-isa na lamang siya sa buhay
at nang dumating ang kanyang mga kamag-anak ay
nawalan naman siya ng boses para makapagsalita.
Maayos kong naintindihan ang daloy ng kwento sa
kabanatang ito.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kwentong ito, ay kahit na anong
mangyari huwag parin nating pabayaan an gating mga
mahal sa buhay tulad ni Tandang Selo na mag-isa na
lamang sa buhay at dahil nga siyay matanda na mahina
na rin ang kanyang katawan at hindi na niya magagawa
anag iba pang mga bagay.
Kabanata 9: Ang mga Pilato
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisimo  Sa kabanatang ito, nagtungo si Basilio sa Maynila upang
kunin ang kanyang naipong pera at upang tubusin si Juli
kay Hermana Penchang. Nakalaya na rin si Tandang Tales
sa pagkakakulong ngunit sa pagkalaya niya ay nawala na
rin sa kanya ang kanyang bahay at lupa.
 Realismo  Marami paring mga tao ang mapagsamantala sa yaman ng
iba, sapagkat ayaw nilang naiisahan sila ng mga ito. Kaya;t
masasabi kong pasok ito sa teoryang Realismo.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay huwag nating
angkinin ang pagmamay-ari ng iba sapagkat alam nating
hindi ito sa atin. At huwag din tayong manghusga ng ibang
tao sa kanyang mga kamalian. Ang mabuting gawin ay
iwasto natin ang kanyang kamalian kaysa husgahan natin.
Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Klasismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Klasismo, sapagkat kahit naghihikahos sa hirap si
Kabesang Tales ay hindi parin niya nalilimutan Ang
kaugaliang Pilipino, pinatuloy parin niya ang dayuhang
mag-aalahas sa kanyang bahay. Sa kabanatang ito
nananatili parin sa mga Pilipino ang magalang na
pagtanggap sa mga bisita kahit na tayoy mahirap lamang
nagpapatuloy parin tayo ng mga bisita sa ating bahay.
 Historikal  Masasabi ko ding pasok ito sa teoryang Historikal,
sapagkat nang dumating si Simoun na isang mag-aalahas
sa bahay ni Kabesang Tales upang ipagbili ang kanyang
mga alahas. Sa pagkakataong ito'y nakita niyang muli ang
agnos ni Maria Clara at agad niya itong binili kay
Kabesang Tales. Sa kabanatang ito, nang makita ni
Simoun ang agnos ni Maria Clara ay masasabi kong
nagbalik sa kanyang alaala ang mga araw na nakasama
niya ang kanyang kasintahan noon.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kwentong ito ay matuto tayong
gumamit ng ating pera at gamitin natin Ito sa tamang
paraan, sapagkat sa panahon ngayon ay mahirap ng
kumita ng pera. Dahil sa panahon ngayon napakahirap
maghanap ng maayos na trabaho.
Kabanata 11: Los Baños
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Realismo, sapagkat totoo paring nangyayari sa ating
kasalukuyang panahon ang paglalaro ng sugal bagamat
may mga sugal na illegal sa atin at may sugal din namang
legal ng ginagawa sa bansa natin.
 Klasismo  Ang pagsusugal ay dala na ng mga dayuhan sa atin. At
ito’y ginagawa na noon pang sinaunang panahon at
magpasahanggang ngayon ay nananatili parin ang
gawaing ito sa ating kultura. Kaya’t masasabi kong pasok
ito sa teoryang Klasismo.
 Historikal  Habang naglalaro ng baraha sa sala ang Kapitan Heneral
kasama sina Padre Sibyla, Padre Irene, Padre Fernandez,
at Simoun ay napag-usapan nila ang tungkol sa pagtuturo
ng wikang Kastila at sa kanilang pag-uusap ay nagtatalo
sila tungkol sa mga ipambabayad nila ay isang kahilingang
mula kay Simoun. Bumalik s kanilang mga alaala ang mga
nangyari makalipas ang 30 taon, nais nilang malaman ang
tungkol kay Basilio at naalala nilang balibalita noong siya
ay isang baatang musmos at nakapagtapos lamang. Kayat
masasabi kong pasok ito sa teoryang Historikal.
