Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

 

Ang Alamat ng Pandemya


May Akda: ​Mga Guro sa Unang Baitang
​Maricel M. Marinay 
Bea Khristine E. Mediante  
Maria Antonette M. Labong 
Daisy C. Llavore 
Roscel B. Nacorda 
Genevive L. Aldea 
Zonabel Q. Aprinal 
Abigail Lelis C. Agpoon 
Glewil B. Dones
Table of Contents
Sa isang malawak na lupain ng China, matatagpuan ang isang maliit ngunit
misteryosong kumunidad na pinangalanan nilang Wuhan.

Batid ng karamihan na kakaiba ang kultura sa nasabing lugar ngunit pilit itong
itinatago ng mga mamamayan na naninirahan dito.

Sa hindi inaasahang pangyayari, biglang naisiwalat sa karamihan na ang mga


tao dito ay kumakain di-umano ng mga pagkaing hindi pangkaraniwan. Kumakain
daw sila ng paniki!
Kasunod ng balitang ito, ay ang mas nakakagimbal pang balita tungkol sa
misteryosong bayang ito. Ayon sa isang pahayagan ay mayroong isang
karamdamang pinaniwalaang lubos na nakakahawa at ito ay nagmula mismo sa
bayan ng Wuhan. Mula sa isang taong dinapuan ng sakit na ito, ay bigla umanong
tumaas ang bilang ng mga taong nahawaan mula sa lugar na ito.

Isang araw naging maingay, hindi lamang dito sa bayan ng Wuhan ngunit sa
buong mundo ang tungkol sa sakit na ito. Matinding takot, diskriminasyon at
ibat-ibang uri ng pangamba ang naramdaman ng mga tao sa buong mundo.
Dahil sa mabilis na pagkalat ng sakit na ito sa buong mundo tinawag na itong
“pandemya”. Habang pinag-aaralan ng mga doktor ang sakit na ito, ay pinag-utos
na ng gobyerno ang pansamantalang pagpapasara ng lahat ng mga istraktura
upang mapagilan ang paglabas ng mga tao.
Sandaling nagkaroon ng katahimikan ang mundo. Walang makikitang tao sa
labas. Sarado lahat ang mga paboritong pasyalan. Madalang ang mga sasakyan sa
kalsada. At tila sandaling naging payapa ang paligid.

Sa kabila ng katahimikang ito, nagsimula na ang maraming kalituhan sa mga


tao. Hindi na alam kung paano mabubuhay habang hinaharap itong pandemya.
Dumarami na ang bilang ng mga taong nahahawaan ng sakit na ito, marami na ang
mamatay. Marami ang nagugutom dahil kawalan ng pera pambili ng mga pagkain.
Ngunit sa kabila nito mayroong mga taong bukas parin ang puso para tumulong sa
mga nangangailangan.
Masusing pinag-aralan ng mga eksperto sa medisina ang sakit na ito na
kalaunan ay tinawag nila itong CoVid 19.
Nagpatuloy ang pagdami ng kaso sa mga nahawaan ng pandemyang ito,
ngunit hindi parin nawawalan ng pag-asa ang mga tao na bukas o sa makalawa ay
muli nilang masisilayan ang dating mundong siyang kinagisnan.

Maraming sa mga tao ang nagalit sa mga mamamayan ng Wuhan dahil


unang lumabas ang balita na ang sakit na ito ay nagmula raw sa mga paniki at ang
mga taga Wuhan lamang ang kumakain ng hayop na ito. Sinisi ng karamihan ang
mga taga Wuhan dahil sa pandemyang ito. Ngunit sa huli nanaig pa rin ang
pagkakaisa ng mga tao.
Dahil sa nangyaring ito lubos na napagtanto na walang hihigit pang mas
mahalagang materyal na bagay sa pamilya.

Sa ngayon, marami pa rin ang bilang ng mga taong nagkakasakit ngunit


nagsisimula ng bumabangon ang mundo. Unti-unti ng nagbubukas ang mga
malalaking establisyimento, nakakabalik na sa kani-kanilang mga trabaho ang
maraming empleyado.
Naroon pa rin ang takot at pangamba dahil hanggang ngayon ay wala
parin bakuna na pangontra sa CoVid-19. Ngunit higit na mas matimbang ang
pag-asa na nasa puso ng bawat isa at naniniwalang ang bawat bukas ay
isang bagong pag-asa.

Ngayon ang mga mamayan ng Wuhan at ng buong mundo ay


nagsisimula na sa bagong paraan ng pamumuhay ng may halong takot at
saya ngunit puno pa rin ng pag-asa at paniniwalang isang araw itong si
Pandemya ay isa nalang alaala

You might also like