Alageno

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Alageno, Carlo Venci V.

BS Chemical Engineering

In a Nutshell

Para sa iyo, (Ano ang iyong masasabi kung ang isang bansa ay walang talang
panitikan?)

-Napakalaking impluwensiya ng panitikan sa ating pamumuhay, damdamin,


kaisipan, ugali ng tao at kultura ng lahi. Ito rin ang isang paraan na nagkakalapit ang
damdamin ng mga tao sa sanlibutan. Ang panitikan ay nagtataglay ng mga ulat ukol
sa mga naganap sa isang lahi at mga naisip na dakila at marangal ng lahing tao. Sa
anomang kaparaanan, an gating binabasa ay nagbibigay ng iba’t-ibang
impormasyon na magbubunga ng kaunlarang pansarili o panlipunan.,Ang panitikan
rin ang nagsisilbing gabay upang tayo ay mahubong na maging isang taong may
damdaming marangal, makatao at kahali-halina.Namumulat rin natin ang kating
kamalayan at sensibilidad at matatamo ang magandang saloobin at pagpapahalaga
sa kagalingang hated ng panitikan.

Ano ang ambag ng panitikan sa pagpapanatili sa kultura, tradisyon at


paniniwala ng isang lahi?

- Tumutulong ang panitikan sa pag-unlad ng buong pagkatao ng isang


nilalang dahil lumalawak ang kanyang kamalayan at pagpapahalaga sa sarili, sa
kapwa, sa lipunan, at sa mundong kanyang ginagalawan. Humihikayat ng malalim na
pag-iisip ang panitikan dahil sa katangi-tangi nitong anyo ng karunungang may
mataas na antas ng kaisipan, saloobin o damdamin, at pananalita na matatagpuan
sa mga tekstong pampanitikan gaya ng mga sinaunang anyo ng kuwento (mito,
alamat salaysayin, at pabula), tula, dula, maikling kuwento, nobela, sanaysay,
talumpati, at anekdota sa piling lathalain man-sa pasalita o pasulat na kaanyuan.
Napapanatili ng panitikan ang kultura,tradisyon at paniniwala na isang tao sa
pamamagitan ng mga libro, alamat at iba pang anyo ng kasulatan at kwento na kung
saan ang kultura na ating ninuno ay napanatili at ginagamit pa rin natin hanggang
ngayon.

You might also like