Kabanata 12: Si Placido Penitente
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, habang nag-aaral si Placido Penitente
sa Unibersidad ng Sto. Tomas, at sumulat siya sa kanyang
Ina na tumigil na lamang sa pag-aaral at magtrabaho na
lamang. Masasabi kong totoo paring may mga istudyante
ang pinipiling mag trabaho na lamang kaysa mag-aral
sapagkat iniisip nilang nahihirapan na sila sa pag-aaral nila
at hindi na nila kayang mag-aral.
 Imahismo  Masasabi kong pasok din ito sa teoryang Imahismo,
sapagkat pumasok sa aking isipan ang ganda ng paaralan
ng Sto Tomas, marahil ay napakalawak ng paaralang ito at
maraming mga matatalino at mayayamang tao dito,
sapagkat noong panahon na iyon ay iilan lamang ang
pinalad na makapag-aral sa pagkat ang iba ay kaapos sa
pera noong araw.
 Moralistiko  Ang aral na tumatak sa akin sa kabanatang ito, ay huwag
tayong mawalan ng pag-asa sa ating buhay. Maging
metatag tayo at huwag sumuko. Sapagkat may mga taong
umaasa din sa atin at isipin na lamang natin ang
makakabuti para sa atin at sa ating pamilya
Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, totoo paring nangyayari sa
kasalukuyang panahon na may mga guro parin ang
naghihigpit sa kanyang pamamaraan sa pagtuturo. Kaya’t
masasabi kong pasok ito sa teoryang Realismo.
 Imahismo  Pumasok sa aking isipan ang ginawang paagsagot ni
Placido sa kanyang guro, marahil sa sobrang inis niya dito
ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na kumalma.
Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Estudyante
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang papatayo
ng isang paaralang wikang kastila, marahil kung
magagawa siguro iyon, marahil ay magaling na tayong
magsalita ng wikang kastila ngayon. At mabuti na lamang
ay hindi sapagkat minahal parin natin an gating sariling
wika ngayon.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay matuto tayong
mahalin an gating sariling wika, dahil sa panahon natin
ngayon ang iba sa atin ay gumagamit na ng ibang
lenggwahe, ngunit huwag parin natin kalilimutan an gating
pinagmulan kahit na hindi ipinagbabawal sa ating bansa
ang paggamit ng ibang wika.
Kabanata 15: Si Ginoong Pasta
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong totoo parin na may mga
taong lumalaban para sa kanyang bayan at hindi lamang
para sa kanyang sarili.Tulad ni Isagani marami paring
katulad niya na handang lumaban at handang manindigan
ano man ang mangyari.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kwentong ito, ay matuto tayong
lumabaan hindi lamang para s ating sarili, kundi pati narin
sa ating bayan upang makatulong sa mga taong hindi pa
nakakapag-aral at sa mga taong mahihirap lamang.
Kabanata 16: Ang mga Kapighatian ng Isang Tsino
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang matinding
pagkatakot ng Tsino sa gustong mangyari ni Simoun na
itatago na lamang ang ilang armas sa kanyang tindahan
kapilit nito ang pagbabawas ng kanyang utang at gagawin
na lamng ni Simoun na 7 daang libong piso na lamang ang
kanyang ibabayad. Dahil nga sa pagkalugi ng Tsino ay
baka mapilitan siyang gawin ang gusto ni Simoun.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay huwag tayong
magpapaloko o magpapalinlang sa ibang tao. Sapagkat
tayo din ang kawawa sa bandang huli.
Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo
Lente/Teorya Pagsusuri
 Klasismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Klasismo, sapagkat magpasa hanggang ngayon ay
nananatili parin sa ating kultura ang pagkakaroon ng perya
sa ating lugar. Ity nagsimula pa noong panahon pa ng
kastila at magpasahanggang ngayon ay nananatili parin sa
ating kultura ang perya.
 Realismo  Totoong nangyayari parin sa kasalukuyang panahon ang
pagkakaroon ng perya sa atin tuwing sasapit ang
Nobyembre. At talagang napakaraming taong nagpupunta
ditto sapagkat ibat-iba ang makikita mo kapag pumasok sa
sa loob nito, mayroong ibat-ibang palaro ngunit kailangan
mong magdala ng pera upang makasakay sa mga ride o
kaya’y makapasok sa mga nakakatakot na lugar ngunit
may bayad.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay matuto tayong
magtipid ng ating pera, kung porket may nakita tayong
kakaiba sa ating paningin ay magpipilit tayong magpunta
sa lugar na ito dahil alam nating masaya ngunit
mauubusan ka naman ng pera.
