Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sisidlan ng Pagbabago

Ang sanaysay ay hindi na lamang dapat tinitignan bilang isang sulatin na nagsasalaysay ng mga
pangyayari bagkus ito ay lunsaran ng talino at galing. Dagdag pa rito ay maituturing na ring sining ng
makabagong panahon. Ito ay hindi na lamang nakapako sa mga papel at ballpen, maaaring ang pagsulat nito ay
may tulong na rin ng teknolohiya sa pagpapalaganap ng kaalaman.

Ayon kay Alejandro Abadilla ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay. Ito rin ay isang sulatin na
nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa. Ang agham naman ay isang sistematikong pag-aaral gamit ang
sayantipikong pamamaraan upang tumuklas ng katotohanan sa likod ng mga teorya. Ang sanaysay ay maikakabit
sa agham dahil pareho itong sistematikong binabalangkas lalo na kung ito ay pormal na isinusulat. Ang sanaysay
at agham ay kapwa nagbibigay linaw at nagbubukas ng panibagong palaisipan.Ito ay maituturing din na simula
ng pagbabago hindi lamang sa siste ng pamahalaan kundi pati na rin sa iba’t-ibang antas. Sa simpleng paglikha
lamang nito maaaring magbukas ito ng panibagong pahina sa pagtuklas ng iba’t-ibang bagay dahil ang tao ay
puno ng mga ideya. Ang ideyang iyon ay maaaring solusyon sa mga problema na kasalukuyang kinahaharap ng
mundo. Ayon nga kay Jose B. Arrogante ang mga akdang pandalub-aral ay kabilang sa matatawag na sanaysay
gaya ng tesis,disetasyon,pamanahong papel at sulating pampahayagan. Kung gayon ang isa sa mga produkto ng
sanaysay ay ang tuklas na dahon (Terminalia catappa o Talisay leaves) na makakatulong sa mga isda sa pagpuksa
ng mga parasite, ito ay isang investigatory research ng mga mag-aaral ng Bohol Wisdom School of Tagbilaran
City. Mahihinuha rito na sa kanilang kritikal na pag-iisip ay nakalathala sila ng isang pag-aaral na makakatulong
sa bansa lalo na sa agrikultura.

Kahit ano mang porma ng pagsulat ay maituturing na sining, batay nga sa Markamoment.com “Writing is
the painting of voice”. Isa na riyan ang sanaysay dahil ito ay nagiging tulay ng galing at pagiging malikhain. Batay
sa Panitikang Filipino: Antolohiya ang pagsulat ng sanaysay ay kinakailangan ng masining na pag-aaral at
kasanayan ng sinumang susulat nito ngunit hindi lang dito nakapokus ang sanaysay sapagkat maraming uri at
paksa nito na magagamit upang hayagan maitanghal ang kagalingan sa pagsulat. Isa sa mga anyo nito ay
maaaring personal na sanaysay na malikhaing inilalarawan ang mga pananaw sa buhay na kapupulutan ng aral.
Maituturing na malikhain din ang isang sanaysay kung ito ay may kakayahang magpakilos ng isang mamayan, isa
sa magandang halimbawa rito ang pangmulat na sanaysay ni Andres Bonifacio na Ang Dapat Mabatid ng mga
Tagalog. Ang kaniyang likha ay nagsimula sa mga sinabing pangako ng mga dayuhan at ating kinahinatnan sa
kanilang mga pangako,tinapos niya sa pagbibigay ng isang realisasyon at ibinigay niya na sa mambabasa ang
kilos na dapat gawin upang makamtan ang minimithing kaginhawaan. Isa rin sa kakayahan ng sining mapukaw
nito ang damdamin at maipalabas ang ekspresyon ng isang tao.

Maging sanaysay man ay batis at daluyan din ng talino at sining kung kaya’t mainam na ito ay hindi
lamang tignan bilang pang-akademiko dahil sa simpleng pag-iisip lamang sa isang sulok ay maaaring makalikha
na ng isang sanaysay na magiging daan sa magandang pagbabago.
Sanggunian

Arrogante, J. A., Ayuyao, N. G., & Lacanlale, V. M. (2004). Panitikang Filipino: antolohiya. Mandaluyong City,
Philippines: National Book Store.

Belvez, P. M., & Dayo, B. O. (n.d.). Layag. Rex Bookstore Inc. doi: https://books.google.com.ph/books?
id=XF6XHZeWagYC&printsec=frontcover&output=html_text

Missadedoyin. (2014, October 21). Need inspiration to write? These 8 quotes will help you. Retrieved March 13,
2020, from https://adedoyinjaiyesimi.wordpress.com/2014/10/22/need-inspiration-to-write-these-8-quotes-
will-help-you/

The Manila Times. (2019, May 1). Tagbilaran students win best science project. Retrieved March 13, 2020, from
https://www.manilatimes.net/2019/05/02/campus-press/tagbilaran-students-win-best-science-project/548102/

You might also like