Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kaligirang Pangkasaysayan ng Awit

Patula at tuluyan – dalawang pangkalahatang anyo ng panitikan.


Patula –binubuo ng mga piling kaisipang malimit ma ipinapahayag sa pamamagitan ng mga salitang pinagtugma-tugma at
pinagsama-sama sa mga taludtod sa loob ng isang saknong. Kapag ang akdang patula ay walang sinunod na alituntunin sa sukat at
tugma, ito ay tinatawag na malayang taludturan o free verse.
Halimbawa ng akdang patula: korido, liriko (awit, kundiman, at iba pa), tulang pasalaysay, sonete, tulang padula, oda at
elehiya.
Tuluyan – anyo ng panitikan na gumagamit ng apat na genre ng wika – paglalahad, pagsasalaysay, pangangatwiran, at paglalarawan.
Halimbawa ng mga akdang tuluyan: anekdota, balita, kuwento, alamat, ulat, talambuhay, sanaysay, nobela at iba pa.
Ang awit bilang Tulang Romansa
Ang awit, tulad ng Florante at Laura ay isang mahabang tulang pasalaysay o metric romance tungkol sa pakikipagsapalaran,
pakikipag-ibigan, at kabayanihan ng mga hari, prinsepe at reyna. Ang awit ay may sukat na lalabindalawahing pantig sa bawat
taludtod. Ito ay inaawit sa himig na mabagal o andante. Sa dalawang anyo ng tulang romansa, ang awit at korido ang itinuturing na
pinakapopular.
Social Networking
Facebook, Twitter, Instagram, Viber, Skype at Tumblr, ilan lamang ito sa mga kinagigiliwan ng kabataan sa kasalukuyan. Ito ang
makabagong paraan ng pakikipag-ugnayan sa kapuwa gamit ang Internet o ang tinatawag na social networking. Sa Facebok malayang
masasabi ng isang tao ang kaniyang damdamin at saloobin tungkol sa anumang bagay, maging ito ay OOTD (outfit of the day) o OUFT
(our ulam for tonight) TBH o to be honest at friend zone.
Ang mga kutura ng Pilipino ay nagpasalin-salin sa sumusunod na henerasyon sa pamamagitan ng pasalita o tinatawag na oral tradition.
Narito ang ilang akronim o ekspresyong ginagamit ng kabataan sa Internet:
K – Ok LMAO – Laughing my ass off
SOTD – shoes of the day Edi wow – ikaw na
QOTD - quote of the day Hokage – pasimpleng dumidiskarte
YOLO – you only live once NVM - nevermind
ATM – at the moment BTW – by the way
# - hashtag IDK – I don’t know
OOTN –outfit of the night FYI – for your information
OOTD – outfit of the day Pabebe – maarte o nag-iinarte
TBH – to be honest OTW – on the way
SML – so much love Charot/Char – joke
SMF – so much fun Friend zone – nabasted
TBT – throwback Thursday GGSS – gandang-ganda sa sarili o guwapong-guwapo sa sarili
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
Florante at Laura -ay isa sa mga obra ng panitikang Pilipino. Ito ay isang awit, isang tradisyonal na tula, mabagal, at pasalaysay. Ito ay
may lalabindalawahing pantig.
- bilang isang awit ay binubuo ng 399 na saknong na may 372 na tayutay. Tinatalakay nito ang pakikipagsapalaran,
kabayanihan at pagmamahal sa kapuwa at sa bayan ng mga tauhan.
- isinulat ni Francisco Balagtas na mas kilala sa palayaw na Kiko, para kay Maria Asuncion Rivera na tinaguriang
Celia o M.A.R. Francisco Balagtas Y dela Cruz ang tunay na pangalan ni Francisco Baltazar. Inaakala ng marami na ang apelyidong
“Baltazar” ay alyas lamang niya ngunit ang totoo, ito ay apelyido niya. Ginamit niya ito noong taong 1849 nang magpalabas si
Gobernador Heneral Narciso Claveria Y Zaldua ng kautusang nagtatakda sa mga katutubong Pilipino na gumamit ng apelyidong
sunod sa wikang Kastila, at “Baltazar” ang kaniyang ginamit. Si Kiko ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan.
Taong 1835 nang lumupat siya sa Pandacan, Maynila at dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. na una niyang minahal ngunit
ang pag-ibig na ito rin ang naging sanhi ng kaniyang pagkakahulog . . . nagkaroon siya ng isangmayamang karibal sa pagmamahal kay
Maria Asuncion Rivera, si Mariano Capule. Ginamit ni Capule ang kanyang kayamanan upang pagbintangan si Kiko at makulong. Sa
loob ng kulungan ay sinulat niya ang Florante at Laura. Noong ika-22 ng Hulyo 1842 ay pinakasalan niya si Juana Tiambeng na taga
Otion, Bataan. Nagkaroon sila ng labing-isang anak ngunit apat lamang ang nakaabot ng kabataan nito. Muli siyang ikinulong nang
pagbintangang pinutol niya ang buhok ng kasambahay ng mayamang si Alferes Lucas. Pinaniniwalaang kahit siya ay nasa bilangguan
ay ipinagpatuloy pa rin ang kaniyang pagsusulat. Taong 1860 nang siya ay makalabas sa bilangguan.
Mga tauhan sa Florante at Laura
Florante - tauhang gumanap bilang Balagtas sa awit na Florante at Laura.
Laura – ang prinsesa ng kahariang Albanya na anak ni Haring Linceo. Tapat ang pag-ibig kay Florante subalit biktima ng pagtataksil ni
Konde Adolfo.
Konde Adolfo – Isang palamarang anak ng mabunying Duke Silano. Karibal ni Florante sa pagmamahal kay Laura. Nagpanggap na
mabait at mahinahon sa panahon ng pag-aaral sa Atenas subalit dahil sa inggit at panibugso kay Florante ay lumantad din ang
pagbabalatkayo. Nagdulot ng kapghatian sa puso nina Florante at Laura at nagpadilim ng buong kahariang Albanya.
Aladin –isang gererong Muslim na sunod-sunuran sa amang Sultan ng Persia na si Ali-Adab. Kasintahan niya ang magandang si
Flerida na naging sanhi ng kasawian ng kanyang puso. Ang nagligtas kay Florante. Nagmula sa Albania.
Haring Linceo – ang dakila at makatarungang hari ng kahariang Albanya. Ama ni Laura.
Duke Briseo – dakilang ama ni Florante.
Prinsesa Floresca –butihing ina ni Florante na nagmula sa kahariang Crotona.
Menandro – tapat at matalik na kaibigan ni Florante.
Antenor – ang kaibigan at magiliw na guro ni Florante sa Atenas
Sultan Ali-Adab – mabangis na ama ni Aladin na sultan ng Persia, ang nag-utos na papugutan ng ulo si Aladin.

You might also like