Kabanata 18: Mga Kadayaan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong nangyayari parin sa
totoong buhay ang pandaraya sa aking kapwa, sapagkat
upang mapaniwala natin sila na totoo ang mga ipinaakita
natin ay upang bumalik sila ulit para makalikom ng
maraming pera. Ang gawaing ito ay nangyayai parin sa
totoong buhay.
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang
kakaibang ipinakita ni Mr. Leeds na ipinakita niya ang putol
na ulo sa mga manonood. Pumasok sa aking isipan ang
naging takot ng mga nonood, sapagkat kahit ako kung
makakakita ako ng ganoon ay matatakot din ako at hindi
na muling manonood.
Kabanata 19: Ang Mitsa
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sosyolohikal  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Sosyolohikal, sapagkatang ginawang pagtakas ni Placido
sa kanyang mga problema tungkol sa kanyang pag-aaral
dahil ayaw niy na talagang ipagpatuloy ang kanyang pag-
aaral at mas ginusto niya na lamang tumakas at
magpakalayolayo na lamang. Sa ginawang pagtakas ni
Placido sa kanyang problema kung saan iniwan niya ang
kanyang Ina sa kanyang buhay sapagkat nais niyang
masunod na lamang ang kagustuhan niyang tumigil sa
kanyang pag-aaral ay laganap parin sa ating lipunan ang
mga tulad ni Placido na pinili na lamang mamuhay ng mag-
isa at magtrabaho kaysa sa kanyang pag-aaral.
 Realismo  Maaari din itong pumasok sa teoryang Realismo, sapagkat
totoo paring may mga taong ayaw nilang mag-aral at mas
pipiliin na lamang nilang makapagtrabaho at mamuhay ng
mag-isa.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito ay, maging
mapagmahal at mabuting anak tayo sa ating mga
magulang. Sapagkat sila ang nagpalaki at nag-alaga sa
atin noong tayo’y bata pa lamang, at isipin din natin ang
paghihirap na ginawa ng ating mga magulang noong tayoy
bata pa lamang. Huwag din tayong makalimot na tulungan
an gating pamilya sa oras na sila naman ang
mangailangan ng ating tulong.
Kabanata 20: Ang Nagpapasya
Lente/Teorya Pagsusuri
 Historikal  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Historikal, sapagkat maayos na ibinahagi ng manunulat
ang nakaraan ni Don Custodio de Salazar y Sanchez de
Monteredondo. Siya ngayon ay nabibilang sa mataas na
lipunan sa Maynila. Sinasabing siya ay walang kapaguran
sa pagtatrabaho, bantog, masipag, palaisip, matalino
mapanuri at mayaman. Noong bata pa siya nang siyay
dumating sa Maynila, nakapag-asawa ng isang
magandang mestisang nabibilang sa isang angkang
mayayaman sa siyudad. Sa pamamagitan ng pera ng
kanyang asawa ay nagsikap siyang mangalakal at
tumanggap ng anumang paggawang pamahalaan kaya’t
nailuklok siya sa ibat-ibang pwesto sa gobyerno. At dahil
sa ipinamalas na husay nito ay sa kanya ipinaubaya kung
itutuloy ba o indi ang pagtatayo ng Akademyamg Wikang
Kastila.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito ay, huwag tayong
sumuko sa ating mga problemang dumadating sa ating
buhay, basta’t magsumikap lamang tayo upang maging
maginhawa n gating buhay.
Kabanata 21: Mga Ayos-Maynila
Lente/Teorya Pagsusuri
 Klasismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Klasismo, sapagkat nangyayari parin sa ating
kasalukuyang panahanon ang pagtatanghal ng dula sa
mga taong nanonood sa teatro. Ang ganitong pagtatanghal
ay noon pang sinaunang panahon at hanggaang ngayon
ay nangyayari parin ito sa ating kasalukuyang panahon.
 Imahismo  Masasabi ko ring pasok ito sa teoryang Imahismo,
sapagkat pumasok sa aking isipan ang mga pagtatanghal
na nangyari sa teatro. Marahil noon ay napakamura pa ang
pagbili ng mga tiket para makanood ng dula, at pumasok
din sa aking isipan ang isang napakagandang dulang
kanilang itatanghal.
Kabanata 22: Ang Pagtatanghal
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Masasabi kong pasok ito sa teoryang Realismo, sapagkat
totoong nangyayari parin sa ating kasalukuyang panahon
na dalawa kayong nagmamahal sa iisang babae, at
minsan pa ay pinaseselosan natin an gating karibal kung
makikita nating magkasama sila ng taong minamahal
naatin.
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang
pagtatanghal na ginawa nina Pransesang si Gertude,
marahil napakaganda ng ginawa niya sapagkat maraming
natuwa sa panonood sa kanya. At ang mga servantes sa
pangunguna ng artistang si Serpolette.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito ay, huwag tayong
magyabang sa mga taong nakakasalumuha naatin
sapagkat may mga pagkakataon din na nagkakamali tayo
sa ating mga binibigkas.
Kabanata 23: Isang Bangkay
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Imahismo, sapagkat pumasok sa aking isipan ang
mangyayaring digmaan na sinasabi ni Simoun kay Basilio,
marahil kapag nangyari ang planong ito ay maraming
taong masasawi at masusugatan kapag pinagpatuloy ni
Simoun ang kanyang binabalak na digmaan.
 Sikolohikal  Masasabi kong pasok din ito sa teoryang Sikolohikal,
sapagkat maayos na ipinahayag ng manunulat ang nais
niyang iparating sa mga mambabasa. Lubos akong
nalungkot kay Simoun, sapagkat ginawa niyang lahat upag
mailigtas niy lamang si Maria Clara sa kumbento. Ngunit
nalaman niyang namatay napala siya sa sakit na dumapo
sa kanya.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay huwag parin tayong
makalimot sa mga taong tumulong sa atin. Tulad ni Basilio
ay pinili niya na lamang manatili sa bahay ni Kapitan Tiago
upang alagaan ito sa kanyang sakit, kaysa magtungo sa
tanghalan upang makisaya.
Kabanata 24: Mga Pangarap
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang
nangyaring pag-uusap nina Isagani at Paulita, ay
napakasaya nilang dalawa spagkat kapwa sila may gusto
sa isat-isa, pumasok din sa aking isipan na gustong muli
na magkaroon ng asawa ni Donya Victorina at ang
napupusuan nitoy si Juanito Pelaez, napakatanda na ng
Donya para makapag-asawa pang muli at pumasok sa
aking isipan kung magusustuhan ba siya ni Juanito.
 Realismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong totoo paring nangyayari
sa totoong buhay ang kiligin tayo sa taong ating gusto o
minamahal lalo na kapag nakapag-usap na kayo ng taong
iyong gusto at nakapagpalagayang loob na kayo sa isat-
isa.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, kung tayoy
mangangarap siguraduhin nating gagawin parin natin ito
upang matupad an gating mga kagustuhan. Sapagkat
kailangan muna nating maghirap at magsikap upang
matupad an gating mga pangarap.
Kabanata 25: Tawanan at Iyakan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang
masasarap na pagkaing binili ng mga estudyante, marahil
ay napakasarap ng mga pagkain sa Panciterya Macanista
de Buen Gusto. Sa kanilang kasiyahan ay mababaks ang
kanilang kasiyahan sapagkat ipinagdiriwang nila ang
Iminungkahi ni Padre Irene sa kapasyahang iginawad ukol
sa usapin sa pagtuturo ng wikang Kastila.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kwentong ito, ay matuto tayong mahalin
an gating sariling wika, sapagkat ngayon ay may ibang
lenggwahe na tayong pinagtutuunan ng pansin upang
matutuhan ito.
Kabanata 26: Mga Paskin
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang
kaguluhang naganap sa Saan Juan de Dios, maraming
mga estudyante ang nag-uusap tungkol sa paghihimagsik
na nakapaskil marahil ay takot na takot si Basilio na
malaman na isa siya sa gustong maghimaksik sapagkat
kaanib siya ni Simoun. Pumasok sa aking isipan ang
kapahamakang naghihintay kay Basilio.
 Romantisismo  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Romantismo, sapagkat akala ni Basilio ay nagaganap na
ang himagsikang gustong mangyari ni Simoun. Pumunta
siya sa bahay ni Macaraig upang makausap ito, ngunit
dinakip sila ng mga guwardiya sibil. Akala niyay nasa
kapahamakan na siya.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito ay matuto tayong
lumaban para sa ating bayan. Upang hindi na muling
apihin pa ang mga mahihirap na tao. Lumaban tayo kung
nararapat na itama ang mga kamalian.
Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan kung gaano
katatag ang lakas ng loob at paninindigan ni Isagana na
suriin niya kay Padre Fernandez ang mga tungkulin ng
mga Padre sa kanilang mga estudyante, marahil sa lakas
niyang loob na ipaglaban ang kanyang karapan ay
makakamit niya ito. Pumasok din sa aking isipan na hind
siya tutulungan ni Padre Fernandez sapagkat ayaw nilang
matuto ang mga ito.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay maging matapang
tayong harapin ang mga karapatan natin bilang isang
estudyante upang hindi nila tapaak tapakan an gating
pagkatao.
Kabanata 28: Mga Katatakutan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang naganap
na mga karanasang katatakutaan na pinag tsitsismisan ng
mga tao. At ang ilang mga estudyanteng dinakip at
pinatay. Sa kabanatang ito dahil nga samaraming
nagreklamong mga estudyante upang makamit nila ang
kanilang kagustuhan ay nagdulot ito ng masama sa kanila.
Pumasok din sa aking isipan na malulungkot si Basilio
kapag nalaman niyang wala na si Kapitan Tiago namatay
siya sa kalungkutang malaman niyang nahuli si Basilio ng
mga guwardiya sibil at humantong sa kanyang kamatayan
 Realismo  Masasabi ko sa kabanatang ito, ay totoo paring nangyayari
sa kasalukuyang panahon ang mapagbintangan tayo ng
mga pulis kahit wala naman tayong kasalan o kaya’y
napagbintangan lamang tayo. Kaya tang tingin ng ibanag
tao kapag kay nahuli ng mga pulis ay masamang tao kana
na hindi dapat pamarisan.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay huwag tayong
mawalan ng pag-asa sa ating buhay dumating man ang
mga problema sa atin ay huwaag tayong sumuko agad
kung alam naman natin na wala atalaga tayong
ginagawang masama.
Kabanata 29: Mga Huling Salita Ukol kay Kapitan Tiago
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sikolohikal  Sa kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
SIkolohikal, sapagkat maayos na isinalaysay ng manunulat
ang mga nangyaring kaganap ng mamatay si Kapitan
Tiago, nang siyay mamatay marami siyang iniambag niya
sa lipunan at mahihirap ang kanyang mga natitirang ari-
arian ngunit ng ihabilin niya na bigyan ng pamana si Basilio
ay hindi niya isinulat dahil ito’y gumawa raw ng masama
kaya naman ibinulsa niya na lamang ang perang
ipapamana sana kay Basilio. Labis akong nalungkot nang
hindi man lamang nakita ni Basilio ang pagkamatay ni
Kapitan Tiago, tinulungan niya ito at pinag-aral, ngunit
dahil nga siyay napagbintangan at marahil naikulong kayat
hindi niya na naasaksihan ang pagkamatay nito.
 Realismo  Masasabi ko ring pasok ito sa teoryang Realismo,
sapagkat totoo paring nangyayari sa ating kasalukuyang
panahon ang eksanang ganito. May mga tao talagang
pagdating sap era ay nag-iiba ang kanilang pag-uugali.
Dahil sa mga habilin ni Kapitan Tiago kay Padre Irene ay
hindi niya alam na hindi isinulat nito ang pamana para kay
Basilio.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, natatatak sa akin ay
huwag tayong maging gahaman sa kayaman sapagkat
kapag tayoy nawala na sa mundo ay hindi na natin ito
madadala tulad ni Padre Irene na ibinulsa niya ang
pamana para kay Basilio. Isang halimbawa naman si
Kapitan Tiago sa mga mabubuting tao na nais tumulong sa
mga mahihirap na hindi nakapag-aral.
Kabanata 30: Si Juli
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sikolohikal  Sa kagustuhang mapalaya si Basilio ng mga nadakip ay
nagtungo si Juli sa kumbento upang kausapin si Padre
Camorra na palayain na si Basilio. Tiyak kong gagawin ang
lahat paara lamang maipagtanggol ang kanilang
minamahal ngunit sa sinapit nin Juli ay nabalitaan itong
tumalon sa kumbento at namataay. Napakalungkot ng
nangyari sa dalaga, marahil ay hindi niya napapayag ang s
Padre Camorra kaya nagtangka na lamang itong
magpakamatay. Hindi man lamang naging masaya ang
pagmamahaalan ng dalawa.
 Realismo  Masasabi kong totoo paring nangyayari sa totoong buhay
na ipagtanggol ang minamahal mong tao at gagawin mo
ang lahat para lamang makasa ito. Kaya’t masasabi kong
pasok ito sa teorang Realismo.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito ay huwag tayong
mawalan ng pag-asa para sa taong mahal natin. Gawin
natin ang ating makakaya at hindi sumuko para sa
kaligtasan ng ating minamahal.
Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Sinabi ng Kapitan na kailangang may maiwang isa sa mga
bilanggo upang maligtas ang karangalan ng
kapangyarihan. Ang naiwan sa piitan ay si Basilio, walang
mag-aalala sa kanya dahil alila lamang siya ni Kapitan
Tiago. Sa kabanatang ito, masasabi kong nangyayari parin
sa totoong buhay ang ikulong ang taong walang kasalanan
dahil lamang walang magbabayad ng pagkalaya nito para
sa kanya. Totoo parin na mayroong mga taong hindi nila
nakakamit ang hustisya para sa tulad nila.
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang
pagkabilanggo ni Basilio, wala ng mag-aalala sa kanyang
mga magulang at ai Juli naman ay namataay na sa
pagkakahulog sa kumbento. Labis na malulungkot si
Basilio kapag nalaman niyang patay na kasintahan niya.
Siguradong maghihiganti siya sa mga gumawa nito sa
kanya at sa kanyang minamahal na dalaga.
Kabanata 32: Ang Ibinunga ng mga Paskin
Lente/Teorya Pagsusuri
 Realismo  Makaraang ang ilang lingo, lumaganap ang balitang si
Juanito Pelaez, anak ni Don Timoteo ay ikakasal na kay
Paulita Gomez. Ang pag-ibig ni Paulita kay Isagani ay
naawala na dahil sa gawa ng paskin, at pagkakabilanggo
ni Isagani ay nakapagpabago ng kalooban ng dalaga.
Totoong nangyayari parin sa ating kasalukuyang panahon
na piliin ng ilan ang mayamang lalaking pakakasalan niya,
kahit na silay nakapangako na sa iba. Maraming tulad ni
Paulita sa ngayon ay hangad lamang ang kayaman, pera
at karangyaan, at hindi ang tunay nap ag-ibig at
pagmamahal para sa isang tao.
 Imahismo  Sa kabanatang ito, mas nanaig ang awa ko sa sinapit ni
Basilio dahil kahit na nakapagtapos siya ng pag-aaral ay
marami namang nawala sa kanyang buhay. Ang kanyang
Ina at kapatid ay maagang nawala sa kanya at ngayong
nakapagtapos siya ay nakakulong naman siya ngayon
kahit wala siyang kasalanang ginawa. Hindi niya man
lamang nakita si Kapitan Tiago na tumulong sa kanyang
pag-aaral noong namatay ito, nabalitan niya rin sa
kulungan na wala na ang taong pinakamamahal niya. Si
Isagani naman ay hanggang pangarap nalang ang
maikasal sila ni Paulita, sapagkat nasa ibang tao na ito at
mas pinili niya ang kayaman kaysa sap ag-ibig na
maibibigay ni Isagani sa kanya. Maayos na isinalaysay ng
manunulat ang damdaming nais niyang iparating sa
mambabasa at tiyak kong tulad ko ay makakaramdam ng
awa kay Basilio.
Kabanata 33: Ang Huling Matuwid
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang
kagustuhan ni Simoun na maghimaksik. Sa ginagawa
niyang balak ay naakikita kong maraming tao ang
masusugatan at mamamatay sapagkat maraming
kagamitang baril at pambasabog ang inipon ni Ibarra sa
pakikipaglaban laban sa masasamang tao.
 Moralistiko  Ang naging aral na tatatak sa akin sa kabanataang ito, ay
matuto tayong lumaban sa ating bayan at para sa ating
sarili, huwag nating hayaang magtagumpay ang
masasasamang tao at manatili pa ang kanilang gawaing
hindi mabuti para sa bayan.
Kabanata 34: Ang Kasal
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang nagil
kasal nila Juanito at Paulita, dahil nga sa mayaman ang
pamilya ni Juanito ay napakagandang kasal ang ginanap
sa kanilang dalawa. Pumasok din sa aking isipan ang
nangyari kay Isagani, sapagkat hindi man lamang siya
nagpakita sa kasal ng kanyang minapahal upang hindi
matuloy ito. Kaya’t masasabi kong pasok ito sa teoryang
Imahismo.
 Realismo  Totoo paring nangyayari sa totoong buhay na mas piliin na
lamang ang yamanan ng ibang tao kaysa sa pag-ibig ng
ibang taong maahirap lamang. Sapagkat mas gusto pa
nilang mabuhay ng maraangya at hindi maghirap kayat
ginagamit nila ang kanilang ganda para sa kayamanan ng
ibang tao lamang.
Kabanata 35: Ang Pista
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Pumasok sa aking isipan ang maaaring mangyari sa
naganap na pagsasalusalo ng mga bisita sa kasal nila
Juanito at Paulita, sapagkat kapag sumabog ang
lamparang inilagay ni Simoun sa loob ng bahay ay
maraming taong mamamatay at masusugatan at kasama
na doon ang babaeng minamahal ni Isagani.
 Romantisismo  Sa kabanatang ito, nang makita ni Basilio si Simoun na
inilagay ang lampara sa loob ng bahay ay agad niyang
nakita si Isagani at sinabing may pulbura ang lamparang
nasa loob ng bahay at kapag naubos ang mitsa nito ay
sasabog na. Kayat tinawag niya si Isagani para lumayo sa
lugar na iyon, Habang nagkakasiyahan ang mga tao ay
may isang aninong pumasok sa loob ng kasiyahang
naganap at umakyat sa loob ng bahay kinuha niya ang
lamparang maaring makapaminsala sa mga taong
naroroon. Kayat tumakbo siya sa asotea at itinapon ang
lampara sa ilog. Sa ginawa niyang iyon ay maraming tao
ang nailigtas niya. Kayat hindi natuloy ang binabalak ni
Simoun na mamatay ang mga taong nasa loob ng
kasiyahan.
Kabanata 36: Mga Kagipitan ni Ben-Zayb
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Pumasok sa aking isipan ang gulong nangyari sa bahay
liwaliwan sapagkat linusob sila ng mga prayle at mahigit
dalawang libong piso ang nakuha ng mga tulisan.
Pumasok sa aking isipan na ang mga tulisang nanloob sa
bahay liwaliwan ay pakana ni Simoun. Marahil ay gustong
gusto na ni Simoun na makaganti sa mga taong nang-api
sa kanyang pamilya at sa mga taong mahihirap na
kanilang pinahirapan, at sa taong minamahal niya kaya
siya nabubuhay pa ay alaala na lamang lahat. Kayat
ganoon na lamang ang pagpapasya niyang makaganti sa
mga ito.
 Realismo  Sa kabanatang ito, totoong nangyayari parin sa ating
kasalukuyang panahon na maghiganti tayo sa mga taong
nang-api sa atin sa nagpahirap sa ating bayan. Totoo
paring may mga taong may paninindigan sa buhay at
handang ialay ang kanyang sarili para sa kanyang bayan
at sa upang makamit ang kalayaan ng kanyang bansa.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay matuto tayong
huwag sumuko para sa kalayaan ng ating bayan at maging
metatag at matapang naating harapin ang mga pagsubok
na ibibigay sa atin.
Kabanata 37: Ang Hiwaga
Lente/Teorya Pagsusuri
 Romantisismo  Ang mga bulung-bulungan ay naging paksa sa usapan ng
bahay ng mga Orenda, pamilya ng mayamang mag-
aalahas na taga Sta. Cruz. Panauhin ng mag-anaak si
Isagana at pinag-uusapan nila ang nangyaring nagapat sa
bahay liwaliwan sinabi nilang kung hindi dumating sa salu-
salo ang magnanakaw ay marami ng namatay na tao sa
pagsabog ng lamparang inihandog ni Simoun. Sa
kabanatang ito, masasabi kong pasok ito sa teoryang
Romantisismo, sapagkat sa binabalak ni Simoun na
pasabugin ang bahay liwaliwan ay hindi naganap sapagkat
may isang taong kumuha ng lampara at itinapon sa ilog.
Kung hindi niya ito itatapon ay sasabog ang lampara at
maraming tao ang mamamatay.
 Moralistiko  Ang naging aral sa kabanatang ito, ay gumawa parin tayo
ng mabuting gawain sa ating kapwa kahit na hindi
maganda ang ginawa nila sa atin. Dapat parin
pakitunguhan sila ng mabubuting asal upang tayo ang
magsilbing halimbawa para sa kanila.
Kabanata 38: Ang Kasawian
Lente/Teorya Pagsusuri
 Imahismo  Si Kabesang Tales ang kinatatakutan sa Luzon. Biglaan
ang kanyang pagsalakay, sinunog niya ang isang gilingan
ng tubo sa Batanggas, nanira ng pananim, pinatay ang
mga hokum, nilooban niya ang isang bayan sa Cavite at
sinamsam ang ilang sandata sa Tribunal. Sa kabanatang
ito, pumasok sa aking isipan ang isang digmaang naganap
noon, napakaraming bahay ang napinsala at mga ari-
ariang nawala pati mga sugatang tao at nanghihingi ng
tulong ang pumasok sa aking isipan. Mabuti na lamang at
sa panahon natin ngayon ay hindi ko naabutan ang
digmaan sapagkat napakahirap mamuhay ng tulad noon.
 Moralistiko  Ang naging-aral na tumatak sa akin sa kabanatang ito ay
kung may mangyari mang kaguluhan ay mas mabuting
manatili na lamang tayo sa ating mga tahhanan aat huwag
ng lumabas pa upang hindi mapahamak.
Kabanata 39: Katapusan
Lente/Teorya Pagsusuri
 Sikolohikal  Sa huling kabanatang ito, makikita natin si Simoun na
duguan at puro sugat ang kanyang katawan dala ang
kanyang maleta. Nagtungo siya sa bahay ni Padre
Florentino upang humingi ng tulong at makapag pahinga
sa natamo niyang mga sugat. Nakatanggap naman agad
ng liham si Padre Florentino na galling sa Tinyente ng
guwardiya sibil at sinasabi sa sulat na pagsabihan niya ang
kanyang kaibigan upang hindi nila ito mahuli. Kayat alam
na ni Padre Florentino kung sino ang tinutukoy sa liham.
Nang ipatawag ni Simoun si Padre Florentino sinabi niyang
hindi na siya magtatagal kayat sinabi niya ang
katotohanang siya si Ibarra at nagbalik matapos ang 30
taon. At matapos niyang sabihin ang lahat ng gusto niyang
iparating kay Padre Florentino ay namatay na rin ito. Sa
kabanataang ito, maayos na isinalaysay ng manunulat ang
damdaming nais niyang ipaarating sa mga mambabasa.
Tiyak kong makakaramdam ng lungkot ang sino mang
makabasa ng huling kabanatang ito. Sapagkat hindi
nagawa ni Ibarra na makalaya sa kamay ng mga malulupit
na prayle ang kanyang bayan.
 Imahismo  Sa kabanatang ito, pumasok sa aking isipan kung papaano
nailigtas ni Simoun ang kanyang sarili gayong napakarami
niyang sugat sa katawan. At nang namatay na si Simoun
itinapon ni Padre Florentino ang maleta ni Simoun na
naglalaman ng maraming kayaman sa may dagat pasipiko,
naisip kong sana ay itinago na lamang ni Padre Florentino
iyon. at ibinahagi sa mga mahihirap na tao.
 Moralistiko  Ang naging-aral sa kabanatang ito, ay lagi parin tayong
gumawa ng kabutihan sa mundo, upang hindi natin ito
pagsisihan kapag tayoy nawala na sa ating mundong
kinalalagyan.

You might also like